((Charmaine)) “Good morning, my star. I love you.” Basa ko sa note na iniwan ng asawa ko sa ibabaw ng unan, kasama ang pulang rosas. Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko habang inamoy-amoy ang rosas na bigay niya, habang nakatingin pa rin sa note na tadtad ng heart at wink emoji. “Ang sweet naman talaga ni tandang si Danreve. Ang swerte-swerte ko talaga sa kanya.” Matapos ang masinsinang usapan namin kagabi. Ngayon ay panatag na naman ang kalooban ko. Nawala na naman ang takot at pangamba ko na bumalik dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Ayaw ko naman talagang makaramdam ng gano’n, pero hindi ko maawat ang sarili. Takot akong maiwan mag-isa. Takot akong magkaroon kami ng problema ng asawa ko, at takot akong mawalan ng minamahal. May malaki na nga kasing question mark sa b

