Tahimik ang buong durasyon ng pagkain ko dahil napakaseryoso talaga ni Joy tanging kalansing lang ng mga hawak kong kubyertos ang nagsisilbing ingay sa buong dining area. It's suffocating.
"Joy, ilang taon ka na bang nagtatrabaho sa pamilya namin?" Basag ko sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Simula noong si Gavion na ang namahala sa negosyo ninyo," sagot naman agad niya.
"So, hindi ka pa pala ganoon katagal."
"Hindi pa pero pinag-aralan ko naman nang maigi ang patakaran ng negosyo ninyo, isa pa ay sanay na rin ako sa bakbakan kaya walang magiging problema si Gavion sa akin," litanya niya sa katiyakan niyang boses.
Napangiti naman ako sa sinabi niya kahit hindi man niya 'yon sabihin ay halata namang bihasa na siya sa klase ng trabahong meron siya. Sa tapang ng awra niya pati si demonyo ay matatakot sa tulad niya.
"Sabi nga ni Kuya Gavion kanina sa akin you're well trained ka kaya kumpiyansa rin siya sa'yo," ani ko habang nakangiti.
"Because I'm a part of one organization, at doon ko natutunan ang lahat na mga bagay na nais kong malaman." Kaya naman pala.
"Nice! Paturo ako minsan ng ibang mga moves mo ha? Pandagdag kaalaman lang," sabi ko pa.
"If Gavion will let you learn," turan niya, ikinanuot naman agad ng noo ko.
"And why he would stop me?" tanong ko sabay taas ng magkabilang balikat ko.
"Dahil ayaw ni Gavion na madamay ka pa sa negosyo ng pamilya ninyo, Lyvia," muling turan niya, na ikinatawa ko naman agad.
"C'mon, I'm a Ferriero kaya damay na ako illegal naming negosyo pasukin ko man 'yon o hindi."
"You know what sometimes I don't like how Kuya Gavion treated me. Sa tingin kasi niya bata pa rin ako kahit na hindi na."
Magkakasunod kong wika at bakas sa tono ng aking boses ang inis.
"He's just being protective when it comes to you, Lyvia lalo pa't muntik ka ng mapahamak kanina," pahayag pa niya.
And it made me shrugged as I finish my food, tumayo na rin agad ako mula sa upuan and Joy did the same. Tinungo ko ang ref na narito lang din sa dining area gusto ko kasing kumain ng chocolate or anything sweet but to my dismay I can't find one, puno nga itong ref pero puro naman energy drink at mga can beers ang laman sa freezer naman ay mga bottled water ang beers pa rin.
So boring!
"Wala bang chocolate sa ref niyo?" tanong ko kay Joy sabay sara ng ref.
"Nah... Gavion is not a fan of sweets," seryosong tugon ni Joy sa akin. Tsk!
"You have, Kuya Gavion's number? Can I borrow your phone? Tatawagan ko lang siya nasa kwarto kasi ang phone ko."
Joy handed me her phone, kaya hinanap ko agad ang number ni Kuya Gavion sa contacts niya at nang mahanap ko ito ay tinawagan ko agad. Isang rin pa lang ay sinagot na agad ni Kuya Gavion ang tawag.
"I'm listening, Joy." Nagulat pa ako sa binungad ni Kuya Gavion sa kabilang linya dahil hindi man lang ito nag hello
"Kuya, it's me Lyvia."
"Oh hi, Lyv kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong agad nito sa akin at nahimigan ko ang concern sa boses niya kahit na alam kong pilit niya itong tinatago.
"Okay na ako, Kuya," tugon ko sa kabilang linya.
"Have you eaten?" tanong ulit niya.
"Yeah, but Kuya I want something to eat," ani ko na parang bata sa kanya.
"What is it?" tanong naman agad niya at hindi pa rin talaga maalis-alis ang kaseryosohan sa boses niya.
"I want, chocolates, cookies and marshmallows, puro kasi beers at energy drink 'tong laman ng ref mo," tila reklamo ko pa sa kanya
"Sige pabibilhan kita ng mga gusto mo pero baka bukas mo na nang umaga makain ang mga 'yon dahil may hinihintay pa kaming transaksiyon ngayon," litanya niya.
"Okay, Kuya just don't forget, okay?" paalala ko pa sa kanya.
"I will put that in mind, anything else, Lyv?" tanong pa niya.
"That's it, Kuya salamat."
With that we end our call, at agad na binalik ang cellphone kay Joy sabay pasalamat sa kanya.
Paglabas ko ng dining area ay nagpalinga-linga naman ako sa buong sala at nahagip ng mga mata ko ang maliit na bar area kaya agad ko iyong tinungo.
"I thought those beers are enough to satisfied, Kuya Gavion pero hindi pa pala," wika ko habang pinagmamasdan ang bar area niya.
It may be small but it's full of expensive whiskeys, wines and other hard drinks may dalawang drawer pa na nakabuilt-in sa ibabang bahagi ng bar counter. This one is cool.
"Let's have a drink, Joy," Aya ko kay Joy dahil kasama ko pa rin ito hanggang ngayon.
Binuksan ko ang drawer at kumuha ng dalawang whiskey glass saka kumuha ng whiskey na gusto ko.
"Lyvia hind—" naputol ang nais nitong sabihin ng bigla akong nagtanong.
"May yelo ba kayo rito?" tanong ko.
"Yes," turan niya, at agad na nag-utos sa kawaksi na si Manang Olga upang ikuha kami ng yelo.
Saglit lang ay hinatid na rin ni Manang Olga ang yelo na nakapaloob sa ice bucket.
Agad ko ng nilagyan ang dalawang baso ng ilang pirasong ice saka nilagyan ng kaunting whiskey.
"Here." abot ko ng baso kay Joy na para sa kanya.
Bumuntong hininga pa muna ito sabay iling bago tinanggap ang inabot kong baso. Hindi siguro niya akalaing umiinom ako ng whiskey, well I may be a woman but I'm more on hard drinks than ladies drink.
"Cheers!" Then we bumped our glasses and both take sip a small amount of whiskey.
"That was strong," natatawang ani ko pagkatapos sumimsim mula sa baso nalasahan ko kasi ang pait at ang pagdaan ng init sa aking lalamunan.
"But, I like it," dugtong ko pa.
"How about you, Joy you like it?" tanong ko naman kay Joy.
Gusto kong malaman dahil wala man lang kaemo-emosyon ang kanyang mukha na animo'y walang panlasa.
"Yeah, but, Lyvia I want to tell you something," sagot niya.
"What is it?" tanong ko agad sa kanya.
"This bar area is your cousin's personal space at ayaw niyang may uminom dito o mangialam," pahayag niya.
"Why?" kunot-noo kong tanong.
"Dahil sa kanya lang ang bar area na 'to." Ang damot naman ni Kuya Gavion.
"May isang bar area pa sa second floor. Actually it's not just sa bar area it's a bar room to be exact and that room is for everyone to drink," muling pahayag niya.
Ngunit kahit ganoon ang narinig ko kay Joy ay hindi man lang ako nakaramdam ng takot o, pagkabahala. I'm his cousin therefore I am allowed to invade all of his space here, at kung ayaw niyang nangingialam ako he can just simply send me home.
"Don't worry he won't get mad, isa pa hindi ko naman alam na exclusive lang pala sa kanya 'to." Napailing na lamang si Joy sa sinabi ko.
Her mind must be saying that I am a headache to Kuya Gavion. Well...
"You know what, Joy I like your beauty," wika ko pagkatapos saidin ang laman ng baso ko, na ikinataas naman agad ng mga kilay niya pero agad din niya iyong binawi.
Pang-ilang shot na rin namin ito ni Joy kaya unti-unti ng nawawala ang hiya sa katawan ko dahil natatamaan na ako ng alak at iwan ko lang kung ganoon din si Joy mukhang matino pa naman kasi ito at bihira lang kung magsalita.
"Hindi ka ba niligawan ni Kuya Gavion?" tanong ko pa.
Siya naman ngayon ang napasaid ng alak sa kanyang baso at mariing nilunok kasabay ng pamumula ng kanyang mga tenga. Gustong-gusto kong matawa dahil sa nakikita ko ngayon sa kanya ngunit pinigilan ko lang dahil baka ma offend siya sa akin napakaseryoso pa rin kasi ng mukha niya.
"I respect him as my boss kaya malabo iyang iniisip mo, Lyvia," seryosong wika nito.
"Sabi mo, e," kibit-balikat kong wika at muling nilagyan ng alak ang mga baso namin.
Nakailang shots pa kami ni Joy bago nagpasyang magpahinga na ay hindi pala, dahil si Joy lang ang umawat sa akin dahil magmamadaling-araw na raw at sobrang pula na ng mukha ko. Samantalang siya ay parang hindi man lang tinamaan ng alak dahil matino pa rin itong kausap at dire-diretso pa ang paglalakad nito nahatid pa nga ako sa silid ko, e.
Nang maramdaman kong nakahiga na ako sa aking kama ay hinayaan ko na ang sarilli kong magpadala sa antok.
KINAUMAGAHAN, pagising ko ay naligo agad ko sa banyo dahil umagang-umaga naiinitan na ako minuto ang lumipas ay tapos na rin akong gumawi sa banyo at sakto namang tumunog ang cellphone ko.Agad ko iyong kinuha mula sa aking kama upang tignan kung sino ang tumatawag. It's Arma, kaya agad ko itong sinagot nawala na kasi ito sa isip simula noong muntikan ng mapahamak ang buhay ko.
"Hola!" (Hello) tugon sa kabilang linya
"How are you, Ly?" tanong agad niya sa akin.
"Arma, I'm really sorry about last time may nangya—"
"I know, Ly your Kuya Gavion informed me,"
What? Paano nalaman ni Gavion na magkikita kami dapat ni Arma noong araw na 'yon? Pinabantayan niya ba ako?
"But how?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I don't know, Ly basta he told me that something danger happened to you, sorry kung hindi agad kita natawagan pagkatapos ko kasi sa ampunan ay dumiretso na ako sa Cebu for meeting. Actually kakarating ko lang nga ngayon sa bahay," mahabang litanya niya.
"Sorry din kung hindi agad kita na text about what happened nawala kasi sa isip ko," paumanhin ko sa kaibigan.
"It's fine, Ly ang mahalaga safe ka na ngayon."
"By the way, tumawag pala ako kasi itatanong ko kung okay lang bang pumasok ka sa RGL," wika niya
"Of course, bakit naman hindi?" turan ko habang nakakunot ang aking noo.
Wala naman kasing rason para hindi ako pumasok sa RGL, dahil doon naman talaga ako nagtatrabaho.
"Nice! Gusto ko kasi munang mag take ng day off kahit dalawang araw lang," wika ni Arma.
" 'Yan lang naman pala sure you you can take two rest days pero magpapaalam muna ako kay Kuya Gavion bago ako pumasok para naman hindi siya mag-alala," pahayag ko pa sa kanya.
"Sure! Then kung pwede ka mamaya inom tayo para naman magkita na talaga tayo," Aya pa niya sa akin.
"Kung kaya mamaya ng schedule ko sige inom tayo," turan ko, baka kasi marami akong madadatnang trabaho mamaya sa ospital at gabihin ako.
Pagkatapos niyon ay agad na rin kaming nagpaalam sa isa't-isa saka tinapos ang aming pag-uusap.
Nagbihis na agad ako saka lumabas ng kwarto at tinungo ang elevator para sumakay pababa dahil wala na naman akong nadatnang tao rito sa fourth floor ng mansion ni Kuya Gavion.
Nang makarating na ako sa ground floor ay nakita ko agad si Joy sa pool area na nakaupo sa couch nakabukas din ang laptop niya at cup sa tabi niya.
"Good morning, Joy!" masiglang bati ko sa kanya nang lapitan ko ito sa may pool area.
Nagulat siya ng husto dahil sa pagkakabati ko dahil napatayo talaga ito at mahigpit na napahawak sa lapis na nasa tabi ng kanyang laptop. Ready to fight naman pala agad ang babaeng ito.
"Hey easy, Joy, easy!" awat ko sa kanya sabay senyas na ibaba ang hawak niyang lapis.
She blew a loud air as a relief then she put down the pencil above the table.
"What's the matter?" nag-aalalang tanong ko agad sa kanya.
"Nothing, Lyvia antok pa siguro ako," sagot naman agad niya.
Well, maybe maaga pa naman kasi at trabaho agad ang hinarap niya sa kanyang pagising. Maybe her mind was not In a mood for work as of the moment.
"By the way, nakauwi na ba si Kuya?" kapagkuwan ay tanong ko sa kanya.
"Hindi pa pero pinahatid na niya ang mga pagkaing gusto mo," sagot niya na labis kong ikinatuwa agad.
Very good naman pala itong si Kuya Gavion, e.
"Relax, Joy. Have you eaten?" muling tanong ko.
"Hindi pa may tinapos pa kasi ako," sagot niya.
"Sabay na tayo, gutom na kasi ako."
Agad ko ng hinila ang kanang kamay nito patungo sa dining area upang makakain na kami ng almusal. Pagpasok namin sa dining area ay may mga pagkain na sa mesa kaya nilantakan na agad namin iyon ni Joy. Ay hindi ako lang pala kasi itong si Joy ay chill naman kumain maya-maya pa ay tumunog ang cellphone nito so she excused herself to take the call, saglit lang ay bumalik naman siya pero para magpaalam na may biglaang lakad daw siya.
"But you're not done yet," wika ko.
"I'll be back, Lyvia hindi naman ako magtatagal," nagmamadaling sagot niya at saka na ako iniwang mag-isa sa dining area.
Ganito ba talaga rito kahit na hindi ka pa tapos kumain basta may tumawag na importante aalis agad? Kakalungkot naman pala rito babalik na lang talaga ako sa mansion namin.