"Boss, anong gagawin namin sa bata?" tanong sa akin ng isa sa mga tauhan.
Kasalukuyan kasi akong may pinapaligpit sa kanila na isa sa mga kalaban ko masyado na kasing mabunganga kaya dapat lang patahimikin na siya. Malas nga lang niya dahil habang buhay na siyang mananahimik sa kung saan man siya makarating. Poor Zuliani!
That was the name of my meddler opponent, hindi pala pangalan his surname to be exact. Emilio Zuliani talaga ang buong pangalan niya. Wala sana kaming problema ng lalaking 'to kaso nangialam kaya paalam na agad.
"Ilang taon?" tanong ko sabay buga ng usok mula sa bibig ko kasalukuyan kasi akong naninigarilyo.
"Masyado pang bata, Boss," tugon ng nasa kabilang linya.
"Then take the kid away!" Bobo!
"Copy, Boss."
Segundo lang ay umilaw na ang blue light sa watch device na suot ko hudyat na pumahinga na si Emilio Zuliani at naayos na rin ang lagay ng kanyang anak. Marahil galit na galit ako kay Emilio pero hindi ko idadamay ang isang inosenteng bata sa paghihinganti ko sa kanya.
Dati wala akong pakialam kung sinuman ang madamay sa krimeng gagawin namin pero nagbago ang lahat mula noong may nalaman ako sa aking ama bago ito namatay na siyang ikinagimbal ng buong pagkatao at negosyo ko.
Sinunod ko ang huling habilin sa akin ng aking ama 'yon ay ang protektahan si Lyvia mula sa aming mga kalaban at sa masasamang nilalang. Kaya agad kong tinapos ang lahat ng trabaho ko upang mapagtuunan ko na ng pansin ang pinsan ko. We're not close but we talk some stuff but only if we had a chance to see each other, isa pa malaki rin kasi ang agwat ng edad namin she's twenty-four and I'm twenty-nine konting-konti na lang ay bingo na ako sa kalendaryo. But I don't care at all ika nga 'age is just a number' nagkaroon na rin naman ako ng mga karelasyon noon but all of them didn't last.
Nang maayos ko na noon ang trabaho ko ay agad ko ng pinaalam sa mga tauhan ko ang susunod naming gagawin lalo na si Joy Mercedes. She's the only rose in the team, pero kayang-kaya naman niyang pantayan ang lakas at galing naming lahat.
Tuloy na sana ang plano kong pumunta noon sa mansion nina Lyvia kaso bigla kong naalala na sumakto pa talaga sa araw ng kasal ng kaibigan kong si Claude Flynn. Akalain mo 'yon ikakasal pa pala ang ungas sa isang napakabait na dalaga pa na si Therese Manlangit. It's funny how fate plays sometimes.
Dumalo ako sa kasal nina Claude at Therese kasama ang mga kaibigan naming mga wala ring kaluluwa. After the wedding ceremony, I congratulate them and bid my goodbye, kailangan ko na kasing puntahan si Lyvia upang masundo ko na ito. Ngunit hindi ganoon ang nangyari dahil may katigasan ang ulo ng pinsan ko nahanap ko yata ang katapat ko sa katauhan niya pero hindi ko siya kailangang pabayaan dahil kaming dalawa na lang ang naiwan.
Nang hindi ko nakumbinsi si Lyvia ay minabuti ko lamang na pagbantayan siya kina Adam at Joy pati na ang iba ko pang mga tauhan. Dahil labas man si Lyvia sa illegal kong negosyo pero alam kong hindi na ligtas ang buhay niya.
Nang makausap ko na si Joy tungkol kay Lyvia ay pinaubaya ko na sa kamay niya ang buhay ng pinsan ko. I trust her that much, dahil anak siya ng isang mafia boss kaya tiwala akong hindi niya pababayaan si Lyvia. Habang sinisiguro ni Joy ang kapakanan ng pinsan ko ay siniguro ko naman ang lagay kondisyon ng aking mga yate doon ko kasi isinasagawa lahat ng mga transaksiyon ko at doon din ako tumatapos ng buhay ng mga kalaban ko. Tawag doon, tawag dito ang ginagawa ko sa aking mga tauhan upang tignan ang lagay ng mga yate at pati na rin ng aming negosyo.
"Talasan niyo ang mga mata ninyo at baka maisahan tayo," maawtoridad kong mando sa isang tauhan ko na siyang nagmomonitor sa CCTV room.
"Clear, Boss tsaka marami pong nakaantabay sa labas, " turan niya.
"Good!"
Alam kong hindi basta-basta mapapasok ang teritoryo ko dahil may binili akong isang daang ektarya para doon ipatayo ang ilang daang bunker. It's an underground bunker and a high-tech ones at ni isa sa mga kalaban ko sa negosyo ang nakakaalam ng tungkol sa mga bunker na meron ako. Ang tanging alam lang nila ay mga yate lang pagmamay-ari ko at mga factories hanggang doon lang ang dapat nilang malaman.
Pagkatapos kong tawagan ang tauhan ko sa bunker ay lumabas na ako ng bar room at tinungo ang basement area ng aking mansion na nasa underground upang asikasuhin ang mga susunod na transaksiyon. May isang oras na rin siguro akong nakatutok sa mga dokumento sa harapan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. It's Adam my cousin from my mother side, at isa rin siya sa pinamonitor kay Lyvia.
"What's the catch?" bungad ko agad sa kabilang linya habang may nakaipit ng yosi sa aking bibig.
"Lyvia fainted, at mga tauhan ni Lim ang may kagagawan," sagot ni Adam na nagpahinto sa aking ginagawa.
I gritted my teeth and balled my fists in so much anger.
"Pero huwag kang mag-alala, conscious na siya ngayon dahil nilagyan namin siya ng oxygen malapit na rin kami," litanya pa ni Adam.
"How about Lim's pets?" umiigting ang panga kong tanong sa kanya.
"Nagpahinga na."
I felt relief with his remarks at least nalinis pa rin ni Joy ang trabaho niya Hindi ko lang kasi matanggap na nahimatay si Lyvia.
Pagkatapos kong kausapin si Adam sa kabilang linya ay tumayo na ako mula sa executive chair at saka ko lang din nalasahan ang mapait na lasa mula sa yosi hindi ko man lang napansin na nakagat ko na pala ito. Bago tuluyang lumabas ng basement ay naghugas muna ako ng kamay at nag gargle sa banyo na nasa loob lang din naman ng basement.
Paglabas ko ng elevator sa fourth floor ay tinawag agad ako ni Adam at sumenyas na sundan ko siya. Pumasok kami sa kwarto ni Lyvia rito sa mansion ko hindi pa man siya nakatira rito pero pinaayos ko na ang magiging kwarto niya at lahat ng mga kakailangin niya at ngayon nga ay narito na siya nakahiga habang tulog na tulog.
"You want us to leave o may itatanong ka?" tanong ni Joy sa akin na kakatapos lang kumutan si Lyvia.
"You know what to do, Joy," turan ko habang nakatingin sa pinsan kong tulog na tulog.
"Copy that."
"Now leave us for a moment," utos ko na sa kanila.
Agad namang lumabas sina Adam at Joy ng kwarto nang kami na lang ni Lyvia ang naiwan ay napabuga agad ako ng hangin mula sa aking bibig habang hindi maalis-alis ang tingin ko sa pinsan ko.
Kung hindi lang kasi siya nagmatigas e, 'di sana hindi pa napahamak ang buhay niya. Palibhasa Ferriero.
May inis man ako naramdaman sa aking puso para kay Lyvia pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang nakatitig sa napakaamo niyang mukha. Mula sa kanyang singkit na mga mata, matangos na ilong at maninipis at mapupulang mga labi. Kahit nakahiga man siya ngayon at balot ng kumot ang kanyang katawan ay alam kong napakaperpekto nito. She has this feature the every man would die for, she's a goddess. Indeed.
Hindi normal itong paghanga ko sa kanya dahil dugo't-laman ko siyang pinsan pero sadyang kakaiba ang nararamdaman ko para sa aking pinsan.
Nang gumalaw si Lyvia ay agad akong napatayo mula sa kanyang kama at kasunod niyon ay ang pagmulat ng kanyang mga mata. And there we talked everything and this time I finally convinced her to stay in the mansion for good as long as, safe raw ang kanyang Nanay Cory at Tatay Romy. Well, hindi niya pa naman din 'yon sinabi ay 'yon na ang pinaasikaso ko kay Joy maging ang mga kailangan niya ay pinaasikaso ko na rin.
When she fell asleep again, I immediately went out from her room, bumalik ulit ako sa basement at nadatnan ko sa loob si Joy na kumakalikot sa isa sa mga computer sa computer room.
"Fixed na ba?" tanong ko kay Joy.
"Everything was settled, Gavion," sagot niya.
"Good. Joy, ikaw na muna ulit ang bahala kay Lyvia may paparating kasing mga baril mamayang alas dose mula Texas," litanya ko.
"Anotado, Gavion (Noted, Gavion)"
"Take good care of her, Joy ayoko nang maulit ang nangyari kanina," bilin ko pa sa kanya.
"That was a catch earlier, Gavion. Easy."
Napataas na lamang ang kilay ko dahil sa sinabi niya anyway that was great. Iba rin talaga ang gumalaw si Joy.
"The two idiots are waiting for you downstairs so, you three better leave now," pagtataboy na niya sa akin at ang tukoy nitong two idiots ay sina Adam at Ringo.
"Joy, si Lyvia," muling bilin ko sa kanya na ikinairap niya lamang sa akin.
"Go!" Sa halip ay pagtataboy niya ulit sa akin.
Napailing na lamang ako habang humahakbang palabas ng basement. Girls will be girls nga talaga.
Pagdating ko sa sala ay ay agad na kaming umalis nina Adam at Ringo sa Ferriero port kami didiretso dahil nga may transaksiyon kami mamayang gabi. Walang ibang yate ang papasok sa mismong port ko tanging mga yate ko lang at ng mga magiging kasosyo ko upang makilala ang yate ko ay may palatandaan itong krus sa stern part ng yate at kulay abo lahat ng yate ko.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa port at agad na kaming sumakay sa yateng nakaantabay sa amin. Kumilos na rin ang lahat para sa transaksiyong isasagawa namin may plano ring ginawa si Adam just in case may balak ang kasosyo namin isuplong o, ipahamak kami.
Ilang oras na kaming narito sa loob ng yate ng biglang tumawag si Joy sa akin pero hindi pala 'yon si Joy dahil si Lyvia ang kumausap sa akin may pinapabili ito sa aking mga pagkain dahilan para mapangiwi ako. Paano hindi, e, puro matatamis ang mga gusto niyang kainin parang ngipin ko ang sasakit.
But I have no choice, kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng pinsan ko nang marinig niya ang kumpirmasyon ko sa kabilang linya at parang bata itong nagpasalamat sa akin na ikinangiti ko naman.
Pagkatapos na aming pag-uusap ay tinawag ko agad si Ringo upang iutos na bumili siya bukas ng mga pinapabili ni Lyvia sa akin.
"What? Ang lakas naman pala ni Lyvia sa sweets," hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Ngayon ko nga lang din nalaman, e, but you have to buy those," sagot ko naman sa kanya sabay kuha ng isang pirasong yosi sa pack at agad ko iyong sinindihan.
"Mukhang mababago na yata buhay mo dahil kay Lyvia, a," natatawang wika pa niya.
"Hindi niya lang yata pasasakitin ang ulo mo kundi pati ngipin mo," dagdag pa niya at tumawa sa huli.
'Di bale nang baguhin niya ang buhay ko ang mahalaga maprotektahan ko lang siya sa kahit anong paraan. Hindi lang dahil iyon ang pinangako ko kay Papa bago siya namatay kundi dahil gustong-gusto ko ring protektahan si Lyvia ayokong mawala na siya sa paningin ko.