TUMINGIN si Josephine sa itaas ng pintuan ng kaniyang kuwarto. Napabagsak na lang siya ng katawan sa kama nang nakita niyang mag-a-alas diyes na pala ng gabi.
“Nakapapagod naman ang araw na ito. Ginabi na akong natapos dahil sa mga alaga ko. Hapon ba naman sila kung matulog pagkatapos tuwing dumidilim na nagigising, siyempre nahirapan sila matulog na magkapatid. Kaya ang ending, ako ang late matutulog dahil sa kanila,” nakabuntonghiningang sabi niya.
Kinuha niya ang kaniyang tuwalya at naligo na sa banyo pagkatapos ay nagbihis. Isang manipis na sando at shorts lang ang suot niya. Dahil pagod siya, ay hindi na siya nagsuot pa ng bra. Sabagal lang sa pagtulog iyon. Gusto niyang maging komportable ngayong gabi dahil bukas lalaban na naman siya sa maghapong trabaho.
Hindi na niya pinatuyo ang kaniyang buhok pagkasuklay niya niyon. Basta na lang siya bumukaka sa paghiga at kaagad na nakatulog.
Ilang minuto pa lang ang lumipas nang may naamoy siyang alak. Kumunot ang noo niya at sininghot-singhot ng ilong niya ang amoy na iyon. Nananatiling nakasara ang mga mata niya hanggang sa may naramdaman siyang magaspang na kamay na ngayon ay dahan-dahang umaakyat sa mga hita niya. Napabalikwas siya ng bangon at laking gulat niya nang nakita niya na naman si Christopher na nakapasok sa kaniyang kuwarto at pinagtatangkaan na naman siyang molestyahin.
“Sir! A-Ano na namang ginagawa ninyo?” nakataas ang boses niyang tanong.
“M-Masyado ka namang maingay. H-Humiga ka lang at ir-relax ko ang i-iyong katawan,” aniya.
Halata sa kaniya ang kalasingan. Ang boses niya, ibang-iba. Manyak na manyak ang dating.
Bago pa man nito mahawakan muli ang katawan niya ay bumangon na siya at pinagtangkaan niyang iwan ito ngunit nahablot ni Christopher ang laylayan ng sandong suot niya at buong puwersa nito muli siyang hinila pahiga sa kama pagkatapos ay mabilis siyang pag-ibabaw sa kaniya.
Kumawala kaagad ang mga luha niya dahil sa takot at kaba.
“S-Sir, ano ba! Bitawan n’yo ako! Huwag kayong bastos!” Sumalubong ang nagbabagang palad niya sa pisngi nito. Natigilan si Christopher sa ginagawa niyang pag-angat sana sa suot na damit ni Josephine nang dahil sa ginawa niya. Nanlisik ang mga mata ni Christopher at parang apoy na nagbabaga.
“Lapastangan!” Sinampal niya rin ito at sinunggaban siya ng halik na ikinapikit ng mga mata ni Josephine at pinagsalubungan ng kaniyang mga kilay. Naitikom niya ang kaniyang mga labi bago siya halikan ni Christopher kaya naitago niya iyon sa basang-basa at amoy alak nitong bibig.
Itinulak niya si Christopher kaya naghiwalay ang mga labi nila, pero mukhang mas ikinagalit iyon ni Christopher nang bigla na lang siya nitong hilahin pagitna sa kama at inundayan ng mga halik na kailan man ay hindi niya pinangarap maranasan kay Christopher. Hawak nito ang magkabilang mga kamay niya kaya hindi siya makasapak sa mukha nito. Ang mga paa niya, dinaraganan din ni Christopher.
B’wiset!
Ilang sandali pa ay humiwalay ang mga labi ni Christopher sa kaniya at laking gulat niya nang bitawan siya nito sandali at nagawang punitin ang sandong suot niya. Lumantad sa harap ni Christopher ang dibdib ni Josephine na lubos niyang ikinahiya. Mas naramdaman niya ang pambabastos ni Christopher kaya nagsisigaw na siya at pinilit na nagsisipa, ngunit kahit na ano’ng gawin niya ay hindi sapat.
“Diyos ko, tulungan n’yo po ako. Iligtas n’yo po ako sa masamang tao na ito. Pakiusap! Nakikiusap po ako!” panalangin niya sa kaniyang isipan.
Binitawan ni Christopher ang mga braso niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon upang sampalin sana siya, pero naunahan siya nito ng pagsuntok sa kaniyang sikmura na ikinaubo pa niya. Sinamantala naman iyon ni Christopher upang tanggalin ang kahit ano’ng saplot na tumatabing sa buo niyang katawan. Nagulat siya nang makita niya ang kargada ni Christopher na mukhang nagagalit na. Napapikit siya kaagad at ibig niyang masuka.
“Ang pangit ng hitsura! Ang itim!” reklamo niya sa kaniyang isipan.
Pikit-mata siya sa pag-iling at pagmamakaawa kay Christopher na huwag nitong ituloy ang binabalak niya. Niyakap niya ang kaniyang sarili habang si Christopher ay nananatilling nakapaibabaw sa kaniya at nilalaro ang kargada nito sa harap niya.
“Napakabastos ng g*gong ito!” malutong niyang pagmura, “Kung tuhuran ko kaya ang p*********i niya? Sigurado akong mamamatay siya sa sakit,” dagdag pa niya sa kaniyang sarili.
Nang gagawin na sana iyon ni Josephine ay ang saktong paghablot naman ni Christopher sa mga braso niyang yumayakap sa hubad niyang katawan. Hinalikan siya nang hinalikan ni Christopher paibaba, nang biglang bumukas ang pintuan na nagbigay ng kaunting liwanag sa buong paligid. Natigilan si Christopher at maging siya sa pag-iyak at pagwawala, ngunit mas lalong tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Josephine nang may narinig siyang nalaglag sa tapat ng pintuan. Laking gulat niya nang makita si Kylie, nanlalamig at namumutla na animo’y isang estatwa na nakatayo sa gitna ng pintuan.
“M-Madame?” Mas lalong bumuhos ang mga luha niya. Si Christopher naman ay kaagad na umalis sa harapan niya kaya napaupo at napayakap siya sa kaniyang sarili. Ibinalot niya ang sarili niya sa kumot nang walang tigil sa pag-iyak.
“M-Madame—” Hindi niya nagawang ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi nang biglang mag-hysterical si Kylie.
“Mga hayop kayo! Talagang dito pa sa pamamahay ko ginawa ang kababuyan ninyong dalawa!” Sinugod siya ni Kylie nang walang humpay na pagsabunot na mas lalong ikinaiyak ni Josephine nang malakas.
“Ako na ang nabastos, ako pa ang masama,” muling bulong niya.
“M-Madame, t-tama na po! M-Mali po kayo ng iniisip. H-Hindi po gano’n `yon!”
“Hindi gano’n?” Itiningala ni Kylie ang ulo ni Josephine sa pagkakasabunot sa kaniyang buhok at pinanlakihan siya ng mata. Malapot na laway ang nailunok ni Josephine dahil parang sinasapian na ng demonyo ang amo niyang babae.
“Magkapatong kayo at naghahalikan, nakahubad kayo’t lahat-lahat pagkatapos sasabihin mo sa akin na hindi iyon gano’n? Josephine, hindi ako tanga! Pinagsisisihan kong ipinagtanggol kita kanina sa asawa ko! Hayop ka! Pagkatapos kitang kupkupin at palamunin dito sa bahay ko, ganito ang igaganti mo sa akin? Bastos ka! Malandi kang higad ka!” Pang-iinsulto nito sa kaniya at paulit-ulit siyang idinukdok sa gilid ng kama niya.
Naaninag niya si Christopher ngunit kalmado lang ito. Parang wala itong takot na nararamdaman. Nakuha pa nitong magbihis habang inaaway at nanggagalaiti ang asawa niya sa kaniya.
Naikuyom niya ang kaniyang kamao at naramdaman ang panlalabo ng mga mata dahil sa luha.
“Lumayas ka! Lumayas ka!” malakas na sigaw ni Kylie sa kaniya na halos ay nagpabingi kay Josephine kasabay ang paghila nito sa buhok niya at pagtulak sa kaniya paibaba sa semento.
Kumalabog siya sa sahig nang malakas. Napaaray siya sa sakit.
“Pa-aray-aray ka pa riyan! Kaninang tinitira ka ng asawa ko, umaray ka ba? Siguro puro ungol ang ginawa mo! B’wiset ka talagang babae ka! Pinagkatiwalaan kita nang buong-buo. Ang sabi ko pa naman sa isip ko, wala kang intensyon na masama sa pamilya ko! Hayop ka! Hayop ka!”
Napayakap na lang si Josephine sa kaniyang sarili habang sinisipa siya ni Kylie. Sobrang sakit na ng katawan niya at para bang lahat ng sipa nito at sapak ay katumbas ng dalawang suntok sa lakas.
Muling bumalik sa alaala niya ang kaniyang ama’t ina at ang mga kapatid niya. Kung nabubuhay lang sila ay sigurado siyang hindi siya babastusin, pagtatangkaang gahasain, at bubugbugin ng amo niya. Sigurado siya na hanggang ngayon, nag-aaral pa rin siya nang matiwasay.
“N-Nanay— aray!” Napahawak siya sa braso niyang bigla na lang sinuntok ni Kylie. Hindi napigilan ng katawan niya ang paghiga sa semento. Sobrang sakit!
“Tumatawag ka pa talaga ng nanay! Lumayas ka sa pamamahay ko, ngayon din!”
Luhaan siyang nagtaas ng tingin kay Kylie at halos hindi magkamayaw sa mukha niya ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
“M-Madame, m-magpapaliwanag po ako. P-Pakiusap po. H-Huwag n’yo p-po akong palayasin. W-Wala na po akong mapupuntahan—”
“Oh? Alam mo naman pala sa sarili mong wala ka nang mapupuntahan, pero ano `yang pinaggagagawa mo, ha? Nilandi mo pa rin ang asawa ko kahit alam mong kapag nalaman ko, sa lansangan ka na didiretso! Grabe talaga ang kakatihan, `no? Sa sobrang kati mo, nakalimutan mo na akong irespeto! Kung hindi dahil sa akin, sigurado akong patay ka na!”
Mistulang matalim na kutsilyo ang bawat salitang ibinabato sa kaniya ni Kylie. Para siyang tinatadtad ng saksak. Masakit masumbatan ng ibang tao kahit na lahat ng pabor na ginawa nila sa `yo ay pinagtrabahuhan mo.
Hindi na siya nakapagsalita bagkus ay mas lalo lang napalakas ang pag-iyak nang itulak siya nito nang itulak at itaboy hanggang hagdan. Muli pang bumalik si Kylie sa kuwarto niya at makalipas ang ilang sandali ay umulan ng damit sa kaniyang kinatatayuan.
“Dalhin mo ang lahat ng basura mo! Umalis ka na bago pa kita mapatay!” banta niya.
“M-Madame, n-nakikiusap ako. I-Isang pagkakataon na lang po, madame. M-Mali po kasi kayo ng iniisip.”
“Ang kulit mo rin e, `no? Ano ang mali sa iniisip ko, ha? Baka ikaw ang baliktad ang isip? Hoy, Josephine! Sa susunod na bumalik ka pa sa pamamahay ko, sisiguraduhin kong sa imp’yerno ang kalalagyan mo!”
Habang dinuduro siya ni Kylie ay nakita niya namang pagewang-gewang na naglakad si Christopher sa likuran ng kaniyang among babae at nagtungo sa kuwarto nilang mag-asawa. Parang walang nangyari. Hindi niya alam na sa pamamagitan ng amo niyang lalaki, masisira nang tuluyan ang buhay niya.
Sa tindi ng galit ni Kylie ay wala na talaga siyang ibang pamimilian. Luhaan niyang pinagdadampot isa-isa ang mga damit niya habang isang puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan.
“Huwag kang magtitira ng kalat, Josephine! Ni kahit bakas ng paa mo, ayaw ko nang makita! Salot ka sa buhay ko! Salot ka sa pamilya ko!”
Hindi na niya kaya ang mga masasakit na salitang sinasabi ni Kylie. Mabilis niyang pinagsusuksok sa maleta niya ang mga gamit niya at tinalikuran na si Kylie upang lumabas ng bahay, nang bigla niyang narinig ang pagsigaw nina Alfred at Mica.
Natigilan siya at hinarap ang mga ito. Napaluhod siya nang makita niya silang tumatakbo sa hagdanan paibaba at sumasalubong ng yakap sa kaniya. Sinalubong niya rin sila nang mahigpit na yakap na mas lalong nagpaluha sa kaniya.
“Babi! S-Saan ka po pupunta?”
“Iiwan mo na po ba kami?”
Magkasunod na tanong nilang dalawa nang kumalas sa pagkakayakap niya. Yumuko siya at ipinikit ang mga mata upang pisilin ang mga luha niya nang bumagsak ito.
“Mag-iingat kayo rito, ha? Ang pag-aaral ninyo, pagbubutihan ninyo. Iyong pagkain niyo, dapat nasa oras, ha? Huwag masyadong magkakakain ng maaalat, magkaka-UTI kayo. Ang tubig, damihan niyo, ha? Huwag kayong magpapasaway kina Mommy at Daddy.”
Dahil sa mga sinabi niyang iyon, mistulang nilamutak ang mga mukha nila sa pag-iyak. Sa edad nilang ito, mukhang nauunawaan na nila ang sinasabi ni Josephine. Alam nilang aalis na talaga siya.
“Babi, don’t go. Don’t leave us. We need you, babi!” wika ni Mica habang walang tigil sa pag-iyak.
“Baby, babi need to go. Don’t cry na. Ayaw ni babi na pumangit ang baby niya, ha?” Pinunasan ni Josephine ang mga luha ni Mica.
“Baby, take care of your sister, okay? Don’t make her cry.”
Tumango naman itong si Alfred.
“Oh, sige na. Huwag na kayong mag-cry at nagagalit na si Mommy ninyo. Bumalik na kayo sa kaniya.”
Magkasabay silang umiyak na dalawa at mahigpit muling yumakap sa kaniya. Paano siya aalis kung ganito ang mga bata? Hindi niya sila kayang makita na umiiyak nang dahil sa kaniya.
“Alfred, Mica, don’t cry na. Magkikita-kita pa rin naman tayo soon, e,” pagpapakalma niya sa kanila habang tinatapik-tapik niya ang likuran nilang dalawa.
“Babi, please don’t go! Please!” sigaw ni Mica.
“Baby, h-hindi pwede, e—”
“Tama na ang pag-iinarte! Alfred, Mica, bitawan n’yo na ang maruming katawan ng yaya niyo na `yan! Dugyot at masamang tao siya, iyan ang lagi ninyong tatandaan.”
Nagtaas ng tingin sa kaniya si Kylie na lalong ikinaliit ng tingin niya sa kaniyang sarili.
“Lumayas ka na, Josephine! Huwag mo nang pahirapan pa ang mga anak ko.”
Hindi na siya nagsalita pa at tinalikuran na sila na mas lalong ikinalakas ng pag-iyak ng mga bata. Mabigat na mabigat ang mga paa niyang tinunton ang harap ng pintuan upang buksan iyon.
“Babi!” muling sigaw ni Mica.
Pakiramdam niya ay may tumaga sa kaniyang dibdib. Ang napakalambing niya na si Mica, hindi niya na ulit makasasama pa. Hiling niya na sana, sa paglipas ng mga panahon, natatandaan pa rin siya ng mga ito.
Tuluyan niya nang binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nagulat siya roon pero wala na siyang pamimilian. Kailangan niya nang lisanin ang bahay na ito at tumayo sa sarili niyang mga paa.
Pero paano? Saan siya pupulutin? Saan siya titira? Ano’ng mangyayari sa buhay ng isang dalagang paulit-ulit binastos, pinagtangkaang molestyahin, at naging masama sa mata ng lahat?
Ano pang kinabukasan ang haharapin niya sa gitna ng unos na dumating sa buhay niya?
Nanay, Tatay, paano na ang anak ninyo?