Ang saya-saya ko nang makita ko si Danreve na kausap ni Sir Onse. Agad nga akong napangiti. Nabuhay ang pag-asa ko. Pakikinggan na niya ang paliwanag ko at magkakaayos na kami dahil kasama ko na ang mga kaibigan ko na may alam sa totoong nangyari sa hotel. “Of course, you will defend her. Gusto mo nga siya, hindi ba? Ito na nga ang hinihintay mo. Wala na kami. So, grab your chance to be with her, bago ka naman maunahan ni Reynan!” Kaya lang, para naman akong na istatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ang masakit na salitang binitawan niya. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Hindi na ako makagalaw. Tanging ang mga luha ko lang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata. Ang sakit-sakit ng bitiwan niyang salita na parang nagpaparalisa sa buong sistema ko. “Bro, sinasabi mo lang ‘yan kasi

