Hindi ko na makontrol pa ang aking sarili sa pag-iyak kaya naman ang tangi ko na lang nagawa ay ilagay ang mga palad ko sa aking mukha upang kahit papaano ay makapagtago ako mula sa kanila kahit na halos hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak. Sunod-sunod na mura ang narinig ko kay Kian matapos kong magsalita at mula sa kanyang boses ay ramdam na ramdam ko kung gaano na siya ka-frustrate ng dahil sa mga nangyayari. "I said shut the f*ck up, Axl! Shut the f*ck up! Ilabas na ninyo si Nikki dito then saka ninyo ako balikan! Hindi tayo matatapos dito kung hindi kayo makikinig sa akin!" may awtoridad sa bawat bigkas ni Kian. "Bahala ka sa buhay mo!" ang tanging nasagot ni Axl at pagkatapos ay narinig ko ang pagsara niya ng pinto. Alam kong nagpipigil lang si Axl na h

