"Susunod na lang ako, I'll just wash up first," wika ko at isang tango naman agad tinugon sa akin ni Lyvia.
Pagkaalis ni Lyvia kasama ang ampon na si Millie ay marahas agad akong napabuga ng hangin mula sa aking bibig kasabay ay mariing din akong napapikit ng mga mata dahil sa labis na inis na dumadaloy sa buong sistema ng katawan ko ngayon.
This is the worst day of my life. Argh!
Ngunit kahit punong-puno na ako ngayong araw ay sinikap ko pa ring maging maayos sa harap ni Lyvia maging sa mga bata. Pilit ko na lamang pinapakalma ang sarilli ko sa tuwing naglilikot na ang mga kutong lupa rito sa foundation.
Ngayon ay kasalukuyan ng kumakain ng meryenda ang mga bata every kid is smiling genuinely may iba pang nagbibigayan ng pagkain. And for the first time because of those simple actions from kids, I found myself smiling genuinely hindi naman pala sa lahat ng oras ay nakakainis sila.
Sa kakatitig ko sa ibang mga bata ay nagulat na lang ako ng may batang nabundol sa akin at nabuhusan ng grape juice na mula sa baso na hawak ng bata at nabuhos iyon sa damit at pantalon ko.
T*****a!
Napunta tuloy sa amin ng bata ang atensyon ng buong tao lihim na lamang akong napamura ng paulit-ulit sa isip ko dahil sa katangahan ng bata. Gustong-gusto ko siyang paliparin dahil sa ginawa ngunit pinipigilan ko lang ang sarilli ko.
Dahil sa kawalan ko ng pasensiya ay wala sa sarilling tumaas ang bibig ko sa labis na galit habang umiigting ang aking panga.
Nang bumalik na ang ulirat ng lahat mula sa eksenang nangyari sa amin ng bata at nagkumahog naman ang lahat upang daluhan kami ng batang takot na takot habang nakatingin sa akin.
Dapat lang talagang matakot siya dahil dinumihan niya lang naman ang kasuotan ko ngayong mas mahal pa sa buhay niya!
Nang akmang lalapit sa akin ang isang staff upang punasan ang damit at pantalon ko gamit ang malinis na tela ay agad ko itong sinenyasan na huwag na lang.
"Magpapalit na lang ako sa kotse." At agad na akong tumalikod upang tungohin ang kinaroroonan ng kotse ko.
Nang makalapit na ako sa kotse ay malakas kong tinadyakan ang gulong nito sa harapan sabay pikit ng aking mga mata at napahilot sa aking noo.
"Kuya Gavion, I—"
"I'm done here, Lyv," nauubusan kong pasensiya wika sabay baling kay Lyvia na ikinabigla naman niya.
"Ayoko na rito, at higit sa ayoko sa mga bata. I'm leaving!" galit kong wika sabay ikot patungo sa driver side.
Agad ko na itong pinaharurot pagkapasok ko at buti na lang ay hindi na umangal pa si Lyvia. Marahil nabigla siya ng husto sa aking inasta ngayon wala naman kasi siyang alam na ayaw ko sa mga bata.
Habang nagmamaneho ay hindi pa rin matigil ang panga ko kakagalaw dahil sa sobrang inis. Kaya bago pa ako mabawian ng buhay nang wala sa oras ay tinabi ko na muna ang kotse sa gilid ng daan. At doon ay nilabas ko lahat ng inis ko sa pamamagitan ng paghampas ng paulit-ulit sa manibela ng kotse sa malakas na paraan.
Nang mapagod ako at magsawa ay kusa naman akong tumigil. Ilang buntong hininga at buga ng hangin mula sa aking bibig ang ginawa bago tuluyang kumalma ang sarilli ko. It turns out that only those naive and innocent little people can ruin my day. And that's bulls***t!
Nang makabawi at makaipon na ako ng hangin sa aking buong sistema ay muli ko ng binuhay ang makina ng kotse ko at saka pinaharurot ito pauwi ng bahay. Ngunit sa kabilang banda ng utak ko ay inuusig naman ako ng sarilli kong konsensiya dahil sa biglaan kong pag-iwan kay Lyvia sa foundation.
"Damn it!" bulalas ko habang nagmamaneho at muli kong hinampas ang manibela ng kotse.
Iglap lang ay natagpuan ko na lang ang sarilli kong nagmamaneho pabalik sa foundation pero dahil hapon na ay na trapik na ako sa daan at buti na lang ay hindi iyon nagtagal at baka uminit lang ulit ang ulo ko.
Minuto ang lumipas ay nakabalik na ulit ako sa ampunan at madilim na ang langit dahil nga medyo natagalan ako dahil sa traffic. Abala lahat ng tao kung kaya't walang nakapansin sa pagbalik ko maging si Joy ay abala sa pakikipag-usap sa isang staff samantalang si Lyvia naman at tuwang-tuwa habang nakikipagkulitan sa mga ampon.
Nakakatuwa lang dahil kahit magkadugo kami ay magkaiba kami pagdating sa mga bagay-bagay tulad na lang sa mga bata hindi siya naiinis at nauubusan ng pasensiya samantalang ako ay parang sasabog na makaharap ko pa lang ang mga ito.
Pero natigil siya sa pakikipag-usap sa mga bata ng kalabitin siya ng batang kinaiinisan ko rito sa ampunan at tinuro ako. Agad naman akong nilapitan ni Lyvia habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Kuya, bakit ka bumalik? I thought uuwi ka na?" nagtatakang tanong niya at hindi ko man lang nahimigan ng tampo o, galit ang boses niya.
"You're not mad?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang lukot ang aking noo.
"Mad? Why should I?" magkakasunod niyang tanong sa naguguluhan nitong boses at nakakunot din ang noo niya.
"Dahil sa inasta ko kanina. That was rude," tugon ko, na ikinatawa lamang niya sagalit sabay lapit sa akin.
"Just because you hate kids? Kuya Gavion, hindi kita pwedeng pilitin na gustuhin mo ang mga bata bawat isa naman sa atin ay may kaniya-kaniyang gusto sa buhay," litanya pa niya.
Her remarks surprised me, hindi ko lubos akalain na ganito pala kalalim na pang-unawa ang meron ang aking pinsan.
"So, you're here to fetch us?" tanong niya.
"Yes, because it's already dark," sagot ko naman agad.
"Sige, paalam lang ako sa loob ha?"
"I'll go with you," ani ko at sabay na kaming humakbang sa loob ng bahay ampunan.
Bawat staff ay kinausap ni Lyvia sabay paalam sa mga ito maging sa mga bata ay nagpaalam din siya, samantalang ako naman ay kumaway lamang sa lahat. Pagkuwa'y humakbang na kami palabas ni Lyvia.
"Wait lang po!" Agad naman akong natigil sa paglalakad at lumingon sa aking likuran.
Mas nauna na si Lyvia sa akin sa paglalakad dahil tinawag pa niya si Joy.
Ang batang nakabundol kanina sa akin ang nagsalita at may inabot ito bond paper sa akin.
"Sorry po sa nagawa ko kanina, Sir hindi ko po sinasadya," paumanhin ng bata sabay mano sa kanang kamay ko.
Kahit papaano naman ay natuwa ako sa ginawa ng batang lalaki kung kaya't ginulo ko ang makintab nitong buhok.
"Just be careful next time," bilin ko sa kaniya sabay kuha ng bond paper sa kamay niya.
Isang ngiti na lamang ang tinugon nito sa akin sabay takbo pabalik sa loob ng ampunan. Tumalikod na rin agad ako at muling humakbang palabas.
"Before you put that bond paper on trash bin just take a look what inside first," wika na naman maliit na tinig na ikinahinto ko ulit sa paglalakad.
At hindi nga ako nagkamali ng hula dahil ng balingan ko ng tingin ang boses na nagsalita ay si Millie masungit ang nakita ko na mataray pa rin ang mukha.
"Noted, Little orphan," sagot ko sa kaniya at walang lakas kong hinampas ang bond paper sa tungkil ng kaniyang ilong.
"Goodbye, Mister!" kumakaway niyang paalam sa akin.
"Goodbye, Madam!" sumasaludong tugon ko naman sa kaniya.
At tuluyan ko na itong iniwan sa kaniyang pwesto.
"Galing ba sa bata iyang hawak mong bond paper, Kuya?" tanong ni Lyvia habang nakaturo sa hawak kong papel.
Kapwa kami nasa backseat dahil si Joy na ang nagpresintang magmaneho pauwi sa mansion.
"Yeah," tipid kong tugon.
"What's inside of it?" tanong pa niya.
Binuksan ko na lang ang bond paper at natuwa ako nang makita ko ang nakasulat at may magandang drawings pa. I'm sorry, Sir Ferriero ang nakasulat.
Pagkatapos kong basahin iyon ay tiniklop ko na ito.
"So?" tanong ni Lyvia.
"It's an apology letter," seryosong sagot ko.
"So sweet! You know what, Kuya Gavion you hate kids but they're fun to be with. Well, you won't feel it until you'll have your own someday," litanya niya.
"Sa tingin mo ba bagay sa akin maging ama?" may halong pagdududa kong tanong agad sa kaniya.
"Of course, Kuya Gavion every man deserves to have their own child and to be a father to them. So indeed, Kuya you deserve it."
Kibit-balikat lamang ang tinugon ko sabay baling ng aking kanang bahagi ng bintana upang tumanaw sa labas, pinatong ko ang kanang siko ko sa handle ng pintuan habang nakapwesto naman ang mga daliri ko sa ibabaw at babang bahagi ng bibig ko.
Then smile tugged at the corner of my lips. Sa kabila ng pagkadisgusto ko sa mga bata ay natutuwa pa rin ako sa isiping magkakaroon din ako ng sarilli kong anak at pamilya balang araw.
And I really wonder kung sinong mamalasing maligaw na babae papunta sa katulad kong salot sa mundong ibabaw.