Ma. Feliza & Marife Lyn

1568 Words
FELIZA'S POV Hindi kami nag-aksaya ng oras. Pagkasabi ko kay Daddy na pumapayag akong maging proxy ng kapatid ko sa kanyang kasal, lumipad kami papuntang Hawaii lulan ang private plane ng Lolo ko. Aligaga ako habang nasa eroplano. Hanggang sa oras na ito, parang hindi pa rin ako makapaniwala na may kakambal ako. Nandiyan 'yong excitement na makita ko siya and at the same time, lungkot dahil sa kalagayan niya ngayon. Dumagdag din sa isipin ko ang kasal na 'yan. Hindi ko lubos akalain na todo iwas ako noon pagdating sa usaping kasal tapos ngayon, all of a sudden, lalakad ako sa aisle na naka-wedding gown. Ni kasal nga namin ni Emerson, ayukong pag-usapan namin kasi nga wala talaga sa plano ko ang magpakasal . At dahil lang sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan tuloy akong maging proxy bride. Parang gusto kong matawa na hindi. "Anak, okay ka lang?" Ewan ko kung nakailang ulit nang tanong 'yan ng aking ina. Tumango lang ako. Siya kasi ang katabi ko ng upuan samantalang si Daddy, nasa harap. My mother tried so hard to start a conversation with me pero kung hindi man puro monosyllabic words ang isasagot ko, panay tango or iling lang ako. Hindi pa ako at ease sa kanya. Ewan ko ba. Siguro, masyado lang din akong nabigla sa mga pangyayari and I'm still on the process of realizing and accepting things. I endured 11 hours sitting beside my mother. Nakaya kong hindi dumaldal ng ganoon katagal. Yeah, for the first time, tila nalulon ko ang dila ko. Nang makalapag kami sa Honolulu International Airport, sinabi ko sa parents ko na gusto kong makita agad ang kakambal ko kaya from the airport, dumiretso kami sa Queen's Medical Center, the best Hospital in Hawaii. Nagsimula akong makaramdam ng kaba habang papasok kami sa kuwartong kinaroroonan ng kapatid ko. My parents looked so helpless. I know it's a terrible feeling for them seeing their daughter in that state. Ako din naman. Parang hindi ko matagalang tignan ang hitsura ng kakambal ko. She looked lifeless. According to my mother, by the time the paramedics got her to the hospital, they had her on full life support, as she was unconscious and not breathing on her own. Her eyes are unresponsive to her environment and not normally respond to sound or pain. Her signals were hard to read, as the equipment was doing her breathing for her. Napakaputla niya. Pero ganoon pa man, napakaganda pa rin. She looks exactly like me. Para kaming pinagbiyak na bunga. "Marife Lyn, a-anak, nandito na ang D-Daddy mo at ang iyong kakambal." Garalgal ang boses na sabi ni Mommy. Parang may bumara sa lalamunan ko. Naisip ko kasi, usually kapag nagre-unite ang isang pamilya, ma-drama na masaya. Nandiyan 'yong iyakan, yakapan at ang susunod ay matutunog na tawanan. Nakakalungkot lang kasi hindi man lang niya kami makita ni Daddy. Hindi niya kami magantihan ng ngiti at yakap. "I'm here now, anak. Daddy's here now. Sana, gumising ka na para makita mo ako. 'Di ba sobrang na-mis mo rin ako? Imagine, 24 years na hindi mo ako nakita. Wake up, Anak. Please wake up. I miss you so much." Umiiyak na sabi ng Daddy ko. Hindi ko ring maiwasang hindi mapaluha habang pinagmamasdan ko ang magulang ko. Siguro ganyan din si Daddy noon noong ako'y na-coma. Mahirap palang masaksihan ang paghihinagpis ng magulang. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita kong pareho silang umiiyak. Pagkaraan ng ilang sandali, sinabihan ko silang magpahinga muna. Kahit may jetlag ako, nagpaiwan ako sa hospital. Kahit dalawang oras lang sana ang gugulin ko. Gusto kong masolo si Marife Lyn. Makausap. Makuwentuhan ng kung anu-ano. Sabi kasi ng Doctor, malaki ang maitutulong ng pakikipag-communicate sa pasyente. Hearing her family members voices really can help her to wake up sooner. She will get the message one way or the other. Because hearing is the last sense to go. I simply sit beside her, holding her hand, stroking her skin as a sign of giving her great comfort. I lean in close to her. "Marife Lyn, I'm Ma. Feliza." Pilit kong pinatatag at pinasigla ang boses ko. "I'm your twin sister. The beautiful, smart, at saksakan ng sëx appeal mong twin sister. Identical twins tayo. Pati nga pangalan natin halos magkapareha lang din. Maria at Mari. Tapos Felyn at Feliza. 'Di ba ang ganda? Kambal na kambal!" Pinahid ko ang mga luha kong tumulo. "Alam mo, noong dumating si Mommy at malaman kong may kakambal ako, nakaramdam ako ng pagkayamot. Totoo. You know why? Kasi itong napakagandang mukha na ito na pinagpapantasyahan ng maraming kalalakihan ay may kamukha pala? Akala ko nag-iisa lang ang mukhang ganito. 'Yon pala ay may iba pa. So isa lang ang ibig sabihin nun. Hindi ko na solo ang korona. Kahati na kita." Tumawa ako. "I brought in an armful of photo albums. I wanna share it to you. Kumpleto mula noong baby ako. May picture din kami ni Daddy, ni Lolo at Lola. Meron ding kuha na kasama ko sina Tito Ninong at Tita Ninang pati ang mga anak nila. You know what sis, may kinaiinisan akong tao. Ang pangalan ay Manjoe. Siya na yata ang pinaka-loko-lokong taong nakilala ko. Kaya alam mo ba kung ano ang bansag ko sa kanya? Ugok lang naman!" I laughed! Ini-imagine ko na masaya kaming nagkukuwentuhan ng kakambal ko at tumatawa siya sa mga sinasabi ko. "Pero alam mo ba na 'yong Ugok na 'yon ang nakanakaw ng first kiss ko? Grabe! Iniyakan ko talaga. Kasi inire-reserve ko 'yon sa lalaking deserving. Hindi lang 'yon. Siya ang dahilan ng pagkahulog ko sa kabayo kaya nagkaroon ako ng phobia sa mga horses. Basta ang dami niyang atraso sa akin. Tapos ang higit na kinaiinisan ko, sinabi niyang gusto niya ako tapos umalis. Hindi na niya ako naalala pa. 'Di ba, napaka-Ugok niya? Hay, tama na nga ang topic tungkol sa gagōng 'yon. Baka isipin mo pa na namimis ko si Manjoe." Nagpatuloy lang ako sa pagku-kuwento. "You know, maliban kay Daddy, laging kasama ko sa bahay ang Yaya Ana ko. Napakaasikaso niya. Para na nga niya akong totoong anak. Ikaw ba may Yaya ka rin? Hmmmm kahit meron I'm sure mas mabait ang Yaya ko." Nagpakawala ako ng marahan na pagtawa at pinakatitigan ang mukha ng kakambal ko. "May best friend din ako. Crystal Mae ang pangalan. I love her like a real sister. Huwag kang magselos, ah. Siyempre love din kita. Mas nauna ko lang kasing nakilala si Crystal. May dalawa pa akong kaibigan na lagi ko ring nakakasama sa Pinas. Sina Brandon at Danilo. Si Brandon 'yong tipong tahimik, gentleman at mabait. 'Yong Danilo naman, hay naku! Napakahuthotero! As in! Sobrang kulit din at mapang-asar." Ikinuwento ko lahat ng kabaliwang ginawa namin ni Danilo kapag nagba-bar-hopping kami and more. Ini-record ko lahat ng mga kuwento ko para iyon ang ipi-play parati. Makakatulong daw kasi ang mga recorded stories sa isang pasyente na nasa coma. According to the Doctor, the patient's brain showed increased activity in MRI scans when clips are being played, and most coma patients recovered faster than normal. Kaya sinunod ko ang advice na 'yon ng Doctor. Nilaro-laro ko ang mga daliri ng kakambal ko at ipinagpatuloy kong kausapin. "Sis, ano kaya ang hitsura ng proxy groom ko? Sana naman guwapo para bumagay sa kagandahan ko. Hmmm. Sabagay magkakambal tayo kaya ine-expect ko na mahilig ka rin sa guwapo. May taste ka naman di ba? Pero baka hindi rin. Kasi sabi nila, beauty is in the eye of the beholder. So paano na kung ibang klase ang paningin mo? Kung ang tingin mo sa pangit ay guwapo? Paano nga pala kung malabo ang paningin mo at napagkamalian mong prinsipe ang bullfrog? Sana naman Marife Lyn huwag mo rin akong biguin. Ayuko ng pangit na proxy groom." Matapos akong magkuwento, hinalikan ko ang noo ng kakambal ko saka ako nagpaalam. Sakto namang dumating ang sasakyang susundo sa akin. Kay lalim ng iniisip ko habang nasa kotse ako. Sobrang nababahala ako sa kasalan na magaganap. Sa totoo lang, isang bagay lang naman ang bumabagabag sa akin. Kung ano ang hitsura ng proxy groom ko. Kung mukhang tao ba talaga o mukhang trying hard na tao. Paano na kung matandang mataba na kalbo na naka-tabako? Paano na kung n***o na sobrang itim at makapal ang labi at flat ang malaking ilong? Paano kung matangkad na sobrang payatot? Sa ganda kong ito, dapat naman may hitsura ang makakapareha ko. Mukha at katawan ko ang mavi-videohan, mapi-picturan at Mapa-publicize. Sa akin ang spotlight. Kaya wish ko lang sana na mukhang tao talaga ang proxy groom ko. Hindi mukhang bisugo. PROXY GROOM'S POV KALOKOHAN! 'Yan agad ang sigaw ko matapos sabihin ng parents ko ang gusto nilang mangyari. Eh hindi nga ba't isang malaking kalokohan 'yon? Comatose ang groom at bride, bakit pa itutuloy ang kasal? Isang malaking kalokohan dahil ang magpapakita sa araw na 'yon ay proxy groom at proxy bride lang! Kalokohan! Kalokohan! Ngunit nang ipaliwanag ng mga magulang ko ang consequences kapag hindi natuloy ang kasalang 'yon, napapayag din nila ako sa bandang huli. Sana lang maganda ang kung sino mang proxy bride na 'yan. Dahil kapag ito'y mukhang pusit o kaya'y pugita, I swear kahit nasa pintuan pa lang ng simbahan, tatakbuhan ko. I don't care kung makalikha man ako ng malaking eskandalo! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD