CHAPTER 1 Lyvia

1224 Words
Kasalukuyan akong nakasakay sa aking alagang kabayo na kulay lila habang naglilibot sa aming ranchohan. After Papa died I find my own ways to moved on from his death, at isa na itong pagsakay ko sa aking kabayo na si Peppa kapag napagod ako rito sa ranchohan namin ay tutungo naman ako billiard room ng amin mansion sa fourth floor at doon maglalaro nang maglalaro sa buong araw. Mas gusto ko kasing libangin ang sarilli ko sa mga bagay-bagay kaysa ang magpakalugmok sa sakit at lungkot dahil sa pagkawala ng aking pinakamamahal na ama. It's been three months already since he died he's the only family I had in my life, pero nawala rin at dahil iyon sa negosyong meron ang pamilya namin. The Ferriero's owns the biggest illegal firearms around the world and no one dared meddled it, dahil kahit pa mga taong nasa batas ay walang nangahas na hulihin kami bagkus ay may kaisa-isang tao pang naglilingkod sa batas ang pu-mo-protekta sa illegal naming negosyo. Pero sa kabila ng illegal at masamang gawain ng aking pamilya ay legal namang kilala ang pangalan namin sa ibang tao. Papa and Tito Rowel- his only brother who died also, build a medical hospital and both for rich and poor people, at ako ang namamahala niyon ayaw kasi ni Papa na madawit ako pagdating sa illegal nilang negosyo ni Tito Rowel silang dalawa lang naman kasi ang namamahala ng negosyong 'yon. But now that they're both dead Kuya Gavion who's Tito Rowel's son owns our illegal business. At dahil si Kuya Gavion na ang nagmamay-ari ng illegal naming negosyo ay mas namayagpag pa ito at mas naging maingay ang pangalan namin. Siyempre kaakibat din niyan ay ang mainit ding pagbabantay ng mga kalaban at ng mga taong naglilingkod sa batas ngunit sadyang magaling din si Kuya Gavion dahil lahat nagagawan niya ng paraan. Kaya hahaba na lang ang leeg ng mga kalaban niya at tatanda pero ni kuko o isang pirasong buhok ni Kuya Gavion ay hindi nila mahahawakan. "Lyvia!" tawag sa akin ni Nanay Cory kasalukuyan itong may dala-dalang tray na may pitsel at isang baso. "Tama na iyan, Lyvia at magtatanghali na," wika niya at saktong nailapag na nito ang tray na kanyang dala-dala sa mesa na narito sa ranchuhan. "Lyvia, bumaba ka na riyan at may bisita ka." Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Nanay Cory. Its been three months since I had a visitor, kaya naman natuwa ako dahil may nakaalala pa pala sa aking bumisita rito. Tumigil na agad ako sa pangangabayo at bumaba upang salubungin kung sino man ang bisitang meron ako. "Nay Cory, pakilagay na lang po ulit si Peppa kay Tatay Romy sa stable," magalang kong utos kay Nay Cory sabay labas sa fence. "Sige o, ito punasan mo muna 'yang pawis mo para hindi ka magkasakit." Inabot nito sa akin ang towel upang ipunas sa pawis ko. "Maiwan na muna kita rito at sasamahan ko lang ang Tatay Romy mo," paalam sa akin ni Nanay Cory. Nang mawala na si Nanay Cory sa harapan ko ay siya namang paglapit ng isang pamilyar na tao sa harapan ko. He's wearing white polo tucked in with his gray pants, wala pa rin siyang pinagbago gwapo pa rin ito lalo na't nakaayos ang buhok niya siguro may okasyon siyang dinaluhan. He's my one and only cousin the mighty and heartless Gavion Ferriero. "Hi, Lyv!" seryosong bati sa akin ni Kuya Gavion at saglit ako nitong ngitian. Pero 'yong ngiti niya nakakatakot ngiting may dalang kababalaghan kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit mag-isa lang siya sa buhay. Poor Kuya Gavion. "Kuya Gavion, long time no see!" wika ko at ngitian ko ito ng pagkatamis-tamis para mahawa naman ito sa ganda ng ngiti ko, pero hindi iyon nangyari. "Have a sit, Kuya," paanyaya ko sa kanya at agad naman itong umupo sa kaharap kong upuan. "May gusto ka bang inumin, Kuya? Coffee, juice or—" "I'm fine thank you, isa pa ikaw naman talaga ang sadya ko rito, " dire-diretsong niyang turan sa napakaseryoso nitong boses. Kung kausapin niya ako parang hindi kami magpinsan. Nakakaloka! "Please." Mwenistra nito ang kanyang kamay sa upuan na nasa tabi ko hudyat na uupo ako roon. Kahit sa pag please napakaawtoridad pa rin ng boses niya pakiramdam ko tuloy ay nasa isang interrogation ako ngayon. "So... what now, Kuya?" medyo kinakabahan kong tanong sa kanya ng makaupo na ako sa upuan at kaharap ko na siya ngayon. "I will take you." What?! My brows raised with his serious remarks I know he's a heartless one, pero hindi ba pwedeng ibukod niya naman ang mga kamag-anak niya sa mga kalaban niya nang sa ganoon ay mag-iba naman ang pakikitungo niya sa akin na pinsan niya. "Sorry?" "Kuya, I'm very fine here at hindi ko kayang iwan itong mansion dahil ito na lang ang tanging alaala na meron ako kay Papa," litanya ko. "But he's gone already, Lyv at tayong dalawa na lang ang naiwan sa angkan ng mga Ferriero," wika rin niya. "And so?" pilosopong tanong ko naman sa kanya. "So we should be together, I need to protect you in all ways, Lyvia at hindi ko iyon magagawa kung hindi kita kasama sa iisang bubong," paliwanag pa niya. "No, Kuya I won't leave this house. Isa pa hindi na ako bata para protektahan mo, your job is to expand our business and, I. I am your cousin so it means I'm not your job!" matigas kong pahayag sa kanya. Kung kanina ay takot na takot pa ako sa presensiya ngayon ay hindi na dahil napalitan na ito ng pagkainis at pagkairita. Ang tahimik na ng buhay ko rito, e tapos guguluhin niya lang. Siraulo yata 'tong pinsan ko! Agad na umigting ang mga panga nito at nagtitimping iyukom ang kanyang kamao. " 'Yan lang ba ang sadya mo, Kuya?" naiinis kong tanong sa kanya sabay tayo mula sa couch. "Kailangan kitang protektahan, Lyvia!" matigas niyang wika. "Hindi mo kailangang gawin 'yan, Kuya kung hindi mo ako kukunin," matigas ko ring tugon sa kanya. Totoo naman kasi. "I have to, Lyv dahil ayokong pati ikaw ay mapahamak din, Tito Roman loves you so much at hindi niya hahayaang pati buhay mo ay mapahamak din kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin!" Damn him! Nakipagsukatan ako ng matalim ng tingin sa kanya hindi porket kinakatakutan siya ng lahat ng tao ay ganoon na rin ako ipapaalala ko lang sa kanya na isang Ferriero din ako kaya hindi rin ako magpapatalo. But to my surprise, ito ang unang bumawi ng tingin dahilan para matapos ang naghihimagsik naming tinginan. Nagpapatalo din pala ang isang Gavion? Now I know. "Go pack your things now!" utos niya na ikinangisi ko lamang sabay taas ng kilay ko. "You better leave now, Kuya Gavion dahil kahit ano pa ang iutos at sabihin mo hinding-hindi mangyayari ang kagustuhan mo. Remember, Kuya I am a Ferriero also and just like you, walang makakatibag sa desisyon ko!" matigas at pinal kong wika sabay talikod sa kanya. "Bulls**t!" Dinig kong mura niya mahina pero galit nitong tono, na ikinangiti ko naman. I think I'm gonna love this scene, kung araw-araw akong kukulitin ni Kuya Gavion dito sa mansion. It's Ferriero versus Ferriero, hanggang saan kaya kami aabot nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD