The Ring

2459 Words
3 Months later....... FELIZA'S POV Ang bilis talaga ng araw. Parang kalian lang noong um-attend kami ng kasal ni Caridel sa Pagudpud Ilocos Norte. Parang kalian lang din nangyari ang very shocking na pakikipag-face to face ko sa king cobra ni Ugok. Hindi ko 'yon namis ah! Nabanggit ko lang kasi sa nakalipas na tatlong buwan, halos gabi-gabi akong binabangungot. Nandiyan 'yong hinahabol ako ng king cobra ni Manjoe o kaya'y tinutuklaw ako. Kadalasan nagigising na lang akong sumisigaw dahil ayaw akong tantanan ni king cobra sa panaginip ko. Namili na nga ako ng palmera sa Quiapo. 'Yong may blessing tuwing palm Sunday. Sabi kasi ni Yaya Ana, mabisa daw ang dahon na 'yon na panlaban sa bangungot. Kukuha lang daw ng dahon at gawing krus saka idikit sa headboard ng kama. Medyo umepekto naman kasi pansin ko, once a week ko na lang napapanaginipan si king cobra. Naging abala din ako sa trabaho. Hindi na nga masyadong active ang night life ko eh kasi hindi rin biro ang posisyon ko sa kompanya ni Lolo. Lalo na't malapit na itong mag-retire bilang CEO. At siyempre, bilang kaisa-isang apo, ako ang magiging successor nito. Ayaw kasing pamahalaan ni Daddy ang Azurin Corporation kasi nga may sarili na siyang real estate business. Oh my! 5 pm na pala! Usapan namin ni Emerson, susunduin niya ako ng 5:30 pm dito sa office. Kailangan ko na palang magbihis! EMERSON'S POV A week before our 5th monthsary, I was already on the edge of my seat looking and searching for a place where Feliza and I could celebrate. I scoured the net and called some hotels and restaurants. Ang initial plan ko ay sa Maldives Islands ko dadalhin si Feliza pero masyado kasi siyang busy sa trabaho lalo na't inihahanda siya ng Lolo niya para sa napipintong paghalili niya dito bilang CEO ng Azurin Corporation. I own numerous restaurants and cafés in the country pero gusto ko sa ibang restaurant ko siya dadalhin. Lalo na't hindi lang ito monthsary celebration. As I was checking-up my e-mail inbox, I came across an e-mail from a travel agency. They were offering a Manila Bay Dinner Cruise by MX Cruises. The package also included a romantic serenade on board the Leopard Spirit of Manila which docks beside the Jumbo Palace Floating Restaurant at the back of CCP Complex. This promo got me really excited since a dinner cruise such as this would be a first for the both of us. Needless to say, I placed a reservation immediately for the 6:00 pm schedule to be able to enjoy the romantic sunset by the bay. Sa totoo lang, sobrang ninenerbyus ako. I want everything to be perfect. God knows kung gaano ka-espesyal si Feliza sa akin. FELIZA'S POV "You look stunning, honey. You're very sëxy yet modest in that outfit." Puno ng paghangang sambit ni Emerson. I'm wearing a lacy little dress over a simple tank top and paired with major heels. "Thank you. Ikaw din naman. Ang guwapo mo." Nakangiting sagot ko. Totoo naman kasi. Ang pogi niya. He's wearing a pair of pressed khakis and a smart button-down shirt. When we finally reached the CCP Complex area, I saw the Jumbo Kingdom Floating Restaurant in front of us and I looked at him with an "aha!" smile! I just shook my head and laughed. Kasi ba naman akala ko sa isang restaurant sa harap ng Azurin Corporation niya ako dadalhin. 