Chapter 38 "Para saan itong blindfold Elizabeth?" nagtatakang tanong ni Jane kay Elizabeth dahil nang makarating sila sa restaurant ay nilagyan na siya ni Elizabeth ng blindfold. "Basta, eto yung surprise na sinasabi ko sa 'yo nung nakaraan," bakas sa boses ni Elizabeth na excited na siya para makita ang reaction nina Jane at Chase. Nagpatulong siya sa kakambal ni Chase na si Charles para magawa ang surprise na ito. Ito yung sinabi ni Elizabeth na ibibigay niyang surprise sa oras na matapos na ang date nila ni Chase. Naisip niya rin ito upang makabawi at makapag-relax naman sina Jane at Chase. "Tatanggalin mo lang 'yan kapag tumugtog na ang piano okay?" napatango nalang tuloy si Jane dahil medyo kinakabahan siya. At isa pa wala din naman siyang laban sa kakulitan ni Elizabeth dahil ala

