Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nabato at naestatwa mula sa aking kinauupuan nang maramdaman ko ang paghaplos niyang iyon.
Maging ang mabilis na pagtibok ng aking puso ngayon ay hindi ko mapaniwalaan dahil nararamdaman ko lang naman ang ganito kapag galing ako sa pag-jogging o sa pagtakbo ng mabilis.
Parang bigla ring tumahimik ang buong paligid habang nakatingin kami sa mga mata ng isa't-isa kaya naman parang tanging ang mabilis na pagtibok ng aking puso na lang ang aking naririnig.
Naputol lang ang aming titigan at nabalik lang ako sa wisyo nang tawagin ni Garnet ang aking pangalan upang kunin ang aking atensyon kaya awtomatikong napabaling ako sa kanya.
"Are you guys, okay? Nikki? Nag-aaway na naman ba kayo nitong si Kian?" tanong niya habang nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin mula sa akin papunta kay Kian. "Kanina pa kasi namin kayo tinatawag na dalawa pero parang hindi niyo kami naririnig at parang nasa ibang mundo kayo." dagdag pa niya.
Ngayon ko lang napansin na nasa aming dalawa na pala ni Kian ang buong atensyon ng mga pinsan namin at kagaya ni Garnet ay nababakas ko sa kanilang mga mukha ang pagiging kuryoso sa nangyayari sa amin ni Kian ngayon.
Napalunok muna ako at napalingon kay Kian ng ilang segundo bago ako muling bumaling kay Garnet upang magsalita.
"U-Uhm, no, Garnet. We're fine. We're not fighting." kinakabahan kong sagot. "Tara, mag-picture na tayo para makakain na rin tayong lahat." pag-iiba ko ng usapan na kaagad naman nilang sinang-ayunan na ipinagpasalamat ko.
Nanatili pa rin si Kian sa aking likuran nang magsimula na kaming kuhanan ng litrato. Ang kanyang kaliwang kamay ay nanatili rin sa kaliwa kong baywang.
Nang magsawa siya sa ganoong pose ay inakbayan naman niya ako gamit ang kanan niyang kamay at sa hindi ko pa rin malamang dahilan ay patuloy pa rin sa pagwawala ang aking puso na parang gusto na nitong kumawala mula sa aking dibdib.
Hindi tuloy ako makangiti ng maayos ng dahil doon. Saka lang ako medyo nakahinga ng maluwag at medyo kumalma nang magsimula na kaming kumain.
At para tuluyan na nga akong bumalik sa wisyo ay pinilit ko ang aking sarili na huwag nang mag-isip pa ng kung anu-ano. Hindi lang siguro ako sanay na ganito si Kian sa akin kaya nakakapanibago dahil simula noong mga bata pa lang kami ay hindi na talaga kami close. Nitong nakaraan lang siya naging ganito ang pagtrato sa akin.
Oo, tama! Iyon nga! Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit ako biglang nagkaganun kanina at wala nang iba pa!
"Oo nga pala, Nikki. May pinapasabi sa'yo si Harold. Bakit hindi mo raw siya ni-re-reply-an sa chat? Kung may nasabi or nagawa raw siyang hindi mo nagustuhan?" tanong ni Garnet na nasa kaliwang banda ko lang matapos kong mailapag ang kinuha kong chicken wings at fries sa aking paper plate.
Bigla na lang akong naubo at napaangat ng tingin kay Kian na nasa aking harapan lang nang matapos si Garnet sa pagsasalita.
Harold is our batch and school mate that is so arrogant. Madalas siyang makaalitan ni Kian lalo na pagdating sa larong basketball kaya naman mainit ang dugo nila sa isa't-isa at kagaya nga ng inaasahan ko ay may madilim nang awra ngayon si Kian na parang anytime ay mananapak na lang siya.
Nabanggit lang ang pangalan ni Harold pero nanggagalaiti na kaagad siya. Ganoon na talaga siguro katindi ang galit at inis niya sa Harold na iyon.
Kung sabagay, napakahambog kasi ng isang iyon, e, kaya hindi na rin ako nagtataka na maraming may ayaw at galit sa kanya sa school.
"Nakulitan kasi ako." honest kong sagot habang nagsisimula na akong kumain. "Araw-araw ba naman akong tadtarin ng messages and calls. Mabuti na lang talaga at nauso ang ignore button sa messenger kaya hindi ko na kailangang patayin ng paulit-ulit ang mga tawag niya." dagdag ko pa habang sarap na sarap ako sa kinakain kong chicken wings.
"Bakit hindi mo na lang i-block para tigilan ka na?" sabat ni Nhya mula sa aking kanan na ngayon din ay nagsisimula nang kumain katulad ko.
"Asa ka namang titigil na kaagad ang isang 'yon kapag blinock siya ni Nikki." mabilis na tugon ni Garnet. "Nakakalimutan mo na yata ang ginawa ng Harold na 'yon para lang mapapayag itong si Nikki na i-confirm at i-accept siya sa kanyang mga social media accounts." dagdag pa niya.
Napailing na lang ako nang maalala ko na naman ang mga ginawang pag-eeskandalo ng Harold na iyon.
Ilang buwan lang naman siyang nagpabalik-balik sa bahay namin para lang mapapayag ako na i-accept ko siya sa lahat ng social media accounts ko.
Naka-private kasi ang mga iyon dahil ayaw kong nakikita ng ibang tao lalo na 'yong mga hindi ko ka-close ang mga pino-post ko doon kaya hindi talaga ako nag-a-accept ng basta-basta.
Wala lang akong nagawa nang pagdating na kay Harold dahil kahit kinausap na siya nina Mommy tungkol sa pagiging makulit niya ay hindi pa rin siya nakinig. Nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin hanggang sa magpang-abot na naman sila ni Kian at upang tumigil na nga siya ng tuluyan ay nawalan ako ng choice kung hindi pumayag na lang sa gusto niya.
Buong akala ko nga ay hindi na niya ako gagambalain matapos ko siyang ma-accept. Nagkamali ako dahil simula noon ay minu-minuto na niya akong pinapadalhan ng messages at tinatawagan. Mabuti na lang talaga at pinaalalahan siya ni Mommy na ipapadakip sa mga pulis once na kulitin pa ako sa personal at once na magpunta sa bahay para lang kulitin ako kaya naman sa pag-text at pag-call na lang niya iyon ginagawa.
"Bakit hindi mo na lang kasi siya diretsuhin, Nikki? Sabihin mong wala kang nararamdaman sa kanya at wala siyang pag-asa sa'yo para matapos na. Ang lumalabas kasi ay mukhang pinapaasa mo 'yong tao at mukhang nag-e-enjoy kang gawin iyon." ani Nhya na nakapagpairita sa akin ng kaunti kaya napabaling na ako sa kanya kahit na ngumunguya pa ako.
The f? Me? Enjoying? Nagka-amnesia ba siya?!
"What is happening to you, Nhya? Noong isang araw ka pa ganito, ah. What are you saying? Okay ka pa ba?" naiirita na ring saad ni Garnet habang nakatingin na rin siya sa direksyon ni Nhya.
Relax na relax lang si Nhya habang patuloy sa pagkain ng french fries, not minding us, samantalang kaming dalawa ni Garnet ay naiirita na sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi.
"What's your problem, Nhya? You were always there everytime I am telling Harold that he doesn't have a chance with me and will never be dahil wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay so why are you saying nonsense things now?" kinontrol ko talaga ang sarili ko na magsalita pa rin ng malumanay kahit irita na ako sa kanya.
Nanatili ang kanyang atensyon sa kanyang kinakain habang nakangisi pa, ni hindi man lang kami nililingon.
Nararamdaman kong patuloy lang sa pagkain sina Kian, Lawrence, at Axl habang may tensyong nagaganap sa aming mga babae pero alam kong nakikinig din sila.
"What's with your attitude, Nhya? Baka nakakalimutan mong pinsan mo si Nikki," madiing pahayag ni Garnet at ramdam ko mula sa kanya ang pagkontrol niya sa kanyang sarili na hindi magtaas ng boses.
Sa aming tatlong magpipinsang babae ay kaming dalawa ni Garnet ang hindi mahilig makipagtalo o makipag-away pero kung alam namin na sumusobra na talaga ay hindi kami magdadalawang isip na lumaban.
Ilang araw na kasing ganito si Nhya towards sa amin, lalong-lalo na sakin, though moody talaga siya, iniintindi ko na lang pero ngayon ay hindi na ako nakatiis.
"You girls, tama na 'yan." pag-awat sa amin ni Axl. "Ikaw, Nhya, mag-sorry ka sa kanila. Hindi tama ang mga sinabi mo. Sumusobra ka na," seryosong dagdag niya.
Kahit na babaero si Axl ay siya naman ang pinaka-mature sa amin pagdating sa mga ganitong bagay. Siya ang peacemaker namin at handa siyang gawin ang lahat magkabati-bati lang ang magkaaway or nagkakatampuhan.
Ilang segundo lang ay natigil si Nhya sa kanyang pagkain. Napatungo siya at ilang sandali lang ay lumingon na rin siya sa amin habang namamasa na ang kanyang mga mata.
Mabilis akong nakaramdam ng kirot mula sa aking puso nang makita ko iyon. Mahal na mahal ko ang mga pinsan ko kaya naman mabilis talaga akong maapektuhan kapag umiiyak or nasasaktan sila.
"I'm sorry," she said softly at bago pa tuluyang pumatak ang kanyang mga luha ay tumayo na kami ni Garnet upang yakapin siya.
"Huwag mo na lang ulitin." saad ni Garnet habang paulit-ulit sa paghingi ng sorry si Nhya.
"Kagaya ng palagi kong sinasabi, you can talk to us kung may problema ka. Huwag mong sarilinin dahil andito lang kaming lahat para sa'yo." pagtatahan ko sa kanya.
Matapos lang din ang ilang minuto ay naging okay na rin naman kami lalo na nang magsimula nang magpatawa ang mga pinsan naming lalaki.
"Block that asshole." biglang salita na lang ni Kian nang magsimula na siyang magsagwan.
Nakasakay na kami ngayon sa maliit na bangka dito sa may lawa. Medyo madilim na rin kaya naman bukas na ang mga ilaw na mas lalong nagpaganda sa buong paligid.
"Ha? Sinong asshole?" nagtataka kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang magsagwan.
Magkaharapan kami ngayon kaya kitang-kita ko kung gaano kaseryoso ang expression niya.
"That mother f*cking Mondoya."
Oh, si Harold.
"I don't have too. Hindi pa rin naman titigil ang isang 'yon kahit i-block ko siya. Okay na 'yong naka-ignore siya sa akin." pangangatwiran ko.
Hindi katulad kanina ay hindi na ako naiilang sa kanya kaya naman ganito na ako kakomportableng sumagot-sagot sa kanya.
"I said block him," seryoso pa rin niyang saad habang nasa pagsasagwan niya pa rin ang kanyang atensyon.
"E, hindi nga pa rin 'yon titigil kahit i-block ko. Hayaan mo na."
"Ibigay mo sa akin ang phone mo, ako ang gagawa." pagbaling na niya sa akin.
"Hindi na nga kailangan. Mapapagod din 'yon." pagtitig ko rin sa kanya.
"May nararamdaman ka na siguro sa ungas na 'yon kaya ayaw mo siyang i-block? Oh, ano? Pumayag ka na bang ligawan ka niya, ha?" pang-aakusa niya habang tumigil na siya sa pagsagwan.
Napaawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi.
"Hindi porket hindi ko siya bina-block ay may nararamdaman o nagpapaligaw na ako sa kanya. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang na mas kulitin niya ako kaya ayaw kong gawin 'yon?" naiirita kong sagot sa kanya habang nakatingin kami sa mga mata ng isa't-isa.
"Sige lang, Nikki Marie. Huwag mo siyang i-block. Sisiguraduhin ko talagang manghihiram siya ng ulo sa aso." pagbabalewala niya sa aking sinabi at seryosong pahayag niya na nakapagpatindig ng aking mga balahibo at nakapagpakaba sa akin dahil alam kong posibleng mangyari ang banta niyang iyon dahil alam ko kung gaano siya kabasagulero.