CHAPTER 20

1319 Words
Dalawang araw pa kaming namalagi sa yate nina Ringo at Adam dahil muntik ng maburilyaso ang isang shipment namin, mabuti na lang at nagawan agad ng paraan ng kaibigan kong si pulis na si Mendrano. At mabuti na lang ay hindi na ulit ako kinulit ni Lyvia dahil tuwang-tuwa ito noong araw na pinakuha ko kay Ringo sa mansion ang ginawa niyang cupcake. Nag video call pa talaga siya para lang makita ang reaksyon ko sa pagtikim ng cupcake na ginawa niya. Ang sarap talaga niya minsang pagalitan dahil pinagmumukha niya na akong tanga pero hindi ko kaya dahil naiisip ko pa lang na masasaktan siya at iiyak ay nasasaktan din ang aking damdamin. Kung kaya't hinahayaan ko na lamang siya, and surprisingly ay napapangiti na lamang ako sa aking sarilli. I never thought na may ganito pala akong side at tanging si Lyvia lamang ang nakadiskubre nito. Since I let her into my home and life, I can say that my life become easier because I can smile. A true and sincere one. Just because of Lyvia's simple but childish actions. Tulad na lang ngayon parang timang akong napapangiti habang nagyoyosi at nakatanaw sa malawak na karagatan dahil naalala ko na naman ang pinapagawang kalokohan sa akin ni Lyvia. "Gavion, prepare yourself malapit na lang daw si Atty Umali," pukaw ni Ringo sa nababaliw kong isip. "Fine, I'll just wash up and change." Pinatay ko na agad ang yosing hawak ko sa ashtray at saka pinasok sa loob at dumiretso sa aking silid upang mag-ayos. Minuto lang ay tapos na ako kaya lumabas na agad ako ng kwarto at sakto namang pagdating ni Atty Umali. "Good morning, Atty Umali!" pormal kong bati agad sa kaniya. "Good morning din, Mr. Gavion Ferriero!" ganting bati rin agad niya. "So, shall we start?" tanong ko. "Why not." Agad na naming tinungo ang business room at pumwesto sa mesang naririto sa loob, hindi ko na sinama pa sina Ringo at Adam para may matyag sa labas habang nakikipag-usap ako sa aming abogado. Ilang saglit pa ay kinausap ko na ulit si Atty dahil may mga nilabas pa siyang folder mula sa kaniyang dala-dalang suitcase. "It's been awhile, Atty Umali, what brings you here?" panimula kong tanong. "Actually, Mr. Ferriero dapat noon pa ako nakipag-usap sa'yo kaso ay may mga mahalagang kaso rin akong hinawakan kaya pasensiya na kung medyo natagalan," paumanhing turan niya. "Ano ba kasi ang dapat nating pag-usapan, Atty?" tanong ko. "Actually it's all about, Lyvia." Kumunot naman agad ang noo ko. "My cousin? E, bakit ako ang kailangan mong kausapin?" magkakasunod kong tanong sa nagtataka kong boses. Ang lakas naman yata ng trip ni Atty Umali sa akin. "Actually it's a secret about Lyvia's true identity that Roman had been kept for the longest time," litanya niya. "What do you mean by that?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. "You know what, Mr. Ferriero I was surprised when Roman told me about his daughter's real identity dahil hindi mo pala alam," litanya niya. Mo? So, it means ako lang ang hindi nakakaalam? Ano 'to traiduran? "Atty. Umali, get me straight to the point please," nauubusan kong pasensiyang ani ko. "Lyvia is not your biological cousin, Mr. Gavion." To my surprise I wasn't shocked or surprised anymore, at iyon ang mas nakakagulat. Ewan ko ba kung bakit imbes na magulat at magtaka ay labis na saya pa ang naramdaman ng puso ko, tila ba nanalo ako sa lotto dahil sa nalaman ko. It only means what I feel towards Lyvia is valid because we're not blood related. Pero siyempre hindi ko iyon pinahalata sa harapan ng abogado namin. I still act surprised. "Unbelievable right?" tanong pa ni Atty Umali kahit na ang totoo ay kabaliktaran naman talaga ang nararamdaman ko. "Yeah, but did Tito Roman told you the whole story about Lyvia?" tanong ko. "Yes, Mr. Gavion." Then, Atty Umali narrated everything about Lyvia's true identity. Nagkaanak naman pala talaga noon sina Tito Roman at asawa niya kaso ay nahulog ang bata dahil mababa raw ang matress ni Tita, at simula noon ay hindi na ulit sila sumubok pang magkaanak and since Tito Roman's wife was OB-GYNE, way back and one of her patient was lack of money to provide the needs of her child and she wanted the child to be adopted by someone who's rich and can protect her child, at sina Tito Roman nga ang umampon sa bata. Ang batang babae na pinangalanan nilang Lyvia minahal at inalagaan nila ng buong-buo si Lyvia kahit pa pumanaw na noon ang asawa ni Tito Roman ay hindi pa rin niya pinabayaan si Lyvia dahil naging regalo ito sa kanila ng maykapal at si Lyvia ang nagdala ng saya sa kanilang mga puso. To the point na hindi nila sinabi ang katotohanan kay Lyvia, kaya naman pala mahigpit din inihabilin sa akin ni Papa si Lyvia bago siya nawalan ng buhay. Well, makakaasa naman ang kaluluwa nilang hinding-hindi ko nga pababayaan si Lyvia lalo pa't nalaman kong ako na lang talaga ang meron siya. Mamahalin ko siya at aalagaan ng higit pa sa buhay ko mas hindi niya na deserve mapahamak ngayon dahil hindi naman pala siya totoong bahagi ng pamilyang mayroon kami. Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa kaniya gusto ko tuloy magpasalamat sa itaas dahil kahit gaano man ako salbaheng tao ay binibigyan niya pa rin ako ng pagkakataong magmahal ng isang babae. "So, Mr. Gavion are you going to tell Lyvia the truth or not?" tanong sa akin ni Atty Umali. "I'll tell her because she needs to know the truth," mabilis kong sagot. "At gusto kong mag meet ulit tayo, Atty pero kasama na si Lyvia para masabi mo rin sa kaniya ang kung ano pa mang ibinilin sa kaniya ni Tito Roman," dagdag ko. "No worries, Mr. Gavion," sagot niya. "My assistant will contact you once I fixed my schedule and of course kung kailan pwede si Lyvia, busy din naman kasi siyang tao tulad ko," muling litanya ko. "Sure, Mr. Gavion just let me know." At agad na kami tumayo mula sa mga kinauupuan namin. "Let's have lunch first, Atty Umali nagpahanda ako sa house chef ko, " yaya ko pa kay Atty. Tumingin muna ito saglit sa pambisig niyang relo bago sumang-ayon sa akin kaya lumabas na kami agad ng business room at nagtungo sa labas ng yate. Sakto namang may nakahain ng mga pagkain sa mesa. Niyaya ko na rin sina Adam at Ringo upang samahan kami ni Atty Umali sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na agad si Atty Umali samantalang kami naman ay nanatili pa rin sa loob ng yate. "Gavion, mauna ka ng umuwi," ani ni Adam. "Tumawag kasi si Lyvia kanina sa akin at gustong-gusto ka niyang makita ulit." Ako din naman. "So, ano Gavion? Liligawan mo na ba si Lyvia dahil sa nalaman mo tungkol sa pagkatao niya?" sabad naman ni Ringo. I told them the truth also para kung maging kami man ni Lyvia ay hindi na sila magulat pa. At oo sisiguraduhin ko talagang magiging kami ni Lyvia. "Ligaw? You know it's my thing, Ringo," kunwari'y natatawang sagot ko naman sa kaniya. Kahit na ang totoo ay oo gusto kong ligawan si Lyvia, even though I never done courting girls before. "So, anong gagawin mo kay Lyvia parausan mo tulad ng ibang babaeng mo?" tanong naman ni Adam. "G*go! Mahal ko si Lyvia at iba siy—" "Oh 'di liligawan mo nga siya at gagawing asawa," putol ni Ringo sa sinabi ko. "Unless kung may ibang natitipuhan si Lyvia," mungkahi pa ni Ringo. "I won't allow it, hindi siya pwedeng magkagusto sa iba!" matigas kong wika. Dahil ang isiping may magugustuhang iba si Lyvia ay hindi ko kaya para ngayon pa lang ay papatay na ako. Wala ng ibang babagay pa kay Lyvia kundi ako lang wala ng iba. Dahil akin lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD