Dahil tatlong araw nang hindi umuwi si Kuya Gavion sa mansion ay hiniram ko muna si Millie sa ampunan mabuti na lang at sumama rin siya sa akin. Sa lahat ng bata roon ay kay Millie talaga nahulog ang loob ko kahit na nito ko na lang siya nakilala ewan ko ba kung bakit but I can sense that we have so much in common. Sa sobrang humaling ko sa kaniya ay binilhan ko siya ng mga damit at kaunting laruan na maaari niyang gamitin habang nasa mansion siya pati story books at crayons ay binilhan ko rin siya dahil 'yon daw ang pang past time niya. And I like it, dahil mahilig siyang magbasa at mag color.
Hanggang sa sumapit na ang ikatlong araw ngayon at umuwi na si Kuya Gavion sa mansion mukhang naging okay na rin ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Aware naman kasi akong hindi mahilig si Kuya Gavion sa mga bata pero iba na yata ngayon dahil nakuha pa niyang makipagkulitan kay Millie lalo na noong gumawa siya ng pan de coco and for the first time ay nakita ko kung paano tumawa ang isang Gavion Ferriero at tunay wala akong ibang nakikita kundi tunay na kasiyahan sa mukha niya. Kakaiba pala ang mukha niya kapag sumasaya siya. Ang layo niya sa Gavion na kinakatakutan ng lahat dahil isang mabait at makulit na Gavion ngayon ang kasama namin ngayon ni Millie.
Magiging mabuting ama talaga siya sa mga magiging anak niya balang araw nasisiguro ko iyon dahil ibibigay niya lahat ng kailangan ng anak niya. Tulad na lang ngayon gabi na pero pumayag pa rin siyang bumili kami ng buko pandan bilang dessert ni Lyvia medyo may kalayuan pa iyon pero hindi siya nagreklamo.
"Lyv, uuwi na ba bukas si Millie sa ampunan?" tanong sa akin ni Kuya.
"Yes, Kuya ihahatid ko po siya bukas ng umaga," sagot ko.
"Tayo na ang hahatid sa kaniya tapos punta tayo sa glass hut resto," muling saad niya sa seryoso nitong boses.
"Why, Kuya?" tanong ko naman agad sa kaniya.
The Glass Hut Resto is one of the high-end resto here in the Philippines at isa si Kuya Gavion sa mga may shares doon.
"Doon tayo kakain then we're going to meet someone," turan niya.
"Who?" muling tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Basta, makikila mo rin siya bukas. Sige na matulog ka na para maaga pa tayo bukas," paalam na nito sa akin saka pumasok sa kaniyang silid.
Pumasok na lang din ako sa aking silid at natulog sa tabi ni Millie dito rin kasi siya sa kwarto ko natutulog.
KINABUKASAN, pagkatapos nga naming mag-almusal sa mansion ay hinatid na agad namin si Millie pabalik sa ampunan.
Agad kaming sinalubong ng isa sa mga staff sa foundation upang kunin si Millie sa amin.
"Salamat sa pagpapaahiram kay Millie," pasalamat ko sa staff.
"Walang anuman po, Director Lyvia, malaki naman po ang tinulong ninyo sa hearty foundation," nakangiting sagot naman agad nito sa akin.
"Wala 'yon basta para sa mga bata," saad kong muli. Sunod ko naman binalingan ay si Millie.
"Paano, Millie sa susunod ulit ha? Behave ka rito at huwag kang mang-away," bilin ko sa bata.
"I will, Ate Lyv," nakangiting sagot naman agad ni Millie.
"Very good. I'm gonna miss you, Millie," malambing kong saad.
"Me too, Ate Lyv mamimiss ko rin po kayo."
"How about si Kuya Gavion, you're going to miss him too?" tanong ko pa sa kaniya.
Agad naman silang nagkatinginan ni Kuya Gavion tila ba iniisip pa ni Millie ang kaniyang isasagot. Napansin ko lang sa kanilang dalawa ay parehas sila ng ugali parang mag-ama sila tuloy.
"I'm gonna miss, Millie so much," ani ni Kuya Gavion habang nakatingin kay Millie pero hindi angkop ang nakikita ko sa mukha ni Kuya at sa sinasabi niya sa bata.
"Likewise, Mr Gavion," tugon naman agad ni Millie at parehas sila ng ekspresiyon.
See? Parang mag-ama talaga sila. I wonder why kung sino ang totoong mga magulang ni Millie.
Pagkuwa'y nagpasya na kaming umalis ni Kuya Gavion dahil nga sa may pupuntahan pa kami.
"Lyv, hindi na ba kukunin si Millie sa ampunan?" biglang tanong ni Kuya Gavion habang nasa biyahe na kami.
"Hindi na siguro, Kuya kasi pinaampon na siya, e," sagot ko naman agad.
"Why, gusto mo ba siyang ampunin?" tanong ko pa sa kaniya.
"No. You know im not into kids, Lyv," mabilis niyang sagot sa seryosong boses na ikinatawa ko naman agad ng mahina.
"Ngayon lang 'yan, Kuya Gavion kasi hindi mo pa nakikita ang babaeng mamahalin mo at ang babaeng magiging ina ng mga anak mo," litanya ko.
"I found her already."
Nagulat ako sa sinagot niya akalain mo 'yon nahanap na ni Kuya Gavion ang babaeng karapat-dapat para sa kaniya.
"Really? Let me guess si Joy ba?" hula ko na may halong tudyo.
"What?" natatawang tanong niya.
"Joy is like a sister to me, Lyv kaya malabong ligawan ko siya," dagdag pa niya.
"Then who's the lucky girl who tamed the beast's heart?" muling tanong ko habang ngumingiti.
"Secret basta mala anghel ang mukha niya at napakabait niya, she's my total opposite to be exact especially when it comes to kids," nakangiting litanya ni Kuya.
And I love his smile right now. Very true and genuine. Ano kayang mahika ang dala ng babaeng 'yon para mapasaya niya ng totoo ang pinsan ko.
"I'm hoping to meet her soon, Kuya," ani ko.
"Soon, Lyv kapag maayos na ang lahat."
At saktong nakarating na kami sa Glass Hut Resto pinark lang saglit ni Kuya ang kotse niya at saka kami bumaba.
Sariwang simoy ng hangin at magandang tanawin agad ang sumalubong sa akin. Agad din kaming binati ng mga staff dito dahil kilala naman nila si Kuya Gavion bilang shareholder ng resto.
"Shall we, Lyv?" tanong ni Kuya Gavion sa akin na ikinalingon ko sa kaniya.
"Tara!" turan ko agad sa kaniya.
"Excuse me, Ma'am and Sir, this way po," wika naman ng isang staff dito at saka kami nito hinatid sa pinakadulong glass hut.
"Call someone to get our order," utos ni Kuya Gavion sa isang staff ng makapwesto na kami sa loob ng glass hut.
Each glass hut, ay iisang table lang din ang nasa loob at good for two to four person ang kasya. Kaya may privacy talaga ang bawat customers and, this is what I like about this resto.
"Sige po," tugon ng staff at saka kami iniwan sa loob ng hut.
Hindi nagtagal ay may isang waiter na ring pumasok sa loob ng aming hut at binigay agad nito sa amin ang menu list ng resto nila. At dahil madalas naman ako rito ay memorize ko na ang mga pagkain dito kaya binigay ko agad sa waiter ang order ko.
" 'Yan lang ba ang gusto mo, Lyv?" tanong ni Kuya sa akin pagkatapos kong umorder, habang siya naman ay namimili pa rin sa menu.
"Yes, Kuya hindi pa naman kasi ako gutom masyado," sagot ko.
"Sa'yo, Sir what would you like to order?" magalang na tanong sa kaniya ng waiter.
"I'll just have the thai pasta and soda," mabilis na sagot ni Kuya Gavion.
"Would you like to add more peanuts on top of your pasta, Sir?" tanong pa ng waiter.
"Just don't put peanuts on my pasta not even a single piece," mahigpit na utos ni Kuya Gavion sa waiter na kinanuot naman agad ng noo ko.
"But why, Kuya? Thai pasta is better with peanuts," nagtatakang tanong ko.
"I'm allergic on peanuts," tipid niyang sagot.
"Parehas pala kayo ni Millie," ani ko na ikinatango naman agad niya.
Kapagkuwan ay agad ng umalis ang waiter upang ihanda ang mga inorder namin.
Habang naghihintay kami ng order ay abala naman si Kuya Gavion sa cellphone niya, maybe he's doing business.
"Just a sec, Lyv may susunduin lang ako sa labas," biglang wika niya sabay tayo mula sa kinauupuan nito at agad na lumabas sa hut.
Malakas ang kutob ko na ang susunduin ni Kuya Gavion ay ang taong tatagpuin namin at hindi nagtagal ay bumalik na siya kasama ang isang lalaking may katandaan ngunit kagalang-galang ang kaniyang pananamit may dala-dala pa itong suitcase.
"Lyv, I want you to meet our family lawyer Atty Umali, " pagpapakilala ni Kuya Gavion sa akin sa ginong.
Kaya naman pala kagalang-galang ang suot niya dahil isa pala siyang abogado.
"Hello, Atty Umali, nice to meet you!" pormal kong bati sa abogado sabay tayo mula sa kinauupuan ko upang makamayan ko ito.
"Pleasure is mine, Ms. Lyvia Ferriero," magalang niyang sagot.
And I was surprised nang binanggit niya ang buong pangalan ko gayong hindi ko naman siya nakadaupang palad kahit minsan.
Pagkuwa'y umupo na ulit kaming tatlo sa mesa at tumawag ulit si Kuya Gavion ng waiter upang ipakuha ang order ni Atty Umali, after that naiwan na ulit kaming tatlo rito sa loob ng hut.
"Atty Umali, have we meet before?" hindi ko mapigilang tanong sa abogado.
"Honestly, Ms. Ferriero not yet dahil sa tuwing mag-uusap kami ng ama mo noon ay sa labas kami nagkikita," matapat niyang tugon.
Maya-maya pa ay dumating na ang order namin kaya naman pinagpatuloy namin ang aming pag-uusap habang kami ay kumakain.
"Actually, Lyv Atty Umali is here to tell you something about your identity," nahihirapang wika ni Kuya Gavion, na ikinalukot ng noo ko.
At ganun na lang ang gulat ko ng namumula na ang buong leeg niya pati ilong niya.
"Kuya Gavion, are you okay?" nag-aalalang tanong ko at maging si Atty Umali ay nabahala rin sa pamumula ng mukha ni Kuya Gavion lalo na't pinagpapawisan na rin ito ng husto.
"Call the waiter," utos niya sa amin nahihirapan pa rin niyang boses.
Agad namang mwenistra ni Atty Umali ang kanang kamay nito mula sa pamamagitan ng bintana sa waiter na siyang kumuha ng order namin at dali-dali naman itong dumulog sa loob ng hut namin.
"Yes, Sir do you still need anything?"
"May mani sa pasta ko, 'di ba sabi ko huwag mong lagyan?! Stupid!" sikmat ni Kuya Gavion sa waiter.
Iglap lang ay nakahandusay na ang waiter sa sahig habang putok ang labi nito nagulat ako sa nangyari pero mabilis ding nabaling ang atensyon ko nang si Kuya Gavion na ang sunod na bumagsak sa sahig kaya agad ko itong dinaluhan at ginising.