KABANATA 4

1416 Words
Ramdam na ramdam ko ang bilis ngkabog ng aking puso na parang anytime ay kakawala na lang iyon mula sa aking dibdib lalo na nang higpitan pa lalo ni Kian ang mga kamay niyang nakapulupot mula sa aking baywang. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang iangat sa tamang anggulo ang aking ulo upang matingnan siya na naging dahilan upang mabilis na magtama ang aming mga mata. Katulad ng napakaseryoso niyang mukha ay nakikita ko rin iyon mula sa kaniyang mga mata ngayon na parang napakalalim ng kaniyang iniisip. Titig na titig siya sa aking mga mata na parang may hinahanap siya mula doon. Hindi ko alam kung ilang minuto o kung gaano kami katagal na nakatitig lang sa mga mata ng isa't-isa. Basta nabalik lang ako sa aking wisyo nang marinig kong magsalita si Axl mula sa bandang gilid namin. “Tama na 'yan, Kian at Nikki. Baka kung saan na naman mapunta 'yan. Kababati niyo lang kanina mag-aaway na naman kayo," walang gana nitong saad na parang kotang-kota na siya sa mga nasaksihan niyang away namin ni Kian simula pa noon. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko mapapansin na kanina pa pala siyang nandoon mag-isa, pinapanuod kami. Matapos magsalita ni Axl ay kaagad kong sinubukang kumawala mula sa mga bisig ni Kian ngunit hindi ako nagtagumpay dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin. Sinubukan kong magpumiglas pang muli at imbes na hayaan na akong makawala ni Kian ay mas lalo niya pang idiniin ang aking sarili mula sa kaniya na mabilis pa sa alas kwatro na nakapagpa-inis sa akin. Mukhang gulo talaga ang hanap ng isang 'to ah! Sige! Pagbibigyan ko siya! Kahit sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ay sinikap ko talagang maigalaw ang mga kamay kong nagpapahinga lang sa magkabila kong gilid para lang maisagawa ko ang aking plano. Nang magawa ko ng maigalaw at maiangat ang mga ito ay kaagad kong ipwinesto ang mga ito sa magkabilang baywang ni Kian at hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo at mabilis ko ng isinagawa ang aking plano at iyon ay ang kurutin siya. Ang malas lang niya at mahaba ang aking mga kuko kaya naman kahit hindi ko intensyon na saktan siya ng sobra ay alam kong nasaktan nga siya sa kurot ko dahil kung hindi ay hindi siya dadaing sa sakit at hindi rin luluwag ang pagkakayap niya sa akin. Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya o kahit makaganti man lang sa akin dahil the moment na lumuwag ang mga braso niya mula sa pagkakayakap sa akin ay mabilis na rin akong kumilos at kumawala sa mga iyon. Nang tuluyan akong makawala ay napatakbo na rin kaagad ako sa direksyon kung saan ko natatanaw sina Garnet at Nikki kasama si Lawrence habang tumatawa ako mag-isa dahil nagtagumpay ang plano kong gumanti kay Kian, hindi alintana ang mga taong napapatingin sa akin at pinapanuod ang bawat galaw ko. Kung minsan talaga ay nawawala na lang ang pagkamahiyain ko lalong-lalo na sa tuwing kasama ko ang mga pinsan ko. Para kasi talagang may sarili kaming mundo sa tuwing magkakasama kami kaya naman hindi na namin madalas napapansin ang ibang tao. "Oh, Nikki? Anong nangyari? Bakit ka tumakbo?" kuryosong tanong ni Garnet nang makalapit ako sa kanila. At dahil tumatawa ako habang tumatakbo kanina ay bigla akong hiningal kaya naman ilang segundo muna ang lumipas bago ko siya nasagot. "Baka kasi gantihan ako ni Kian kaya tinakasan ko na kaagad siya. Ininis na naman kais ako, e," nangingiti kong pahayag kahit na naghahabol pa rin ako ng aking hininga habang ang aking mga kamay ay nakapwesto sa magkabila kong baywang na parang modelo. "Hay naku! Kayo talagang dalawa! Hindi talaga lumilipas ang isang araw na hindi kayo limang beses nagkakainisan!" pangaral nito sa akin habang nangingiti rin at habang inaayos ang ilang piraso ng mga takas kong buhok na humaharang sa aking mukha na mas lalong nakapagpangiti sa akin. "Parang bago ka naman ng bago sa dalawang 'yan, Garnet. Kailan ba hindi naging aso at pusa sa isa't-isa 'yang mga 'yan," natatawang saad ni Nhya na nakapagpatawa rin sa akin dahil may point naman siya. Akmang ibubuka ko pa lang muli ang aking bibig upang yayain na sila na sumakay na sa mga rides kasama si Lawrence na tahimik lang sa gilid ni Garnet para hindi kami maabutan ni Kian nang bigla na lang may umakbay sa akin and as usual, nagulat na naman ako. Amoy pa lang ay kilalang-kilala ko na kaagad kung sino kaya naman hindi ko na tinangkang humarap para tingnan siya. Automatic na lang akong napasimangot at mas lalong wala na akong nagawa nang muli na naman niyang ipasuot sa akin ang kanyang cap kaya ang ending ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya para na rin hindi na kami magkainisan o mauwi sa away. "Let's go! Mag-color game muna tayo!" na-e-excite na yaya ni Nhya sabay hila kay Lawrence at Kian at dahil nga parehong nakaakbay ang dalawang lalaking 'yon sa aming dalawa ni Garnet ay nadala rin kami sa paghila na nakapagpatawa na lang sa amin. "Blue! Blue! Blue!...Blue! Blue! Blue!" pag-cheer ni Nhya nang makataya na kaming lahat sa mga gusto naming kulay. "Red! Red! Red!" laban ni Garnet habang naka-praying posisyon pa ang kanyang mga kamay. Napailing at napatawa na lang ako sa kanilang dalawa sabay balik ng aking tingin sa tatlong malalaking colored wooden cubes. Ilang segundo lang ay itinaas na rin ng babaeng bangkera ang kahoy na nakaharang sa mga colored wooden cubes upang malaglag ang mga ito at sabay-sabay kaming napairit nang lumabas sa mga ito ang tatlong kulay na tinayaan namin. Halos abot hanggang tainga ang ngiti naming mga babae nang ilapag na sa taya namin ang aming napanalunan. Sabay-sabay naming kinuha ang napanalunan namin at pagkatapos ay muli kaming tumaya. Sa pagkakataong ito ay naisipan kong tumaya naman sa ibang kulay at nang makapag-decide na ako ay inilapag ko na ang one hundred pesos sa kulay white. Kagaya lang kanina ay muling gumaya at sumunod sa akin si Kian. Sa kulay puti rin siya tumaya samantalang si Axl ay gumaya kay Nhya sa kulay pink at si Lawrence naman ay gumaya kay Garnet sa kulay green. At sa ikalawang pagkakataon ay muli kaming nanalong lahat na mas lalong nagpasaya sa amin. Sa sobrang tuwa namin ay napapalakpak pa kami nina Nhya at Garnet na mabilis nakakuha sa atensyon ng mga taong nasa paligid na hindi naman namin pinansin dahil mas abala kami sa sayang aming nararamdaman. Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili kami sa paglalaro ng color game at sa mga lumipas na mga minutong 'yon ay wala pa akong ni isang talo samantalang sina Garnet, Lawrence, Nhya, at Axl ay mayroon na at dahil mula sa simula ay sumusunod si Kian sa mga kulay na tinatayaan ko ay wala pa rin siyang talo. Tahimik lang silang tatlong lalaki habang kami namang mga babae ang sobrang ingay na kulang na lang ay magwala kami sa tuwing kami ay nananalo. Sa bawat minutong lumilipas ay nararamdaman kong unti-unti na kaming naaadik sa color game lalo na at ang daming beses na naming nanalo. Tahimik pa rin si Kian mula sa aking likuran, naghihintay lang kung saan ako tataya. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at bigla ko na lang napagdesisyunan na itaya ang lahat ng napanalunan ko sa kulay pula at hindi ko rin inaakala na gagaya pa rin si Kian sa kulay na tinayaan ko without even asking me anything or even complaining na mas lalong nagpalakas ng aking loob kahit na ang totoo ay may kaunting kaba akong nararamdaman. Tinawanan ko na lang sina Nhya at Garnet nang makita ko ang gulat na gulat nilang mukha matapos makita kung gaano kalaki ang taya ko. Sinubukan nilang baguhin ang aking desisyon ngunit hindi ako nagpatinag kaya hinayaan na lang din nila ako even though I'm also aware that it's still a huge amount of money. Halos hindi na ako magkaintindihan mula sa aking kinatatayuan dahil sa kaba lalo na nang dahan-dahan ng bumagsak ang mga colored wooden cubes at halos mapamura ako nang triple red ang lumabas at dahil sa sobrang pagkatuwa ko ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at parang bigla na lang akong nawala mula sa aking sarili dahil na-realize ko na lang na tumatalon na pala ako sa tuwa habang ang aking mga braso ay nakapulupot na sa batok ni Kian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD