"Kian at Axl, dahan-dahan lang sa pagmamaneho, okay?" paalala ko sa kanila bago kami sabay-sabay na pumasok sa kanya-kanya naming mga sasakyan.
Narinig ko pa muna ang pagsara at pagtunog ng mga car doors nila bago ako tuluyang nakapasok sa dala naming sasakyan ni Kian.
Nakabukas na kaagad ang makina at aircon kaya naman parang biglang na-relax ang aking katawan.
Ramdam na ramdam ko ang mga mata ni Kian na nakasunod sa akin ngunit hindi ko man lang siya binigyan ng pansin at inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-abot ng seatbelt.
"Pagod ka na ba? Kung oo, pwede naman nating sabihin sa kanila at ipagpaliban na lang ito," panimula niyang saad makalipas lang ang ilang segundo.
"Hindi pa naman ako pagod kaya okay lang." sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagkabit ng aking seatbelt.
"Are you sure?" paninigurado niya at dahil tapos na ako sa pag-aayos ng aking seatbelt ay wala akong choice kung hindi tumingin na sa kanya.
"Yup," chill lang na sagot ko sa kanya. "Pwede ka nang magsimulang magmaneho. Nandoon na sila, oh, baka mahuli tayo," pagyaya ko sa kanya nang dumaan na mula sa gilid namin ang sasakyan na minamaneho nina Lawrence at Axl.
Hindi naman na siya nakipagtalo pa at sumunod na lang kaagad sa aking sinabi matapos niyang tumango.
Nang makaupo na ako ng maayos ay itinuon ko na rin ang aking mga mata sa harapan.
Masasabi kong okay na okay na kami ngayong dalawa lalo na at sinunod ko ang gusto niya kanina, ang i-block si Harold sa lahat ng social media accounts ko. Sinunod ko siya sa gusto niyang mangyari para hindi na niya ako paulit-ulit na kulitin tungkol sa bagay na iyon dahil alam na alam kong hinding-hindi siya susuko mapapayag lang ako sa gusto niyang mangyari at alam na alam ko rin na handang-handa siyang idaan iyon sa dahas masunod lang talaga ang gusto niya.
Hindi na rin ako naiilang sa kanya at bumalik na rin sa normal ang pintig ng aking puso kaya naman hindi na ganun kagulo ang aking isipan ngayon, hindi katulad kanina na halos sumakit na ang aking ulo sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Ilang sandali pa habang nagmamaneho pa rin si Kian ay nakatuon na ang aking pansin sa bintana sa gilid ko.
Madilim na sa labas dahil gabi na rin. Tanging ang ilaw mula sa mga street lights ang nagbibigay ng liwanag sa mga nadadaanan namin.
Ang original plan talaga naming magpipinsan kanina ay umuwi kaagad right after naming mag-picnic ngunit nang magkayayaang pumunta sa isang peryahan malapit lang dito sa aming lugar ay wala na rin kaming nagawa kung hindi sumang-ayon sa isa't-isa at mabilis na magligpit ng aming mga gamit upang makaalis na kaagad kami. Kaya naman, heto na kami ngayon, on the way na at hindi ko mapigilang hindi ma-excite dahil medyo matagal na rin nang huling punta namin sa peryahang iyon.
Isang beses sa isang taon lang kasi nagkakaroon ng ganoon at sa nakalipas na isang taon ay hindi kami nakapunta dahil naging abala kami sa aming pag-aaral nang mga panahon na 'yon. Mabuti na lang talaga at tapos na ang exams namin kaya naman nakakapagliwaliw kami ng ganito ngayon habang wala ng ibang iniisip.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na rin kami kaagad. Hindi ako masyadong na-boring-an sa buong biyahe dahil nagpapatugtog naman si Kian ng mga paborito kong music ni Taylor Swift kaya napasabay din ako sa pagkanta.
Habang papunta na kami ng parking lot ay tanaw na tanaw na kaagad namin ang dami ng mga tao at karamihan sa kanila ay mga teenager din na katulad namin.
"Tara na! Pasok na tayo!" na-e-excite na saad ni Nhya mula sa aking kanan nang nakapagsama-sama na ulit kami matapos makapag-park lahat ng maayos.
"Ang daming tao at ang daming rides! Sakyan natin lahat!" namamangha at masiglang pahayag ni Garnet na nasa kaliwang banda ko naman.
Kagaya nilang dalawa ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ma-excite at mamangha lalo na sa mga bagong rides na nakikita namin ngayon dito. Idagdag pa ang iba't-ibang kulay ng mga lights na mas lalong nagpaganda ng buong lugar at buong paligid.
Tamang-tama ang lakad naming ito pambawi sa mga nakaraang linggong stress kami sa aming pag-aaral dahil sa exams namin. Masasabi kong deserve talaga namin ang lakad na ito lalo na ang ginawa naming picnic kanina.
Akmang magpapadala na ako sa paghatak sa akin nina Garnet at Nhya sa magkabila kong mga braso nang bigla na lang may humila sa akin mula sa aking baywang na naging dahilan upang mapadaing ako dahil sa pagkabigla at naging dahilan din upang mapabitaw silang dalawa mula sa akin.
Kitang-kita ko ang mabilis nilang paglingon sa aking gawi dahil sa nangyari at sigurado akong nakikita nila kung sino ang taong naglakas loob na humigit sa akin mula sa kinatatayuan nila.
Buong akala ko ay tutulungan nila ako lalo na at napakahigpit ng hawak sa aking baywang ng taong nasa likod ko ngayon kaya hindi ako makawala ngunit nagkamali pala ako dahil mabilis na lang nila akong tinalikuran habang may mga ngiti pa sa kanilang mga labi at ang mas nakakainis pa ay nagawa pa nilang mag-akbayan.
Napaawang ang aking labi habang nagsisimula na akong mag-panic at habang naglalakad na sila palayo mula sa akin.
Balak ko na sanang sumigaw at magpumiglas upang kumawala ngunit bago ko pa magawa ang mga iyon ay narinig ko na ang boses ng taong may hawak sa akin mula sa aking baywang na mabilis nakapagpakalma kaagad sa akin.
Oh my gosh! Siya lang pala! Akala ko kung sino na!
"Suotin mo 'yan. Baka magkasakit ka," seryosong saad ni Kian at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang paglagay niya ng kanyang sumbrero mula sa aking ulo.
Mabilis akong napabusangot matapos niyang magsalita at dahil medyo maluwag na ang pagkakahawak niya sa akin mula sa aking baywang ay hindi na ako nahirapang kumawala at mabilis siyang hinarap.
"Tinakot mo ako, Kian! Ikaw lang pala 'yan!" naiinis kong saad sa kanya sabay hampas ko ng dalawang beses na hindi kalakasan sa kanang braso niya. "Sa'yo na 'tong sumbrero mo! Hindi ko kailangan 'yan!" naiinis ko pa ring dagdag sabay hubad at pagdiin ko ng kanyang sumbrero sa kanyang dibdib.
Akmang tatalikod na ako mula sa kanya upang magsimula ng maglakad nang higitin niya ako mula sa aking palapulsahan na naging dahilan upang muli akong mapaharap sa kaniya at dahil malakas ang naging paghila niya sa akin ay napasalampak ako mula sa kaniyang matigas na dibdib kaya naman dikit na dikit na ang katawan namin sa isa't-isa ngayon at sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang naghumirintado ang pintig ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan.