CHAPTER 21

2072 Words
"If yousay so," kibit-balikat na ani na lamang ni Ringo. "Sige na, Gavion you better go now kami na lang muna ni Ringo ang bahala sa last shipment natin mamayang gabi." Adam. May last shipment pa kasi mamayang gabi at hindi pa sana ako uuwi ngayon pero dahil sa kakatuwang balita na nalaman ko ngayon pa lang ay gustong-gusto ko ng lumipad pauwi ng bahay para makita na ulit si Lyvia. "You sure?" tanong ko pa kay Adam. "Of course, Gavion kaya sige na umuwi ka na," taboy na nito sa akin. "Fine, basta huwag kayong malingat sa shipment natin mamaya ha?" mahigpit ko munang bilin sa kanila. "Oo nga kami pa ba?" mayabang pa nitong tugon. "Naninigurado lang ako, Adam dahil hindi basta-basta itong negosyo ko." Marahil ilegal man ito pero namamayagpag pa rin ito sa buong mundo kaya mahalaga ito sa akin. At dahil pilit na akong tinataboy ng dalawang kaibigan ko sa mismong yate ko ay umalis na lang din ako at umuwi ng mansion. Hindi na ako nag abalang i-text si Joy o 'di kaya ay si Lyvia balak ko kasing surprasahin si Lyvia kahit na ang totoo at wala naman akong dala kahit ano. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa mansion pagpasok ko sa loob ay wala akong namataang tao kaya naman nagpasya akong tungohin ang pool area, pero hindi pa man ako tuluyang nakalapit sa pool area nang may narinig akong mga boses na masayang nagtatawanan kaya mas binilisan ko pa ang paghakbang papunta sa pool area. But then I was shocked and disgusted at the same time when I saw Lyvia and the little orphan. Paano nakatutong ang kutong lupa na ito sa mansion ko? "Lyvia is bored." Nabaling naman agad ang atensyon ko sa pinangalingan ng kilala kong boses na walang iba kundi si Joy. "So she fetch, Millie the other day at the foundation," dugtong pa ni Joy na ikinairap ko na lamang. Talagang ang malditang ampon pa ang naisipan niyang isama? Pwede namang si Arma o 'di kaya ay sina Aling Cory. Hindi yata magandang ideya na umuwi pa ako ngayong araw sana bukas na lang. "Wala ka ng choice, Gavion dahil ang kinaiinisan mo ay kagustuhan naman ni Lyvia," muling ani ni Joy. And she's right by the way. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang dumulog sa pwesto nina Lyvia at ng kutong lupa na si Millie. "Hi, Lyv!" nakangiting bati ko sa kaniya at sinulyapan ko lang saglit ang kasama niyang si Millie. "Kuya!" Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at niyakap ako nito ng napakahigpit. Agad naman akong napangiti dahil muli kong naramdaman ang mainit niyang yakap, ang yakap niyang nagpapalambot sa matigas kong puso. "Hello, Mr. Gavion!" maligalig na bati sa akin ng kutong lupa at sakto namang kumalas na si Lyvia sa pagkakayakap sa akin. Isang seryosong tango lamang ang tinugon ko sa bata dahil nga naiinis ako sa presensiya niya. "Kuya, pinapunta ko pala rito si Millie nabuburyong na kasi ako," ani ni Lyvia. "It's fine, Lyv," kunwaring tugon ko sabay sulyap ng isang beses kay Millie. "Ate Lyv, gutom na po ako," ingos ni Millie kay Lyvia. And did I hear it right, Ate Lyv? Bakit ba nakiki Lyv din siya kay Lyvia, ako lang dapat ang tumawag niyon kay Lyvia. Badtrip talaga 'tong si Millie sa akin kahit kailan! "Okay sige what do you wanna eat?" tugon ni Lyvia sa bata. " 'Yong favorite mo po, Ate Lyv the one you mentioned earlier," masayang sagot naman agad ni Millie. "Ay sakto!" natutuwang pagsang-ayon naman agad ni Lyvia. "What food?" Hindi ko mapigilang tanong sa kay Lyvia. "Your own baked pan de coco, Mr. Gavion," sagot ni Millie. Ganun na lang ang mura ko sa aking isipan dahil sa sinagot ng kutong lupa. "I know you're tired, Kuya but can you bake for us first?" pa cute namang tanong agad sa akin ni Lyvia. Kasalanan talaga 'to ni Millie, e, kung wala kasi siya ngayon dito sa bahay ay hindi sasang-ayon sa kaniya si Lyvia. Ang sarap niyang tirisin ng sobrang pino! Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa ko at saka ako pumayag sa kagustuhan ni Lyvia. Tuwang-tuwa naman agad ito at sabay na naming tatlo na tinungo ang kusina. Kasalukuyan na akong nag m-mix ng flour ng bigla akong pinahiran ng flour ni Millie sa kaliwang pisngi ko dahilan para matigil ako sa aking ginagawa ng balingan ko sila ng tingin ay naglalaro pala si flour. Sana hindi na lang sila sumama rito sa kusina kung manggugulo lang din pala sila. "Game?" natatawang tanong ni Lyvia kay Millie, na kinanuot ng noo ko. At ganun na lang ang gulat ko ng kamay ng pinahiran nilang dalawa ang flour ang pisngi ko sabay tawa. Napailing na lamang ako sa ginawa nilang dalawa akala ko ba gutom ang mga 'to pero mukhang hindi naman yata. Patuloy pa rin sila sa paglalaro ng flour at bago pa ulit nila ako malagyan ay inunahan ko na sila dahil pinahiran ko rin ng flour ang maliit ng mukha ni Millie at sinunod ko si Lyvia. Ayaw nilang magpatalo kaya ang ending ay naglaro muna kami sa loob ng kusina bago magluto dahil sa kakulitan nilang dalawa umingay din ang kusina dahil sa aming tatlo kakahabulan namin at kakatawa. Ilang minuto rin kaming naghabulan sa loob ng kusina bago tuluyang naubos ang flour kakapahid namin sa pisngi ng bawat isa saka ko lang din natuloy ang pagbabake ko. "Kami na lang ni Millie ang bahala rito sa kusina, Kuya," wika ni Lyvia ng maipasok ko na lahat ng tinapay sa oven. "You sure? Tulungan ko na kayo." "Okay lang talaga, Kuya mabuti pa magpalit ka na masyadong nadumihan kasi ang polo mo," sagot niya. She's right puno na nga ang polo ko ng flour maging ang mukha ko ay ganoon na rin. "Sige but if you need help tawagin niyo na lang si Manang Olga," bilin ko pa at saka lumabas ng kusina. "Ay saya niyo ah," ani ni Joy nang makasalubong ko ito sa sala. "Ang kulit kasi ni Millie," sagot ko naman agad kay Joy na ikinatawa naman niya. "You know what, Gavion kung hindi lang kayo magpinsan ni Lyvia para kayong isang buong pamilya tignan kasama ang batang si Millie," muling aniya. Natawa naman agad ako sa sinabi niya. "You think so?" tanong ko kay Joy sabay lingon kina Lyvia at Millie sa kusina na kapwa naghuhugas sa lababo ng mga maruruming gamit. "I don't think so, Joy," Kaagad kong bawi sa una kong sinabi ng muli kong tignan si Joy. "Bakit naman? Dahil ayaw mo sa bata ganun? Mabait naman iyang si Millie tsaka cute," turan niya. "Hindi ko kasi nakikitang magiging bahagi ang batang si Millie sa pamilyang bubuuin namin ni Lyvia balang araw," litanya. "Hindi naman talaga dahil magpinsan kayo ni Lyvia," natatawang sagot pa niya. Hindi pa pala niya alam ang totoo himalang hindi pa umabot sa kaniya ang balita, gayong kasama ko naman si Ringo sa yate at sa tuwing may balita siyang naririnig tungkol sa negosyo o kung saan pa man ay mabilis niya itong sinasabi kay Joy mukhang nakalimot yata siya ngayon. Nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot kay Joy saka pumanhik sa aking silid sa taas. Inasikaso ko agad ang sarilli ko dahil nanlalagkit na ako dahil sa flour minabuti ko ng maligo pagkatapos ay nagpahinga na lang din muna ako hindi pa naman ako gutom mas kailangan ko ng tulog ngayon dahil ilang araw akong napuyat sa yate. KINAGABIHAN, bago ako lumabas ng aking silid ay naghilamos muna ako at nagsipilyo pagkababa ko ay nakita kong narito pa rin ang kutong lupa sa loob ng mansion ko nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng story book. Mukhang gagawin yatang bahay bakasyunan ng ampon na 'to ang bahay ko namimihasa masyado ang kutong lupa na ito. Tinungo ko ang kinaroroonan nito at umupo sa tabi niya dahilan para ma distract siya sa librong binabasa niya. "Hi, Mr Gavion!" maligalig agad niyang bati sa akin. Inikot ko muna ang paningin ko sa buong sala bago sinagot ang kutong lupa kong katabi, nang masiguro kong walang ibang tao rito ay saka ko ito binalingan ulit ng tingin. "Why are you still here, little orphan? Wala ka bang bumalik sa ampunan?" may halong kasungitan kong tanong sa kaniya habang pinaningkitan ko ito ng mga mata. "Malakas po kasi ang ulan kanina, Mr. Gavion so sabi ni Ate Lyv bukas na lang daw ng umaga umuwi," may katarayan niyang sagot. Ang sarap talagang tirisin ng batang 'to. "Teka nga bakit ba Ate Lyv na ang tawag mo kay Lyvia, e, hindi mo naman siya kapatid?" "Because she said so," nakataas kilay niyang sagot, na ikinairap ko na lamang. "Why, Mr. Gavion masama po bang nandito ako sa house mo?" tanong pa niya. "Yes, because I hate kids lalo na sa'yo dahil maldita ka," may kariinan kong sagot sa kaniya sa mahina kong boses. Binitawan naman agad nito ang kaniyang hawak na libro at pinagsiklop ang kanyang maliliit na mga braso at mataray ako nitong tinignan. "And I don't like man with hairy face like you, so I hate you more, Mr. Gavion." Inirapan pa talaga niya ako. Sama talaga ng ugali ng batang 'to sarap bitayin ng patiwarik. "Likewise, Little orphan," nakangising tugon ko naman sa kaniya Agad naman ako nitong benelatan kung kaya't gumanti rin ako, nakakapikon na siya. "Kuya Gavion, Millie is everything alright?" tanong ni Lyvia na kakalabas lang mula sa kusina. Inayos ko naman agad ang mukha ko at hindi ko pinahalatang inaway ko ang kutong lupa na si Millie. "Mukhang ang seryoso yata ng pinag-uusapan niyo ah," dagdag pa ni Lyvia at saktong nakalapit na ito sa amin. "Hindi naman, Lyv I'm just asking Millie what she wants for dessert," pagsisinungaling ko at pinandilatan ko agad ng mata ang kutong lupa dahil inaayos naman ni Lyvia ang buhok nito. "Wow! So, what does she wants for dessert?" baling sa akin ni Lyvia habang nakangiti. "Peanuts," mabilis kong tugon. "I'm allergic with peanuts, Mr. Gavion," may katarayang tugon ni Millie. Panirang bata! "Really? So, anong dessert na lang ang gusto mo?" tanong naman agad sa kaniya ni Lyvia. "Buko pandan po," sagot ni Millie na kinalukot agad ng noo ko habang nakatingin sa kaniya. "We don't have buko pandan here, Millie but we have strawberry and caramel ice cream," sagot ko sa kaniya. "I'm not a fan of ice cream." Ang arte! Siya lang yata ang bata na hindi mahilig sa ice cream. "Sige after nating mag dinner bili tayo ng buko pandan sa favorite kong pastry shop," Lyvia. "Gabi na, Lyv bukas na lang," hadlang ko agad kay Lyvia. "Kuya, it's still early, isa pa gusto ko rin kumain ang sarap kasi ng buko pandan sa pastry shop na palagi kong pinupuntahan," sagot niya. Napamura na lamang ako sa aking isipan dahil nakahanap ng kakampi ang kutong lupa sa katauhan ni Lyvia. Bwisit! "Yehey!" masayang wika ni Millie na ikinairap ko naman agad. Agad na kaming dumulog sa hapag-kainan at kumain hindi na sumabay sa amin si Joy dahil umalis ito kaya kaming tatlo lang talaga ang nandito sa bahay ang masaklap pa nito ay wala akong kakampi. Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umalis para bumili ng buko pandan sa pastry shop na sinabi ni Lyvia. Buti na lang at nag take out na lang silang dalawa kaya nakuwi kami agad. Pag-uwi namin ay nilantakan agad nilang dalawa ang buko pandan at dahil hindi na naman pumayag si Lyvia na hindi ako makatikim ng binili niya ay napilitan na naman akong kumain kahit na hindi naman talaga ako mahilig sa matatamis na pagkain. "Ang sarap po 'di ba, Mr. Gavion," nakangiting tanong sa akin ni Millie ng kaming dalawa lang ang naiwan dito sa pool area may kinuha kasi si Lyvia sa kusina. "I'm not a fan of desserts," supladong tugon ko. "No wonder why, Mr. Gavion, because you're such a lonely man with hairy face," mataray na naman niyang sagot na ikinaigting ng panga ko. "I hate you, Little orphan!" mariing wika ko sa mahina kong boses. "Likewise, Mr. Gavion." At muli ako nitong inirapan ng bongga. Akala ko matutuwa ako dahil nakauwi na ako pero hindi pala dahil umabot pa sa sukdulan ang init ng ulo at dugo ko dahil sa kutong lupa na kasama namin sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD