"Hep! Saan ka pupunta?" tanong ni Jane sa kanya ng sumunod sa kanya palabas si Chase. Kahapon nalaman nila ang resulta sa pustahang kanilang ginawa ni Wayne at patas lang silang dalawa. Halos hindi makapaniwala ang dalawa sa naging resulta at hindi nila ito matanggap. Dahil patas ang naging resulta ay nagdesisyon na si Jane na mamagitan upang matigil na ang kalokohan nina Wayne at Chase. Sinabi ni Jane na walang maghahatid at magsusundo sa kanya bukas. Nais itong tutulan ni Chase dahil hindi siya papayag na mag isa lang si Jane uuwi lalo na at gabi na. Pero wala din siyang nagawa nakapag desisyon na si Jane. "Ihahatid ka," napakamot na lang si Chase dahil akala niya ay nakalimutan na ni Jane ang bagay na iyon. "Diba ito ang naging usapan natin dahil nakipagpustahan ka? Marahil nga ay na

