CHAPTER 15

1580 Words
Sa mga sumunod na araw ay naging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Lyvia pinayagan ko na rin itong magtrabaho sa RGL, as long as kasama niya si Joy para makampante naman ang kalooban ko. Habang nasa hospital sina Lyvia at Joy ay abala naman kaming mga kalalakihan dito sa basement upang tignan ang sitwasyon ng shipments namin para sa mga susunod na araw pati na rin ang pagpapadala namin ng mga ilegal na armas sa bansang Mexico. Abala kaming narito sa basement sa pagbasa ng bawat detalye ng shipments ng biglang tumunog ang cellphone ko kung kaya't saglit ko munang iniwan ang sina Adam at Ringo sa desk ko upang sagutin ang tawag ni Joy numero kasi niya ang nakarehistro sa phone ko. "What's the matter, Joy?" seryosong bungad ko sa kabilang linya. "Lyvia is missing!" What! "Gaano na katagal?! Joy, naman iisang tao na nga lang binabantayan mo nalulusutan ka pa?!" nagpupuyos sa galit kong wika. Parang timang naman 'tong si Joy, e! "Locked down the hospital now!" Sa halip ay maawtoridad kong mando na lamang kay Joy. At hindi ko na hinintay pang ang tugon niya sa kabilang linya sapagkat pinatay ko na ang aking telepono at niyakag sina Adam at Ringo upang sundan sina Lyvia sa hospital. "You know what to do, Ringo!" nagtatagis ang baggang kong utos kay Ringo habang nakasakay na kami sa kotse. "Copy, Gavion." Kapag may nangyari talagang masama sa pinsan ko hindi ako magdadalawang isip na ubusin ang kung sinumang naglakas-loob na kalabanin ako. "Sarado na ang daan na pagmamay-ari mo, Gavion at may mga nakaantabay na rin mga tauhan doon," ani ni Ringo pagkatapos niyang sundin ang utos ko. Ngunit hindi ko ito nagawang sagutin dahil naghuhurumentado ang dibdib ko sa galit at naglilikot ang aking mga mata habang nakatanaw sa bintana. Wala lang talaga akong makitang galos sa kahit saang parte ng katawan ni Lyvia. "Gavion, it's Zuliani," untag ni Ringo sa galit na galit kong isipan. Marahas ko agad siyang binalingan ng tingin at galit na galit pa rin ang ekspresiyon ng mukha ko. "How did you know?!" matigas kong tanong sa kaniya. "Joy called you, at naharang na rin niya ang kalaban," sagot niya. Hindi ko man lang narinig ang pagtunog telepono kong nasa tabi ko lang dahil sa unti-unti ng nilalamon ang utak ko ng galit at paghihiganti na maari kong gawin mamaya sa kalaban. "We're here, Gavion," seryosong ani ni Ringo sa akin nang huminto na ang kotse. Narito kami ngayon sa daang pagmamay-ari ko, at mula rito sa loob ng kotse ay malinaw kong natatanaw ang demonyong pagmumukha ni Zuliani. Napapalibutan siya ng mga tauhan pero hindi man lang natinag ang ungas. G*go! Bali apat na kotse ngayon ang narito sa gitna ng daan isa sa kanang bahagi ng kotse kung saan kami nakasakay nina Ringo at mga tauhan ko ang sakay niyon ang isa ay sa harapan ng kotse namin na halatang pagmamay-ari ni Zuliani at sigurado ako nasa loob mismo si Lyvia ng kotse niya at ang nasa hulihang kotse ay kay Joy. Bago ko hinarap si Zuliani ay hinanda ko muna ang sarilli ko, alam kong may madilim itong plano kaya hindi pwedeng wala akong gawin. Hinubad ko muna ang suot kong mamahaling coat at hinanda nang mabuti ang handgun revolver ko saka bumaba ng kotse maging sina Adam at Ringo ay ganun din. Naging alerto naman agad ang mga tauhan ko dahil tinayaan agad nila ng baril si Zuliani. Nang makita ako ni Zuliani ay halatang gulat na gulat ito ngunit agad ding nakabawi. "Gavion Ferriero?" hindi niya makapaniwalang tanong ngunit natatawa ang boses nito. "Kaya naman, pala alerto itong mga p******a mong tauhan dahil sumama ka!" maangas niyang dugtong sabay tingin sa mga tauhan ko na nasa kaliwang bahagi niya at iilang distansiya niya mula sa mga ito. "Ilabas mo si, Lyvia! G*go!" galit kong utos habang nakayukom ang aking kanang kamay ko. Pero imbes na sundin ang sinabi ko ay pinagtawanan pa ako ni Zuliani sa nanunuyang paraan. "Akalain mo nga naman oh, talagang nag-aksaya ka pa ng panahon para lang siguraduhing uuwi ulit sa mansion mo ang pinsan mo," litanya niya sa nang-iinsulto nitong tono. Agad namang napantig ang dalawang tenga ko dahil sa sinabi niya. "Ayos-ayusin mo ang pananalita mo, Zuliani kung ayaw mong tuluyang maulila ang kutong lupa mong anak!" pambabanta ko na ikinaputla naman agad ng mukha niya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa puslit nitong anak-anakan pagkatapos kong patayin ang kapatid niyang si Ember Zuliani. Buong angkan nila ang kumakalaban sa tulad ko gusto kasi nilang mawala na ako Illegal business world just like my other enemies. Pero pasensiyahan na lang kami dahil hindi pa ipinanganak ang magpapatumba sa akin. At hindi ko rin hahayaang mabuhay dito sa mundong ibabaw ang taong 'yon. "Hayop ka, Gavion Ferriero!" nanggagalaiti niyang sigaw sabay tutok ng baril sa akin. Ako pa talaga tinakot niya sa baril, e baka nakalimutan ng g*gong 'to na lahat ng baril sa buong bansa ay sa akin nangagaling, sa ilegal na paraan nga lang. Halos sumabog na ang buong pagkatao kakatutok ng baril sa mismong mukha ko ngunit hindi ko man lang ito binigyang pansin. Blankong reaksiyon ang nakikita nito mula sa akin at hindi ako makikitaan ng takot o kaba. "Bawiin mo ang sinabi mo, Gavion kundi sasabog talaga iyang pagmumukha mo!" Tarantado! Naudlot ang mala demonyo kong pagngisi ng sabay-sabay kong narinig ang paghila ng slide mula sa baril ng mga tauhan ko habang nakatutok kay Zuliani. Dahil demonyo rin itong si Zuliani ay alerto ring lumabas ang isang tauhan niya kasama si Lyvia. Agad akong kinabahan sa aking nakita lalo pa't ginawang hostage ng lalaki si Lyvia. "Sige iputok niyo nang magsama kaming dalawa nitong si Lyvia Ferriero sa lugar ni Santanas!" matigas niyang banta. Napamura agad ako sa aking isipan at nabahala sa maaaring gawin ni Zuliani sa pinsan ko. Kung mayroon mang dapat ipasama kay Santanas ay si Zuliani lamang iyon at hindi pati si Lyvia. "Bajen a todos sus hombres armados! (Put down all your guns, Men!)" maawtoridad ko mando sa mga tauhan ko. Agad naman nila akong sinunod na ikinatawa naman agad ng kalaban. Alam kong iisipin niyang uto-uto ako dahil ang buong akala niya ay natatakot ako pero doon siya nagkakamali sapagkat ang pagkakataong tawang-tawa pa siya ay iyon na rin ang pagkakataong kinuha ko upang mapabilang na siya sa impyerno. Mabilis kong kinuha ang baril na nakaipit sa pantalon ko at walang babalang pinutok sa noo ni Zuliani at sinunod ko agad ang tauhan niyang pinapahirapan ni Lyvia. Headshot din siya dahil mas matangkad naman siya kay Lyvia kaya hindi ako nahirapang kitilin ang buhay ng ungas. Kaagad kong tinakbo ang iilang hakbang sa pagitan namin ni Lyvia at kaagad itong yumakap sa akin ng mahigpit habang nakasubsob ang kanyang mukha sa dibdib ko. "Kuya..." umiiyak niyang tawag sa akin at bakas sa boses niya ang labis na takot at kaba. "You're safe now, Lyv don't you worry," pang-aalu ko naman agad sa kaniya. habang haplos sa makintab niyang buhok. "Kuya, umuwi na tayo please," pakiusap niya sabay kalas sa pagkakayakap sa akin. I hate seeing her crying and begging at the same time pero wala na akong magagawa dahil nasaktan na siya ng panig ni Zuliani ang mahalaga ay hindi na iyon mauulit dahil tinapos ko na ang mga buhay nila. "Lyvia, umuwi na tayo bago ka pa mubusan ng dugo," wika ni Joy na may katagalan na rin nakatayo sa harapan namin. Agad ko naman sinuri ang katawan ni Lyvia and there I saw a red stain on her white coat, sa right side iyon. Lintek lang talaga! "Let's go, Lyvia," yaya sa kaniya ni Joy. "No, sasama ako kay Kuya Gavion," giit niya. With that, sumakay na agad kami sa loob ng kotse ko at pinaharurot mabilis din itong pinaharurot pauwi bi Adam ang kotse. Nararamdaman ko ang matinding panginginig ng buong katawan ni Lyvia at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. Nakasandal ang ulo nito sa kanang balikat ko habang yakap-yakap naman ng kanang kamay ko ang maliit niyang katawan. Paulit-ulit kong minumura si Zuliani sa utak ko dahil sa ginawa nila kay Lyvia. "Stop crying, Lyv safe ka na," pang-aalu ko sa kaniya. Pero hanggang sa aming pag-uwi ay hindi pa rin mawala-wala ang panginginig ng buong katawan ni Lyvia At ikinabahala ko iyon ng husto. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad naman siyang inasikaso nina Joy kasama ang babaeng doktor upang gamutin at suriin si Lyvia. "Tignan mo nang maigi si Lyvia, Dr at kahit anong test pa ang gawin mo sa kaniya as long as ikakabuti niya do it," maawtoridad kong wika sa doktora. "I will, Mr. Ferriero," sagot naman agad niya saka na nila dinala si Lyvia sa loob ng bahay. Nang mapag-isa na lang ako ay agad akong napabuga ng hangin mula sa aking bibig. Hindi ko na alam kung anong klaseng pagpo-protekta ba ang gagawin ko kay Lyvia hangga't nasa puder ko siya ay hindi ko rin nasisiguro ang lagay niya lalo na kung wala siya sa bahay. Dati wala akong problema pagday sa negosyo at buhay ko pero ngayong kasama ko na si Lyvia at nagiging mahalaga na siya sa akin ay nagiging komplikado na rin ang buhay at negosyo ko. And I never thought na darating pala sa tulad kong demonyo ang araw na matatakot ako dahil sa isang buhay ng tao. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD