Kasalukuyan akong nasa basement kasama sina Adam at Ringo para gumawa ng panibagong plano nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Kaya sumenyas muna ako sa dalawa upang sagutin ang tawag ni Joy siya na naman kasi ang tumawag.
"Yes?" tugon ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Lyvia, is fine and she's resting right now, would you like to check her?" tanong niya.
"Coming," seryosong tugon ko.
Nagpaalam na agad ako sa dalawa kong kasama rito sa basement saka tuluyang lumabas at tinungo ang kwarto ni Lyvia.
"You don't have to worry, Mr. Ferriero stable na si Director Lyvia binigay ko na rin kay Ms. Joy ang recita niya what she needs right now is rest," litanya ng doktora sa akin dahil naabutan ko pa ito.
"Thank you, Dr," pasalamat ko at nagpaalam na rin agad ito sa akin.
"Joy, please accompany her," utos ko kay Joy at saka na sila lumabas ng silid ni Lyvia.
Tahimik kong pinagmasdan ang tulog na tulog kong pinsan sa kama niya. Binihisan na rin siya ng mga babaeng kasama niya kanina dahil hindi na ito naka medical attire kung kaya't nakita ko rin ang bandage sa kanang braso niya.
Mariin agad akong napamura sa aking isipan habang nakatingin sa braso ni Lyvia. Naawa tuloy ako sa pinsan ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan ngayon. Kung pwede ko lang talaga ubusin ang mga kalaban ko sa isang araw ay gagawin ko ang kaso ay matitindi rin sila tulad ko.
Nadadamay tuloy ang mga inosenteng tao sa paligid ko dahilan para masaktan ang damdamin ko, and I hate this feeling.
It's terrible!
Maya-maya pa ay nagpasya na akong lumabas sa silid ni Lyvia upang mag yosi sa labas pampakalma lang baka kasi mabaliw ako nito nang wala sa oras.
Paglabas ko ng silid niya ay binilin ko siya kay Joy ngunit pinaalala ko sa babaeng ito na kailangan pa niyang magpaliwanag sa akin mamaya.
Magdamag akong nanatili sa garden area dito ko na rin inasikaso ang trabaho ko dahil laptop lang naman ang gamit ko. Maya't-maya rin akong napapatingin sa loob ng bahay dahil nagbabakasakali akong bumaba na si Lyvia mula sa kaniyang silid at kumain na ng hapunan kasabay ko.
Seven in the evening came but still, there's no Lyvia who went down. So, I assumed she must be very tired for today dahil napahaba masyado ang tulog niya, but it's fine at least makakabawi siya ng lakas dahil sa nangyari kanina.
"Dinner is not yet prepared?" wika ni Ringo na kakasulpot lang dito sa garden area.
"And wow! you're still working?" natatawang mga tanong pa niya sa akin. Ang hirap naman pa lang magutom ni Ringo nagwawala kasi siya.
"F**k you!" malutong na mura ko agad sa kaniya.
"Utusan mo na si Manang Olga to prepare our dinner," dagdag ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko.
"Bilisan mo! Gutom na ako!" sikmat ko at agad naman nitong sinunod ang mando ko.
Tinungo ko muna ang palapag kung nasaan ang kwarto ni Lyvia at sakto namang paglabas ko sa lift ng elevator ay nakasalubong ko si Joy.
"How's, Lyvia?" tanong ko agad sa kaniya.
"She's awake already, pero ayaw niyang bumaba she wants to stay inside her room, kaya ikukuha ko na lang siya ng hapunan sa baba," litanya ni Joy.
"Pero wala na bang masakit sa kanya?" muling tanong ko.
"She's fine, wala lang talaga siya mood," agad niyang turan at saka ito sumakay ng elevator upang ikuha ng pagkain hapunan si Lyvia sa baba.
Humakbang na rin ako patungo sa kwarto ni Lyvia kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng silid niya.
"Hi, Lyv," nakangiting bungad ko agad sa kaniya.
Nakaupo ito sa kaniyang kama habang nakasandal ang likod nito sa head rest ng kama.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sabay lapit sa kaniya.
"Better, Kuya, " nakangiting tugon naman agad niya.
"I-I'm'm sorry for what happened earlier."
Isang malalim na buntong hininga agad ang ginawa ko upang maibsan ang bigat sa puso ko.
Gusto kong pagalitan at saktan ang sarilli ko ngayon dahil sa nangyari kay Lyvia kanina. At ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sapagkat galos lang naman ang natamo ni Lyvia sa kaniyang katawan malayo sa bituka walang-wala sa mga natatamong sakit ng mga kalaban ko. Pero kung mag-alala ako ngayon kay Lyvia ay nag-aagaw buhay ito at labis-labis na konsensiya rin ang bumabagabag sa kaloob-looban ko sadyang ganito talaga siguro kung pamilya mo na ang nadedehado.
Nabaling ang tingin ko kay Joy na kakapasok lang mula sa pintuan ng kwarto ni Lyvia at dala-dala itong tray na may lamang pagkain at inumin agad ko itong kinuha sa kaniya at ako na mismo ang nagpatong ng tray sa kama.
"Ubusin mo lahat 'yan, Lyvia para bumalik agad ang lakas mo," ani ni Joy sabay ngiti sa pinsan ko.
"Hindi mo ba gusto ang pagkain? Pwede naman ulit tayong magpaluto kay chef," wika ko naman kay Lyvia dahil pinagkatitigan pa niya ang mga pagkain sa tray.
"No, Kuya Gavion this is fine but can I just have cherry juice? The fresh one kung mayroon lang tayo sa baba," request niya.
At dahil puro sariwa naman ang hinahain dito sa mansion ay inutusan ko na agad si Joy na bumaba upang utusan si Manag Olga na gawan ng cherry juice si Lyvia.
"Maiwan muna kita, Lyv I just need to fix myself first," paalam ko kay Lyvia na kasalukuyan ng kumakain.
"Okay, Kuya."
"I'll be back after finish your food and just wait for Joy," muling wika ko saka tuluyang lumabas ng kaniyang silid.
Sakto namang nagkasalubong ulit kami ni Joy sa gitna ng pasilyo at dalawa ang hawak nitong baso na may lamang juice. At malamang ang isa ay kaniya kaya pala natagalan siya.
"Bring it to her room baka nabulunan na si Lyvia dahil ang tagal mo," utos ko sa kaniya na ikinairap lamang niya sa akin saka ako nilagpasan.
Pagpasok ko sa aking silid ay inasikaso ko na agad ang sarilli ko pati ang kama ko para mamaya nang maayos ko na ang lahat ay lumabas na ako ng aking silid muling tumungo sa kwarto ni Lyvia.
She's sleeping tight already tapos na pala siyang kumain dahan-dahan akong humakbang papunta sa kaniyang kama at inayos ko and kumot sa kaniyang katawan yumukod din ako at bumulong sa kaniyang tenga.
"Sleep tight, Lyv."
Agad na akong tumalikod at akmang pipihitin ko na sana ang seradura ng pintuan ng kwarto niya upang lumabas ng bigla na lang itong sumigaw habang natutulog nagwawala rin siya na parang baliw. Agad kong itong dinaluhan at ginising sabay yugyog sa kaniyang magkabilang balikat upang magising ito.
Isang malakas na sigaw pa ang ginawa ko na dumadagundong sa buong kwarto niya bago siya tuluyang nagising.
Hapong-apo siya at sobrang pinagpawisan dahil sa nangyari hinayaan ko lamang muna siyang ganoon dahil nataranta na rin ang utak ko sa susunod kong gagawin.
"Gavion!" bulalas ni Joy nang bigla itong pumasok mula sa pinto.
Nagpalipat-lipat agad ang tingin nito sa akin at kay Lyvia samantalang ako naman ay parang naistatwa sa angking kintatayuan.
"Gavion, tubig!" Napakurap ako nang marinig ko ang hiyaw ni Joy sa akin.
Hindi pa man bumalik sa tamang pag-iisip ang utak ko ay agad ko namang sinunod ang utos ni Joy kumuha ako ng bottled water sa mini ref na narito lang sa loob ng kwarto ni Lyvia at kaagad ko iyong binigay kay Joy.
Dahil wala pa sa tamang huwisyo ang utak ko ay hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari kahit na kaharap ko lang naman sina Joy at Lyvia.
"I'll just get your medicine, Lyvia," ani ni Joy sa pinsan ko at saka ito lumabas ng silid ni Lyvia.
"L-lyv, gusto mo bang d-dalhin kita sa hospital? Let the doctor check your condition," kandautal-utal kong tanong kay Lyvia sabay upo sa tabi niya.
"No need, Kuya Gavion," kalmadong turan naman agad niya at nakuha pa nitong ngumiti, samantalang ako ay halos mamatay-matay na dahil sa nangyari sa kaniya.
"But you're not fine, Lyv c'mon let's see a doctor..." Agad akong tumayo mula sa kama niya at kinuha ang phone ko upang tawagan ang doktorang sumuri sa lagay niya kaninang hapon. "Tawagan ko na lang ang doktor mo tapos siya na lang papuntahin natin dito para hindi ka na ma hassle," tarantang dugtong ko.
"Kuya, stop it," pigil niya sa akin na ikinahinto ko rin sa pagtipa mula sa telepono ko.
"It's just bad dream but I'm fine," pangngumbinsi niya sa akin.
"You sure?" dudang tanong ko pa.
"Of course, Kuya Gavion."
Sakto namang pumasok ulit si Joy sa silid niya at pinainom muna siya nito ng gamot.
"Thank you, Joy," pasalamat naman agad ni Lyvia pagkatapos siyang painumin ng gamot ni Joy.
"Welcome, Lyvia bumalik ka na sa pagtulog mo ha?" nakangiting turan naman ni Joy sa kaniya, at bumaling agad nito ang tingin niya sa akin.
"She'll be fine, Gavion I can assure you that kaya iwan na natin siya," ani nito sa akin.
"Thanks, Joy sige mauna ka na susunod na lang ako."
Agad naman itong lumabas samantalang ako ay sinigurado muna ang lagay ni Lyvia.
"Lyv, are you sure you're fine now?" paninigurong tanong ko sa kaniya.
"Yes, Kuya but you know what I need?"
"What?" Kaagad kong tanong sa kaniya.
"Katabi sa kama," sagot niya.
"That would be better, Lyv, saglit lang at tawagin ko lang si Joy," paalam ko agad sa kaniya.
"No need, ikaw na lang Kuya."
Hindi ko naman inasahan ang tinugon ni Lyvia, I know we're family pero ang pangit lang kasi tignan kung kaming dalawa ang magkatabi sa iisang kama. After all babae pa rin siya at lalaki ako and we're not kids anymore.
"But, Lyv mas okay kung si Joy na lang ang makatabi mo kasi parehas kayong babae, kaysa sa akin," katwiran ko.
"Why, Kuya what's wrong magpinsan naman tayo," giit pa niya.
"I know, Lyv but still it's not good to see dahil babae ka at lalaki ako," giit ko rin.
"Kuya walang malisya magpinsan nga tayo 'di ba? Mas hindi ako sanay matulog kung hindi ko kamag-anak ang katabi ko," nakabusangot niyang sagot.
"Kuya, please," dagdag pa niya sa nagsususmamo nitong mukha.
Bumuntong hininga muna ako bago pumayag sa kagustuhan niya. Kaya kahit hindi ako komportableng magkatabi kaming magpinsan sa iisang kama sa hindi ko ring malamang dahilan ay pinilit ko ang sarilli ko upang makatulog lang siya nang maayos ngayong gabi.