bc

Imperfect (FILIPINO)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.4K
READ
playboy
drama
twisted
bxg
heavy
city
abuse
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

MATURED CONTENT R-18

Sabi nila kapag tinamaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala.

Mapa lalake, babae, bata o matanda man. Sabi nila age doesn't matter saka height doesn't matter. Meron pa ngang weight doesn't matter.

Basta kapag nagmahal ka tatanggapin mo o kung sino man siya.

Ganyan ang nagagawa ng pagmamahal.

Ganyan ang nangyari sa playboy na si Chase Smith noong pumunta sila ng pamilya nila sa Happy Island para magbakasyon. Bonding at pag-rerelax ang ipinunta nila doon. Pero nakatadhana na ata na magkakilala sila ni Jane na isang staff sa resort ng Happy Island.

Mapapatino pala ng pag-ibig ang isang playboy na katulad ni Chase. At hindi aakalain ni Jane na maiinlove sa kanya ang isang playboy katulad ng binata. Natatakot si Jane at baka pinagtritripan lang siya ni Chase dahil na rin sa mayaman ang lalake at siya naman ay mahirap lang. Pero pinatunayan ni Chase na maging ang playboy kapag tinamaan ng pag-ibig handang magbago para sa taong mahal niya.

Pero katulad ng ibang relasyon akala nila perfect na ang pagsasama nilang dalawa.

Akala nila happy ending na agad sila.

Hindi nila namamalayan na may nagbabago na pala sa kanila.

Mauungkat ang nakaraan ng kahapon na magiging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang relasyon.

Mananaig pa rin kaya ang pag-ibig kung napuno na ng pagdududa at takot ang kanilang puso?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chase POV Naglalakad kami ng mga kapatid ko papunta sa classroom. Kababalik lang kasi namin dito dahil sa nangyari sa kapatid naming babae na si Kim. Pang lima ako sa magkakapatid. Sina mama at papa kasi ang sipag gumawa noon kaya nabuo kaming pito. May kakambal ako at yun ay si Charles pero mas gwapo ako sa kanilang lahat. Ang di lang kambal sa amin si Kim , Cyril at Kurt. Magkambal naman sina Karl at Ken. "Waaaaah! Chase!!" Si Abby sa akin nung nakita niya ako sa hallway sa school namin. "Heto nanaman siya. Sige mga bro una ako." Sabi ko at dali dali akong tumakbo para di na niya ako mahabol pa. "Here comes the bride." Tawang kantiyaw sa akin ni Ken. Lumingon ako at fin*ck youhan ko sila. Mamaya kayo sa akin. Ang hirap talaga kapag gwapo. Kababalik ko lang tapos hinahabol na agad ako. "Baby Chase wag mo naman ako takbuhan. Namiss kaya kita." Elementary pa lang patay na patay na yan sa akin si Abby naging kafling ko lang siya pero hanggang doon na lang yun. Mabait naman si Abby pero mataba siya. Wag niyong masamain wala akong galit sa matataba pero kasi mas malaki pa ang katawan niya sa akin. Minsan pa nga nung nagdate kami naflat ang kotse ko. Tapos sa twuing yayakapin niya ako hindi ako makahinga kasi naiipit ako. Lahat na lang din ng babaeng nakakafling ko inaaway niya. Nakakasakal siya. "Chase nakabalik ka na." Nakangiting sabi sa akin ni sino nga ito? "Teka sino ka?" Sabi ko hindi ko kasi talaga maalala kung sino tong babaeng to. Pulang pula pa naman ang labi niya. Napahawak na lang ako sa pisngi ko nang sampalin niya ako at saktong naabutan ako ni Abby. "Bakit mo ako sinampal?!" Inis na sabi ko. "b***h ka! Bakit mo sinampal ang baby Chase ko?!" Sabi ni Abby. Ayoko sa lahat nasasaktan ang gwapo kong mukha. Hindi na ako nagulat nung sinabunutan na lang bigla ni Abby yung babaeng sumampal sa akin. Kinuha ko naman ang chance na yun para makaalis sa lugar na yun. Saka na ako magpapasalamat kay Abby. Hindi na ako pumasok sa klase ko pumunta na ako sa resto bar na pagmamay ari ng kaibigan kong si Tristan. Agad akong umupo sa upuan at humarap ako sa harap ng counter. Agad akong nag order ng alak sa bartender. "Ang aga aga uminom ka na agad." Sabi ni Tristan na kakadating lang. "Nakakapagod maging gwapo." Sabi ko at tinungga ko ang iniinom kong alak tapos nakita kong napailing si Tristan. "Maiba ang usapan. Kamusta na ang pamilya niyo?" Tanong niya. Bestfriend na kasi ang turing ko kay Tristan bukod sa mga kapatid ko si Tristan lang ang pinagkakatiwalaan ko kaya lahat lahat sinasabi ko sa kanya maging ang nga kalokohan ko sa babae alam niya. "Ayos lang. Hanggang ngayon wala pa ding ala ala si Keith at kababalik lang din kanina ni Kim. Ang laki na nga ng pinagbago niya sa loob lang ng apat na buwan." Sabi ko. "Hindi ko talaga akalain na hindi niyo pala kapatid si Keith." Sabi ni Tristan. Saksi din si Tristan kung gaano kaming mga pito na magkakapatid na close sa isa't isa. Kung may mang away sa isa reresbakan namin. Anong silbi pa na naging magkakapatid kami kung di kami magtutulungan. "Di ko rin akalain na yung dating binubully namin kapatid pala namin." Sabi ko. "Edi bumawi kayo sa kanya bro. Sabi mo nga mabait naman si Kim. Saka tigilan mo na pagiging playboy mo. Ikaw din ngayon na ang bunso niyo pala ay babae." Tama si Tristan. Aminado ako na playboy ako pero alam ko naman ang limitasyon ko. Hindi naman ako ganun kaplayboy na araw araw na lang iba iba ang babae. Minsan lang. Hahaha. "Advance merry christmas pala sabihin mo na lang kila tito at tita." Sabi ni Tristan tapos tumango ako. "Sa bagong taon wag kang pagpapaputok sa loob ha." Natatawang biro ko sa kanya. "Gago wag mo akong igaya sayo. Hahaha. Ano bang wish mo sa pasko?" Tanong ni Tristan. Wish? Hmmm. "Wish ko? Sana may dumating na babae na magpapatibok ng puso ko. Promise magbabago ako. Tapos papakasalan ko agad siya." Seryoso kong sabi. Nakakaramdam na kasi ako ng pagod sa pakikipaglaro sa mga babaeng nakakafling ko. Tumatanda na ako. Kaya gusto ko nang seryoso. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Tristan. Kaya lahat ng customer niyang kumakain sa napatingin sa gawi namin. "Gago bakit ka tumatawa?" Pinagtrirtripan ata ako nito eh. "Ikaw? Hahaha magpapakatino? Isang Chase Smith na daan daan na ang napapaiyak magpapakatino? Tapos magpapakasal pa. Hahahaha aray!" Batukan ko nga. Aba besyfriend niya ako tapos ayaw niyang maniwala. "Naku ewan ko sayo. Makalayas na nga." Sabi ko. "Hahaha pagnangyari yun ako na sasagot ng kasal niyo. KAPAG." Pulang pula na ang loko sa kakatawa. "Makikita mo! Iiyak ka sa gagastusin mo sa kasal ko. Kala mo jan." Sabi ko at tumayo na ako. Inayos ko muna nag damit ko at buhok ko. Nakita ko naman napatingin sa akin yung mga babaeng customer ni Tristan. Iba talaga kapag gwapo. Hays. "Hala layas haha simulan mo na ang pagiimagine mo." Pagtataboy sa akin ni Tristan. Tignan mo lang talaga. Sabi nga nila kapag ang playboy nainlove pati asin lalanggamin. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ko ng mabilis ang kotse ko. Uuwi na lang ako. Naalala ko naman ang sinabi ko kay Tristan. "Babaeng magpapatino sa akin?" Pati ako ay natawa sa sarili kong sinabi. Sa gitna nang kasarapan ng tulog ko nagising na lang ako sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Antok antok pa akong kinuha ang cellphone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag. Nahagip ng tingin ko kung anong oras na. Naknang! 3:30 am pa lang ng madaling araw. Inend ko ang tawag ni Abby. Ano nanaman ba ang kailangan niya sa akin?! "Ano ba?! Natutulog yung tao eh!" Sinagot ko na kasi ayaw talaga ako tigilan. Hindi ko naman intensyon na sigawan siya. "Wag mo naman ako sigawan." Hikbi niyang sabi sa akin. "Gusto lang naman kitang makausap baby eh. Please isama mo na ako sa pagbabakasyonan niyo." Naririndi na ako sa boses niya kaya naman binato ko na lang ang cellphone ko sa pader ng kwarto ko. Oh diba? Edi wala nang istorbo. Nung isang araw pa kasi niya ako kinukulit na isama ko daw siya sa Palawan kung saan kami magbabakasyon na pamilya. Sa Happy Island na pagmamay ari ni tito Arman. Gusto kasi ni papa na icelebrate doon ang pasko at bagong taon na kasama si Kim. Humikab ako bago natulog ulit. "Sa wakas wala nang istorbo." Sabi ko saka bumalik sa pagkatulog. "Ano ba yan Chase buong byahe tulog ka." Puna sa akin ni Karl. Kakalabas ko lang kasi ng kwarto sa yate namin. Nandito na kami sa island nakita ko na nakababa na si Kim at Keith kasama sina mama at papa. "Anong kababalaghan ba ang pinag gagawa mo kagabi ha?" Pantritrip sa akin ni Charles. "Tigilan niyo ko ha. May dambuhala kasing tawag ng tawag sa akin kaninang alas tres ng madaling araw eh." Sabi ko habang pahikab hikab pa. "Ah yung ka forever mo." Natatawang sabi ni Kurt saka siya tumakbo pababa ng yate. Lokong yun ah naisahan nanaman ako. "Naisahan ka nanaman." Biro sa akin ni Ken habang ako pailing iling na lang. Pagkatapos naming kumain kasama si tito Arman nagpasya ako na maglibot na lang muna dito sa isla. Matagal din na hindi kami nakapunta dito. Sobrang ganda talaga ng lugar na ito. May mga nabago lang na konti na mas lalong ikinaganda ng isla. Habang naglilibot ako may nadaanan ako na isang maliit na kwarto. Pagtingin ko sa sign board nakalagay ay staff room. Lalagpasan ko na sana kaso may narinig akong kumakanta na nagpahinto sa akin. "You told me not to cry when you were gone But the feeling's overwhelming, it's much too strong." Woah! As in woah lang ang masasabi ko. Sobrang ganda ng boses niya na para bang isa siyang anghel na bumaba dito sa lupa. Napahawak ako sa dibdib ko nung naramdaman ko na bumilis ang t***k ng puso ko. Sa unang pagkakataon naging ganito ang t***k niya. Kakaiba. May nagtutulak sa akin para pumasok sa kwarto kung saan nang galing ang mala anghel na boses na iyon. Hindi ko napigilan na hindi pumasok sa kwarto gusto kong makita lung sino yung naging dahilan para tumibok ng ganito kabilis ang puso ko. "Can I lay by your side, next to you, you And make sure you're alright I'll take care of you, And I don't wan--------Aaaaaaah! Tumalikod ka! Bastos!" Sigaw sa akin nung babae na tanging panty lang na kulay pink ang suot isusuot pa lang sana niya yung bra niya. "Woah woah! Sorry wala naman akong nakita." Sabi ko at tinakpan ko ang mata ko gamit ang kamay ko pero nakabukas yung isang daliri kaya nakikita ko na nagsusuot na siya ng t-shirt. "Hoy! Bastos ka sabi ko tumalikod ka eh! Manyak!" Sigaw pa din niya sa akin nakita ko na palapit siya sa akin at naramdaman ko na lang na sinampal niya ako. Hindi man lang ako nakailag dun ah. "Bakit mo ko sinampal wala naman akong nakita flat ka naman." Painosenteng sabi ko tapos nakita ko na namula siya. Sasampalin pa sana niya ako kaso nahawakan ko na ang kamay niya. At sa tanang buhay ko nakaramdam ako ng kuryente habang hawak ko ang kamay niya na hindi ko naramdaman sa mga naka fling ko na. "Naka first base ka na ha hindi ko hahayaan na maka second base ka." Seryosong sabi ko at inirapan niya lang ako. "Bastos! Irereport kita sa boss ko!" Sigaw pa din niya sa akin na ikinangisi ko. "Kilala mo ba kung sino ako?" Sabi ko sa kanya. Dahan dahan ko siya dinala sa pader ng maliit na kwarto habang hawak ang kamay niya. Hinarang ko ang braso ko sa bandang kanan niya at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Tinignan ko siya sa mata niya na ikinaiwas niya pababa sa labi niya at nakita ko na napalunok siya. Ilang segundo akong napatitig sa kissable lips niya saka bumaba ang tingin ko sa bandang dibdib niya kasi nakita ko na may name plate siya. "Jane." Bulong ko tapos nagulat na lang ako nung takpan niya nang braso niya yung dibdib niya na parang may gagawin ako sa kanya na masama kahit wala naman. Napadaing ako sa sakit ng sipain niya ang kinabukasan ko. "Manyak! Loko loko!" Sabi niya sabay punta sa pinto. "Hoy! Bumalik ka dito! Pag ako nabaog hindi na maikakalat ang lahi kong gwapo." Putcha ang sakit! "Baka lahi ng mga manyak!" Sabi niya at inasar pa niya ako sabay dila sa akin na parang bata. "Ah! Bwesit magkikita pa tayo!" Sigaw ko at umupo muna ako saglit pawawalain ko muna ang sakit. "Huhuhu sorry buddy hayaan mo babawi tayo sa kanya." ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
356.9K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.7K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Just A Taste (SPG)

read
894.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook