CHAPTER 12 Gavion

1522 Words
Gustong-gusto kong komontra sa kagustuhan ni Lyvia na pumunta kami sa Hearty foundation na kaibigan niya mismong si Arma ang founder. Damn! I hate kids. Wala akong amor pagdating sa mga bata ang iingay kasi ng mga ito at ang kukulit. Nakakasakit sila ng ulo! Pero dahil segurista itong si pinsan ko, I have no choice but to agree with her decision. "Where to, Gavion?" nakakunot noo na tanong sa akin ni Adam nang makita ako nitong nakatayo sa sala at bihis na bihis. Ngayong araw kasi kami pupunta roon sa foundation na sinasabi ni Lyvia at kasalukuyan ko silang hinihintay ngayon ni Joy dahil kapwa pa nagbibihis ang mga ito. "Foundation," walang gana kong sagot. "What?" hindi makapaniwalang tanong ni Adam. "Seryoso ka? Ikaw pupunta sa foundation?" magkakasunod ulit niyang tanong sa hindi pa rin nito makapaniwalang boses. "Yes," seryosong sagot ko naman agad sa kaniya. "At bakit?" natatawang tanong pa niya. "Because Lyvia said so." Napailing naman agad ito at patawa-tawa pa siya dahil sa aking tinuran. Bwisit! "Stop it, Adam kung ayaw mong dumugo ang ilong mo!" umiigting ang panga kong saway sa kaniya sabay yukom ng kaliwang kamao ko. "I'm sorry about that, Gavion hindi lang kasi ako makapaniwala," natatawang tugon pa rin niya. Ang sarap tanggalan ng bungo ng g*go! "Babawi kasi siya kay Lyvia, that's why he had no choice but to agree with her lovely cousin." T****a lang! Dumagdag pa talaga si Joy na kakalabas lang mula sa lift ng elevator at halatang tinutudyo ako. Ang sarap nilang pag-untugin ni Adam. "Yay! Mukhang may balak yata si Lyvia na pahirapan ka, Gavion," dagdag tudyo pa ni Adam sa akin. "Isang salita mo pa, Adam sisiguradohin ko talaga dadanak ng dugo 'yang matigas mong pagmumukha!" nagpupuyos sa galit ko ng babala sa kaniya. "That's enough, Adam," saway naman agad sa kaniya ni Joy. "Okay fine..." sumusukong sagot naman agad ni Adam. "Sa basement na muna ako." Mabuti pa nga. "Ayusin mo na sarilli mo, Gavion baka mamaya lang ay bababa na ang pinsan mo," seryosong wika ni Joy ng kaming dalawa na lang ang naiwan dito da sala. Mariin naman agad akong napapikit sabay buntong hininga ng malalim. Tarantado kasi 'tong si Adam, e. Sinira niya mood ko nang wala sa oras. "Sorry to keep you waiting, guys!" masiglang boses ni Lyvia ang nagpamulat sa akin at inayos ko na rin agad ang mukha ko. "Okay ka na ba?" tanong ko agad sa kaniya habang may ngiti sa aking labi. "Yeah." "Alright then, so shall we?" tanong ko sa kaniya. "Vamos, (let's go)" Agad na kaming umalis at tulad nga ng sinabi ni Lyvia kahapon ay dumaan muna kami sa mall para mag grocery para sa mga bata sa foundation. "Kuya, help me find some foods and needs for the kids," wika ni Lyvia habang naglalakad kami sa loob ng grocery store. At bawat hilera rito sa grocery store ay hinihintuan talaga namin dahil tinitignan talaga ni Lyvia bawat produkto na nakapaloob sa estante at sinusuri niya talaga ito ng mabuti. Sobrang metikulosa naman yata niya. "Kuya, kung may gusto ka pa para sa mga bata kuha ka lang," muling saad niya habang nakangiti. "Okay." Nang mapadaan nga kami sa hilera ng mga chocolates at candies ay humakot ako nang humakot at nilagay sa cart na tulak-tulak ko. "Hey, Kuya Gavion!" bulalas ni Lyvia ng makita niya ang mga nilagay ko cart. "What?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. "Sobra-sobra na ang kinuha mong mga candies and chocolates," turan niya at binawasan ang mga kinuha ko mula sa cart. "But kids, likes chocolates and candies right?" "Yes, Kuya but not too much baka sumakit ngipin nila or worst baka sumakit lalamunan nila." May punto naman siya roon pero kasi pinakuha niya ako, ng para sa mga bata kaya 'yon ang mga hinakot ko. "Sorry, my bad," paumanhin ko na lamang sa kaniya. "It's okay, Kuya ako na lang ang kukuha para sa mga bata," sagot niya. Ilang sandali pa ay sa wakas natapos na rin kami ni Lyvia sa pag grocery, sunod na naming tinungo ang kinatatayuan ni Joy. Hindi na kasi ito sumama sa amin dahil pinalook out ko siya rito sa labas mahirap ng masalisihan kami. Niyaya na agad namin itong lumabas at tinungo ang kinaroroonan ng kotse ko sa parking area. Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili namin ni Lyvia sa likod ng kotse ko ay nilisan na agad namin ang mall. Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa hearty foundation at namataan ko agad ang mga batang ampon na naglalaro sa labas. Kung maka lakad-takbo sila sa bakuran ay para wala ng bukas at parang mga walang pakialam sa buhay. They're naive and innocent to face the reality. Pero wala pa rin talaga akong amor sa mga katulad nilang bulinggit. Sadyang pinipilit ko lang ang aking sarilli para kay Lyvia. Ilang buntong hininga pa nga muna ang ginawa ko bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan nina Lyvia. "Control yourself, Gavion," paulit-ulit kong usal sa aking isipan. Huwag sanang maubos ang pasensiya ko sa mga kutong lupa na narito, at dahil napakaligalig ni Lyvia pagdating sa mga bata ay agad niya akong pinakilala sa mga bata kung kaya't hindi ko inasahang lumapit ang mga ito sa akin at yumakap may iba pang nagmano. Damn! Mukha na ba akong Lolo?! Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanila pero ayaw ko namang maging bastos sa harapan nila lalo na sa harapan ni Lyvia. Ilang sandali pa ay naagaw na ng malditang bata ang atensyon ng lahat dahil sinabi niya sa akin. At ang lakas ng loob niyang sabihin sa buong tao na narito na ayaw ko raw sa mga batang tulad nila. Well, yes definitely! Lalo na sa katulad niyang may ugali ang bata-bata pa pero maldita na. Mas lalo pa akong nainis sa kaniya noong binelatan niya ako kung hindi lang siya bata at babae kanina ko pa siya pinalipad. Mabuti na lang talaga at pinapasok siya ng isang staff sa loob ng ampunan dahil sa inugali niya. "Naku, Sir Gavion pagpasensiyahan niyo na po si Millie sadyang maldita lang po talaga siya pero mabait naman po siya sa mga kapwa niya bata," paumanhin agad sa akin ng staff. "It's fine, bata, e," Kunwari ay nakakaunawa ko talagang sagot. Kahit na ang totoo ay ang sarap ng tirisin ng batang 'yon. Kapagkuwan ay nagpaalam muna ako kay Lyvia at Joy na sa pool area na muna ako ng foundation. Umiinit na kasi talaga ang ulo ko kaya kailangan ko munang kumalma. Pero nang marating ko ang pool area ay namataan ko na naman ang batang maldita. I thought nasa loob ang kutong lupa na ito? Hindi siguro marunong makinig 'to sa simpleng instruction lang dahil narito siya sa isang hut at nagkukulay ng drawing book. "What?" supladong tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko nang makita ako nito. "Your face is so hairy," tugon niya sa mataray na naman niyang boses. Ano bang pakialam ng kutong lupa na 'to sa bigote at balbas ko sa mukha?! Huminga muna ako ng malalim bago sinagot itong kutong lupa na si Millie masungit. "And it's none of your business, little orphan" hindi ko nagpapatalong wika. And for the second time ay binelatan niya ulit ako na ikinailing ko na lamang sa aking isipan. Every kid is a headache to me. Damn! Bumuntong hininga na lang ulit ako upang alisin ang inis sa isipan ko saka kinuha ang kaha ng yosi mula sa bulsa ko at kumuha ako mula roon ng isang piraso. "Hey, Mr not here," saway sa akin ng kutong lupa na ikinatigil ko sa pagsindi ng yosi na nakaipit na sa bibig ko. "Fine!" inis kong sagot sabay hakbang papalayo mula sa kaniya. Nakakahiya naman sa ampon na 'to. Nang makalayo na ako sa kaniya ay saka nag ako gumamit ng yosi. Gustong-gusto ko ng umuwi baka kasi kapag hindi pa ay sasabog na talaga ako rito dahil sa kawalan ko ng pasensiya sa mga bata. "Kuya!" Agad akong napalingon kay Lyvia na naglalakad patungo sa akin. "Kuya, please huwag ka naman dito mag yosi nakakasama iyan sa mga bata," pakiusap sa akin ni Lyvia. Pati ba naman si Lyvia? Mauubos yata ang dugo at pasensiya ko ngayong araw. Galit man ay sinunod ko pa rin si Lyvia tinapon ko ang yosing hawak ko sa damuhan. "I'm sorry, Lyv," paumanhin ko at pekeng ngumiti sa kaniya. "Balik na tayo roon dahil kakain na ang mga bata," yaya niya sa akin. Gusto ko na namang umangal pero pilit kong pinapaalala sa sarilli ko na bumabawi nga pala ako kay Lyvia. Kaya tiis-tiis na lang muna ako. Ito na yata ang consequence ko dahil sa pagiging strikto ko kay Lyvia at nakakagulat lang dahil hinahayaan ko naman ang sarilli kong mahirapan dahil lang sa bumabawi ako kay Lyvia. I'd never done this stupidity before. Unti-unti na ngang binabago ni Lyvia ang buhay ko at nakakabaliw ang pagbabagong ito. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay matagpuan ko na lang ang sarilli kong naka confine sa mental hospital dahil naapektuhan na ang mental health ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD