"Ako na ang mag dri-drive," presinta ni Chase pero inagaw ni Kurt ang susi kay Chase. "Ako na mabagal kang mag drive," sabi ni Kurt at tinapak ang balikat ng kanyang kapatid pero humarang si Charles kay Kurt at inilahad niya ang kanyang palad. "Kotse ko, drive ko," masungit na sabi ni Charles at napakamot na lang sa ulo si Kurt dahil wala siyang nagawa. Ibinigay niya ang susi ng kotse nito kay Charles, ang kakambal ni Chase. "Kung mabagal ako mag drive ikaw naman kaskasero, alam mo namang mahal pa ni Charles ang kotse niya kesa sa aking kakambal niya," biro ni Chase habang papasakay sila ng kotse ni Charles. "Bakit kasi hindi niyo dinala ang mga kotse niyo. Mga tamad talaga kayo," napapailing na sabi ni Charles at ini-start na niya ang kotse niya. "Iisa lang din naman ang pupuntahan n

