((Charmaine)) Sandali akong hindi nakakilos. Bakit kasi kailangan ko pang marinig ang usapan nila? Sana pala ay hinayaan ko na lang si Manang Goding na tumawag sa kanila. Tuloy, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto kung magkunwaring walang narinig. Gusto kong kumilos ng normal, pero hindi ko magawa. Parang naparalisa ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Mommy. Trabaho ko ang magpanggap, pero ngayon, hindi ko na magawa. Ang hirap gawin dahil totoong nasasaktan ako. Sinubukan kong magsalita, pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Ang bigat-bigat kasi ng nararamdaman ko, sa puntong pati paghinga ko ay bumigat din. Hindi lang pala mabigat; ang sakit-sakit. Parang kinuyumos ang puso ko na nagpapahirap sa paghinga ko. Ganito pala kasa

