KINABUKASAN, nagulat ako nang makita kong si Lyvia ang naghahanda ng aming almusal sa dining table.
"Lyv?" patanong kong tawag habang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.
"Good morning, Kuya Gavion!" masiglang bati niya sa akin.
"You prepared all of this?" tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa mesa.
"Yes, Kuya!" sagot niya.
"Pero may mga tao tayong dapat na gumagawa rito. We have our house chef to cook and servants to put the foods on our table," litanya ko baka kasi lumiban ang mga ito kung kaya't siya ang nagluto ng at naghain ng almusal namin sa mesa.
"I know, Kuya but I just missed doing household chores just like what I used to do sa mansion namin," katwiran naman niya.
"But you don't have to do that anymore, Lyv," sagot ko naman sa kaniya na ikinatawa lamang niya.
"Relax, Kuya Gavion hindi ko naman ikakamatay itong pagluto at paghain ng almusal natin," natatawang turan niya pa na ikinailing ko na lamang sa aking isip.
"Mukhang naghahanda na yata si Lyvia sa pagkakaroon ng asawa," wika naman ni Joy na kakasulpot lang kasama sina Ringo at Adam.
"Hindi naman sa ganun, Joy sadyang namiss ko lang gawin 'to."
Dumulog na kami sa mesa at nagsiupo sa upuang nakalaan para sa amin.
"Buti at pinapayagan ka ni Tito Roman noon na gawin ang mga bagay na 'yan," muling saad ko sabay lagay ng pagkain sa sarilli kong plato.
"Just like what I said, Kuya, Papa let me do the things I love and wants." Napatango naman agad ako bilang tugon sa sinabi niya.
"Gusto ko ako ulit magluto ng tanghalian natin," muling saad ni Lyvia at nagsimula na kaming kumain.
"Really?" naninigurong tanong naman agad ni Joy sa kaniya.
"Yep, namiss ko lang kasing magluto," sagot naman agad ni Lyvia.
"Kaya, Kuya samahan mo ako sa market para bumili ng ulam para sa pananghalian natin."
"But we still have stocks," turan ko.
"I already checked the refrigerator, Kuya and I found nothing," muling saad niya.
"So, we're out of stocks already?" tanong ko pa sa kaniya.
"Not totally pero marami ng kulang kaya magtinda na lang din tayo sa market," sagot niya.
"Wait, what?" sabad naman ni Adam na ikinabaling ng atensyon namin sa kaniya.
"Did I hear it right, Lyvia si Gavion ang isasama mo sa palengke?" pangungumpirma ni Adam sa pinsan ko.
"Yes, Adam!" sagot naman agad sa kaniya ni Lyvia.
"Are you sure, Lyvia? Well, it's not his thing," patawa-tawa pa niyang wika.
Agad namang tumalim ang tingin ko kay Adam habang ngumunguya, bakit ba panira ang ungas na 'to?!
But, he's right though I'm not a market person or to be anywhere else, I'm a mighty one kaya dapat hindi ako pakalat-kalat sa gitna ng daan o kung saan pa man. Pero dahil bumabawi ako kay Lyvia ay obligasyon kong sundin ang kahit anumang kagustuhan niya kahit pa ang maging kapalit nito ay ang ikapahamak pa naming dalawa.
But I, won't let that happen hangga't nasa tabi ako ni Lyvia walang pwedeng makapanakit sa kaniya.
"Adam, gusto mo bang gisahin kita?!" matigas kong sabad sa usapan nila ni Lyvia.
Agad namang nagtinginan at natigilan ang aming mga kasamahan sa hapag-kainan lalo na si Lyvia dahil gulong-gulo ang mukha nito habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Adam.
"Kuya Gavion, Adam is everything alright?" nagtatakang tanong niya habang palipat-lipat pa rin ang tingin nito sa amin.
"Just continue your meal, Lyvia," wika ni Joy sa pinsan ko. Buti na lang talaga hindi pa masyado saulado ni Lyvia ang mga galaw at pananalita namin dito sa aking mansion.
"Adam," may kariinang saway naman ni Joy kay Adam.
"Lo siento mi malo, (Sorry my bad)" sumusukong turan naman agad ni Adam sabay taas ng kanyang dalawang kamay.
Pagkuwa'y bumalik na rin lahat ng atensyon namin sa pagkain.
"After this, Kuya punta na tayo sa market para wala pang mga tao masyado," saad ni Lyvia na sinang-ayunan ko naman agad.
Pagkatapos nga naming kumain ay nagsibihis na kami ni Lyvia sa bawat silid namin sa taas at hindi nagtagal ay tapos na rin kami kaya agad na kaming umalis.
"Kuya, doon tayo mamalengke sa people's market doon kasi kami lagi ni Nanay Cory," ani ni Lyvia habang nasa biyahe na kaming dalawa.
"Sa market talaga, Lyv? We can go straight sa mall," sagot ko.
Mas mainam kasi kung sa mall para hindi mainit at hindi kitid ang bawat hilera.
"Nah, Kuya mas fresh ang mga bilihin sa palengke kaysa sa mall mas makakapili ka pa nang maayos. Unlike sa mall na nakabalot na ang sahog hindi ka na makakasure kung bago pa ba ang mga iyon o luma na," litanya pa niya.
Ito na naman siya sa pagiging metikulosa niya. And I never thought na mahihilig siya sa pamamalengke at sa mismong public market pa. Wala talagang araw na hindi ako ginugulat ng pinsan ko dahil sa ugaling meron siya.
"Okay, ituro mo na lang sa akin ang direction," pagsang-ayon ko.
Tinuro nga sa akin ni Lyvia ang daan patungo sa market na tinutukoy niya Hindi naman ganun kalayo kaso napakainit ng lugar at marumi. Malamang palengke.
"Safe ba rito, Lyv?" puno ng alinlangan kong tanong kay Lyvia sabay tanaw ng market mula sa bintana ng kotse.
Malaki naman ang market na 'to pero panigurado akong napakainit sa loob at baka may mga kung anu-anong dumi pa akong maapakan. Well, you can't blame me this is not the usual place for someone like me.
"Yes, Kuya mainit nga lang but believe me mas maraming sariwang gulay, prutas at kung anu-anong mga lulutuin pa ang narito. Kaya tara na!" Agad na siyang bumaba ng kotse nang wala man lang dala na kung anu-ano.
Samantalang ako ay nagsuot muna ng sunglasses at mask nagdala na rin ako ng alcohol bago tuluyang lumabas ng kotse.
"Wala ka bang dalang mask?" tanong ko kay Lyvia.
"Sanay na ako rito, Kuya tsaka mainit kapag may mask at sunglasses na suot sa loob," turan niya, kung kaya't tinanggal ko na lang ang suot kong mask at sunglasses.
At hindi kaaya-ayang amoy agad ang nasinghot ko. Yuck! Nakakaya ni Lyvia ang ganitong klaseng amoy?
Nagkunwari na lamang akong napakamot ng ilong para hindi naman ako masyadong mahalata ni Lyvia.
Nang makapasok na kami sa loob ng market ay kaliwa't-kanang sigaw mula sa mga tao ang naririnig ko at nakuha ko pa yata ang atensyon ng lahat dito dahil daig ko pa ang most wanted person kung nakatingin sila sa akin.
"Akala siguro nila, Kuya artista ka," natatawang wika ni Lyvia na ikinatawa ko na lang din.
Ngunit hindi ko na lamang binigyang pansin ang mga matang nakatingin sa akin at tumuloy lang ako sa paglalakad kasama si Lyvia.
"Mang Domeng!" tawag ni Lyvia sa lalaking naglalagay ng tinapay sa supot.
Isang maliit na panaderya kasi itong hinintuan namin.
"O, Lyvia aba'y mabuti at napadaan ka, kahapon ang Nanay Cory mo ang dumaan dito," maligalig na sagot naman ng ginong kay Lyvia.
"May mga bibilhan lang po, pabili ako pande coco fifty pesos lang po."
"Sige ba."
"Balikan na lang namin pahingi na rin muna sample, Manong!" paalam pa ni Lyvia sabay kuha ng isang pirasong pandecoco sa isang tray na nakalagay lamang sa food stool mabuti na lang at may plastic ito.
"Kuya, tikman mo to habang mainit pa masarap 'yan," ani ni Lyvia sabay hati ng pande coco at bago pa man ako komontra ay naisubo niya na sa loob ng bibig ko ang kalahating pande coco.
Hindi sana ako kakain ng tinapay na 'yon dahil tanging plastic lang ang nakatakip at hindi ko alam kung malinis ba ang pagkakaluto nito. Pero dahil nasa loob na ng bibig ko ay wala na akong nagawa kundi ang kainin na lang ito.
And as I chew the bread inside of my mouth gladly I like the taste. Ito ang unang pagkakataong kumain ako ng tinapay na galing sa market nang hindi ko nakikita ang proceso sa pagawa nito.
Bawat hilera at pasikot-sikot dito sa market ay nakakamangha na kabisado ni Lyvia at pinipili niyang nang maayos ang mga isda, nang walang halong pandiddiri maging sa iba pa ay ganoon din hanggang sa huminto kami sa isang fruit stand na kilala rin niya ang nagbabantay. Nakakamangha rin dahil kilala si Lyvia rito at napagkakamalhan pa kaming magjowa kung hindi lang sinasabi agad ni Lyvia na magpinsan kaming dalawa.
"Pabili po prutas, Aling Pinang tig iisang kilo po sa lahat," magalang niyang sa matanda sabay kuha ng ng dalawang ubas sa malaking bilao.
At katulad ng ginawa niya kanina sa tinapay ay ginawa niya rin sa ubas dahil sinubo niya na lang ito sa bibig ko.
Gusto kong maduwal sa ginawa niya dahil hindi pa naman nahuhugasan ang mga ubas na nasa bilao tapos ay sinubo niya pa sa akin pero dahil nagustuhan ko naman ang lasa ay nilunok ko na lamang iyon. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang lumabas sa mabaho at mainit na market na iyon punong-puno na ako ng pawis at pulang-pula na rin ang mukha at leeg ko dahil sa init. Yuck! Maliligo talaga agad ako pag-uwi ng mansion at iinom ng hot water para mamatay lahat ng germs na napunta sa loob ng tiyan ko dahil sa mga sinubo sa akin ni Lyvia.
Hindi ko lubos akalain na makakapasok ako sa ganoong lugar ngunit natutuwa pa rin ako kahit papaano dahil natuto akong mamalengke at pumili ng mga sariwang gulay, isda at iba pa. At dahil iyon kay Lyvia nakakatuwa ang pagiging simpleng babae niya.