((Danreve)) Tahimik kong pinagmamasdan ang asawa kong mahimbing na natutulog, habang hawak-hawak ang laptop ko. Nagawa ko na siyang pasayahin kanina. Ginawa ko lahat, makalimutan niya lang ang problema niya kahit sandali lang. Pero ngayon, habang tulog siya, bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya. Maging ako ay nalulungkot rin sa rebelasyon ni Nanay, tungkol sa pagkatao niya. At gusto ko siyang tulungan. Gusto kong mahanap ang totoo niyang mga magulang. Pero hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula. Kaunti lang kasi ang alam kong impormasyon tungkol sa kanya. “My heart, anong ginagawa mo?” Bigla akong napalingon nang marinig ang antok na boses ng asawa ko. Abala na naman kasi ako sa laptop ko. “Do you need anything, my star?” tanong ko, sabay ang pagsarado sa laptop, at inil

