Absence Makes Heart Grow Fonder

1137 Words
4 Months later. .... FELIZA'S POV "Ano ba'ng klaseng mukha 'yan, pang-Viernes Santo na naman? Don't tell me na nakita mo rin ang nakita ko kahapon." Sabi ni Danilo. Panay pa rin ang dakdak niya kahit hindi ako sumasagot sa mga pinagsasabi niya. Katatapos lang naming mag-dinner sa Dolce V. At ngayon ay ihahatid niya ako sa bahay. Ewan ko ba, sa mga nakalipas na buwan, naging colorless na yata ang dating colorful na buhay ko. Nawalan na rin ako ng ganang um-attend sa mga pabonggahang parties. Hindi na rin ganoon ka-active ang night life ko. Buti pa noong nandito ang Ugok na 'yon, challenging ang bawat araw. Hindi katulad ngayon na tila ang bagal ng bawat oras. Nakakabagot. Kumusta na kaya si Ugok? Nakaka-mis din pala ang nakakairita nitong ngisi. 'Yong ngising parang aso. Nakaka-mis din pala ang pambubuska niya sa akin. Mahirap mang aminin pero, na-mis ko talaga si Manjoe. Ang dami ko ring iyak noong araw na bumalik siya sa Germany. Ano na kaya ang pinagkakaabalahan ng gagøng 'yôn? Haist, panigurado nambababae! Buwisit siya! Higit naman na mas maganda ako sa mga babae niya! Nakakainis! I hate this feeling! This longing! "Hoy, Lola! Tigilan mo na ang paglalakbay mo sa Germany. Nasa kotse kita, oy. Patahimikin mo na si Labrador. May Chihuahua na 'yon." "Huwag mo nga mabanggit-banggit ang kumag na 'yon!" "Ayiiii, kanina pa ako nagmo-monolugue dito. Ni hindi mo ako pinapansin. Nagsalita ka lang nang mabanggit ko si Labrador. Ewan ko ba sa inyo ni Crystal. Sa dami ng matitinong lalaki sa planet Earth. Napili niyo pa'ng ma-inlove sa mga monsters. Tignan mo si Crystal baby ko, nagda-dry na ang skin dahil sa stress kay Danreb. Ikaw naman, pumuputi na yata pati ang mga bulbol mo dahil sa kakaisip sa red monster na 'yon." "Hindi nga ako in love kay Ugok! An enemy will always be an enemy!" "Okay. Paniwalain ang mga bulag, pipi at bingi." "Hindi nga sabi eh!" Giit ko sabay hampas ko sa braso niya. "Oo na, hindi na. Sabi mo, eh. May sinabi ba ako?" Nakakadagdag lang sa iritasyon ko ang pakikipag-usap sa isang ito. Whew! What a life! "Ahmm Lola, hindi mo ba talaga nakita ang nakita ng mga mata ko kahapon?" Tanong ni Danilo "Malay ko ba sa nakita ng manìakis mong mga mata." "Nakita ko si Emerson kahapon sa Greenbelt. May kaakbay na babae. Take note, sëxy at magandang babae. Sa kasamaang palad, kakilala ko pa ang babaeng 'yon." "Eh ano ngayon?" Bored kong sabi. "Lola, don't you get it? Isang bangkero ang fiancé mo. Namamangka na nga sa Ilog Pasig, pati ba naman sa Manila Bay ay pumupuslit pa ng ruta?" "Hayaan mo." Tanging sagot ko. "Wala. Malala ka na talaga." Umiiling-iling na sabi niya. "Hindi pa kami kasal, Danilo. Let him enjoy his freedom. Ganoon din naman ako." Siguro kung ibang babae lang ang nasa sitwasyon ko, magwawala na sa galit. Pero ako, ni kunting selos at pagkainis wala akong maramdaman. Siguro dahil masyado akong liberated. At isa pa, kahit engaged na kami ni Emerson, malaya pa rin kaming makipag-date sa kahit na sinong matipuan namin. 'Yang kalayaan na yan ay hanggang sa hindi pa kami ikinakasal. "Thank you sa paghatid." "Yeah. Dapat lang na magpasalamat ka dahil ang mahal na ng gasolina. Next time, may bayad na." ******************** Pagkarating ko sa sala, nadatnan ko si Yaya Ana na nanonood ng International News. Himala! Ano kaya ang nakain at nagka-interes sa balita? Ang pagkakaalam ko, may sinusubaybayan siyang teleserye sa ganitong oras. "Yaya, ba't yan ang pinapanood mo? 'Di ba may inaabangan kang teleserye kapag ganitong oras?" Tumabi ako sa kanya sa sofa. Tinatamad pa kasi akong umakyat sa kuwarto ko. "Meron nga. Pero sinabi sa akin ni Manjoe kanina na manood daw ako ng news." "Bakit, nasa Pinas na ulit si Ugok, Yaya?" I know hindi naitago ang excitement sa boses ko. "Wala, Feliza. Nasa Germany pa rin siya. Kausap ko kasi siya sa Skype kanina. Alam mo, mas pogi pa siya lalo. Masuwerte ang mapapakasalan ng binatang 'yon. Mayaman na, kay ganda pa ng lahi. May dugo ba namang German." Masayang sabi ni Yaya sabay hagikgik. Buwisit talaga ang Ugok na 'yon. Buti pa si Yaya Ana, tinatawagan sa Skype. "Eh, ano naman ang sinabi ng babaero na 'yon sa'yo Yaya?" "Wala naman masyado. As usual, kinumusta ako at ang Daddy mo. Na-mis na daw niya ang luto ko pati 'yong pakikipaglaro niya ng chess kay Adolfo." "Sure ka na 'yon lang, Yaya?" Pangungulit ko. Feeling ko kasi may pinag-usapan pa sila. "Oo. 'Yon lang yata. Bakit, may iba pa ba siyang kukumustahin? May mami-mis pa ba siyang iba?" Nakaramdam ako ng pagngingitngit sa loob- loob ko. Sinungaling talaga na lalaki. Sasabihan ako ng I like you tapos hindi man lang ako maalalang kumustahin? Ni ha, ni ho, wala?Buwisit talaga siya kahit kailan! "Ay nakalimutan ko, may isa pa palang kinumusta." Bigla akong nakaramdam ng tuwa. Sinasabi ko na nga ba, eh. Imposible na makakalimutan ako ni Ugok. Sa ganda ko ba naman na ito. "Sino Yaya?" Nakangiting tanong ko. "Si Red! Kinumusta niya ang kabayo mong si Red. Kung buhay pa ba, kung pinapakain daw ba ng maayos at inaalagaan ng tama. Kasi daw, 30 years ang maximum life span ng kabayong 'yon. Humihingi nga siya ng picture ng kabayo mo. Gagawin daw niyang wallpaper sa phone at laptop niya. Kaya pupunta akong Tarlac sa linggo para ma-picturan si Red." Ang animal na lalaki! Buti pa ang kabayo naalala samantalang ako ni hindi kinumusta. Nakaramdam ako ng sobrang inis. "Feliza! Tignan mo! Tignan mo! Si Manjoe nasa TV! Nasa TV si Manjoe! Yahoo!" Tili ni Yaya Ana. Tumayo pa talaga at lumapit sa flatscreen. Tumutok nga ako sa TV. And there, umawang ang mga labi ko nang makita si Manjoe na ini-interview. Tama nga si Yaya Ana. Mas gumuwapo pa talaga si Ugok. Mababakas ang sobrang confidence and authority sa kanya habang nagsasalita. "Oh my God! Nakita mo 'yon? Narinig mo 'yon, Feliza? Hindi lang pala guwapo ang binatang 'yon! Ang bait pa! Magdo-donate daw siya ng Isla para sa mga Syrian Refugees! Siya na! Kahanga-hangang binata." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Naiyak ako sa sobrang sama ng loob. Buti pa ang hayop naalala. Mabuti pa ang mga Muslim na hindi niya kalahi, pinag-uukulan ng pansin. "Oh Feliza, sinisipon ka yata." Puna ni Yaya Ana. .Sumisinghot-singhot kasi ako. "Siguro nga, Yaya. Sige, akyat na po ako sa kuwarto ko." Pambihirang buhay! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Totoo yata ang kanta ni Jolina. 'Absence makes heart grow fonder.' Bad news! Gusto ko na yata si Ugok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD