CHAPTER 2

1045 Words
"O, Lyvia anak, nasaan na ang bisita mo?" tanong ni Nanay Cory sa akin nang makapasok na ako sa loob ng mansion. "Nasa ranchohan pa rin po, Nay," sagot ko naman agad. "O, ganoon naman pala, e, bakit mo iniwan?" tanong pa ulit niya. "Kasi po ma s-stress lamang ako kung patuloy ko pang kakausapin si Kuya Gavion," litanya ko na ikinanuot naman agad ng kanyang noo. "Ngayon na nga lang ulit kayong nagkita na magpinsan may hindi agad kayo pinagkasunduan?" tanong pa ni Nanay Cory. "Ang kulit kasi niya, Nay..." Umiirap kong wika. "Akala niya bata pa rin ako, hello isang director na kaya ako sa RGL hospital," mataray kong dugtong. Ang RGL hospital ay ang hospital na pagmamay-ari ng aming pamilya and as I said ito ang tanging legal na negosyo na meron kami. RGL, means Rowel/Roman, Gavion and Lyvia sinadya na nina Papa na huwag banggitin ang aming apelyido upang hindi madamay ang mga inosenteng tao na ngangailangan ng tulong mula sa ospital namin. "Ikaw talagang bata ka, malamang nag-aalala lamang sa iyo si Gavion lalo na't babae ka pa," mapag-unawang turan pa ni Nanay. "Nay, kahit babae po ako kayang-kaya ko naman po ang sarilli ko, tsaka hindi po ako aalis sa mansion hindi ko po kayo iiwan ni Tatay Romy at higit sa lahat hindi ko iiwan ang bahay namin ni Papa," litanya ko. Mahalaga sa akin sina Nanay Cory at Tatay Romy dahil parang mga magulang ko na rin sila. Sa katunayan nga ay mas nakakasama ko pa sila kaysa sa totoo kong mga magulang kaya may espesyal din silang lugar dito sa puso ko. "Kung ganoon ay kausapin mo nang maayos ang pinsan mo, hindi 'yong basta-basta mo na lang siya iniiwan sa ere dahil bastos 'yan," payo pa sa akin ni Nanay. "Nay, magkadugo po kami ni Kuya Gavion at parehas kaming hindi magpapatalo sa isa't-isa baka abutin na lang kami kinabukasan ay hindi pa kami tapos sa pakikipagmatigasan namin," katwiran ko naman, na ikinabuntong hininga na lamang ni Nanay. "Magpinsan nga kayo. O, siya gawin mo na ang gusto mong gawin at ako na lamang ang titingin kay Gavion sa ranchohan," sumusukong ani ni Nanay Cory at saka nito tinungo ang ranchohan. Samantalang ako ay nagpasyang pumanhik sa aking kwarto upang gumayak dahil gusto kong makipagkita ngayon sa best friend kong si Arma. Pagpasok ko ng kwarto ay agad ko nang inayos ang sarilli ko saka tinawagan si Arma. "Hello, Ly!" turan nito sa kabilang linya. "Hola!" "Are you free this afternoon?" tanong ko agad sa kanya. "Yes actually papunta ako ngayon sa Hearty foundation para magbigay ng medical supplies para sa mga bulinggit," turan niya sa kabilang linya. Isang pediatrician si Arma sa RGL and since pediatrician siya she's the founder of hearty foundation. A foundation for kids who has heart diseases and malnourished kids. "Great! Sama ako miss na rin kasi kita," malambing ko pang ani sa kabilang linya. "Okay so paano hihintayin pa kita rito sa RGL o sa foundation na tayo magkikita?" tanong niya. "Sa foundation na lang pero sasaglit muna ako sa mall para bilhan ang mga bata ng konting snacks." "Nice! Sige see you, Ly. Bye!" "Adios!" Pinagsadahan ko muna ang aking sarilli sa malaking salamin na narito sa aking silid bago tuluyang lumabas at bumaba. Nadatnan ko naman agad sina Nanay Cory at Tatay Romy sa kusina na nag-uusap pero napahinto rin sila nang lumapit ako sa gawi nila. "Nay, Tay alis po muna ako," paalam ko sa kanila. "Saan ka pupunta, Lyvia at anong oras ka uuwi?" tanong sa akin ni Nanay Cory. "Sa foundation po, Nay kasama ko po si Arma at hindi pa po ako sure kung anong oras po talaga ako makakauwi. Medyo matagal din po kasi kaming hindi nagkita ni Arma kaya susulitin na po namin, " litanyan ko kay Nanay. "O siya sige basta mag-iingat ha?" bilin pa ni Nanay. "Huwag magpagabi masyado, anak lalo na't mahigpit kang ibinilin sa akin kanina ni Boss Gavion," dagdag naman ni Tatay Romy, na ikinairap ko agad. Nakakainis talaga si Kuya Gavion. "Don't worry, Nay Tay kasama ko naman po si Arma at kaya ko rin pong depensahan ang sarilli ko," sagot ko. Bilang kilala ang pamilya ko sa isa sa mga masasamang nilalang sa mundong ito dahil sa illegal naming negosyo ay dapat lang na matuto akong lumaban upang depensahan ang sarilli ko sa aming mga kalaban. Naging black belter ako noon sa taekwondo marunong din akong mag martial arts, boxing at siyempre magpaputok ng baril. Actually I have hand gun at dala-dala ko iyon palagi, just in case. Pagkatapos kong magmano kina Tatay at Nanay ay tuluyan na akong umalis ng bahay at tulad nga ng aking sinabi kay Arma kanina ay dumaan muna ako sa pinakamalapit na mall upang ibili ang mga bata ng mga pagkain at ibang kailany nila sa ampunan. Mahilig din kasi ako sa mga bata at ang mga bata sa Hearty foundation ay naging malapit na rin sa puso ko. At sa dami ng foundation na tinutulungan ng RGL hospital ay isa talaga ang Hearty foundation sa pinakamalapit at mahalaga sa aking puso. Pagkapark ko ng kotse ko ay lumabas na agad ako mula roon saka pumasok sa loob ng mall sa grocery store na agad ako dumiretso. Tulak-tulak ang malaking cart ay kuha roon, kuha dito ang ginawa ko as long as pwedeng kainin na mga bata at gamitin. Makalipas ang isang oras ay tapos na rin ako sa pamimili lumabas na agad ako at dumiretso sa kinaroroonan ng kotse ko sa parking area binaba ko muna saglit ang mga dala kong eco bag para e message si Arma na tapos na ako sa pag grocery at papunta na ako sa foundation, pagkatapos kong tumipa ay tinago ko na ulit ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa at saka ko na kinarga isa-isa ang eco bag sa loob ng trunk. Pero hindi ko inasahan ang susunod na nangyari dahil biglang na lang may tumakip sa aking ilong at bibig mula sa aking likod at bago pa man ako magpumiglas ay nandilim na ang paningin ko kasabay niyon ay panghihina na buong katawan ko dahil sa hindi kaaya-ayang amoy na nagmula sa bagay na pinangtakip sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD