CHAPTER 8

1244 Words
"Why didn't you stop her, Joy?!" Nagpupuyos sa galit kong tanong agad sa kaniya. This woman disobey my command for the very first time. "Because she needs it," kalmadong tugon niya sabay balik sa loob ng bahay. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang nakakunot ang aking noo. Mukhang kinakampihan pa yata niya si Lyvia. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Joy? I'm protecting, Lyvia tapos ikaw hinayaan mo lang siyang makaalis?!" Tamad ang ekspresiyon ng mukha nito nang lingunin ako. "You're not, Gavion. Tama ang pinsan mo kinukulong mo siya rito sa loob ng mansion, masyado mong binigla si Lyvia," litanya niya na mas kinanuot lamang ng noo ko. "Gavion, ang dapat ay inaamo mo muna si Lyvia hanggang sa masanay siya magiging bagong buhay niya kasama ka, pero mali ang ginawa mo kaya pakiramdam niya tuloy ay parang bihag mo siya," dagdag pa niya sa mariin niyang boses. Natigilan ako sa sa huling sinabi ni Joy, maybe she's right nasobrahan yata ako pagdating sa pagpoprotekta kay Lyvia, to the point na hindi ko na namalayang nasasakal na pala siya. "You're too much, Gavion, kaya ganoon na lang din ang naging reaksiyon ng pinsan mo." "Fine," sumusukong turan ko sabay taas ng kaliwang kamay ko at hintuturong daliri ko bilang hudyat na tumahimik na si Joy. "Ganito na lang gawin natin puntahan na lang natin siya bukas sa mansion nila at sunduin," mungkahi ko. Doon lang din naman kasi siya pupunta para gumaan ang kaniyang kalooban dahil mga mahahalagang tao ang kasama niya roon. "Ako na lang ang susundo sa kaniya bukas," ani ni Joy sa seryoso nitong tono. "Bakit hindi ba ako pwedeng sumama?" nagtatakang tanong ko naman agad sa kaniya. "Hindi naman sa ganun, Gavion baka kasi kapag nakita ka bukas ni Lyvia ay hindi siya sasama sa atin pauwi sa mansion mo," sagot naman niya. May punto siya lalo na't galit pa ngayon sa akin si Lyvia kaya mas mainam nga sigurong siya na lang ang sumundo bukas sa pinsan ko. "Okay but make sure na makakabalik dito bukas si Lyvia sa mansion ko." "I can't promise, pero gagawin ko ang lahat mapauwi lang ang pinsan mo," Kaagad naman niyang sagot sa seryoso nitong boses na ikinatango ko naman agad bilang sagot sa sinabi niya. "But, you have to promise me first, Gavion." "What is it?" seryosong tanong ko naman agad sa kaniya. "Kung sakaling ngang sumama sa akin si Lyvia pabalik ng mansion, makakaasa ba akong hindi mo na ulit gagawin ang ginawa mo noon sa kaniya?" tanong niya. "I will," pinal kong sagot. Yes, I really will, hindi ko na ulit gagawin ang pagkakamali ko huwag lang siya mawala ulit sa puder ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Joy ay iniwan ko na itong mag-isa sa sala ay nagtungo na ako sa basement area dahil may mga kailangan pa akong tignan na mga papelis para sa upcoming shipments namin sa port at dito na ako nagpalipas ng gabi. KINABUKASAN, pagkatapos kong gumayak sa loob ng aking silid ay dumiretso na agad ako sa pool area para mag almusal. "Gavion, gising ka na pala kain na," ani ni Joy nang makita ako nito, kasalukuyan na kasi silang nag aalmusal ni Ringo. Agad na rin akong umupo sa upuang nakalaan para sa akin saka nagsimulang kumain. "After this, aalis na ako pupuntahan ko si Lyvia sa mansion nila, sama ka?" tanong pa niya habang ngumunguya. Napailing naman agad ako sa klase ng tanong niya sapagkat kagabi ay malinaw nang ayaw niyang samahan ko siya sa pagpunta sa mansion nina Lyvia tapos ngayon tatanungin niya ako kung sasama ako sa kanya, ang gulo niya kausap. Mga babae talaga. "No, you said it would be better, kung hindi muna ako makita ni Lyvia para napakiusapan mo siyang bumalik ulit dito sa mansion," seryosong sagot ko naman sa kanya saka humigop ng kape sa tasa ko. "Okay." "I'm sorry to interrupt you guys..." Agad namang nabaling ang tingin namin ni Joy kay Adam na kakasulpot lang mas nauna kasi itong mag-almusal sa aming lahat. "What is it?" tanong ko naman agad habang nakakunot ang aking noo. "Gavion, Mendrano is waiting for you at the basement." Tumango agad ako bilang tugon sabay tayo mula sa kinauupuan ko. "Joy, si Lyvia," bilin ko muna kay Joy bago humakbang. "I'll see what I can do, Gavion," seryosong sagot niya saka humigop ng kape sa tasa niya. Pumakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang humakbang patungo sa basement. I just really hope, na kasama na mamaya ni Joy si Lyvia pag-uwi niya rito sa mansion and I promised I will give her what she wants as long as hindi niya ikakapahamak. Pagdating namin ni Adam sa basement ay nadatnan ko si Mendrano na prenteng nakaupo sa sofa. Mendrano is a police man, pero siya ang protektor ng ilegal kong negosyo at lahat ay nagagawan niya ng paraan malihis lang ang imbestigasyon tungkol sa akin at siya rin ang tumitimbre sa amin kung may hindi mang magandang mangyayari o may nais na sumabutahe sa mga shipment namin mapaloob man o labas ng bansa. And I owe him for that. Agad kaming nag-usap tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo ko at maging sa mga kalaban ko. Masyado kaming nalibang sa pag-uusap at nawala na sa isip ko ang oras maging si Lyvia ay panandaliang nawaglit sa isipan ko. "Paano, Ferriero, mauuna na ako at baka pagdudahan na ako sa opisina," natatawang ani ni Mendrano sabay tayo mula sa sofa. "Napahaba masyado ang usapan natin, Mendrano," turan ko naman sabay tayo rin mula sa kinauupuan ko. "Paano ikaw na ang bahala sa akin sa batas ha? Mamaya antabayanan mo ang shipment namin papuntang Japan," utos ko pa sa kaniya. "Makakaasa ka, Ferriero just send me the details," siguradong sagot naman agad niya. "Moi bien, Mendrano (Very good)" Tinapik ko pa ang kanang balikat nito bago ito tuluyang lumisan ng aking mansion. Pagkaalis niya ay bumalik na rin ako sa sala ng mansion upang tignan kung nakarating na ba si Joy kasama si Lyvia pero mukhang wala pa yata dahil tahimik pa ang buong sala. Kaya naman minabuti ko na lang munang magpahangin sa garden at nag yosi. "Manang Olga, pakisabihan ho ako kapag nakabalik na si Joy," ani ko kay Manang Olga ng mapadaan siya rito sa garden. "Sige po, Sir," magalang niyang sagot sabay yuko, saka bumalik sa loob ng mansion. Halos isang oras na rin akong narito sa garden at ikalawang yosi na ngayon ang hinihithit-buga ko pero hindi pa rin ako tinatawag ni Manang Olga. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala para kay Lyvia panay na rin ang lingon ko sa loob ng bahay pero bigo ako dahil wala pang Joy o Lyvia na pumasok mula sa front door. "I hope, Joy can make it," piping hiling ko sa aking isipan. Ni minsan ay hindi pa ako nag-alala ng lubusan sa isang tao dahil lamang sa maliit na argumento at kahit kailan ay hindi pa ako humiling dahil natitiyak kong sasang-ayon sa akin ang lahat sadyang nakakagulat itong mga nangyayari sa akin dahil lamang sa aking pinsan. Alam ko sa sarilli ko na siya ang katapat ko pero sana huwag naman kahinaan ko. Ayokong matagpuan ko na lang ang sarilli kong sumusuko dahil lang sa isang tao lalo na't babae pa. Yes, Lyvia is the only family I have but I won't let her ruined and messed up my mighty life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD