Napaungol ako nang may naramdaman akong bagay na dumampi sa aking pisngi at nang may narinig din akong nagsasalita mula sa aking gilid na nagpakunot ng aking noo. Naramdaman ko kaagad na parang hinang-hina ako at sumasakit ang ibang parte ng aking katawan. Pagmulat ng aking mga mata ay isang puting kisame ang bumungad sa akin. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang biglang pumasok sa aking isipan si Kian kaya naman bigla akong napabangon. Marahas ang nagawa kong pagbangon kaya naman nang makaupo ako ay kaagad akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo na parang binibiak ito at dahil sa sobrang sakit ay parang automatic sa pagbuhos ang aking mga luha. Nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagmumura mula sa gilid ko ay doon ko lang napagtanto na nasa tabi ko pala ngayon si Kian. Kah

