“Mommy,” sabi ng asawa ko, matapos ang sandaling pagkagulat, pero nanatili namang umakbay sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa biglang pagbisita niya? Simula no’ng tumira ako rito sa villa, ngayon lang nangyaring dumalaw si Mommy. Maging si Lolo Clam ay hindi rin kami binibisita rito. Anong mayro’n at biglang napasugod ang Mommy nitong asawa ko na imbes bumitiw sa sa akin, mas niyapos pa ako na parang gusto akong protekhan sa Mommy niya. Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ni Mommy. Alam ko, nagulat din siya sa inaakto nitong Anak niya. Nasobrahan sa ka-sweet-an kasi. Oo, at madalas nga kaming maglambingan sa harap ng mga kasambahay na puro mata ni Lolo Clam, pero hindi umabot sa puntong, nagyayakapan, at parang hindi na mapaghiwalay. “Magandang umaga po, Mommy,” pabulo