'Yon pala talagang nag-abala pa siya! He never fail to surprise me everytime na mag-celebrate kami ng monthsary. We sat on the bench by the breakwater while waiting for the cruise coordinator. Humilig ako sa balikat niya. "Thank you, Emerson." Malambing na sabi ko. "You're most welcome, honey." He said. Then afterwards, he handed over to me the dinner cruise voucher. I smiled and got all giddy like a child anticipating a huge gift. Upon reading the voucher, everything started to make sense to me. Nakaakbay si Emerson sa akin while we're escorted into the yacht by MX Cruises personnel and we're met by our personal butler. We headed to our romantically decorated table situated on the deck. The table adorned with lovely flowers and whatnots. "Wow! Very lovely!" I exclaimed. At the moment, sobrang na-overwhelm ako. Talagang ramdam ko kung gaano ako ka-espesyal kay Emerson. Halos lahat naman kasi ng babae, matutuwa sa ganitong surpresa. "You're much lovelier, honey. Wala pa 'yan sa kalingkingan mo." Tumawa lang ako at siyempre deep inside ay kinikilig. We started to set sail as the golden red sun slowly descended as if signifying the start of our wonderful evening. A few minutes into our cruise, music was played courtesy of a male and female acoustic duo and dinner was served shortly afterwards. As we enjoy the food, our requested songs were sung by the musical performers. "Hindi ka rin nag-effort ano? By the way, thank you for all. Happy 5th monthsary Emerson." "Happy 5th monthsary, Feliza." Masuyong sabi niya. Pagkaraan ng ilang minuto, sinerve ang monthsary cake namin kasama ang white wine. Tumayo si Emerson at binuksan ang wine. Habang sinasalinan niya ng alak ang isang wine goblet, may namataan ako sa loob ng isa pang empty goblet na siguro ay para sa akin. I picked up the empty wine goblet at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong singsing ang nasa loob with a small ribbon. "E-emerson what's the meaning of this?" "I propose to you, Feliza." Halata ang kaba sa tono niya. "B-but why?" "Because I think I'm ready to be legally binded to you. Because I consider myself mature and ready to start a family. Because when I look at you, I can see not just a beautiful and a smart woman but a potential WIFE. Because when I look at you, I can see not just a wife but a friend, partner, and SWEETHEART." Hindi ako nakaimik. Pilit na ina-absorb ko lahat ng katagang namutawi sa bibig ni Emerson. "Feliza, accepting the ring, doesn't mean na magpapakasal na tayo agad. I'm willing to wait hanggang sa maging handa ka na." Ano ang sasabihin ko? Looking at Emerson right now, I know how sincere he is. Ano pa nga ba ang hahanapin ko sa kanya? He's handsome, rich and he has a good heart. Practical na ang buhay ngayon. He's a good catch, tatanggi pa ba ako? "Proposal accepted, Emerson." I smiled sweetly while looking at his eyes. Mukhang nakahinga siya ng maluwag. Isinuot niya ang singsing sa aking daliri. It's an 18K three-gold, central brilliant-cut diamond ring. "Thank you so much, honey. You made me so happy tonight." Sa halip na sumagot ako ay hinalikan ko siya sa labi. Traversing Manila Bay for over an hour with music and a romantic dinner was magnificent! The reflection of the lights from SM Mall of Asia was awesome. "Ihahatid na ba kita sa condo mo, honey? Wala ka na bang pupuntahan? It's only 8:30 pm. Saka Saturday bukas. Wala kang trabaho." Pagkaraa'y sabi ni Emerson. Sakto namang nag-ring ang phone ko. Si Crystal pala ang tumatawag. "Friend, napatawag ka?" (Nasaang lupalop ka ba, ha? Ikaw na lang ang hinihintay namin! ) "Ha? Bakit? Ano ba ang meron?" (Birthday ni Danreb! Kahapon ko pa sinabi sa'yo. Bakit ba napakaulyanin mo na? Nasaan ka ba? ) "Nag-celebrate kami ni Emerson ng 5th monthsary namin. Sige, papunta na kami diyan. Bye." "Emerson, birthday pala ni Danreb. Tara sa bahay nila sa Forbes Park. Kanina pa daw sila naghihintay." "Ihatid na lang kita, honey. Pupunta pa kasi ako sa Lucena ngayon." Tumango lang ako. ***************** "Oy Lola, saan ka galing? Bakit bihis na bihis ka?" Bungad ni Danilo sa akin pagkarating ko sa malawak na garden nina Danreb. Wow! Ang sarap namang tumambay dito. Ang ganda ng pagkaka-landscape. Sobrang daming halamang namumulaklak. Ngunit parang naisip kong umalis din agad sa oras na ito nang mamataan ko si Ugok. Bakit ba nandito ang buwisit na ito? Haist, nakalimutan ko kaibigan din pala siya ni Danreb. Umasim ang mukha ko ng ngisian niya ako. Ngising king cobra. Shìt bakit ba naalala ko na naman ang tìtì ni Ugok? Asar naman! Panira ng gabi! "Nag-celebrate pa kasi sila ni Emerson ng monthsary nila." Si Crystal ang sumagot. "Tara Lola, dito ka sa tabi ko maupo." Pinaghila ako ni Danilo ng upuan. "Thank you." Sabi ko. "Bakit ba ang tagal mo? Hindi ka tuloy nakasama sa operasyon ko Bulong ni Danilo sa akin. "Ano'ng operasyon? May tumor ka?" "Gagi, hindi noh! Oplan nakaw bonsai ni Danreb. Ang gaganda ng nakuha ko. Nasa trunk na ng kotse ko. Walo lahat." "Pahingi ng dalawa, Danilo!" "Ayaw! Pinaghirapan ko kayang ipuslit. Pero kung may three thousand ka diyan, sige ibibigay ko 'yong isa." "Gagō! Wala ka nang pinagbago! Mukhang pera!" Hinampas ko ito ng malakas sa braso. "Tsssk! Ang landi talaga! May boyfriend na nga nakikipag-flìrt pa." Rinig kong sabi ni Ugok. Nakaupo na sa harap ko? Ano 'yon nakipagpalitan ng upuan kay Brandon para lang badtripin ako? Buwisit talaga! Inirapan ko lang siya. "Lola, ano ba 'yang matulis na nasa kamay mo? Tignan mo nasugatan ang braso ko sa paghampas mo." Reklamo ni Danilo. Sinipat ko ang braso nito at may scratch nga. "Oh my God! Ma. Feliza, is that an engagement ring? My God! Engaged na ang best friend ko!" Tili ni Crystal. Ngumiti lang ako. Ngunit napawi rin nang mapansin kong all eyes sina Danilo, Brandon, Henry, Danreb, Manjoe at pati si Yaya Helen sa kamay ko. "It looks cheap! Mukhang namumulubi ang nagbigay ng engagement ring mo!" Walang kagatul-gatol na sabi ni Danreb. "Hoy Danreb Floyd Ferrero Figuerres, kung makalait ka wagas. For your information, ni wala kang ibinigay na engagement ring sa akin dahil wedding ring na agad!" Himutok ni Crystal. "Don't worry, sweetheart, bukas na bukas din bibilhan kita ng classy engagement ring. Yung 20x ang halaga sa cheap na singsing ni Feliza." - Danreb "Mukha naman kasing cheap ang bibigyan kaya cheap din ang nagbigay. And look, parang peke nga ang singsing. Puwet ng baso lang yata ang bato." Grrrrr pati si Ugok nakisali pa. Ang sarap bangasan punyëta. "Huwag kang magagalit, Feliza pero mukhang walang taste ang fiancë mo. Hindi maganda ang design. Mukhang kinulayan lang din ng ginto ang gold band niyan Kapag nabasa 'yan sigurado mag-iiba na ang kulay. Magiging puti na." Ukray ni Brandon. Wait, si Brandon ba ito? Bakit pati ito nakikisali na rin? "Tama sila, Feliza. Mukhang hindi ka espesyal sa fiancé mo. Hindi man lang nag-effort sa pagpili ng singsing. Baka nga isinanla lang din 'yan sa kanya. Kung hindi man ay ibinenta ng mandurukot sa Divisoria." Dagdag ni Henry. Sinamaan ko sila ng tingin na ikinatawa ni Yaya Helen. "Don't tell me na pati ikaw ay lalaitin din ang singsing ko!" Baling ko kay Danilo. Ito na lang kasi ang hindi nag-comment eh. Mababatukan ko talaga ito. "Hehe Lola, don't worry, mas fair ako sa kanila. Patingin ng singsing mo." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Oh my face! Ang daling nahugōt, Lola. Ang luwag! Ibig sabihin, hindi 'yan para sa'yo. May ibang babaeng pagbibigyan ang jowa mo! Nagkamali lang siya Lola! Kaya maigi pa, ibenta ko na lang ito sa pawnshop para at least may pakinabang. Kadiring isuot ito lalo na hindi naman pala nakalaan para sa'yo." "Pëste! Akin na nga 'yan!" Pahablot na kinuha ko ang singsing at inilagay sa bulsa ng bag ko. "Ano ba'ng problema niyo, ha? Bakit niyo ba pinagdidiskitahan ang engagement ring ko? Naiinggit kayo? Eh di bumili kayo ng sarili niyo!" Inis na sigaw ko sa kanila. Asar ang mga lalaking ito. Talagang pinagkaisahan ako! "Eh ang pangit nga kasi ng singsing mo!" Sabay-sabay nilang sabi saka tumawa. Iiling-iling lang si Yaya Helen dahil sa inaakto ng mga barakong ito. Sinasaway naman ni Crystal si Danreb. "Tama na nga '.yan! Kumain na tayo. Itigil na ang asaran." Sabi ni Crystal. Mabuti at nakinig naman sila. Hindi na nila ako inasar pa. "Dito ka na lang matulog Fel, hindi ka kasi maihahatid nina Henry, Danilo at Brandon. May lakad pa daw sila." Sabi ni Crystal matapos naming mag-dinner at nakahanda na kaming magsi-uwian. "Hindi puwede, Friend. Kailangan kong umuwi sa condo ko. May mga paper works akong dapat tapusin para sa Monday." "Paano na 'yan? Teka, sabihan ko na lang si Danreb na ihatid ka. Naka-off kasi ang mga driver namin." "No need Crystal, I will send her home." Sabad ni Ugok. "'Yon naman pala eh. Kay Manjoe ka na lang sasabay, Fel." "Ayuko. Mag-commute na lang ako!" "Malayo pa ang lalakarin mo palabas ng subdivision, Fel. Saka gabi na, delikado." -Crystal "Sasabay ka sa akin whether you like it or not." M.ariing sabi ni Ugok. Saka ako hinila. Kumaway na lang ako kina Crystal at Danreb. *************** "Ano ba'ng problema mo, ha? Kung napipilitan ka lang na ihatid ako, eh di sana pinag-commute mo na lang ako! Hindi ganyan na pagbubuntunan mo ako ng tupak mo!" Galit na sigaw ko kay Ugok. Paano naman kasi pinasibad niya ang kotse niya. Sobrang bilis saka biglang nagpreno. Napasubsob tuloy ako sa dashboard. "Huwag kang magpakasal sa lalaking 'yon!" Ganting sigaw niya sa akin. "Wala kang karapatang pigilan ako sa gusto kong gawin sa buhay ko! Hindi kita Tatay, hindi ikaw ang lolo ko at higit sa lahat, hindi ikaw ang fiancé ko! Ni hindi kita kaibigan kaya huwag mo akong pakikialaman!" "Return that fūcking ring to that bastārd, Feliza." "No way! Stop this nonsense, Manjoe! Hindi mo ako puwedeng diktahan! Walang rason para ibalik ko ang singsing kay Emerson! Gagawin ko kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko at walang makakapigil sa akin. Not even you!" "PŪTANG INA! GUSTO KITA! HINDI PA BA SAPAT NA DAHILAN 'YON?!" "Pūtang ina! Gusto kita! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?!" "Pūtang ina! Gusto kita! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?!" "Pūtang ina! Gusto kita! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?!" Natigagal ako dahil sa sinabi ni Manjoe. Tila sirang plakang paulit-ulit na nagplay sa isip ko ang mga katagang 'yon. "I like you, Ma. Feliza." Saka lang bumalik ang diwa ko nang magsalita ulit si Manjoe. Nangungusap ang mga mata niya. I don't know what to say. I don't know what to think. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Nagulat na lang ako, nang lumapat ang mga labì niya sa labì ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD