KABANATA 5

1986 Words
"Ang galing ko! Nanalo tayo! Nanalo tayo, Kian!" masaya kong balita sa kanya kahit na alam ko namang na-witness niya rin kung anong kulay ang lumabas sa mga wooden cubes. Hindi ko na rin napigilang hindi mapatili dahil sa pagkapanalo namin. Habang ang mga kamay ko ay nakapulupot sa kanya ay ang kanan naman niyang kamay ay nasa aking baywang, inaalalayan ako mula doon dahil parang bigla na lang akong naging bulate na naasinan ng dahil sa sobrang kaligayahan. Pinapanuod lang ni Kian ang aking reaksyon habang may malaki na rin siyang ngiti mula sa kanyang labi kagaya ng sa akin. Nagawa pa niyang ayusin gamit ang kabila niyang kamay ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabon sa aking mga mata na mas lalong nakapagpangiti sa akin. Ang galing-galing ko! Nanalo kami! Nanalo kami! Nakakailang little jump at katatapos ko lang tumili nang mapansin kong nakuha ko na pala ang atensyon ng mga taong naglalakad sa paligid namin ng hindi ko inaasahan kaya naman mabilis kong inalis ang aking mga kamay mula kay Kian habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Oh my gosh! Hindi ko intensyon na makuha ang pansin nila! Ugh! Look what have you done, self! Kaagad din akong tumalikod pagkatapos niyon upang harapin ang bangka ng color game na parang walang nangyari kahit na ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Kahit ganoon ay kaagad nagningning pa rin ang aking mga mata nang pagkaharap ko ay naitriple na ng bangka ang perang naitaya namin ni Kian. Masaya kong dinampot ang lahat ng 'yon habang nanatili ang malaking ngiti mula sa aking labi dahil naiisip ko na kaagad kung saan ko ilalaan ang mga 'yon kaya mas lalong nadagdagan ang excitement ko ngunit mabilis din 'yong nawala nang pag-angat ng aking mga mata sa babaeng bangka upang magpasalamat ay masamang tingin ang sumalubong sa akin na naging dahilan upang mapakunot ang aking noo. What's her problem? Bakit tinititigan na niya ako ng masama ngayon? Sa pagkakatanda ko ay nagawa pa niya akong ngitian kanina nang mapadaan kami sa kanilang pwesto kaya naman sa kanila ko na rin niyayang maglaro ang mga pinsan at kapatid ko ng color game! Ang excitement na nararamdaman ko kani-kanina lang ay kaagad napalitan ng kaba dahil sa way ng pagtitig niya sa akin ngayon na parang anytime ay susugod na lang siya mula sa kinatatayuan ko upang bawiin ang malaking halaga ng perang hawak-hawak ko pa rin. Habang nagkakatitigan kaming dalawa ay naramdaman ko ang paghigpit ng aking mga kamay sa hawak kong pera, naghahanda sa mga posible niyang gawin. Akmang ibubuka ko na ang aking labi upang tanungin ang babaeng bangkera kung may problema ba siya sa akin nang bigla ko na lang narinig ang boses ni Kian mula sa aking likuran kasabay din ang paghigpit ng kanyang kamay mula sa aking baywang. "Let's go now," seryoso nitong saad. Wala talaga akong balak na lingunin o sundin siya ng mga oras na 'yon dahil mas gusto kong makausap ang bangkera at malaman ang dahilan kung bakit masama ang tingin niya sa akin ngunit bago pa ako makapagsalita ay mabilis na akong nahila ni Kian palayo mula doon. Sinubukan kong tumigil sa paglalakad at alisin ang kamay ni Kian mula sa aking baywang habang hawak pa rin ng kanan kong kamay ang pera ngunit dahil mas malakas siya sa akin ay hindi ako nagtagumpay. "What are you doing, Kian?! Let go of me! Kailangan kong bumalik doon!" naiinis kong saad mula sa kanya habang pilit ko pa ring inaalis ang kanyang kamay mula sa akin. Napakabilis niyang maglakad kaya naman kahit na ayaw ko ay napapabilis na rin ang aking paglalakad dahil sa paghawak niya sa akin. "We're going to leave this place now whether you like it or not," madiin niyang sagot na mas lalo pang nakapagpairita sa akin kaya naman ginawa ko na talaga ang best ko upang mapatigil ang aking sarili sa paglalakad at dahil sa biglaan kong ginawang 'yon ay naramdaman ko ang medyo malakas na pagtama ng dibdib ni Kian mula sa aking likuran nang magtagumpay ako na naging dahilan upang matisod ako sa isang malaking bato sa aking harapan na hindi ko kaagad napansin. Napapikit na lang ako at mabilis na hinanda ang aking sarili sa pagbagsak ko sa lupa lalo na at naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Kian mula sa akin nang tumama siya sa aking likuran kanina. Halos pigilan ko na rin ang aking paghinga habang hinihintay ko na lang ang aking pagbagsak sa lupa ngunit mabilis kong naimulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Kian. Napasalampak ang aking likuran mula sa kanyang dibdib kaya naramdaman ko ang init ng kanyang hininga mula sa aking tainga habang nagtataas-baba ang kanyang dibdib. Kagaya ng sa kanya ay ramdam ko rin ang mabilis kong paghinga lalo na at inaasahan ko na kanina ang pagbagsak ko sa lupa ngunit hindi na nangyari 'yon and all thanks because of Kian. "Napakatigas talaga ng ulo mo, Nikki Marie," madiin niyang bulong na nakapagpatindig ng aking mga balahibo at bago ko pa siya masagot pabalik ay naramdaman ko na lang ang pagbaligtad ko na nakapagpatili sa akin at namalayan ko na lang na buhat-buhat na ako ni Kian mula sa kanyang balikat na para lang akong isang sako ng bigas. "What do you think you're doing, Kian Maxwell?! Put me down! Put me down!" buong lakas kong sigaw habang kinukurot ko na siya mula sa kanyang likuran. Nang wala man lang siyang naging reaksyon ay mas lalo ko pang itinodo at idiniin ang pangungurot sa kanya na paniguradong magkakaroon na siya ng sugat ngunit kagaya lang din kanina ay wala siyang naging reaksyon at mukhang hindi siya nasasaktan kaya naman naisipan ko na lang na humingi ng tulong sa mga pinsan ko na alam ko namang naglalakad at sumusunod lang sa amin. Kahit ang likod ng binti lang ni Kian ang nakikita ko ngayon habang nakabaligtad ako mula sa kanyang balikat ay nararamdaman ko pa rin na nasa malapit lang din ang mga pinsan namin dahil sa samahan namin ay kapag may aalis na isa sa mga ganitong sitwasyon ay aalis na rin ang lahat. "Garnet, Nhya, help me, please! Nahihilo na ako!" pagsisinungaling ko dahil gustong-gusto ko na talagang maibaba ako ni Kian para makabalik ako sa babaeng bangkera at maitanong kung ano ang naging problema kanina. Inaasahan kong lalapit sa akin sina Garnet at Nhya upang tulungan akong makawala mula kay Kian ngunit nagkamali ako dahil ilang segundo matapos ko muli silang tawagin upang humingi pa rin ng tulong ay hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nila kaya naman nawalan na ako ng choice kung hindi magpumiglas na lang mula sa hawak sa akin ni Kian. "Lagot ka talaga sa akin kapag nakababa na ako dito, Kian!" pagbabanta ko. Mahigpit ang hawak niya sa mga binti ko kaya naman ibinuhos ko talaga ang aking buong lakas upang lalo pang magpumiglas gamit ang mga paa ko habang niyuyugyog ko na rin siya mula sa magkabila niyang bulsa. Gigil na gigil na talaga ako. Kanina ko pa siyang gustong kagatin sa isang parte ng kanyang likod ngunit pinipigilan ko lang dahil kilala ko ang sarili ko. Once na kagatin ko siya ay kakalat talaga ang dugo sa suot niyang damit lalo na at sobrang inis na inis ako sa kanya ngayon. Nang mapagod ako sa pagpupumiglas ay muli ko siyang kinurot ng sunod-sunod sa iba't-ibang parte ng kanyang likuran habang patuloy ako sa pagsisigaw na bitawan at pakawalan na niya ako. Wala na akong pakialam sa mga nararamdaman kong tingin mula sa mga tao sa paligid. Ang tanging mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang maibaba niya dahil baka tuluyan na nga akong mahilo dahil sa ginagawa kong pagpupumiglas. Makawala lang talaga ako mula sa hinayupak na ito ay sisiguraduhin kong makakatikim siya sa akin! "Ano ba, Kian?! Bingi ka ba?! Kanina ko pa sinasabi na ibaba mo na ako! Ibaba mo na ako!" sigaw ko pa habang nahihirapan na ako lalo na at hindi ako makatingin ng maayos sa paligid dahil sa sitwasyon ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas ngunit ang pakiramdam ko ay napakatagal nang naglalakad ni Kian. Tahimik lang siya habang ako naman ay halos magwala na. Nararamdaman ko na rin na nangangalay na ako dahil para akong sako na nakasampay sa kanyang balikat. Akmang sisigaw na akong muli nang bigla na lang akong hilahin ni Kian mula sa aking mga binti at buong akala ko ay tuluyan na niya akong ibababa sa lupa ngunit nagkamali ako. Mabilis niyang inayos ang pagkakabuhat niya sa akin na para akong isang sanggol at bago pa ako makapag-complain ay kaagad na siyang gumalaw upang maipasok ako sa sasakyan habang ang aking mga kamay ay napapulupot sa kanyang leeg nang bigla niyang ayusin kanina ang pagkakabuhat sa akin. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na pala kami. Nang mapaupo na niya ako ng tuluyan sa passenger seat ay medyo nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo ngunit hindi naging hadlang 'yon para makalimutan ko ang dahilan kung bakit nanggigigil ako sa kanya kaya naman nang akmang lalayo na siya sa akin ay mabilis ko siyang hinigit mula sa laylayan ng kanyang damit. Dahil sa ginawa ko ay muli siyang napadikit sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo upang hampasin siya sa kanyang dibdib ngunit bago pa tumama ang aking kaliwang kamay sa kanyang katawan ay nahuli na kaagad ito ng kanyang kanang kamay upang pigilan. Sinubukan ko rin na iangat ang isa ko pang kamay, umaasang mahahampas ko na siya ngunit kagaya lang kanina ay mabilis din itong nahuli ng kanyang kamay na mas lalong nagpa-usok ng aking ilong at nagpa-init ng aking mukha. Jusko! Bakit ba niya ako pinipigilan?! "Tumabi ka na nga at lalabas na lang ako! Kailangan kong makausap 'yong babaeng bangkera! Padaanin mo ako!" dire-diretso kong bulyaw sa kanya habang nagpupumiglas ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba, Kian?! Bingi ka na ba?! Ha?!" bulyaw kong muli nang hindi man lang siya nagsalita at mas pinili na lang na panuorin ako habang seryosong-seryoso ang expression ng kanyang mukha. "Ang sabi ko padaanin mo ako dahil kailangan kong bumalik sa loob!" dagdag ko pa habang patuloy pa rin ako sa pag-agaw ng aking mga kamay mula sa kanya. "No, Nikki Marie. Hindi ka na babalik doon. Aalis na tayo ngayon din kaya umayos ka na ng upo at isuot mo na ang seatbelt mo ng makaalis na tayo," may awtoridad at diin niyang pahayag at pagkatapos ay binitawan na ang aking mga kamay. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang masama rin ang aking tingin. Akala ba niya makikinig ako sa kanya?! In his face! Imbes na sundin ko siya ay mas napili ko na lang na gumalaw upang lumabas ngunit hindi pa umaangat ang aking puwet mula sa kinauupuan ko nang hawakan niya ako mula sa aking braso para mapigilan ako na mas lalo pang nagpainis sa akin. "Baki—" Naputol ang pagsigaw ko sa kanya nang bigla na lang niya akong putulin sa pagsasalita at halos mabato ako mula sa aking kinauupuan nang marinig ko ang lahat ng kanyang mga sinabi at nang matapos siya sa pagsasalita. "Just so you know, Nikki Marie. I f*cking saw a knife in her hand while she was angrily glaring at you as if at anytime, she will just attack you. Nagalit ang babaeng bangkera dahil malaki ang napanalunan natin at malaki ang nawala sa kanila kaya mabilis kaagad kitang inilayo mula doon, but if you insist and really really want to go back there so badly, then go. I will not stop you anymore because honestly, I don't know anymore what else I should do about your stubbornness," nawawalang pag-asa niyang saad at pagkatapos ay kaagad akong tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD