CHAPTER 5 Joy Mercedes

2323 Words
Hindi maipinta ang mukha ni Gavion pagkababa niya sa kanyang mamahaling auto kasama ang isang katiwala niyang si Ringo. Hindi ko alam kung saan ito namomroblema sa pagdalo ba sa kasal ng kaibigan niyang si Claude Flynn o, sa pagpunta niya sa mansion ng kanyang namayapang tiyohin na si Rowel at sa pinsan niyang si Lyvia. Doon kasi siya dumiretso pagkatapos ng kasal upang kausapin si Lyvia Ferriero ang nag-iisa niyang pinsan. "What's with that face?" natatawang tanong ko sa kanya ng tagpuin ko ang paglalakad niya. "It's failed, Ligaya!" sagot sa akin ni Ringo na nasa likuran ni Gavion. At siya lang ang tanging tumatawag sa akin ng ligaya. Parehas kami ni Ringo na katiwala ni Gavion ang pinagkaiba lang ay mas matagal na si Ringo na naglilingkod sa Mga Ferriero samantalang ako ay bago pa lang. "Shut up, Ringo!" galit na saway naman agad sa kanya ni Gavion na ikinatawa ko ng saglit. "Sa bar room tayo," maawtoridad na utos ni Gavion at saka nagpatiuna sa paglalakad papasok ng kanyang mansion. Saglit muna kaming nagkatinginan ni Ringo bago tuluyang sumunod kay Gavion. Pagdating namin sa bar room ay agad na umupo si Gavion sa mahabang couch saka dinampot ang isang kaha ng mamahalin niyang yosi at kumuha ng isang piraso at sinindihan gamit ang kanyang windproof lighter na kulay itim. "Joy, you need to guard my cousin Lyvia," utos niya sabay buga ng usok mula sa bibig niya. "So, tama nga si Ringo you failed to ask her to stay with you," komento ko sabay upo sa single couch. "Ang tigas ng ulo niya!" matigas niyang wika na ikinatawa naman naming dalawa ni Ringo. "Magtataka kami kung sumama siya agad sa'yo rito," wika ko at sakto namang inabot ni Ringo sa akin ang baso na may lamang whiskey. Ito kasi agad ang hinanda niya pagpasok namin dito sa loob maging si Gavion ay binigyan din niya. "That's why you need to guard her, Joy 'yon lang muna ang tanging magagawa ko para maprotektahan siya," seryosong wika ni Gavion at muling humithit-buga ng yosi. Sumenyas muna ako kay Ringo na lagyan ulit ang baso ko ng alak na agad naman niyang sinunod. Inisang lagok ko lang 'yon saka tumayo mula sa single couch at inayos ang gray coat ko. "Adios caballeros!" (Goodbye gentlemen) Akmang hahakbang na ako palabas ng bar room ng biglang magsalita si Gavion. "Ringo, will accompany you, Joy," sabi niya. At wala na akong sinayang pang oras at niyaya ko na si Ringo upang samahan ako. Paglabas namin ng bar room ay dire-diretso na naming tinungo ang garage area ng mansion pero hindi ito basta-basta mabubuksan dahil kailangan mo munang pindutin ang password sa password generator na nakadikit sa right side na dingding upang mabuksan ang pintuan ng garahe. Pagkatapos tipain ni Ringo ang password sa generator ay automatic na bumukas ang pintuan. There are twelve luxurious but illegal cars inside of this garage. Why illegal? Dahil fake ang mga plate number nito so it means hindi nakarehistro. And all of it owned by Gavion sa tuwing aalis siya o kami ay pipili ka lang ng gagamitin mo pagkatapos ay makakaalis ka na agad. "Which one, Ligaya?" tanong sa akin ni Ringo, at agad kong tinuro ang kulay itim na auto. Tinungo agad namin 'yon pero sa trunk muna kami ng kotse dumiretso may safe box kasi sa loob nito at dito nakapaloob lahat ng mga kagamitan kapag kikitil kami ng buhay. Lahat ng kotse ni Gavion ay may ganito pagkatapos naming magsuot ng kulay itim na gloves at itim na sombrero ni Ringo na madalas naming gamitin ay sumakay na kami sa loob ng kotse. Ako ang magmamaneho at si Ringo ay nakaupo sa passenger seat akmang bubuhayin ko na sana ang makina ng kotse nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko iyong kinuha sa bulsa ng coat ko saka sinagot ang tawag ni Adam number kasi niya ang nakarehistro sa cellphone ko. Adam is Gavion's assistant s***h cousin. "Hola! (Hello)" bungad ko sa kanya sa kabilang linya. "Papaalis ngayon si Lyvia, anong kotse ang gamit niyo?" "Itim," "Good, paliparin mo na 'yan papunta sa mansion nila dahil may nagmamanman sa kanya." Talagang sinigurado ni Gavion ang kapakanan ng pinsan niya dahil pati si Adam na nakaantabay sa shipment ng mga baril sa yate ay pinababa pa niya upang imbestigahan ang lagay ni Lyvia. "Stay still, Adam," wika ko, at agad ng binuhay ang kotse saka pinaharurot papunta sa mansion nina Lyvia. At dahil halos lumipad na ang kotseng minamaneho ko ay wala pang sampung minuto ay nakapark na kami sa tapat ng mansion nina Lyvia. "Just wait for her, wala ba kayong napapansing kahina-hinala?" wika ni Adam sa kabilang linya. Nilibot naman agad namin ni Ringo ang aming mga mata upang suriin ang buong paligid. And there I saw black auto seven kilometers away from our car. "Tauhan ni Lim ang nagbabantay kay Lyvia," wika ko sa kabilang linya. The oldman Lim was Gavion's opponent when it comes to his illegal business pumapangalawa ang matandang iyon kay Gavion sa negosyo at dahil sa kagustuhan niyang maging una sa larangan ng illegal na negosyo ay lahat gagawin niya upang maitumba ang boss namin. Ngunit doon yata siya nagkakamali dahil demonyo si Gavion at kung sinuman ang mangahas na kalabanin siya ay magkakaroon ng biglaang puntod na hindi matutunton ng kanilang mga pamilya. "Tsk! That oldman is trying hard, you know what to do, Joy," maawtoridad na wika ni Adam sa akin sabay baba ng kanyang cellphone. Yeah, I know what to do, ngayon pa nga lang ay nangangati na ang mga kamay kong humawak ng revolver na dala ko at iputok sa bungo ng tauhan ni Lim. Naging matalas ang mga mata at bawat galaw namin dahil hindi pwedeng mapahamak ang buhay ni Lyvia. Ilang sandali pa ay may lumabas ng kotse mula sa gate ng mansion nila. Sakto lang ang pagpapatakbo ni Lyvia kaya kahit hindi pa kami umaalis ang kotse namin ay natatanaw pa rin namin ito. Isa pa hindi naman talaga si Lyvia ang dapat naming sundan kundi ang tauhan ni Lim at hindi pa man din nawala sa paningin namin ang kotse ni Lyvia ay atat na sumunod na ang tauhan ni Lim. Nang makalayo na ang bobo ay siya na ring pagbuntot namin sa kotse niya. "Ringo, ang paligid," mando ko kay Ringo baka kasi maisahan kami mahirap na. "Clear, Ligaya," turan niya habang ang mga tingin niya ay nasa dash cam na nakasabit sa ibang bahagi ng rearview mirror. Patuloy lang kami sa pagbuntot sa kotse ng tauhan ni Lim na nakabuntot din sa kotse ni Lyvia hanggang sa lumiko kami sa mall. Agad na nakahanap si Lyvia ng parking slot wala kasi masyadong kotse nagpark din ang kotse ng mga tauhan ni Lim pero siyempre may kalayuan sa kotse ni Lyvia. "Ligaya, hindi ba tayo pa-parking?" nagtatakang tanong ni Ringo ng tinabi ko lang ang kotse sa gilid ng grocery store at nag hazzard. "No need, kailangan maging alerto tayo," sagot ko habang nakatingin sa pintuan ng grocery store. Dito ako nag hazzard dahil sa grocery store pumasok si Lyvia habang nakatutok ako sa may grocery store si Ringo naman ang nag mo-monitor sa kotse ng kalaban. "G**o! Dalawa yata ang nagmamanman kay Lyvia," mariing wika niya dahilan para mapatingin ako sa dash cam. Tama ng sapatahan si Ringo dahil bumaba ang kaninang tauhan na nakita namin at may kinakausap ito sa backseat. Maya-maya pa ay bumaba na rin ang kausap nito at lumipat sa driver seat at isa lang ang ibig sabihin ng mga kilos nila gusto nilang kidnapin si Lyvia. Agad kaming nagtinginan ni Ringo at nagkakaintindihang nag-uusap ang aming mata. Agad niyang inalis ang kanyang sombrero at coat sinundan lang ng mga mata ko ang gagawin niya binuksan nito ang compartment ng kotse at kinuha ang lipstick at mabilis na pinahid sa kanyang labi. Marahil lalaki siya pero marunong siyang maglagay ng bagay na iyon sa labi niya kahit hindi nakaharap sa salamin. "F**k you," tumatawang wika ko hindi ko kasi inasahan na ito ang magiging pakulo niya ngayong araw. "Well..." kibit-balikat lamang nitong sagot, na ikinailing ko. "Be careful," Kapagkuwan ay bilin ko sa kanya at saka na ito lumabas mula sa passenger seat. Paglabas niya ng kotse ay instant bakla na si Ringo at hinayaan ko na ito sa nais niyang gawin. He knows what to do, dahil babantayan ko na ulit si Lyvia. Isang oras pa ang dumaan bago tuluyang lumabas si Lyvia mula sa pintuan ng grocery store at sakto namang umilaw ng kulay asul ang watch device na nasa kanang bisig ko hudyat na pumahinga na ang isa sa mga tauhan ni Mr. Lim at dahil 'yon kay Ringo. Our Assassin has this watch device kung saan konektado sa aming lahat parang smart watch lang ito kung titignan pero ang hindi nila alam ay tanging mga code lamang ng mga bomba at kung ano pang mga devices na nagkokonekta sa negosyo ang nakapaloob dito at kapag blue light ang iilaw ibig sabihin niyon ay success ang transaksiyon pero kapag kulay pula ang iilaw ibig sabihin palpak. Lyvia is now placing each eco bags inside her car trunk at nakita 'yong pagkakataon ng tauhan ni Mr. Lim upang lumapit sa likuran niya at tinakpan ang bibig at ilong niya dahilan para mawalan ito ng malay. Mariing mura ang namutawi sa bibig ko at agad nang binuhay ang makina ng aking kotse at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng kotse ni Lyvia pagkahinto ko ay mabilis ding binuksan na tauhan ni Lim ang pintuan sa likod at dahan-dahang pinahiga roon ang walang malay na si Lyvia saka ito umikot at sumakay sa passenger seat wala man lang siyang kamalay-malay na kotse na pala ng kalaban nila ang nasakyan niya ngayon. Parehas kasi ng kulay pero kahit na sadyang bobo lang talaga ang mga tauhan ni Mr. Lim. "Hola, Amigo!" nakangiting bati ko sabay tanggal ng aking sombrero at saglit na tumingin sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi. 'Yong ngiting may balak at ngiting nagtagumpay. Nang mapagsino ako ng aking katabi ay agad na namutla ang buong pagmumukha niya. "Tarantado ka!" mura niya nang makabawi mula sa pagkagulat. Bubunot na sana ito ng kanyang baril pero papahatak pa lang ito ay lumapat na ang dulo ng revolver ko sa sentido niya. "Pumirme ka kung ayaw mong sumabog 'to sa bungo mo!" pambabanta ko sa kanya sa matigas kong boses at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa baril. Isang maling galaw niya lang ay hindi ako magdadalawang isip na hilahin ang gatilyo nito upang mawasak ang walang laman niyang utak. Tila nabunutan naman agad ito ng bahag at naging statwa ngunit alintana rin ang labis nitong kaba lalo na't pinagpapawisan na ito. Hanggang sa huminto na kami sa isang bangin ngunit may magandang tanawin. Saglit ko munang nilingon si Lyvia sa backseat nang makita kong wala pa rin itong malay ay pinukol ko ng napakatalim na tingin ang kalaban. "Tandaan mo hindi tayo nagkita, okay?" mahinahon ngunit mariing paalala ko sa kanya na ikinahinga naman agad niya ng maluwag sabay tango. Ang buong akala siguro niya ay may pagkakataon pa siyang mabuhay sa mundong ito dahil sa paalala ko sa kanya. "Promise?" kunwari'y paniniyak ko pa sa kanya. "P-pangako." He promised. Pero kasabay niyon ay ang pagwakas ko ng kanyang buhay. Inalalayan ko pa itong sinandal ang kanyang ulo sa head rest ng upuan at saka ko na hinubad ang gloves na nasa kamay ko saka binuksan ang bintana sa passenger seat. Wala pa ring malay si Lyvia kaya tinawagan ko na si Ringo at binulalas kung nasaan kami. Hindi na kasi ito sumama kanina dahil ang kotse ng mga kalaban ang ginamit niya. Saglit lang ay dumating na nga ito dala-dala ang kotse ng kalaban hindi na rin kasi bago sa kanya ang lugar na ito. Dahil ito ang nagsisilbing huling hantungan ng mga taong walang kaawa-awa naming pinapatay. This is Gavion's territory kaya walang ibang nakakadaan dito kundi kami lang at hindi ko alam kung paano napasakanya ang daan na ito gayong nasa publiko naman ito. Lumabas na rin agad ako ng kotse at sinalubong si Ringo nang lumabas na ito mula sa kabilang kotse. "Nakasunod si Adam, gising na ba si Lyvia?" tanong niya. "Wala pa ring malay," sagot ko. "Kunin mo na ang safe box sa trunk nang mapasabog na agad natin 'tong kotse pagdating ni Adam." Agad kong sinunod si Ringo nang makuha ko na ang safe box sa trunk pati ang gloves ko ay hinintay na lang namin ang pagdating ni Adam. "Wala ka na bang nakalimutan, Ligaya?" tanong ni Ringo. "Wala na," turan ko at sakto namang may humintong ambulance sa harapan namin. Hindi na iyon bago sa amin dahil si Adam lang naman iyon at ang iba naming kasamahan. Pagkababa nila ay dahan-dahan na nilang kinuha si Lyvia sa backseat at nilipat sa ambulance. "Sige na kami na ang bahala rito," utos ko sa kanila ng maikarga na nang maayos sa Lyvia sa loob ng ambulansya. "Hintayin niyo na lang sundo niyo, " saad ni Adam at saka na sila umalis. Nang kaming dalawa na lang ni Ringo ang naiwan ay sabay naming binuksan ang safe box at kinuha ang granada sa loob. "Ihulog mo na ang kotse," utos ko. Agad naman ako nitong sinunod gamit ang kotse ng kalaban ay sinagasaan niya ang kotseng ginamit ko nang mahulog ito at malunod sa ilalim ng tubig ay hinagis ang ko na ang granada sa tubig iglap lang sumabog na ito kasama ang kotse pati ang tauhan ni Mr. Lim. Tulad ni Gavion sanay na ako sa ganitong trabaho at malinis ko rin itong natatapos. Dahil hindi lang naman ako basta-bastang napulot ni Gavion sa daan. I'm Joy Mercedes daughter of a Mafia boss and also part of the unbreakable mafia organization.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD