KINABUKASAN, tanghali na kami nakauwi ni Adam sa mansion dahil may mga inasikaso pa kami sa yate.
"Gavion, sa kwarto na muna ako," paalam ni Adam sa akin na, ikinatango ko naman agad.
Nakatulog naman kami sa yate kanina pero hindi tuloy-tuloy dahil nga nagbabantay kasi ng shipment at pati na rin ng buong paligid. Kailangan maging alerto kami 'lagi kahit pa nasa gitna kami ng dagat. Nang pumanhik na si Adam sa kwarto niya ay tinungo ko naman ang dining area upang kumuha ng tubig pero napahinto ako nang makita kong may ice bucket na nakapatong sa bar counter ng bar area ko at nawala rin sa ayos ang mga alak na nakalagay sa cabinet.
Agad akong napamura sa aking isipan alam naman kasi ng mga kasamahan ko rito sa bahay na walang pwedeng lumapit at mangialam sa sarilli kong bar. It's my personal space.
"Manang Olga!" tawag ko sa isang kawaksi namin nang makalapit na ako sa bar.
Nagmadali naman agad na lumapit sa akin ang ginang saka tinanong ang kailangan ko.
"Bakit may ice bucket dito sa bar ko at bakit wala na sa ayos ang mga alak ko?" madiing tanong ko sa kanya.
"Naku, Sir ang pinsan niyo naman po kasi ang nangialam sa bar ninyo kasama si Ma'am Joy, " paliwanag sa akin ni Manang Olga na ikinabahala ko agad.
"Nahihiya naman po akong sawayin siya kagabi," mapagpaumanhing dagdag ni Manang Olga.
Napahilot na lamang ako ng aking sentido dahil sa ginawa ni Lyvia, bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo ni Lyvia!
Mariin muna akong pumikit upang pakalmahin ang sarilli ko pilit kong pinapaalala sa aking sarilli na pinsan ko si Lyvia at babae siya.
"S-sir, ma—" Pinutol ko na agad ang kung anuman ang nais sabihin ni Manang Olga sa pamamagitan ng pagkumpas ng aking kaliwang kamay.
"Bumalik ka na sa trabaho mo, Manang," utos ko na sa ginang, ayoko namang pati siya ay madamay sa init ng ulo ko.
Nang mapag-isa na lang ako rito sa bar ay pumakawala muna ako ng hangin mula sa bibig ko saka kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Joy siya na lang muna ang kakausapin ko baka kasi kapag si Lyvia agad ay mauwi lang kami sa bangayan, and I don't want that to happen.
"Gavion, what's the matter?" tanong ni Joy sa akin nang makalapit na ito sa akin.
Pinababa ko ito mula sa billiard room kung saan ay kasalukuyan silang naglalaro roon ni Lyvia.
"Joy," may bahid na inis kong tawag sa kaniya sabay turo sa kanya ng bar area ko.
"It's Lyvia," umiirap niyang sagot.
"Why didn't you stop her?" mahina pero madiin kong tanong sa kanya.
"I did. Pero sadyang matigas din ang ulo ng pinsan mo," mataray niyang sagot na ikinabuntong hininga ko.
"Alam mo naman kung bakit hindi ko pinapagalaw 'tong bar ko sa inyo 'di ba?"
"Didn't you tell her na may bar room naman sa second floor?"
Magkakasunod kong tanong sa mahina at madiin ko pa ring boses.
"Pwede mo naman kasing itago iyan sa lugar kung saan tanging ikaw lang ang nakakaalam," turan naman agad niya at muling umikot ang mga mata niya.
"At alam ni Lyvia na may bar room sa second floor pero mas gusto niyang mangialam sa bar mo, e, anong magagawa ko? Babae rin ako Gavion and what woman wants is what woman gets." Damn!
Mukhang hindi lang yata kay Lyvia sasakit ang ulo ko pati yata kay Joy. Palibhasa parehas mga babae.
"Delikado si Lyvia sa personal space ko, Joy so you should tell her earlier next time."
"Hindi pa ito ang tamang panahon para sa lahat-lahat, Jo—"
"Kuya Gavion!"
Napaayos agad ako ng tayo nang biglang sumulpot si Lyvia sa kinaroroonan namin ni Joy at agad ko ring pinaaliwalas ang aking mukha.
"Hi, Lyv!" bati ko sa kaniya.
"Is everything okay?" nagtatakang tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Joy.
"Of course, Lyv," sagot ko naman agad sa normal kong boses para hindi ito makahalata na ikinatango naman agad niya.
Mabuti na lang at hindi pa nahahalata ni Lyvia ang ugali ko.
"Siya nga pala, Kuya Gavion papasok na ako mamaya sa RGL," pagkuwa'y wika niya.
"No," mabilis kong sagot na kinanuot naman agad niya ng noo niya.
"I-I mean, it's too early," bawi ko naman agad.
"No it's not, Kuya eight o'clock naman talaga kasi ang oras ng trabaho ko pero hinintay kita para pormal akong makapagpaalam sa'yo," litanya niya.
"Lyv, what I mean is, hindi ka pa pwedeng pumasok sa RGL, dahil masyado pang maaga, I'm pretty sure mainit pa ang mga mata sa'yo ng mga kalaban ko," salaysay ko.
"Then let Joy go with me, para makampante ka na magiging safe ako, right Joy?" katwiran at tanong pa niya kay Joy.
"Oo naman, Lyvia pero iyan ay kung papayagan ka talaga ni Gavion magtrabaho sa hospital ninyo," seryosong tugon naman ni Joy sa pinsan ko pero sa akin ito nakatingin.
"Of course he will, dahil trabaho ko 'yon at hindi lang naman basta-basta roon ang trabaho ko," wika naman ni Lyvia.
"But you're still not safe, Lyv," giit ko.
"Kaya nga isasama ko si Joy 'di ba?" giit din niya pero sa malumanay nitong boses.
"How about mag work from home ka na lang? Mas better pa 'yon," suhestiyon ko.
"What?! Are you kidding me, Kuya Gavion pati ba naman sa pagtatrabaho ko pagbabawalan mo na rin ako?" naiinis na niyang tanong sa akin.
"Lyv, iniisip ko lang ang kapakanan mo remember kargo na kita ngayon," pahayag ko na ikinairap niya.
"And I want you to remember also na pinsan mo ako at hindi preso sa mansion mo," may kariinan niya ng sagot sa akin.
"Lyv, hindi sa kinukulong kita, listen ayokong pati ikaw ay mawala rin. Tayong dalawa na lang ang naiwan sa pamilya," paliwanag ko pa sa kanya.
"Hindi ako tatakas, Kuya magtatrabaho lang ako, baka nakakalimutan mong ako ang director sa RGL? Kaya papasok ako sa ayaw at sa gusto mo!" galit na niyang wika.
"No!" paghahadlang ko sa matigas kong boses.
Inuubos na talaga ni Lyvia ang pasensiya ko at kapag ipipilit pa talaga niya gusto niya ay baka ano na ang magawa ko.
"And why?!" matigas din niyang tanong sa akin.
"Because, I said so!" umiigting ang panga kong sagot.
"Gavion," saway sa akin ni Joy na ikinapikit ko naman agad ng mariin upang pakalmahin ang sarilli ko dahil sa galit.
"This is for you own good, Lyv kaya sundin mo na lang ako," mahinahong wika ko na kay Lyvia.
"Por favor, Lyv (please Lyv)" pakiusap ko pa sa kaniya.
Pero wala na akong nakuhang sagot mula sa pinsan ko dahil tinalikuran na ako nito at dire-diretsong sumakay ng elevator.
"I'll follow her," wika naman ni Joy at akmang tatalikuran na ito ay may binilin muna ako sa kanya.
"Joy, huwag mo siyang paalisin," ani ko na ikinailing lamang niya saka sinundan si Lyvia sa taas.
Ayoko lang na may mangyaring masama ulit sa kanya.
"Si Ligaya na ang bahala sa pinsan mo, Gavion may mahalaga muna tayong pag-uusapan," wika ni Ringo mula sa likod ko.
Hinarap ko naman agad ito at saka tinanguan bilang pagsang-ayon sinulyapan ko muna ang kwarto ni Lyvia bago tuluyang sumunod kay Ringo patungo sa basement.
May mahalaga kaming pinag-usapan nina Ringo at Adam sa basement tungkol sa shipment na mangyayari mamayang hatinggabi sa port nang biglang tumawag si Joy sa cellphone ko.
"I'm listening," bungad ko sa kanya sa kabilang linya.
"Tumakas ang pinsan mo!" Bwisit!
Walang sabing iniwan ko agad sina Adam at Ringo sa basement upang tungohin ang first floor ng mansion.
"What happened, Joy?!" matigas kong tanong ko agad kay Joy habang bumababa ito ng hagdan.
"Akala ko ba ikaw ang bahala kay Lyvia, pero bakit siya nakatakas?!"
Kilala kong magaling at matapang si Joy pero bakit naiisahan siya ng pinsan ko gayong sila lang naman ang magkasama at parehas pa silang babae.
"Nilagyan lang naman kasi ng maganda mong pinsan ang whiskey na iniinom ko ng pamapatulog kaya malaya siyang nakatakas," mariing sagot ni Joy sa akin na ikinailing ko na lamang.
The heck! May sa utak kriminal din pala si Lyvia.
"Gavion!" malakas na tawag sa akin ni Joy sabay pitik ng kanyang hinalalaki at hintuturong daliri na umuntag sa blanko kong isip.
Nakakatuwang na blanko ang isip ko sa ganitong sitwasyon kung kailan nawawala pa talaga si Lyvia at may posibilidad na mapahamak na naman ang buhay niya.
"We already informed the team to find Lyvia's location at pinasara na rin namin ang daan kung saan ikaw ang nagmamay-ari," dire-diretsong wika ni Adam na nasa tabi ko na pala.
"Pati ang location ng best friend ni Lyvia ay pinapamonitor ko na rin malamang magkikita ang dalawang 'yon maghintay na lang tayo ng update, " wika naman ni Joy at nasa boses nito ang kasiguraduhan.
Kahit papaano ay na kampante naman ako sa sinabi ni Joy dahil kumikilos naman ang mga tauhan ko para hanapin si Lyvia.
"Ibang klase rin pala iyang pinsan mo, Gavion akalain mo 'yon naisahan niya si Ligaya," natatawang wika ni Ringo.
"Dinaan ako sa sleeping pill, e," umiiling na sagot naman ni Joy sa kanya.
Maging ako ay gusto ko ring matawa dahil sa ginawa ni Lyvia kay Joy pero mas inaalala ko ngayon ang kalagayan niya.
That brat has a lot of explanation to do later.
"Hindi yata tama ang ginagawa ng pinsan mo sa'yo, Gavion. Look she's not your job pero sakit rin siya sa ulo," komento naman ni Adam.
"Shut up, Adam!" mariing saway ko agad sa kanya.
He may be right but, Lyvia is my cousin at kahit sakit pa siya sa ulo ay hinding-hindi ko pa rin siya pababayaan lalo na't babae pa siya.
Nagdaan pa ang ilang oras bago kami nakatanggap ng balita mula sa isang tauhan ko dahil na track nito ang location ng best friend ni Lyvia na si Arma. Nasa isang exclusive bar daw ang dalawa pero hindi safe si Lyvia dahil may nakaantabay na sniper sa kanya.
Agad na uminit ang ulo ko dahil sa aking narinig kung bakit kasi ang tigas-tigas talaga ng ulo ni Lyvia.
"Vamos! (Let's go)"
Malalaking hakbang agad ang ginawa namin patungo sa garage masyadong mabilis ang bawat kilos namin dahil natagpuan ko na lang na nasa harap na pala ng bar na kinaroroonan nina Lyvia at Arma. Pero ni isa aming apat ay walang bumaba ng kotse dahil kailangan munang may umalingawngaw na putok ng baril mula sa tauhan ko bago ulit kami gumawa ng aksiyon.
And when we heard a shot from the gun, everything is in chaos, alerto ring umapak ng gasolinador si Ringo dahil siya ang nagmamaneho mabilis niyang tinungo ang entrance area ng bar. Sakto namang lumabas si Lyvia kaya binuksan naman agad ni Joy ang pinto at mabilis ding pumasok si Lyvia.
"F**k!" mariing mura agad niya sabay pikit ng mariin ng mga mata.
Ni hindi niya kami tinapunan ng tingin dahil pinahupa pa niya ang labis na kaba at takot ng kanyang nararamdaman. Tahimik ko lamang siyang tinignan ngunit ang puso't-isip ko ay galit at nagsisisi. Galit ako sa taong bumanta ulit sa buhay ng pinsan ko marahil patay na siya pero sisiguraduhin kong uubusin ko ang buong angkan niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa nakita kong reaksiyon sa mukha ni Lyvia.
"Scary, right?" tanong ni Joy sa kanya.
"Yeah sup—"
Natigilan siya nang makita niyang kami na ni Joy ang kasama niya rito sa backseat ng aking kotse.
"Joy, Kuya Gavion?"
"Paanong—?"
"I'm not Gavion Ferriero kung hindi ko nagagawan ng paraan lahat-lahat," seryosong sagot ko sabay kuha ng isang pirasong yosi sa bulsa ng coat ko.
"Damn! If I know kayo sa mga baril ninyo nanggaling ang putok na umalingawngaw sa buong paligid!"
"Woah! So, parang kasalanan pa ngayon namin?" sikmat naman agad sa kanya ni Joy.
"Alangan namang kasalanan ng may-ari ng bar," pilosopong tugon naman ni Lyvia.
"Stop it!" saway sa kanila ni Adam habang tinitignan silang dalawa mula rearview mirror.
"Lyvia, kung hindi binaril ng tauhan ni Gavion ang sniper, malamang ikaw ngayon ang pinaglalamayan," pahayag ni Adam kay Lyvia sa kalmado nitong boses.
"Watch your words, Adam!" saway ko kay Adam habang may nakaipit na sigarilyo sa bibig ko.
Hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig niya ang isiping mamamatay si Lyvia ay hindi ko kaya. She's all I have.
Hanggang sa nakauwi kami ay wala na ni isa sa amin ang nagsalita kaming apat nina Joy, Adam at Ringo ay pare-parehong kalmado lang pero si Lyvia ay halatang pikon na pikon na. Kung kaya't pagbaba namin mula sa kotse ay dire-diretso itong pumasok ng mansion at sumakay ng elevator patungo sa kanyang kwarto. Agad naman namin siyang sinundan ni Joy samantalang pinapunta ko na ang dalawa sa basement area ng bahay.
"Control yourself, Gavion," paalala sa akin ni Joy bago ko pihitin ang seradura ng pinto ng kwarto ni Lyvia.
Isang beses ko lamang itong tinanguan bilang tugon saka tuluyang pumasok sa loob ng silid ni Lyvia. Isang katakot-takot na tingin agad ang pinukol nito sa akin habang nakaupo sa kama.
I hate seeing her reaction. I hate seeing her hating me.
"What did you do?" kalmadong tanong ko sa kaniya.
"Escaping from you, dahil ayoko rito!" nanggagalaiti niyang sagot sa akin.
"No, Lyvia you'll be staying here for good because, I need to protect you," nagtitimping sagot ko sa kaniya sa mariin kong boses.
"That's bulls**t!" sigaw niya at marahas na tumayo mula sa kama.
Naiyukom ko na lamang ang aking kanang kamay upang pigilan ang sarilling huwag patulan si Lyvia.
"Lyv, delikado akong tao at lahat ng mga nakapaligid sa akin ay nadadamay kaya trabaho kong protektahan ka," paliwanag ko sa kaniya.
Ngiting pagak muna ang ginawa nito bago muling nagsalita.
"But I'm not a part of your job, Kuya Gavion! Dahil pinsan mo ako."
"You know what you're not protecting me! " Dinuro-duro pa niya ako at pulang-pula na ang mukha niya sa dahil sa galit.
"I am, Lyv just like what Tito Roman did when he was still alive," sagot ko.
"No you're not, Kuya. Si Papa hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko pero ikaw ipinagkakait mo 'yon sa akin ultimo trabaho ko pinapakialaman mo. You're locking me up! And I hate you for that."
Natigilan ako sa sinabi niya tila ba naging statwa ako sa aking kinatatayuan. Nang mahimasmasan ako ay saka ko lang napansing wala na si Lyvia sa harapan ko agad naman akong lumabas ng silid niya.
"Lyvia!" sigaw ko sa kaniya dahil sumakay ito ng elevator papunta ground floor.
Agad na nagtagis ang baggang ko dahil sa katigasan ng ulo ni Lyvia. Sumusobra na siya!
Akmang hahakbang na ako nang pigilan ako ni Joy
"Ako na ang bahala sa kaniya," kalmadong wika niya at saka ako tinalikuran.
"Huwag mo siyang palabasin, Joy," utos ko habang tinatahak nito ang elevator.
Blankong tingin lamang ang tinugon nito sa akin sabay pasok sa elevator pagkasara ng elevator ay siya ring pagbaba ko ng hagdan pababa mabilis ang bawat hakbang ko at hindi alintana ang pagod mula sa ikaapat na palapag na hinakbang ko
Nang tuluyan na ako makababa ay parehas ng nasa labas ng bahay si Joy while Lyvia is driving one of my cars.
Bulls**t! Ang tigas din naman talaga ng bungo ni Joy.
I commanded my team not to open the gate pero imbes na bumaba si Lyvia sa kotse ay bumusina pa ito ng pagkalakas-lakas at pinaharurot ang kotse upang banggain sana ang gate ng mansion kung hindi inutusan ni Joy ang isang tauhan ko na buksan na lang ang gate.
And for the second time ay naisahan na naman ako ni Lyvia. Damn it!