CHAPTER 19

1315 Words
Ginulo ko muna ang buhok ko saka tuluyang lumabas sa aking silid at dumiretso sa labas. Tuwang-tuwa naman agad si Lyvia nang makita na niya ako lalo na noong sinamahan ko siya pagligo sa dagat. "Ang sarap ng tubig 'di ba, Kuya?" tumatawang tanong niya, parang bata tuloy siya sa kaniyang reaksiyon. "Yeah," sagot ko naman agad sa kaniya. "Tara langoy tayo." Agad siyang lumangoy dahilan para lumantad na naman sa harapan ko ang napakagandang katawan nito lalo na ang pang-upo niyang palong-palo. Napapamura akong nag-iwas agad ng tingin sa katawan niya dahil nagsisimula ng sumaludo ang kaibigan ko sa ibaba. Halos isang oras din kami ni Lyvia sa dagat she's very happy like a kid, samantalang ako ay hirap na hirap namang gumalaw dahil balewala ang sarap at lamig ng tubig-dagat sa katawan ko sa tuwing magdidikit nang hindi sinasadya ang katawan namin ni Lyvia, kaya hindi ko na eenjoy ang pagligo sa dagat dahil ingat na ingat lang ako sa bawat galaw ko mahirap na. This is torture! Pagkatapos naming maligo sa dagat ay nagbanlaw agad kami sa kaniya-kaniyang naming silid pagkatapos ay minabuti ko nang huwag ng palabasin si Lyvia ng yate baka kasi may makamasid sa amin dito at makitang kasama namin siya sa yate. Ayokong masira na ang masayang araw ng pinsan ko hingit sa ayokong mapahamak na naman ulit ang buhay niya. Good thing she followed my command, dahil buong gabi na itong nanatili sa kaniyang silid samantalang kami naman ni Joy ang nagmamasid dito sa labas ng yate. Nasa kabilang yate naman kasi sina Adam at Ringo dahil sila ang aasikaso ng transaksiyon namin mamayang madaling araw. Ngayon ay tahimik na ang buong paligid dahil malalim na ang gabi at kapwa na tulog sina ang dalawang babaeng kasama ko. Samantalang ako ay nandito pa sa labas nagpapahangin habang nakatingin sa madilim na kalangitan habang umiinom ng whiskey. Ngunit ganun na lang ang gulat ko nang may biglang yumakap mula sa likuran ko. "Thank you, Kuya Gavion," ani ni Lyvia. "Hindi ka pa pala tulog it's getting late already," sagot ko. "Hindi pa kasi ako inaantok, Kuya." Kinalas nito ang mga kamay niyang nasa tiyan ko upang lumipat sa tabi ko. "Kuya, thank you sa lahat-lahat ha? Alam ko naman kasing hindi mo talaga ginagawa ang mga pinapakiusap ko sa'yo but still ginagawa mo pa rin para sa akin," sensirong litanya niya at muling yumapos ang dalawang kamay sa katawan ko. Isang totoong ngiti naman agad ang sumilay sa mga labi ko dahil na appreciate niya rin pala kahit papaano ang mga ginagawa ko para sa kaniya. "Anything for you, Lyv. Isa pa iyon ang pangako ko ang hinding-hindi kita papabayaan," sagot ko. "Thank you, sa pagprotekta sa akin, Kuya I love you." Hinalikan pa nito ang kanang pisngi ko na ikinagulat ko. "You know what, Kuya Gavion hindi ko inakalang napakaganda pala ng good side mo..." nakangiting dugtong niya. "Akalain mo 'yon napapasunod ko ang kinakakatukan na si Gavion Ferriero," natatawang dagdag ulit niya. Napailing na lamang ako sa sinabi ni Lyvia ikaw pa ba naman i daan niya sa paawa effect niya. "Akalain mo 'yon may ganoong side pala ang isang strikto at matigas na Gavion Ferriero, na tanging ako lang ang nakasaksi," muling aniya habang nanatili pa rin ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Naniniwala ako, Kuya na magiging mabuti asawa at ama ka pagdating ng panahon dahil lahat kayang mong gawin para sa kanila." "You think so?" may bahid na pagdududa kong tanong. "Oo naman, Kuya hindi naman kasi porket ilegal ang negosyong meron ka, ibig sabihin niyan ay wala na ring patutunguhan ang buhay mo," turan niya na ikinangiti ko naman agad. Ang isiping magkaroon ng sarilli kong pamilya balang araw ay hindi ko 'yon binigyang pansin dahil nakatutok lamang ang atensyon ko sa pagpapalago ng ilegal kong negosyo, pero dahil sa mga sinabi ngayon ni Lyvia ay hindi ko rin mapigilang masabik na dumating ang araw na magkaroon din ako ng sarilli kong pamilya balang araw. Pagkuwa'y minabuti ko ng patulugin na si Lyvia dahil mag-aalas doce na sinabi ko na rin sa kaniya na uuwi na siya bukas kasama si Joy dahil may mahalagang gagawin ako bukas, hindi na rin siya umangal dahil kasama naman daw niya si Joy. Kinabukasan nga ay umuwi na ang dalawang babae at mahigpit kong ibilin ulit si Lyvia kay Joy. Ayokong may matanggap na naman akong may masama na namang nangyari kay Lyvia. "Gavion, your family lawyer called," ani ni Adam. Kunot-noo akong napabaling ng tingin sa pinsan ko mula sa pagtipa sa laptop ko. Mula kasi noong pumanaw ang mga ama namin ni Lyvia ay ngayon na lang ulit ito nagparamdam. "Bakit daw?" tanong ko kay Adam. "Tungkol daw sa last will ni Sir Rowel at Sir Roman, and he has something to tell you about personal. Mahalaga raw," turan naman ni Adam. "So kailangan kasama rin si Lyvia?" muling tanong ko. "Nope, kahit ikaw lang daw." Nagtataka man ay sumang-ayon na lang din ako. "Okay, fix my schedule then, Adam," utos ko. "Noted, Gavion." At saka na ito bumalik sa loob ng yate. Ginugol ko na rin ulit ang atensyon ko sa aking trabaho hanggang sa hindi ko na namalayang pa dapit-hapon na pala. Kaya naman niligpit ko na agad ang mga gamit ko sa mesa upang makalipat na ako sa loob ng yate, patapos na ako sa pagliligpit ng biglang tumunog ang cellphone ko. It's Lyvia, kaya tinigil ko muna ang aking ginagawa upang sagutin ang tawag niya. "Hola, Lyv!" tugon ko sa kabilang linya. "Hi, Kuya anong oras kayo makakauwi?" maligalig nitong tanong sa akin. Napatingin pa muna ako sa relos ko ngunit hindi ko alam kung makakauwi kami ngayong gabi dahil marami pa kaming shipments at may ibang inaasikaso rin ako. "Why, Lyv may nangyari bang masama sa'yo?" kunwari'y tanong ko pa sa kaniya. "I'm fine, Kuya ang saya nga namin dito ni Joy, nag bake kasi kami ng cupcakes at excited na akong ipatikim sa'yo ang binake ko," turan niya sa masaya nitong boses. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya para kasi siyang bata. "Really? But, I think hindi pa siguro kami makakauwi mamayang gabi, Lyv marami pa kasing mga shipments," ani ko sa kabilang linya. "Ganun ba? Sayang naman 'tong ginawa ko," malungkot nitong saad. "What if, hatiran na lang namin kayo riyan sa yate? Tutal wala naman kaming ginagawa rito ni Joy sa mansion," kaagad namang bawi niya. "No need, Lyv, aabot pa naman siguro hanggang sa pag-uwi namin 'di ba?" "Mapapanis na ang mga 'to, Kuya. Ayaw mo naman talaga yatang tikman ang mga binake ko," nagtatampong sagot niya may halong galit. "Hindi naman sa ganun, Ly—" Anak ng!!! Naputol ang pagpapaliwanag ko dahil bigla na lang niya pinatay ang linya ng telepono niya. Ano ba naman 'tong si Lyvia ang hirap makaintindi! "Ringo!" matigas kong sigaw sa pangalan ni Ringo na kumaripas naman agad ng takbo patungo sa akin. "What's the matter?" kunot-noo niyang tanong sa akin at baka sa mukha nito ang pag-aalala. "Kunin mo sa mansion ang cupcake na binake ni Lyvia para sa akin," maawtoridad kong utos. "The what?!" hindi makapaniwalang sagot niya sa akin. "Gavion mapapaaga ang shipment natin ngayong gabi uunahin mo pa iyang cupcake?" dagdag pa niya. "Bilisan mo na lang!" "Mas mahalaga pa talaga ang cupcake kaysa sa paparating na yate?" T****a! "Kunin mo na lang kasi, kung ayaw mong lumutang ang katawan mo sa gitna ng dagat!" Napailing na lamang ito dahil sa inutos ko sa kaniya bago ito tuluyang bumaba ng yate. Hindi pa man din nagsisimula ang transaksiyon namin ay mauubusan na yata ako ng pasensiya at sasakit na ng husto ang ulo ko dahil lang sa pisting cupcake na iyan! Ibang klase talaga si Lyvia, just because a piece of cupcake ay kailangan ko pang pagbantaan ang buhay ni Ringo. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD