“Sumagot ka, Reynan! Plano mo ba ang lahat ng ‘to, ha?" Bahagya kong sinuntok ang dibdib niya, kasabay ng muling tanong ko sa kanya. At kung kanina ay ayaw niya paawat sa mga sinasabi niya, ngayon ay hindi na siya nagsasalita. Parang nahimasmasan sa tanong ko na halatang hindi niya inaasahan. "Sumagot ka, Reynan, please!” Pasikmat kong pakiusap sa kanya, at ngayon ay kinuyumos ko na ang polo niya. “Besty, awat na…Kuya umalis na nga lang! Lumayo ka muna." Hindi na alam ni Daisy kong sino sa amin ang kakausapin niya. Hinila na lang niya ako palayo kay Reynan. “Hindi, Daisy…Ayoko!” Nagmatigas ako, pero dahil nanghihina na nga ako, nagawa pa rin akong hilahin ni Daisy palayo sa kuya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ang tanong ko. Umiiwas na rin siya na magtama ang paningin n

