Chapter 2

1187 Words
Chase POV "Pag ako di nakapagtimpi masasapak ko na yang si Keith." Sabi ko saka tinungga ang iniinom kong tequilla. Pinaiyak ba naman si Kim. "Intindihin na lang muna natin si Keith. Alam naman nating lahat na may sakit yung tao." Sabi naman ni Cyril habang nagbabasa ng libro. Kita mo nga namang taong to. Nasa bar tapos ang ginagawa nagbabasa ng libro. "Saka gusto mo bang magalit si Kim sayo?" Napaisip ako sa sinabi ni Charles. Sabagay may point siya. "Pero wala pa din akong tiwala sa Chloe na yan. Pagkatapos niyang iwan si Keith noon." Sabi ko saka ko natanaw si Jenny. "Nagpaliwanag naman na din si Chloe sa atin. Pati na din kay Keith." Sagot ni Cyril. Tinungga ko muna ulit ang isang baso na may laman na tequilla bago tumayo sa kinauupuan ko. "Uy saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni Ken. "Edi saan pa edi dun sa babaeng bumihag kuno ng puso niya." Sabi naman ni Kurt na natatawa. "Good luck na lamg sayo kung pansinin ka niya." Panunukso naman ni Karl. "Ewan ko sa inyo." Sabi ko saka pinuntahan ko ang direksyon ni Jenny. Hindi niya napansin na nasa likuran na niya ako. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya saka nagsalita. "Sorry sa ginawa ni Chloe sa inyo ng kapatid mo." Saka ko siya hinawakan sa balikat. Hindi ko akalain na gaganunin ni Chloe si Jane lalo na yung bata. Sinasabi ko na nga ba at may tinatagong kamalditahan si Chloe. Itong si Jane naman di naman lumalaban. "Ay kabayong palaka." Tapos humarap siya sa akin sabay tapon ng malamig na tubig sa mukha ko. "s**t!" Nasabi ko na lang bigla. "bakit mo ako binuhusan ng tubig?!" Medyo may pagkainis kong sabi. "Ikaw kaya gulatin ng ganun ano magiging reaksyon mo? Saka may nalalaman ka pang pahawak hawak jan bastos." Tapos sinampal niya ako at umalis siya sa harap ko. Pangalawang beses na niya akong nasampal. Nung una nung pumasok ako bigla sa isang kwarto tapos naririnig ko na may kumakanta. Malay ko bang wala siyang saplot nun. Kasalanan niya yun kasi di siya nag lolock. Naikwento ko yung nangyari sa mga kapatid ko at nasabi ko din na nukhang nakita ko na yung babaeng papakasalan ko. Pero tinawanan lang ako ng mga mokong. Narinig ko ang tawanan ng mga kapatid ko at dahil na din nailang shot ako ng tequilla. Hindi ko napigilan na sundan si Jane. "Hoy babae!" Sabi ko saka ko siya hinawakan sa braso niya at hinila siya. "Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas siya pero binalewala ko yun. "Pag hindi mo ako binitawan sisigaw ako!" Pagbabanta niya sa akin. "Edi sumigaw ko. Kala mo takot ako?" Hinila ko pa din siya pero kinagat niya ang braso ko kaya napatakbo siya. Hinabol ko naman siya at naabutan. Binuhat ko na siya na para bang sako. "Sir baka nasasaktan po si Jane." May isang staff na lumapit sa amin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Ito yung minsan nahuhuli ko na nakatingin kay Jane ng matagal kapag nakatalikod si Jane. "Wag kang mangingialam kung ayaw mo mawalan ng trabaho. Mag uusap lang kami. Diba Jane?" Pananakot ko. "O-oo mag uusap lang kami." Napangiti ako sa sinabi ni Jane alam kasi niya ang kaya kong gawin. "Ibaba mo ako!" Hindi ko ininda ang sakit na palo niya sa likod ko. Kahit na nagpupumiglas siya ay nagawa ko pa din na buksan ang pinto ng kwarto ko. Tapos nilock ko. Sabay binababa ko ng medyo marahas si Jane sa kama ko. "Aray ko dahan dahan naman. Teka." Inikot niya ang mata niya sa buong kwarto. Saka siya tumayo. "anong ginagawa natin dito sa kwarto mo? Kala ko ba mag uusap lang tayo?" dugtong niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya saka ko hinubad ang tshirt ko na nabasa dahil sa pagkakabuhos niya ng tubig sa akin. At unti unti akong lumalapit sa kanya. "Di ako natutuwa sa joke mo." Sabi niya na halata kinakabahan. "Sino ba nagsabi na nag jojoke lang ako?" Sabi ko ng seryoso. At wala na siyang naurungan. "Teka lalabas na ako." Sabi niya pero hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at tinulak ko siya sa pader. "Nasasaktan ako." Sabi niya pero tila ba naging bingi ako nung mga oras na to. Agad ko siyang hinalikan sa labi. Hinawakan ko ang batok niya at diniin ko to palapit sa akin. Nagugulo ko na din ang buhok niya. Nagpupumiglas siya pero mas malakas ako sa kanya. Dahil sa gigil ko ay nakagat ko ang labi niya at may nalasahan ako na dugo. Napadaing siya at ang daing niya ay parang musika sa labi ko. Pinalo palo niya ako sa dibdib pero hindi ko yun ininda. Tuloy pa rin ako sa paghalik sa kanya. Maya maya ay tumigil ito sa pagpiglas marahil ay napagod na siya. Bumaba ang halik ko sa leeg niya at narinig ko na ang iyak niya. Kaya naman napatitig ako sa mukha niya. Puro luha na ang mata niya. Bigla akong natauhan. Hindi ako to. Hindi ako namimilit. Tapos hinaplos ko ang labi niyang dumudugo. "S-sorry." Nanginginig na sabi ko. Tinignan niya ako ng masama tapos sinampal niya ako pero niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry Jane please sorry. Hindi ko na uulitin promise." Sabi ko. Ang gago ko. Yung taong unang nagpatibok ng puso ko ay muntikan ko na masira. "H-hindi mo na talaga mauulit. Dahil aalis na ako." Muli ay pinigilan ko siya. "Gamutin muna natin sugat mo sa labi. Saka yung buhok mo gulo gulo." Sabi ko saka ko tinanggal ang tali niya sa buhok niya. Ang ganda niya. Tiningnan ko ang mata niya at hinaplos ko ang mukha niya. Hindi ko nanaman napigilan na halikan siya. Pero sa pagkakataong to marahan na at may pagmamahal. "Kala ko ba hindi mo na uulitin?" Napatigil ako sa sinabi niya at natawa. "Ang ganda mo kasi." Seryoso kong sabi sa kanya. "Pag mayaman talaga bolero." Sabi niya at inirapan niya ako. "Aminado ako na gwapo ako pero hindi ako bolero." Sabi ko at pumunta ako sa likod ni Jane. Ginamit ko ang daliri ko at sinuklay ko ang buhok niya. Nang maayos ko ay tinali ko na. "Bakla ka yata." Bigla niyang sabi. "Hindi ah sadyang ako lang yung nagtatali kay Kim ng buhok niya nung nadepress siya." Sabi ko at bumalik sa harap niya. "Ipapakulong pa din kita." Seryosong sabi niya. Pinunasan ko ang luha sa mukha niya. At natawa sa sinabi niya. "Okay lang. Basta ba sa puso mo ang kulungan handa akong magpakulong." Sabi ko at hinalikan ang noo niya. "Seryoso ako Jane. Loko loko ako pero handa akong seryosohin ka." Sabi ko. Totoo promise. Nabihag ni Jane ang loko loko kong puso. "Wag ako iba na lang. Saka hindi naman tayo magkalevel eh. Mayaman ka mahirap lang ako." "Wala akong pake. Hindi mahalaga yun. Mababait sina mama at papa. Hindi nila kami pinalaki na tumitingin sa estado ng isang tao. Saka yung kanina. Totoong nagsisisi ako at handa akong panagutan yun kahit hindi natuloy." Sana naman maniwala siya dahil nagsasabi ako ng totoo. "Ginayuma mo ata ako." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD