Unexpected Visitor

2031 Words
FELIZA'S POV Exhausted. Yeah no words can describe how exhausted I am. Being the General Manager of Azurin Corporation is either the worst or the best job in the company. The most important word in General Manager is "general". Yeah right. I need to balance the perspectives of all of my direct reports, solid and dotted line. Kumbaga I need to get superstars of all the departments na nasasaklawan ko like the Controller, Sales, Marketing, Engineering, Operations, Service and Human Resources. I need to coach and shore up whatever area is weak. Mas maigi pa'ng maging CEO na lang ako. Kung bakit kasi na-postpone ang pagre-retire ni Lolo. Excited pa naman akong maupo sa posisyon niya. "Work. Work. Work and more work makes Feliza a working Robot." Malakas na kanta ko habang papasok sa bahay. Mabuti naman at nakauwi na si Daddy. Nakita ko kasi ang kotse niya sa garahe. At last, makakasabay ko siyang mag-dinner. "Feliza, mabuti't dumating ka na. Kanina ka pa nila hinihintay." Salubong ni Yaya sa akin sa may pintuan. Kumunot ang noo ko. Bakit mukhang aburido si Yaya Ana? Baka nadala lang siguro sa madramang teleserye na sinusubaybayan niya. "Sila? You mean may bisita kami, Yaya?" Tumango si Yaya Ana. "Sige na, puntahan mo na sila sa sala." ADOLFO'S POV "Hindi natin puwedeng pilitin si Feliza kung sakaling umayaw siya, Evelyn. At isa pa, hindi niya responsibilidad na pangatawanan ang bagay na 'yon. Lalo pa, sa loob ng dalawampu't apat na taon, ni anino mo hindi niya nasilayan. Pagkatapos heto ka't magpapakita dahil may kailangan ka sa kanya? Wow. Just wow." "Adolfo, alam mo ang dahilan kung bakit umalis ako. May usapan tayo noon. Sa umpisa pa lang, alam mo ang patutunguhan ng lahat pero pinilit mo pa rin akong pakasalan ka. Ikaw ang may gustong maiwan si Feliza sa poder mo. Sa tingin mo, madali lang para sa akin na hindi makasama ang anak ko?" "Nangyari na ang lahat, Evelyn. Huwag na nating ungkatin pa ang nakaraan. Maigi pa'ng hindi ka na lang nagpakita ulit. Okay na kami ni Feliza. Huwag mo na kaming guluhin pa." Pilit kong pinatigas ang boses ko. "Pero anak mo rin si Marife Lyn, Adolfo! Kailangan ka niya ngayon. Kailangan niya si Feliza ngayon." Napapikit ako. Pilitin ko mang magmatigas, hindi ko maitatatwang lumambot ang puso ko dahil sa katotohanang sinabi niya. Nakaramdam ako ng panlulumo habang umiiyak sa harap ko ang ina ng mga anak ko. Ang babaeng minsan ay kinabaliwan ko. "Daddy! Sino ang bisi---" Napalingon kaming dalawa kay Feliza. Ito na ang isa sa pinaka-iniiwasan kong mangyari. FELIZA'S POV Sino kaya ang bisita? Baka sina Tita Ninang! Ilang taon na rin silang hindi nagbakasyon sa Pinas ni Tito Ninong. Ang lawak ng pagkakangiti ko. Parang gusto ko ngang tumili sa matinding excitement! Mis na mis ko na rin sila. Ayon nakatalikod 'yong babae. "Daddy! Sino ang bisi---" Parang nalulon ko ang dila ko nang humarap ang babae sa direksyon ko. Kumurap-kurap ako, making sure na hindi lang apparition ang nakikita ko ngayon. The woman looks exactly like me. An older version of me! Nagsimula akong panlukuban ng samo't saring emosyon. "Feliza, a-anak." Tila nayanig ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Anak? It's just a word. Isang salita lang, oo. Pero parang bombang nag-explode iyon sa pandinig ko. Anak! Ang sakit sa tainga. Lalo na't ang nagbulalas non ay 'yong babaeng nagluwal lang sa akin sa mundong ibabaw. Na ang kanyang pagka-ina ay mula conception to birth lamang! "Anak, I, I miss you." Tumayo siya at nakalahad ang dalawang kamay para yakapin ako. She's crying, yeah. But what are those tears for? A way of expressing her guilt? How over acting! Tumawa ako ng pagak. At bago pa man niya ako mayakap ay mabibilis ang mga hakbang kong iniwan sila ni Daddy sa sala. Naninikip ang dibdib ko as I enter my room. There is no question that being left by a mother just after she gave birth to me is painful. Ni hindi ko naranasang mahele ng isang ina, mapadede, mapalitan ng diaper, mabihisan, masubuan at mabasahan ng story books. Sa mga panahon ng aking pagkabata na takot akong matulog mag-isa at paulit-ulit na isinisigaw ang "Mama", kapag nagkakasakit ako at hinahanap ang kanyang kalinga, nasaan siya? Sa mga Christmas at birthday ko na nagdaan, bagamat hindi mabilang sa dami ang natatanggap kong gifts, hindi kumpleto ang aking kasiyahan. Paulit-ulit akong na-disappoint dahil umasa ako na may isang galing sa Mama ko. Sa mga panahon na nakikiamot ako ng attention ni Tita Ninang kasi sa kanya ko naramdaman kung gaano mag-aruga ang isang ina kahit walang tigil ang pambubuska ni Manjoe sa akin kapag naglalambing ako sa kanyang ina. Sa mga panahon na umaakyat ako sa entablado para tanggapin ang mga parangal na nakamit ko bunga ng pagsisikap at katalinuhan kung saan umasa ako na mahahagip siya ng mga mata ko na nakaupo sa tabi ng Daddy ko. Nasaan siya noong panahon na naaksidente ako't nag-aagaw buhay? Am I not entitled to feel angry and hurt? Bumuhos na parang ulan lahat ng sakit, galit, pangungulila at pagdaramdam ko sa kanya na kinimkim ko sa loob ng mahabang panahon. Ang bigat sa dibdib. Gusto ko nang makawala sa tila kadenang gumagapos sa akin sa oras na ito. I don't want to feel that way anymore. I want to let it go. I just want to get rid of this extra weight and hurt. But I have no idea where to begin. "Anak, don't suppress your emotions. Let it go. It will make you feel better." Humagulgol ako sa dibdib ni Daddy. Tinapik-tapik niya ang likod ko gaya ng ginagawa niya noon kapag umiiyak ako, kapag may umaaway sa akin, kapag tinutukso ako ng mga batang kalaro ko noon dahil wala akong mommy. "Bakit, Dad? Bakit napakadali lang para sa inyo na pakiharapan siya? Na pakitunguhan siya in a civil way sa kabila ng ginawa niya sa atin? Bakit ako? Bakit hindi ko siya magawang tignan ng walang halong panunumbat?" "It's simply because, she became part of me at patuloy na magiging parte siya sa buhay ko. Siya ang ina ng mga anak ko, at ang connection na 'yon sa akin ay pang-habambuhay." Hinahagod-hagod ni Daddy ang likod ko. Malumay ang paraan ng kanyang pagsasalita. "Anak, nakakapagod magalit. Tila cancer na kakain sa lakas at buhay mo ang pagtatanim ng sama ng loob sa ibang tao. Hindi iba si Evelyn dahil siya ang iyong ina. If you want to let it go, you will need to find a way to forgive your mother. When we forgive, we actually release ourselves, not the other person." Hindi ako umimik. Pero bukas ang puso't pandinig ko. "Your mother is still responsible for the choices she made. And I too is responsible for the choices I've made in the past. Anak, forgiveness does not mean that you are ok with our choices or that you condone me and your mother. You can't change the facts of her choices, of my choices but you do have an opportunity to change what those choices mean to you." Tahimik lang akong nakikinig kay Daddy. I don't know what to say. "Feliza, stop counting the years na wala sa tabi mo ang Mommy mo. Hindi lang siya ang nagkulang, anak. Ako rin naman." "No Dad, you provided everything! Your unconditional love, material things, moral support. Ginampanan mo ang obligasyon ng isang ama't ina at the same time. Sa'yo ako natuto. Sa'yo ko ike-credit lahat. What am I now, 'yan ay dahil sa'yo." "Anak, listen carefully. Your mother will always be your mother. I still consider her as the light of our home. You know why?" Sunud-sunod ang pag-iling ko. I strongly object. Paano naging tanglaw ng tahanan ang inang inabandona ang pamilya? "Sa pag-alis niya, napagtanto ko ang halaga ng isang buong pamilya. Natuto akong humawak ng responsibilidad, natuto akong maging matibay. Mas matibay na haligi ng tahanan. Sa bawat trahedya, sumisibol ang mas magandang simula. The same as you can never appreciate a light without darkness. Alam mo na kung gaano kahalaga ang presence ng isang ina kasi naranasan mo'ng lumaki na wala siya. Hindi ka man niya naalagaan, we cannot deny the fact that she's your mother. Na marami kang natutunan sa buhay dahil sa kawalan niya sa tabi mo. You learn to nurture yourself. You became stronger and had managed to keep your sanity in the face of all these obstacles." "Mahirap makalimot, Dad. Hindi madaling tanggapin ang lahat in just an hour." "Anak, you will be own your own soon. As an adult, you can make your own decision. But if you can still find the love in you to love her then love her. If I am correct, you do love her otherwise, you would not have struggled now with mix emotions." "I love her, but I have so much anger towards her. And hurt from her." I said. "Don't let your anger blind you. One day she will be gone. Will you look back and regret the things you have never done with your mother because you cannot forgive or love her? Will you be able to live in peace with yourself? If you cannot, then why not make peace now?" Sapol ako sa huling sinabi ni Daddy. Life is too short. Hindi nga natin alam kung ano ang mangyayari kinabukasan. "She needs you. And your sister needs you too." "May....may....k-kapatid ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. For 24 years, buong akala ko nag-iisa lang akong anak. Paano nila nailihim sa akin ang bagay na 'yon sa napakatagal na panahon? "Yes, anak. You have a twin sister. Her name is Marife Lyn. At kailangan ka niya." Nasapo ko ang ulo ko. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin kong i-absorb. Sobra-sobra naman silang magpasabog! "Ikakasal ang kapatid mo, Feliza. 3 days from now. But sadly she cannot make it to her wedding." Pumiyok ang boses ni Daddy. Halata ang pagpipigil niyang umiyak. "But why is that?" "Nagkaroon siya ng car accident 4 days ago. She's in critical condition. In fact hindi pa siya nagigising hanggang ngayon." "P-paano ang kasal niya? May 3 days pa 'di ba, Dad? Then, there's still time to cancel the wedding." "No, anak. Hindi puwedeng iurong ang kasal. Puro VIP lahat ang inimbitahang guests. Ang ilan ay high ranking gov't officials and known business dignitaries na galing pa sa iba't ibang bansa. Matutuloy ang kasal tutal hindi naman na-publicize ang pagkaka-aksidente nina Marife Lyn." "So pakakasalan pa rin ng groom ang kapatid ko kahit comatose?" Ano 'yon, sleeping beauty bride lang ang peg? "Hindi anak, ikaw ang a-attend ng kasal. Ikaw ang tatayong bride in behalf of your sister." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala. Mas tumindi ang pagngingitngit ko dahil sa isiping kaya lang nagpakita ang aking ina dahil may kailangan siya sa akin. Na gagamitin lang ako for their own sake. Para hindi mapahiya ang iniingatan nilang pangalan. How unlucky I am! How dare them! "Dad, I can't believe na ipapakasal niyo ako ng basta-basta! Paano kapag hindi nagising si Marife Lyn? What if she cannot make it? Paano ako?" "Don't worry anak, hindi lang ikaw ang proxy dito." God! Sumasakit na talaga ang ulo ko. "What do you mean, Dad?" "'Yong groom na magpapakita sa kasal. Gaya mo ay proxy lang din. Pangalan ng kapatid mo at ang tunay niyang groom ang nasa marriage contract. Kaya wala kang po-problemahin, anak." I closed my eyes hoping na sa pagpikit ko ng mga mata ko ay doon ako makakakuha ng desisyon. Papayag kaya ako? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I have doubts. I'm confused. Pero nang ma-imagine ko ang hitsura ng kapatid kong nakaratay sa hospital bed at lumalaban sa kamatayan, nang maisip ko na ang kasal na iyon ang isa sa pinaka-hihintay niyang mangyari sa buhay niya, nabuo ang isang pasya. Hindi ko siya kayang biguin. Labag man sa loob ko, pumayag akong maging proxy ni Marife Lyn. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD