Hindi ako dumiretso sa aming mansion pagkaalis ko sa bahay ni Kuya Gavion dahil alam kong pasusundan niya ako roon. Pinatay ko rin ang phone ko para hindi ako matawagan nang kung sino wala ako sa mood kumausap ng tao ngayon. Dito ako dumiretso sa lugar kung saan tanging ako lang at si Papa ang nakakaalam nandito ako sa isang rest house na ako mismo ang nagmamay-ari binili ito ni Papa para sa akin bago siya pumanaw. Naalala ko pa noon ang sabi niya sa tuwing may problema o, naguguluhan man ako ay dito lang ako pupunta upang magpalamig. At iyon nga ang ginawa ko sa tuwing naguguluhan, malungkot o may problema man ako.
Kompleto ako rito sa gamit at may isang kawaksi rin akong kasama rito kaya hindi ako nahihirapan dito. Napuno na kasi ako sa paghihigpit sa akin ni Kuya Gavion sobra pa siya kay Papa kung pagbawalan ako, ultimo pagpasok ko sa RGL, ay ipinagbabawal niya. G**o!
"Excuse me, Madam Lyvia may tumatawag po sa inyo phone ninyo," wika ng kawaksi sabay abot ng phone ko.
Agad ko naman itong kinuha mula sa kaniya upang sagutin ang tawag. It's Nanay Cory.
"Hello, Nay?" sagot ko sa kabilang linya.
"Hello, anak Lyvia salamat naman at sinagot mo ang tawag ko, kamusta ka na?" ani ni Nanay at bakas sa boses niya ang pagkasabik at pag-aalala.
Wala silang alam na lumayas ako sa pamamahay ni Kuya Gavion at hindi ako sigurado kung hinanap ba ako ni Kuya Gavion sa mansion namin.
"Ayos lang po ako, Nay pero wala po ako sa bahay ni Kuya Gavion masyado po kasi siyang strikto pagdating sa pagprotekta sa akin daig pa niya si Papa," reklamo ko kay Nanay.
"E, nasaan ka pala kung ganun? Lyvia, baka sadyang hindi pa kayo nagkakasanayan ng pinsan mo sa isa't-isa lalo na't ito pa lang naman ang unang beses na nagsama kayo sa iisang bubong," litanya ni Nanay.
"Well, hindi po ako sanay over po kasi talaga si Kuya Gavion ni hindi niya ako kayang pakinggan," giit ko.
Totoo naman kasing sarilli lang ni Kuya Gavion ang pinapakinggan niya at tanging mga kagustuhan niya lang ang pwedeng masunod. E, paano naman ako? Kaya mas mabuti pang hindi na lang ako babalik doon kaysa naman sa mag-away lang kami araw-araw. Oo aminado akong masama ang ugali ko pero hindi ko forte ang mang-away sa bawat araw na nilikha ng Diyos.
"E, bakit hindi ka umuwi rito sa mansion ninyo? Nasaan ka ba? Baka mapaano ka riyan, anak?" nag-aalalang mga tanong ni Nanay sa akin.
"Lyvia anak, mabuti pa umuwi ka na rito sa inyo nang hindi na rin kami nag-aalala sa'yo."
Pumikit muna ako saglit at bumuga ng hangin mula sa aking bibig, wala pa akong ganang bumalik ulit sa akin dahil alam kong hindi ako tatantanan ni Kuya Gavion pero ayaw ko ring nag-aalala sa akin sina Nanay Cory at Tatay Romy. Matatanda na sila at hindi nakakabuti para sa kanila ang mag-alala ng husto.
"Sige, Nay uuwi na po ako riyan abangan niyo po ako mag-aayos lang ako," pagsang-ayon ko kay Nanay.
Uuwi na ako sa amin isa pa ay nandoon naman talaga ang buhay ko at kung sakali ngang kulitin ako ni Kuya Gavion na bumalik sa puder niya ay hinding-hindi na ako papayag pa.
Patigasan na lang kami ng damdamin kung ganoon.
Pagkatapos kong kausapin si Nanay sa telepono ay agad na akong gumayak naligo lang ako at nagbihis hindi na ako nagdala ng mga damit dahil meron naman ako sa mansion.
"Ate, babalik na ako sa amin ikaw na ang bahala rito sa rest house ko ha? Aabisuhan na lang ulit kita kung sakaling babalik ako rito," bilin ko sa nag-iisang kawaksi.
"Sige po, Madam Lyvia mag-iingat po kayo sa biyahe," bilin din nito sa akin.
Isang tango na may kasamang ngiti ang tinugon ko sa kaniya bago tuluyang umalis ng rest house gamit ang ilegal na kotse ni Kuya Gavion.
Makalipas ang halos tatlong oras ay nakarating na ako ng mansion at si Tatay Romy agad ang nadatnan kong nagdidilig ng halaman sa aming hardin.
"Tatay Romy!" tawag ko sa kaniya.
"Lyvia, mabuti naman at umuwi ka na, kamusta ka na anak?" tanong agad nito sa akin at tinigil talaga niya ang kaniyang pagdidilig.
"Ayos lang po ako, Tay kayo po rito? Miss na miss ko po kayo ni Nanay." Agad ko itong niyakap ng mahigpit.
"Miss na miss ka na rin namin, hija," tugon naman niya at niyakap din ako nito.
"Mabuti naman at nadalaw ka rito," dagdag pa niya.
"Huwag kayong mag-aalala, Tay at dito na ulit ako titira," wika ko naman sabay kalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Seryoso? Mabuti naman kung ganoon," nakangiting tugon naman agad niya.
"Sige, Tay puntahan ko lang po si Nanay," paalam ko na muna sa kaniya, saka pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ay wala akong namataang tao dito sa sala kaya humakbang ako patungo sa pool area ng bahay.
"Nay!" pasigaw kong tawag kay Nanay Cory at sakto namang lumabas si Nanay sa isang sulok.
Ngunit hindi ko inasahang may kasunod pala siya na ikinainit agad ng ulo ko. It's Kuya Gavion and Joy. Why the hell are they here?!
"Kuya Gavion, Joy?" Nabaling agad ang atensyon ko sa kanilang dalawa.
Mabilis na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at banaag sa mukha ko ang labis na pagtataka hanggang sa dumako kay Nanay ang tingin ko.
"Nay, anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya at muling nagpalipat-lipat ang tingin ko ngayon ay sa kanilang tatlo na.
Planado ito ni Kuya Gavion. F**k!
"Talagang ginamit mo pa si Nanay Cory, Kuya Gavion para lang mapauwi ako ha?! So desperate!" nagpupuyos sa galit kong sikmat sa kaniya.
"Lyv, hear me out first," mahinahong sagot naman agad niya. Tsk!
"Not again, Kuya at kahit ano pa ang gawin mo hinding-hindi na ako sasama sa inyo!" singhal ko sa kaniya.
"Lyvia anak," mahinahong saway naman agad sa akin ni Nanay.
"Maiwan po namin kayo, Sir Gavion at Ma'am Joy," magalang na paalam ni Nanay sa kanila sabay hawak sa kanang siko ko at niyakag ako nito sa isang guest room dito sa baba.
"Lyvia anak, maghunos dili ka nga. Hindi magandang tignan na sumasagot ka kay Sir Gavion, dahil mas matanda pa rin siya sa iyo ng ilang taon," wika ni Nanay habang nakaupo na kami sa kama sa loob ng guest room.
"Nakakainis po kasi talaga siya, Nay, e kaya nasasagot ko po siya nang ganun," reklamo ko.
"Anak, intindihin mo ang Kuya Gavion mo mas delikado siyang tao kaya ganun na lang siya kahigpit pagdating sa'yo dahil ayaw niyang mapahamak ang buhay mo," litanya pa ni Nanay.
Bakit parang kampi pa siya ngayon kay Kuya Gavion? Ano bang pinakain sa kaniya ng pinsan akong asungot?
"Pero hindi na tama, Nay," giit ko.
"Anak, makinig ka sa akin alam mo ba na pinagsisihan ni Sir Gavion ang ginawa niya. Inamin niya sobrang naging mahigpit siya sa'yo at pinagsisihan niya na 'yon, at nangako siya sa akin kanina na magbabago siya sumama ka lang ulit sa kanya."
"Talaga, Nay sinabi niya 'yon?" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Nanay. Ang imposible naman kasing paniwalaan.
"Oo basta raw ma protektahan ka lang niya palagi," sagot ni Nanay.
Natahimik muna saglit upang mag-isip kung paniniwalaan ko ba ang mga binitawang salita ni Kuya Gavion kay Nanay Cory. Hindi ko pa siya lubusang kilala baka mamaya niyan ay walang katuturan naman pala ang mga sinabi niya. O 'di naloko ako.
"Nag-aalangan ka ba sa pagsama ulit sa Kuya Gavion mo?" untag ni Nanay sa akin sa nag-aalala niyang boses.
Agad akong tumango bilang sagot. "Sa tingin ko naman, Lyvia nagsasabi ng totoo ang pinsan mo at upang malaman mo iyon ay kailangan mong sumama ulit sa kaniya pabalik sa mansion niya," salaysay pa ni Nanay.
Tama siya kailangan ko nga ulit sumama kay Kuya Gavion para patunayan kung nagsasabi nga ba siya ng katotohanan o, hindi. Wala namang mawawala, e at kung sakaling mang hindi nga totoo ang mga sinabi ni Kuya ay pwede ko ulit siyang takasan anytime.
Huwag niyang sinusubok ang katiting na pasensiya na mayroon ako ngayon at baka makalimutan kong pinsan ko siya!