Introduction: Smiles and Hate
시흥시
City of Siheung
Autumn, 2009
When I was seven years old, I always dreamed of something ideal... but could be true, somehow. You know that scene in Sweet Home Alabama where young Melanie asked young Jake why he wanted to marry her and he answered so that he could kiss her anytime he wanted... I thought that was kinda cute. Not until I have to stand in front of this gate, holding a box of orange on my hands.
Lee Family. Ito ang nakaukit sa brick part ng gate. Hindi ko alam kung paano ko tatawagin ang nakatira dito dahil nahihiya ako. Alas otso pa lamang ng umaga. Si mama naman kasi eh!
"Tita? Tita Sora? Tao po!" Ilang ulit ako nagtawag. Pilit akong sumisilip sa loob ng kanilang pamamahay.
Wala namang sumagot sa akin pero may naririnig akong ingay.
Sana tulog pa siya. Sana tulog pa siya! Sana si Tita Sora o si Ate Jimin ang lumabas at kumausap sa akin.
Halos mayupit ang box na hawak ko sa sobrang kaba.
"Tao po? Yoohoo~" For the last time, I called. Ayaw na ayaw ko pa man din nang pinaghihintay ako.
"Oo na, palabas na." I heard a familiar sleepy and grumpy voice inside, getting closer to my direction.
Oh no. Sinasabi ko na nga ba.
Akmang tatalikod na ako nang marinig ko siyang humikab. "Ang aga mo naman mag-ingay." Kamot ulo niyang bati sa akin.
I can't speak. I didn't expect to see him this early. Buong akala ko kasi ay si Tita Sora ang mag-eentertain sa akin.
Mukhang kakagising niya pa lamang. May bakat pa ng unan sa mukha eh. He's wearing a faded navy blue shirt na lukot lukot. Sobrang g**o din ng makapal niyang buhok. Pero yung ngiti niya nang-aasar na agad. I can't believe it. So this is what he looks like every morning... this is what I'll be seeing everyday one day.
"Natulala ka na diyan." Inilapit pa niya ang mukha sa akin kaya naman kitang-kita ko ang mga nunal niya sa pisngi.
"Ano kasi... uhm, pinabibigay ni Mama kay Tita. Happy Thanksgiving daw." Tumango lang siya sa akin at kinuha sa aking kamay ang box.
"Gusto mo ba tumuloy?" Alok niya sa akin. I don't think I can sit still knowing he's around.
Tumanggi ako. "Uhm... andiyan ba si Tita?"
"Oo, nagtatanim sa likod. Ako pa nga ang inutusan para labasin ka eh."
Talagang pinlano ito nila Mama at Tita. Kaming dalawa na naman ang napagtripan.
"Uhm, Sohee?" I called on his name.
"Oh?"
"Pinapadaan ka pala ni Mama sa bahay mamaya. May lakad ka ba?" I hate to ask him for favors. We're not really friends, our mothers are. They just want us to be more than anything.
If it's a normal day, he'll stay in their home. But it's Chuseok, malamang ay kasama niya mamaya sila Wonbin.
"Na naman? Ano na naman kaya ang sasabihin ni Tita?" Tanggal ang antok niya sa sinabi ko. Napasabunot siya sa buhok niya.
"The usual, sabihin mo lang na we're good and getting there."
That's all my mother wants to hear, anyway. Gusto niyang maging mas malapit kami ni Sohee sa isa't-isa... dahil darating ang isang araw na ikakasal kami. Iyon ang napagkasunduan ng mga pamilya namin.
We're the same age, same neighborhood, same school, same section. I know his family and friends. I still don't understand why it's so hard for me to be casual around him. He always tease me, but he's like that to everyone. I don't know if he's just being nice to me or I am special to him.
Ang hirap mong tantyahin, Lee Sohee!
"Getting there? Haha hindi 'yon maniniwala."
Tss, bahala ka mag-isip ng script mo.
"Ikaw na gumawa ng paraan. Kasalanan mo 'to."
"Woah! Paanong naging kasalanan ko?"
Kasalanan mo talaga! Sana masama na lang ugali mo para magdalawang-isip sila Mama na ipakasal ako sa katulad mo! Pero hindi eh! Ayan, patawa-tawa ka lang! Naiinis ako, Lee Sohee!
"Alam ko na, sumama ka na lang sa amin." Mahinahon niyang sabi na parang wala lang 'yon sa kaniya.
"WHAT?"
"Dadaan muna tayo kila Wonbin hyung tapos diretso gala na tayo."
"Wait, that's not fair. Hindi ko—"
"Susunduin kita ng 6 pm. Magsuot ka ng maganda."
It didn't sound right... seemed serious to me.
"Iyon na ba talaga ang pinakamagandang paraan na naisip mo?"
"Huwag ka mag-alala, hindi lang naman tayong dalawa eh, marami tayo."
Sumimangot ako. "Ano ba ang gusto mo? Tayo lang dalawa? Pwede rin naman." Hinampas ko siya at nginisihan niya lang ako.
"Aalis na ako. Sabihin mo kay Tita na dumaan ako dito ha."
"Oo na."
"Sabihin mo kay Tita na napilitan ako dumaan dito dahil kay Mama." Pag-uulit ko.
"Oo na, kulit mo." Hinila niya ang braids ko na lalong nagpasimangot sa akin. Nang makita niya ang mukha ko ay ngumiti lang siya at inayos ang aking buhok sa magkabila kong balikat.
"Basta mamaya ha, sumama ka na lang sa akin." It was almost fine and I was about to step back when he touched my cheeks. Sinong nagsabing pwede niyang gawin 'yon sa akin? At bakit wala lamang 'yon sa kaniya?
"Tss, aalis na ako."
"Suplada."
I ran away without looking awkward because for sure nanunood siya sa akin at patawa-tawa na naman.
That's the reason why I don't like him. He smiles at me... and make fun of me. He gets along with girls so good kaya naiisip ko na sanay na siya. I don't wanna get married to someone who doesn't like me in the first place. I don't wanna get married because our parents told us to. After all, he's just being nice to me.
I came home and helped preparing. Tuwing may okasyon lang naman ganito ka-busy sa bahay. Mas pabor sa akin na may pasok dahil nababawasan ang oras ko sa bahay. Maintriga kasi si Mama. Hindi naman kami nagkakausap ni Sohee sa school, so that's good, maliban na lamang kapag si Tita Sora na ang nagsabi sa kaniya na ihatid ako.
"Well, naibigay mo ba yung prutas?"
"Opo, kay Sohee. May gawa kasi si Tita Sora."
"Mabuti naman kung gayon."
"Sinabi ko na rin po na pumunta siya dito."
"Yes, may dapat lang kaming pag-usapan." Nginitian ako ni Mama. I don't want them to talk. Talk is unnecessary. Baka kung saan saan pa mapunta ang usapan.
"Pero may lakad pala kaming dalawa." Nag-aalangan kong sagot na nagpatwinkle ng mga mata niya. Tama si Sohee. Kapag nalaman ng magulang namin na magkasama kaming dalawa ay abot langit ang ligaya.
"Ganun ba? Oh siya, ako na ang bahala dito sa kusina, 'nak. Umakyat ka na sa kwarto at mag-abyad ha."
Sobrang aga pa kaya. Hindi pa nga nagtatanghalian ih. "Mamaya pa pong 6 pm, Ma."
Wala na akong nagawa nang itulak niya ako sa hagdan paakyat. I can't believe it! Ibinebenta ako ng sarili kong ina sa lalaking 'yon!
Ano bang nakita nila kay Lee Sohee? Paano nila ako nakakayanang ipamigay? I know he's cute and he has a nice voice... pero palagi siyang nakangiti and that annoys me! He always wear a cap kaya naman nagmumukha lalo siyang boy next door.
Hindi ko alam kung paano kami makakatakas sa kagustuhan ng mga magulang namin. He doesn't even know me... or like me. I'm eighteen and I dream of being married but it's no longer a surprise dahil kakilala ko na ang lalaking makakasama ko. Lee Sohee. Tsk, mas gusto niya pa sigurong kumanta kesa makita ako.
Buong araw ay iyon lamang ang iniisip ko. Nasayang ang aking oras sa kakaisip kung ano ang mga posibleng mangyari kapag naikasal na ako.
It's now 5:30 and I'm just getting ready. He said he'll be here at 6 pm. Kagaya ng utos niya ay nagbihis ako ng maganda. Hindi ako nagpapa-impress sa kaniya. I just like making myself pretty.
Kanina pa ako nakatingin sa harap ng salamin. I have my hair braided with blue bows on it. It's a little chilly outside but I don't mind, I'm still going for this blouse because it matches my plaid skirt.
"Anak! Andito na si Sohee! Bumilis ka na diyan!" Rinig kong hiyaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
Ano? Hindi pa nga ako tapos mag-ayos ng sarili eh. Ang aga niya naman pala. Well, effort is a good sign.
Kanina pa ako nakaharap sa salamin, iniisip kung dapat ko bang palitan ang aking blouse. I don't wanna catch a cold but I don't wanna ruin my style. May lace pa man din ang collar ng blouse ko na ito.
"Magpalit ka, malamig sa labas." He entered my bedroom without even knocking. Malamang ay pinayagan na siya ni Mama.
I have a boy in my room. I have a boy in my room! It's weird. Okay, don't panic.
"Why are you here? Hindi pa ako tapos oh."
"Ang kupad mo, kanina ka pa daw nag-aayos sabi ni Tita."
Sinimangutan ko lang siya, at siya naman ay nginisihan lang ako. Naupo siya sa aking kama na para bang siya ang may-ari nito. Pati mga plushie ko ay pinakialaman niya pa.
Huminga ako ng malalim. I need to put on my lip gloss... but he's looking, I can't.
"Pumikit ka, dali!'
"Ano na naman ang gagawin mo?"
"This is my room kaya sundin mo ako."
"Bakit ba? Masanay ka na nga sa akin."
"Basta!" Lumapit ako sa kaniya at tinakpan ng unan ang mukha niya.
"Kapag dumilat ka, sisigaw ako." Pagbabanta ko sa kaniya kaya naman lalo siyang natawa.
Naupo ako sa gilid ng kama, nakatalikod sa kaniya at ginawa na ang aking final touch, ang aking lip gloss. Maingat ko itong dinampi sa aking labi.
"All done." Inalis ko na yung nakaharang na unan sa mukha niya.
Nagtataka naman siya, sinusuri ang aking mukha. "Lip gloss? Dahil lang diyan hindi mo ako pinahinga?"
"Huwag mo akong simulan, Lee Sohee."
"Burahin ko 'yang lip gloss mo eh."
"Aba gago ka pala eh. Sige, subukan mo lang. Isusumbo–"Natigil ako sa panenermon nang ilapit niya ang mukha sa akin.
"Buburahin ko talaga 'yan, tamo ka." Nakatingin siya sa aking labi. Gosh, he looks serious.
Napapikit ako sa sobrang intense niya. Kumapit ako sa sleeves ng kaniyang asul na polo... hinihintay ang kasunod niyang ikikilos. Is he going to kiss me? Hindi ako handa! But why?! Does he like me?
"Tara na nga lang." Minulat ko ang aking mata nang tumayo na siya sa kama.
Argh! I hate myself! Bakit ko ba inisip na hahalikan niya ako?
I was silent when we went down. Nang makapagpaalam kami sa sobrang saya kong Mama ay humiwalay ako sa kaniyang hawak.
I hope he's not good at reading girl codes.
I am not disappointed because he didn't kiss me. I was embarrassed because I anticipated for it.
"Sakay." Utos niya at tinuro ang mountain bike.
"You didn't tell me we're riding a bike."
Hindi niya ako sinagot. Napilitan akong umangkas at humawak sa kaniya.
"Suotin mo muna 'to, mahamog." Binigay niya sa akin ang kaniyang cap. I wanted to refuse dahil hindi ito bagay sa suot kong super girly.
Hindi ko siya kinibo— hindi ako kumikibo buong byahe.
"Akala ko ba dadaan muna tayo kila Wonbin?"
"Sumabay sa kaniya si Taro hyung kaya pinauna na tayo."
Tama ba ang pagkakarinig ko? Does that mean we're alone? Again? At saan ba kasi kami pupunta? Nangangalay na ang binti ko.
Tiniis ko ang fifteen-minute bicycle ride sa dilim kasama ang lalaking iniwasan ko ng buong buhay ko.
월것
Wolgot
Nakarating kami sa Wolgot, ang daungan ng mga barko dito sa Siheung. Maraming tao dahil sa mga rides at may mga nag-aabang din ng fireworks display. May mga stall ng pagkain at mga cute na souvenirs.
Habang hinihintay ko si Sohee na ikandado ang bisikleta sa parking ay pinagmamasdan ko ang kinang ng mga ilaw sa dagat. Maganda nga pala talaga dito, hindi na rin nakakapagtaka na dito tumatambay ang mga kabataan ng ganitong oras.
"Tara na." He wanted me to be the first one to walk but I don't know where to go. Pangiti-ngiti lang siya dahil sa reaction ko.
"Ayun sila Seunghan!" Tinuro niya ang barkada niya na mga nakaupo sa railings ng boardwalk.
I know them and I am sure they know me too. 'Yung blonde na sa malayo pa lang ay kumakaway na ay si Shotaro, exchange student siya galing Japan. 'Yung matangkad na may dalang skateboard ay si Sungchan. Si Eunseok naman ay nakashades pa na nakadisplay lang sa ulo niya. Si Wonbin naman 'yung long hair na mukhang masungit. Si Seunghan naman ay kaklase namin 'yan, mukhang amoy fresh from laundromat. At ang pinakabata sa kanilang lahat ay si Anton na may headphone na halos hindi umiimik. At syempre, si Sohee na asungot ng buhay ko. Bago pa kami tuluyang makalapit sa kanila ay ibinalik ko na sa kaniya ang cap niya. Now that they're all together, mabuti pa sigurong humiwalay na muna ako. Ano naman ang gagawin ko sa lakad ng mga lalaki?
"Hep, 'wag ka na magpakilala. Kilala ka na namin." Hinarang ako ni Sungchan.
"Huwag mo nga takutin, hyung." Saway ni Sohee.
"Mukhang hinay hinay muna tayo sa gimmick ngayon ah, kasama pala si Miso eh." Bati ni Seunghan.
"Tanga, ayos na rin may kasamang babae para iwas huli." Sabat naman ni Eunseok.
Huli? Ano bang pinaggagawa nila?
"Sa rink muna tayo. Doon pinakang safe." Excited na sabi ni Shotaro.
Rink? So, marunong sila magskateboard? Akala ko design lang nila 'yon as cool kids.
"Hanggang 9 lang tayo pwede mga utoy, Chuseok ngayon baka nakakalimutan niyo." Paalala ni Sungchan.
"Tas bukas naman may mga hangover." Sagot naman ni Wonbin.
"Teka, alam ba naman ni Yoora na nandito ka at hindi mo siya sinama?" Biglang tanong ni Eunseok kay Sohee.
Nagpanting ang aking tenga sa narinig. Yoora? Sino naman kaya 'yon? Pati mga kaibigan niya ay hindi mapigilan na lingunin ang kinatatayuan ko para tingnan ang aking naging reaksyon. Mahirap magpanggap na ignorante. Kating kati na ako magtanong.
I saw Sohee looking at my direction, inaalam niya kung may narinig ba ako. Pasimple niyang tinulak si Eunseok, tinawanan lamang siya nito. Malakas talaga ang tama nito ni Eunseok kahit kailan.
I know we're not close and I don't expect him to tell me stories about his personal life... but I was assured that he's not hiding anything from me. Of course, we're both promised to marry but that doesn't mean he only has his eyes on me.
Now, I can't even look at him. He looks so happy with his friends. I hate that he's playful and comfortable to everyone, including me, and that anyone could fall for him. Bakit andami kong nasasabi sa kaniya? But him, he's not even bothered with my presence.
Kinulbit ko siya. "Pupunta lang ako doon." I think I need a walk. Dahil lamang sa pangalan ng babae ay anlayo na ng narating ng isipan ko.
"Samahan na kita."
"No. Ayaw ko. Kaya ko na."
"Baka mawala ka eh." Pang-aasar nito. Ayan. Diyan ka magaling.
I don't like crowded places but this time I need to go on my own. Habang nagkukwentuhan at nag-iingay sila ay tumakas na ako.
Sana hindi niya nahalata na naiinis ako. Si Eunseok kasi may pag tanong pa! Sa harap ko pa talaga? Hindi ako nagseselos. I'm just shocked, that's all.
I'm relieving my stress while looking at the shops. Nakatingin lang ako sa mga paninda na animal headbands, plushie, lucky charms, at mga couple items na tinanggihan ko lang sa mga tindera.
Iniisip ko kung bibili ba ako para kay Sohee. Baka naman kasi isipin niya na makasarili ako. Pinili ko yung black beanie, dahil mahilig siya magsuot nito, though, hindi ko alam kung paano ko ito maibibigay sa kaniya. Ah basta! Ang mahalaga ay binilihan ko siya. Ducky headband naman ang napili ko para sa aking sarili.
Tapos na ako bumili. Ano na naman kaya ang kasunod kong gagawin? Mas mabuti pa sigurong huwag na akong bumalik sa kanila. Magcocommute na lang ako, the only problem is that the streets are unfamiliar to me at hindi ko alam kung saan ang sakayan dito.
I'm sure Sohee won't mind if I go home without telling him. At isa pa baka uncomfortable sila kapag may kasama silang babae.
I looked at their direction and when I was sure Sohee wasn't checking on mine, I finally walked away. He doesn't need my presence, anyway. He wasn't planning to bring me here in the first place. Kung hindi lamang siya natakot kay Mama ay hindi niya maiisipan na isama ako.
"Saan ka pupunta? Tatakasan mo ba ako?"
I got frozen when I heard his voice. Agad akong napalingon sa kaniya. Paano niya nalaman?
"I'm going home."
"Bakit? Wala pa nga tayong nagagawa eh."
"Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko dito kasama ka eh! Magpapakababae na lang ako sa bahay."
I don't get it why I am so upset right now.
Nakatingin lang siya sa akin, hinihintay akong kumalma. "Tara na nga lang." Hinila niya ako papunta sa ticket booth ng ferris wheel.
"Ayaw ko sumakay!" Ayaw ko sumakay dahil kasama kita. Nakakahiya dahil para akong batang pilit kumakawala sa hawak niya.
"Dali na. Sayang ang porma mo." Mas lalo akong naasar sa sinabi niya.
"Eh hahanapin ka ng mga kaibigan mo."
"Alam naman nila."
"Eh baka may gagawin pa kayo."
Tinatawanan niya lang ako sa mga pag-aalala ko. Baka kasi napipilitan lamang siya. At isa pa, ayaw ko ng awkward silence sa ride.
He's not the person na inasahan kong makakasama sa ganitong sweet ride. Wala kami sa drama. But this is the dreammm.
After tumigil ng ferris ay kami na ang kasunod na sasakay. I keep on glancing at him while we're on the line. Nakapamulsa lamang siya at nililibot ng tingin ang view.
"Sohee... can I ask you something?" My tone was soft and curious. Tumingin naman siya sa akin at tumaas ang kilay.
"Oh?"
"Huwag mo akong tawanan, ha?" Inunahan ko na siya dahil alam kong hindi niya ako seseryosohin.
"Oo. Ano ba kasi 'yon?"
"Promise? Seryoso ito."
"Oo nga." He smiled at me, looking deeply into my eyes. He knows when to get serious.
"Are you dating someone?" I just need to know the truth. I don't want him to feel forced to be with me.
Ngumisi siya at tumawa, "Bakit mo naman natanong?"
"Because you're... well, you're..." Cute ngumiti? Maganda ang boses? Malago ang buhok?
"you're attractive and capable, 'di ba obvious?" Sinimangutan ko siya.
"Hindi ah. Baka mapatay ako ni Mama."
"Pero kung ayos lang kay Tita Sora, may balak ka ba?"
We're having a conversation. What an improvement.
"Bakit gusto mo ba akong makipagdate sa iba?" What does he want to hear? He's looking at me as if my opinion is the most important to him.
I mean, if he's liking someone sincerely, ayaw kong maging dahilan ng problema niya. Hangga't hindi pa kami officially naikakasal ay wala pa ako sa posisyon para humadlang kung may nagugustuhan ba siyang iba.
But really, what about me? Is it okay for me? Sohee with another girl... I can't imagine. Pakiramdam ko ay uusok ang ilong ng mga magulang namin.
Magsasalita pa sana siya nang paakyatin na kami sa wakas ng staff.
And before we even get in the pod of the ride, I answered his question, "Ayos lang naman. Just don't tell our parents." Saying that wasn't so... good. I avoided to make an eye contact. Because I don't want him to feel what I am feeling.