The Two Monsters

1751 Words
DANILO'S POV "Oy Danilo, ba't wala pang laman ang plato mo? Ayaw mo ba 'yang mga inorder namin?" Tanong ni Crystal baby sa akin. Nakatingin lang kasi ako sa kanilang dalawa ni Feliza. Grabe ang lakas nilang kumain. Parang double deck ang bituka nila. Pero ang nakapagtataka, hindi sila tumataba. Ang ganda pa rin ng katawan nila. Hmmm, ano kaya sikreto nila? "Baka nag-iinarte lang. Gustong magpapansin." Komento ni Brandon na katabi ni Crystal. "Aba Danilo, baka nag-eexpect ka ng suhol para lang kumain. Walang hiya, butas na ang bulsa ko,oy kaya kung choice mong mag-hunger strike, sige lang susuportahan kita. Hmmmm ang sarap talagang kumain. The best ang beef stroganoff nila dito." Sabi ni Feliza saka ipinagpatuloy ang pagsubo. Nakakawili talagang panoorin ang babaeng ito. Walang kaarte-arte sa katawan. Hindi mo aakalaing galing sa napakayamang pamilya. "Kaninong resort ba ito? Ang ganda." Tanong ni Crystal. "Sa kaibigan namin ni Brandon. Last month lang in-open sa public." Sagot ko. Dinala kasi namin sila ni Brandon sa Clover Beach Resort, Morong Bataan. Magce-celebrate kasi kaming apat. Una, dahil mas gumuwapo pa ako sa kabila ng kakengkoyan ko. Pangalawa, na-promote si Feliza Lola. General Manager na siya ngayon ng Azurin Corporation. Hindi ko rin akalain na kayang balansehin ni Feliza ang dedikasyon niya sa trabaho at pagiging baliw. Kahanga-hangang nilalang. Pangatlo, naging matagumpay ang TV commercial ni Crystal baby. Tulo-laway din ang mga napapadaan sa EDSA dahil sa higanteng billboard niyang naka-red bikini. At ang panghuli, dahil wala pa ring kakupas-kupas ang pagiging tameme ni Brandon. Harhar. Hanggang pasulyap-sulyap lang siya kay Crystal. Naku, hindi pa kasi pasabugin ang nilalaman ng puso. Bahala siya kung maunahan siya ni Monster. Oh my, speaking of monster, may namataan ang 20/20 vision ko. Hindi lang isa. Dalawa! Pero chill lang muna, mukhang okay pa ang aura ng dalawang monster. "Nasaan pala ang lulubog-lilitaw mong jowa, Lola? Buhay pa ba 'yon?" Tanong ko nang maalala ko ang lampa niyang boyfriend. "Gagō, siyempre buhay pa. Nasa Thailand siya ngayon." "Wala, may babae 'yon na kasama. Maniwala kang wala." Pang-aasar ko. "Okay lang 'yon. Ako din naman may kasama ngayon. Dalawang lalaki pa nga eh. Ay mali 50/50 pala 'yong isa. Oy Brandon hindi ikaw 'yon ah." Natawa ako sa sinabi niya. Ang defensive talaga. "Tama na ang karne, Lola. Mag-vegetable salad ka na lang. Sasali tayo sa mga pa-games mamaya. Malalaki daw ang prizes." Nilagyan ko ng salad ang plato niya at nilantakan niya agad. Pambihira. Basta makain talagang lalamunin. CRYSTAL'S POV "Nandito rin pala si pare, Danreb." Nanlamig ako sa sinabi ni Brandon. Asar talaga. Akala ko pa naman mapagtataguan ko na si peste. Tatlong araw mula ngayon magbabayad na daw ako sa kanya. Ang suwerte naman niya kung basta na lang ako bibigay. Neknek niya. "Alam mo na, Pare Brandon. Parang kabute lang si Monster. Bigla na lang susulpot lalo na kapag may hina-hunting" Sabi ni Danilo na mas lalong ikinakaba ko. Wala naman kasi silang alam sa usapan namin ni peste. Sinusundan kaya niya ako? Ah baka hindi rin. Naka-business suit kasi. Baka may katatagpuing client. At saka may kasama naman ako kaya panigurado hindi niya ako pakikialaman. "Friend ba't namumutla ka? Okay ka lang?" Puna ni Feliza. "Oo. O-okay lang ako. Napuyat lang ako kagabi. Nanaginip ako ng monster. Tapos noong magising ako mga bandang 1 am. Dahil sa bangungot na 'yon, hindi na ako nakatulog pa hanggang sa sunduin niyo ako sa bahay ng 7 am." Palusot ko. Mukha namang naniwala sila. "Mga bandang hapon pa naman mag-start ang mga games kaya puwede kang umidlip pagkatapos nating kumain, baby. Kung gusto mo tabi pa tayo." Natawa na lang ako sa sinabi ni Danilo. Si Brandon naman pangiti-ngiti lang sa tabi ko. FELIZA'S POV "Aba, may kasama rin palang aso si Pare Danreb. Hagisan ko kaya ng spareribs." Hindi ko napigilang humalaklak dahil sa sinabi ni Danilo. Pero natigilan ako nang mapagsino ko ang lalaking yun. 2 months na ang nakaraan mula nang mangyari ang tagpong 'yon sa gazebo. Laking pasasalamat ko dahil sa dalawang buwan na 'yon ay hindi ko na nakita si Ugok. Madali naman akong naka-get-over sa pangyayaring 'yon. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na binabalik-balikang isipin ang isang bagay na hindi maganda. "Ano Lola, ituloy ulit natin ang acting? This time libre ang serbisyo ko." Baling ni Danilo sa akin. Tumawa lang ako. I know gets na niya ang ibig kong sabihin. "Balita ko bagong business partner 'yan ni Danreb." Sabi ni Brandon. "Malay ko ba. Basta mas pogi ako diyan. Pareho lang naman sila ni Danreb eh. Magkaparehong monster. Si Danreb ay green monster. 'Yang kasama naman niya red monster." "Bakit red monster?" Tanong ko kay Danilo. "Ang hina mo naman Lola, siya ang redtide monster. Alam mo 'yong redtide ng tahong? Siya 'yon. Nakakalason." Nagtawanan kami sa sinabi ni Danilo. Ang table lang yata namin ang pinakamaingay. Natahimik lang kami nang may lumapit na waiter. "Excuse me po, Ma'am, Sir. Pinapasabi po ng dalawang customer na masyado po kayong maingay. Nakakagulo daw po kayo sa meeting nila." Sabi ng waiter. "Sabihin mo sa reklamador na 'yan na hindi nila pag-aari ang resort na ito kaya wala silang pakialam kung tatawa kami. Kung gusto nilang mag-ingay eh di mag-ingay din sila, ah." Mataray kong sabi. "Sige po, Ma'am." Sagot ng waiter at lumapit sa table ng dalawang monster. "Bilisan na lang nating kumain nang makaalis na tayo dito. Iidlip pa ako eh." Sabi ni Crystal. "Kain ka pa, Crystal. Tikman mo 'to." Sinubuan ni Brandon si Crystal ng grilled pork cheek. "Oy, ang sweet nila. Nakakainggit. Lola, gusto ko ng inihaw na pusit. Subuan mo rin ako." Ngumanga na si Danilo. Ayuko namang mapahiya siya kaya humiwa ako ng inihaw na pusit at isinubo ko sa kanya. "Brandon, may dumi ka sa gilid ng bibig mo." Sabi ko kay Brandon. Pinunasan nito pero hindi natanggal kaya kumuha si Crystal ng tissue at pinunasan ang dumi. "Thank you, Crystal." Nakangiting sabi ni Brandon. Halatang kilig na kilig si Brandon. "You're welcome, Brandon." Sabi ng bestfriend ko. "Mag-CR lang ako saglit. Babalik din ako agad." Paalam ko sa kanila. "Samahan na kita, Lola. Ako rin naiihi." Inakbayan ako ni Danilo. "Ang bango ng buhok mo, Lola ano ba ang shampoo mo?" Tanong niya. Hinalikan kasi niya ang tuktok ng ulo ko. "Gugo lang." Natatawang sabi ko. Hindi naman siya umimik. Mas ipinulupot pa niya ang braso sa baywang ko. Hanggang sa marating namin ang comfort room. Pumasok siya sa Male CR at siyempre sa Female ako. Hindi naman kami nagtagal. Naabutan namin sina Crystal at Brandon na masayang nagkukuwentuhan. Ipinaghila ako ni Danilo ng upuan. "Thanks. Sana ganyan palagi." Sabi ko. "Isang kiss ang kapalit, Lola. Akala mo libre? Asa ka naman." "Inambaan ko kunwari ng suntok pero hinuli niya ang kamay ko at dinala sa labi niya." "Ma'am, Sir, mawalang galang po pero bawal po ang PDA dito." Sabi ng isang staff ng resort. "At sino ang nagsabi sa'yo na bawal?" Masungit kong tanong. Itinuro ng lalaking staff ang table ng reklamador na customer lang din. Nagtama ang mga mata namin ni Manjoe. Galit? Weee pakialam ko ba! Ngunit agad din nitong ibinaling sa ibang direksyon ang paningin nito. Sinundan ko ng tingin ang naniningkit nitong mga mata at naglanding sa kamay kong hawak-hawak ni Danilo at hinahalik-halikan. Inggit yata. Inggitin ko pa nga. Inilapit ko ang mukha ko kay Danilo at walang babalang hinalikan ko siya sa pisngi. "Ay sa pisngi lang? Akala ko pa naman sa lips na. Ulit Feliza. Take two." Hahalikan ko na sana ang kabilang pisngi ni Danilo nang biglang may humawak sa mukha ko. And the next thing I know, parang babaligtad ang sikmura ko. Ikaw ba naman ang bigla na lang buhating parang isang sakong bigas. Nagsisigaw at pinagpapalo ko ang likod ni Ugok ngunit hindi man lang natinag. Hanggang sa ipasok ako sa isang silid. Muntik pa akong matumba nang bigla na lang niya akong ibaba. "Wala ka talagang delikadesa, Ma. Feliza! Nakikipaglandian ka kahit sa mataong lugar! And worse, hindi na makapaghintay ang kakatìhan mo at sa CR pa kayo nag-QUÌCKIË ng kasama mo! You're nothing but a whōre! A fùcking mëtal!" "Matagal ko nang alam! 'Yan lang ang sasabihin mo? Naks naman, dinala mo pa ako rito? Wow lang ang effort mo, Manjoe! Don't tell me na naiinggit ka sa ginawa namin sa CR?" "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Feliza. You won't like it!" "Oh? Ano ang gagawin mo? I-good time mo ulit ako like what you did two months ago at sasabihin mong 'thanks for the good time'? Walang hiya! Para sabihin ko sa'yo Manjoe, ang pangit ng performance mo. Hindi nga ako nasiyahan eh. Ni mata ko hindi tumìrik. Naturingan ka pa namang chickboy pero lupaypay naman ang sandata mo!" Lumunok ako nang tapunan niya ako ng nagbabagang tingin. Pulang-pula rin ang kanyang mukha. Tama nga si Danilo. Nagiging red monster si Ugok. "Oh, ba't napipi ka? Ano ang pakialaman niyo ng isa ring monster na kasama mo kung mag-PDA kami dito? Don't tell me na inggit kayo? Maraming babaeng asong gala diyan. Kung gusto mo ring mag-PDA eh di pumatōng ka sa aso at nang makagawa kayo ng tuta? Kung umasta kayo parang pag-aari niyo ang lugar na ito. Mga buwisit kayo, sinira niyo ang date namin!" "We own this place! Me and Danreb! Kaya 'pag sinabi naming bawal, bawal!" "Kahit bawal kung gusto kong gawin, gagawin ko. Wala akong pakialam kung sa inyo ito! Wala kang kuwentang kausap! Hindi kita kaibigan at hindi tayo close kaya huwag kang feeling! Hindi mo ako puwedeng diktahan! Babush, red monster!" Taas noo akong nagmartsa palabas ng kuwartong 'yon. Naglalakad ako sa isang pasilyo nang makasalubong ko si Crystal. "Crystal, saan ka galing?" Tanong ko. "Kinausap ako ng pesteng green monster na Danreb. Alis na tayo dito, Fel. Sa kanila pala itong beach resort na 'to. Iba-ban daw tayong apat." "Aha, ganun? Hindi, Crystal. Mag-stay tayo dito ng 3 days gaya ng plano natin. Sa ayaw at gusto ng dalawang monster na 'yon." ********* (1,719 words)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD