((Danreve)) “Danreve…” Sandali akong nahinto sa paglalakad nang makita ko si Charmaine sa tabi ng kotse ko. May ngiti sa labi, ngunit maluha-luha naman ang nagmamakaawang mga mata habang nakatingin sa akin. Gaya ng lagi kong ginagawa. I ignored her. I pretended na hindi ako affected na makita siya. She’s been doing this every day; hindi siya napapagod na hintayin ako rito sa parking area ng condo kung saan ako umuuwi ngayon. Isang linggo na ang lumipas no’ng huling encounter namin kasama ang mga kaibigan niya sa parking lot ng bar, at mula noon, iniiwasan ko na siya—silang lahat. Maging si Onse na ilang beses nagtangkang magpaliwanag ay iniwasan ko. Napagod na nga yata ‘yon. Sumuko na nakausapin ako. Si Charmaine na lang talaga ang nagtiya-tiyaga at nagtitiis na abangan ako araw-ar

