Nang magising ako ay puting kisame agad ang nakita ko at kasunod niyon ay ang tunog ng sapatos na humahakbang papalapit sa akin kung kaya't sinundan ko 'yon ng tingin. And there I saw Kuya Gavion in his serious face while looking at me.
"Kuya Gavion," mahinang tawag ko sa kanya at nilibot ang aking paningin sa silid na aking kinaroroonan.
"Nasaan po ako?" tanong ko kay Kuya Gavion, dahil hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan man ako ngayon.
"Sa mansion ko, and this is your room," sagot niya sabay upo sa ibabaw ng kama ko.
"P-paano ako napunta rito, sino nagdala sa akin dito?" nagtatakang tanong ko sabay upo mula sa pagkakahiga.
"I already told you, Lyv just like me your life is in danger also. Alam mo naman ang pamilya natin 'di ba?" Sa halip ay tugon nito sa akin at binalewala ang tanong ko.
"Kaya kung ayaw mong may mangyari ulit sa'yong masama dapat pumayag ka ng magsama na tayo iisang bahay para ma protektahan kita," dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung papayag na ba ako sa kagustuhan ni Kuya Gavion pero sa tinagal-tagal kasi ng negosyo namin ay ngayon lang nangyari na pati ako pinagdiskitahan na rin ng mga kalaban namin. I should be aware of it, sadyang hindi ko lang inasahan na kanina 'yon mangyayari kung kailan may importante pa talaga akong lakad at kung kailan hindi ako nakapaghanda. Bwisit!
"You're the only family I have, Lyv ayokong pati ikaw ay mawala rin," wika ulit ni Kuya Gavion.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko kung paano makiusap ang isang Gavion Ferriero sa pamamagitan ng kanyang matatapang at seryosong mga mata.
Lihim akong natuwa dahil sa aking nakita ang kaso inaalala ko sina Nanay Cory at Tatay Romy. Paano na lang kung pati sila ay mapahamak huwag naman sana dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarilli ko 'pag nagkataon. Mahal ko sila at hindi ko hahayaang may mangyari masama sa mga buhay nila. They are my family too.
"Paano sina Nanay Cory at Tatay Romy? Kuya, ayokong pati sila madamay dahil sa negosyo ng pamilya natin," wika ko sa nag-aalala kong boses.
"Si Joy na ang bahala sa kanila," sagot niya.
"Who's Joy?" tanong ko naman agad.
"Katiwala ko sa negosyo," tugon niya.
"May katiwala kang babae? Hindi ba 'yon delikado, Kuya?" nag-aalalang tanong ko pa. Pwede naman kasing lalaki na lang lahat bakit kailangan pa niya ng babae?
"She's a well trained woman, Lyv in fact siya ang nagligtas sa'yo kanina kaya siya rin ang aatasan kong magbantay sa'yo," litanya niya.
"Pero, paano ang mga gamit ko at si Peppa?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Everything was fixed already, Lyv even the purple horse." Napangiti naman agad ako sa aking narinig.
"Talaga, Kuya?" nakangiting tanong ko.
"Yeah, actually pina pick-up ko na ang mga iyong sa ibang mga katiwala ko," sagot agad niya.
Mas lumapad pa ang ngiti ko dahil makikita ko na ulit si Peppa marahil kabayo man si Peppa ay tinuturing ko pa rin itong matalik kong kaibigan. Bukod kasi kina Nanay at Tatay ay siya na lang din ang meron ako sa buhay.
"So, I guess we're done here, you can take a rest again," wika ni Kuya sabay tayo mula sa kama ko.
Pero bago siya humakbang ay maagap ko nang nahawakan ang kaliwang kamay niya na ikinalingon niya naman agad sa akin.
"But, I can still communicate with Nanay Cory and Tatay Romy, right?" paniniyak kong tanong sa kanya.
And he nodded, dahilan para yakapin ko ito nang mahigpit dahil sa labis na kalagakan ng aking naramdaman ngayon. May kabaitang taglay din naman pala siya.
"Sige na pahinga ka na ulit," seryosong ani niya sabay gulo ng buhok ko.
"Thank you so much, Kuya Gavion!" turan ko na parang bata sabay angat ng mukha ko.
"Anything for you, Lyv," ani pa niya at saglit na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
Kumalas na rin agad ako sa pagkakayakap sa matigas nitong tiyan at muli ako nitong sinabihan na magpahinga bago tuluyang lumabas sa aking silid. Dahil wala pa akong ganang bumangon at gumalaw ay humiga na lang din ulit ako sa kama hanggang sa tinangay ulit ako ng antok.
Muli akong nagising nang maramdaman kong ang pagkalam ng sikmura ko hudyat na gutom na ako at saka ko lang din napagtanto na hindi pala ako nakakain ng tanghalian dahil umalis ako ng mansion tapos hindi pa maganda ang nangyari sa akin kanina. Muntik ko na nga 'yong ikinamatay kung hindi lang ako nasagip ng mga tauhan ni Kuya Gavion.
Bumangon na ako mula sa kama at nang dumako ang tingin ko sa glass window ng aking kwarto ay saka ko lang nalamang gabi na kaya pala gutom na gutom na ako.
I readied myself as I get up from the bed to eat dinner, pagkatapos kong gumawi sa aking silid ay lumabas na agad ako hinanap ko agad si Kuya Gavion pero hindi ito mahagilap ng aking paningin and no one is even here. Naglakad na lang muna ako habang palinga-linga sa palapag kung nasaan man ako ngayon but then I suddenly stop nang makita ko ang isang silid na bahagyang nakabukas ang pintuan may isang matangkad at seksing babae sa loob nakatalikod ang direksyon nito mula sa akin mukhang busy ito sa kanyang ginagawa. I step closer to the door to see clearly the woman's action and I saw that she's unloading bullets from the gun.
"Hi!" bati ko sa babae na ikinalingon naman agad niya sa akin.
Agad naman niyang tinigil ang kanyang ginagawa sabay labas loob ng kwarto at nilock pa niya ang pintuan.
"Hi, I'm Lyvia Ferriero, Kuya Gavion's cousin," pormal ngunit may ngiti sa labi kong pagpapakilala sa magandang dilag na nasa harapan ko ngayon.
Napakaamo ng kanyang pagmumukha ngunit parang nahawa rin yata siya sa pagiging seryoso ni Kuya Gavion mukhang hindi rin kasi uso ang smile sa kanya.
"Joy Mercedes po, Ma'am, isa sa mga tauhan ni Gavion," magalang at pormal din niyang pakilala sa kanyang sarilli. So siya pala si Joy na tinutukoy kanina ni Kuya Gavion sa akin at siya rin ang nagligtas sa akin.
"Gising na po pala kayo, may kailangan po ba kayo?" tanong agad nito sa akin.
"Si, Kuya Gavion?" tanong ko rin sa kanya.
"Kanina pa po umalis si Gavion," sagot niya.
"Oh? So, anong oras ba siya makakauwi?" muling tanong ko sa kanya.
"Hindi ugali ni Gavion ang magbigay ng specific na oras kung anong oras o, kailan siya makakauwi," seryosong litanya niya na ikinagulat ko.
"Kailan? So, you mean minsan inaabot ng ilang araw si Kuya Gavion bago makauwi ng mansion?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya na ikinatango naman agad ni Joy.
"So tayong dalawa pala rito?"
"May mga tauhan sa baba at may kasama rin tayong mga katulong," sagot niya at wala man lang talagang emosyon ang mukha nito.
"Ano nga po pala ang kailangan ninyo?" tanong nito sa akin.
"Gutom na kasi ako, Joy pwede na bang kumain?" nakangiting tanong ko.
"Tara po sa baba."
Agad na itong nagpatiuna sa paglalakad patungo sa elevator samantalang ako naman ay nakasunod sa kanyang likuran.
"May mga nakahanda ng pagkain sa dining area pero kung sakaling hindi mo magustuhan ang mga 'yon magpaluto ka na lang sa chef ni Gavion," wika niya habang nakasakay na kami sa elevator.
"May sarilling chef si Kuya Gavion?" manghang tanong ko sa kanya.
"Yes, Ma'am gusto kasi ni Gavion masiguradong malinis palagi ang mga pagkain na hinahain para sa kanya," sagot niya at saktong nakarating na kami sa baba.
Sa dining area kami dumiretso at may mga nakahaing pagkain na nga sa malaki at mahabang mesa. May isang kawaksi ring umasikaso agad sa akin.
"Kapag may hindi ka po nagustuhang putahe magsabi ka lang kay Manang Olga para maipaluto niya sa chef ang gusto mo," litanya ni Joy.
"Maiwan na po muna kita, para makakain kayo nang maayos," dagdag pa niya.
Pero bago pa man tuluyang makalabas si Joy ng dining area ay pinigilan ko na ito.
"Joy, samahan mo na ako sa pagkain," Aya ko sa kaniya.
"Tapos na po ako kanina pa," sagot niya.
"Samahan mo na lang muna ako rito, wala ka pa naman sigurong gagawin 'di ba?" nakangiting tanong ko pa.
Nasanay kasi ako sa bahay na may kasamang kumain sa hapag at may kakwentuhan mas sasarap kasi ang kainan kapag may kasama 'yon ang turo sa akin ni Nanay Cory.
"Sige po, Ma'am," tipid niyang tugon sabay hila ng isang silya na nasa harapan ko at doon umupo.
"Don't call me Ma'am, Joy, Lyvia na lang or Lyv sa tingin ko naman kasi magkaedad lang tayo," nakangiting wika ko na ikinangiti rin naman niya pero saglit lang iyon.
Hindi talaga siguro uso ngiti sa pamamahay na ito. Iwan ko na lang kung makakatagal pa ako rito ngayon pa lang kasi ay nabuburyong na ako, ano pa kaya sa mga susunod na araw? Sarap nang bumalik sa mansion namin.