CHAPTER 12 “Para sa’yo.” Iniabot niya ang necktie sa binata na halatang nagulat sa kanyang ginawa. “Ang sabi mo, binigyan mo ako ng regalo bilang pasasalamat na sinamahan kitang mamili kanina. Ibibigay ko rin ito sa’yo bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa mo kahit na ilang beses kitang sinungitan.” Nakangiti niyang turan dito. Nasa mukha pa rin nito ang pagkagulat nang abutin mula sa kanya ang necktie, kahit papaano ay hindi siya nagsayang ng pera. “Thank you, sana ingatan mo iyan. Bihira lang akong mamigay ng gamit.” Nakangiting dagdag pa niya. “I will. Thank you.” Nakangiting tinangap ni Dux ang regalo ng dalaga. Talagang nagulat siya nang iabot nito sa kanya ang necktie.Pinakatitigan niya iyon at ipinangako sa kanyang sarili na iingatan niyang hindi iyon masira o magus

