Nang makita kami ni Joy patungo sa pwesto nila ni Kuya Gavion ay tinuro niya kami, dahilan para lingunin kami ni Kuya Gavion.
"Lyv?" may halong lambing na tawag sa akin ni Kuya Gavion.
"I'll go with you," supladang tugon ko na ikinangiti naman agad ni Kuya Gavion.
"Thank you," pasalamat niya.
"Just keep your promise, Kuya or else you won't see me again for the rest of your life," banta ko sa kaniya.
"Not anymore, Lyv," siguradong tugon niya.
Pagkuwa'y nagpaalam na ako kina Nanay Cory at Tatay Romy mamimiss ko na naman ulit sila, but this time ay nangako akong dadalawin ko sila every weekend at ikinatuwa naman nila iyon.
"Maraming salamat po, Aling Cory," pasalamat naman ni Kuya Gavion kay Nanay habang nakangiti.
"Walang anuman po, Sir Gavion kayo na lamang po bahalang umintindi sa pinsan ninyo," tugon naman ni Nanay.
"Salamat po ulit," muling pasalamat ni Kuya.
"O siya sige humayo na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan."
Bago tuluyang lumisan ng bahay ay niyakap ko muna ng mahigpit sina Nanay at Tatay. Nagbilin din ako na kung may kailangan sila ay magsabi lang sila at kung may kahina-hinala man silang mapapansin ay sabihin nila agad sa akin para ma doble ang seguridad nila rito sa mansion.
"Don't worry, Lyv I'll keep them safe," wika ni Kuya Gavion habang nasa biyahe na kami.
"Salamat!" pasalamat ko naman agad sa kaniya sabay lingon sa kaniya ng isang beses at muling tumanaw sa bintana ng kotse niya.
Wala pa ako sa mood kausapin siya dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling nangyari sa amin sa mansion niya at sana lang sa muling pag-apak ko roon ay maging totoo nga si Kuya Gavion sa sinabi niya kay Nanay Cory.
"How are you by the way? Saan ka nagpunta?" magkakasunod niyang tanong sa akin.
"Diyan lang sa tabi-tabi, Kuya and I'm fine and still pretty," may katarayan kong sagot sa kaniya na ikinatawa naman agad niya saglit.
"Mukhang hindi ka nga stress," saad pa niya.
Malamang ang ganda-ganda ng araw ko roon sa rest house, e. Sa mansion niya lang naman ako stress dahil sa pagiging strikto niyang wala sa lugar.
Kibit-balikat lamang ang tinugon ko sa sinabi niya at hanggang sa makabalik na kami sa mansion niya ay nabalot na kami ng katahimikan. Hindi naman kasi tulits itong si Kuya Gavion at dahil may konting inis pa akong nakakapa sa dibdib ko para sa kaniya ay silent mood talaga ako ngayong araw.
Pagpasok ko sa mansion ay tahimik akong dumiretso sa aking silid mas mainam kung doon na lang muna ako magkulong kaysa naman dito sa labas at baka makagawa na agad ako ng eksenang hindi kaaya-aya.
Pagkahiga ko sa kama ay sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya imbes na pumikit ay dinampot ko iyon sa side table at sinagot ang tawag ni Arma. Numero kasi niya ang nakarehistro sa phone ko, this woman must be worried about me also.
"Ly? Finally, na kontak din kita? Where are you woman? Alam mo bang maya't-maya ka tinatanong sa akin ng Joy Mercedes na iyon?" See? Told yah she's worried or maybe... nakakaisturbo ako sa kaniya dahil panay tawag sa kaniya ng bantay kong si Joy. The heck!
"I'm back, Arma and I'm sorry," sagot ko sa kabilang linya.
"It's fine, Ly and good to hear that you're back, so nasaan ka ngayon?"
"Sa kulungan ko," umiirap kong sagot sa kaniya.
"Sa what? What do you mean kulungan? As in sa jail, ganun?"
Mas umikot lamang ang mga mata ko with her questions. Is she stupid? Matatawagan kaya niya ako kung talagang nasa loob ako ng selda.
"Oh... okay, I get what you mean," bawi naman agad niya nang makuha na nito ang kulungan na tinutukoy ko.
"I thought you and Gavion still not in good terms?" nagtatakang tanong pa niya.
"Uhuh... but he promised that he'll make it up kaya tignan natin if he's telling the truth." sagot ko na ikinatawa naman niya sa kabilang linya.
"Hmmm...??? So, what's your plan? Ly, I know you'll do something." Kaibigan ko nga si Arma dahil alam niya ang tumatakbo sa isip ko.
She's right I have some plans for my annoying yet handsome cousin. Wala ng libre ngayon so, I'm going to test his patience.
"You'll see, Arma," nakangiting tugon ko sa kabilang linya.
After that, we ended our conversation dahil nagkaroon si Arma ng urgent meeting samantalang ako naman ay gagawin ko na ang unang hamon ko kuya. Sige nga tignan nga natin kung paano bumawi ang isang Gavion Ferriero.
Nagpalit lang ako saglit saka lumabas ng aking silid tinungo ko agad ang elevator at sumakay pababa ng ground floor. Saglit lang ay narito na ako sa baba at namataan ko agad si Kuya at Joy sa pool area na seryosong nag-uusap.
"Ehem!"
Agad namang nabaling sa akin ang atensyon nilang dalawa.
"Hi, Lyv do you need anything? Nagugutom ka na ba?" sunod-sunod na tanong agad sa akin ni Kuya Gavion.
"Juice na lang po hindi pa naman ako gutom," sagot ko.
Agad namang hinanap ng mga mata ni Kuya Gavion si Manang Olga para utusan upang ikuha ako ng juice.
"Ako na uutos kay Manang Olga, tutal papasok na rin naman ako sa loob daan ko na lang siya sa kusina, let's talk again later, Gavion," wika ni Joy sabay tayo mula sa silya.
"Thanks, Joy," pasalamat ko sa kaniya.
"No worries, Lyvia maiwan ko na muna kayo," paalam niya saka tuluyang pumasok sa loob ng mansion.
"Just a sec, Lyv," ani naman ni Kuya ng kaming dalawa na lang naiwan sa pool area.
"Mmm...??? Kuya 'di ba sabi mo babawi ka?" tanong ko sa kaniya habang nasa laptop ang kaniyang atensyon.
"Yes, Lyv why?" sagot naman agad niya.
"I want you to come with me sa hearty foundation tomorrow, pero bago tayo tumuloy doon dumaan muna tayo sa mall para mag grocery para sa mga bata," litanya ko na ikinalingon niya agad sa akin.
Mataman muna ako nitong tinignan at sakto namang dinala na ni Manang Olga ang juice na hiningi ko rito sa pool area. Pagkalapag niya ng basong may lamang juice at kape ni Kuya Gavion na nasa tasa ay umalis na rin ito.
"Kailan ba 'yan?" Kapagkuwan ay tanong ni Kuya.
"Bukas, agahan natin dahil dadaan pa tayo sa mall," nakangiting tugon ko.
Napuno agad ng pag-aalinlangan ang gwapo niyang mukha at hindi niya alam ang dapat na maging reaksiyon niya. I know he's not ready pero binabalik ko lang sa kaniya ang ginawa niya sa akin noon.
So, he should brace himself.
"O-okay," nag-aalangan niyang sagot sabay ngiti sa akin.
"Good, isasama rin natin si Joy para naman may katuwang tayo bukas," muling saad ko.
"Sige kung saan ka komportable," pagsang-ayon naman agad niya.
"Thanks, Kuya."
"Anything for you, Lyv," nakangiting sagot niya.
Maging ako ay natuwa sa aking narinig kahit masama itong tao si Kuya Gavion ay may kabutihang taglay pa rin ang kaniyang puso.
KINABUKASAN, kasalukuyan na naming binbagtas nina Kuya Gavion at Joy ang daan papunta sa hearty foundation nakapamili na kami sa mall dahil mas maaga kaming natapos sa pagayak.
"Lyv, matagal na bang tinayo iyang hearty foundation?" tanong ni Kuya Gavion habang nagmamaneho.
"Medyo may katagalan na rin, Kuya at maraming mga bata na rin ang nakukop nila," tugon ko.
"Ang bait naman pala ng kaibigan mo kung ganun," ani pa niya.
Aware naman kasi siya na si Arma ang founder ng hearty foundation dahil tuwing may hihingi ng tulong sa RGL, ay nalalaman niya ito. 'Yon nga lang once in a blue moon lang siya makikita sa hospital namin dahil nga mas tutok siya sa Illegal business niya.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa foundation agad akong natuwa nang makita ko ang mga batang naglalaro sa malapad nilang bakuran. Agad kaming bumaba ni Joy upang kunin ang aming mga dala sa likod ng kotse, samantalang si Kuya Gavion naman ay nanatili pa ring nakaupo sa driver seat at wala yatang balak na bumaba.
Iniwan ko muna saglit si Joy sa pagkuha ng aming dala upang umikot patungo sa driver seat at kinatok si Kuya Gavion.
"Tara, Kuya!" Yaya ko sa kaniya.
"I'll follow," sagot niya at sakto namang tinawag na ako ni Joy dahil nakuha niya na lahat ng dala namin sa likod ng kotse.
Hanggang ngayon ay banaag pa rin sa mukha niya ang pag-aalinlangan gustong-gusto ko siyang tanungin kung maayos lang ba siya but then naalala kong sinusubukan ko pala ang pasensiya niya kaya sorry muna siya sa akin ngayon.
Iniwan ko na ito upang tulungan si Joy sa aming mga pinamili nang makita kami ng mga staff ay agad naman kami nilang nilapitan at kinuha ang aming mga dala.
"Naku, Director Ferriero dadalaw po pala kayo ngayon, hindi man lang kayo nagpaabiso," wika ng babaeng staff na pinakamatagal ng nagtatrabaho rito sa foundation.
"Ayos lang po biglaan din po kasi itong pagdalaw ko," turan ko.
Pinaasikaso agad kami niya ni sa iba pang mga staff at pinatawag lahat ng mga bata upang batiin kami.
"Very good ba kayo rito?" nakangiting tanong ko sa mga bata,
"Opo, Director!" sabay-sabay nilang tugon sa akin.
"Ang galing naman kung ganun."
"Hi!" Agad namang nabaling ang tingin naming lahat sa boses na nanggaling sa likod ko.
It's Kuya Gavion at kahit mga bata ang kaharap niya ay napakaseryoso pa rin talaga ng mukha niya. Nagmukha tuloy siyang terror dito.
"By the way, Kids this is my cousin Gavion Ferriero but you can call him Sir. Gavion or Tito Gavion," Kaagad kong pakilala kay Kuya da mga bata.
Agad naman siyang nilapitan ng mga ito at niyakap may iba ring nagmano sa kaniya. Nakakatuwa ang mga bata rito dahil alam nila kung paano magbigay galang sa mga bumibisita sa kanila.
"But it seems that, Mr. Gavion is not happy with kids like us," mataray na wika ng batang babae na kakasulpot lang at nakataas pa talaga ang kilay niya habang nakatingin kay Kuya.
She's pretty and I think this little one is new here hindi siya mukhang orphan baka anak siya rito ng isang staff.
"Excuse me?" patanong na saad ni Kuya sa kaniya at bahagya pa siyang nilapitan ni Kuya.
"You hate kids, don't you?" nakataas pa rin ang kilay nitong tanong kay Kuya.
Pero imbes na sagutin siya ni Kuya Gavion ay natawa na lamang ito sa kaniya.
"Millie, huwag kang ganiyan sa bisita natin," saway naman agad ng isang staff sa mataray na bata na nagngangalang Millie.
"Ang mabuti pa pumasok ka na lang muna sa loob," utos sa kaniya ng staff.
Agad namang siyang sumunod pero bago ito tuluyang nakapasok sa loob ay nakita ko pang binelatan niya si Kuya Gavion dahilan para mapikon si Kuya Gavion. Bigla na lang kasing tumigas ang mukha nito at namumula sa sobrang inis.
Mukhang pati yata bata papatulan niya. Huwag naman po sana.