PROLOGUE

2285 Words
NASA COLLEGE pa lang siya, nang makilala niya si Warden Mendez, isang Business Management student. Sa unang beses pa lang na pagtatagpo nila ay nakaramdam na siya ng kakaiba. Tinamaan siya ng sinasabi nilang ‘love at first-sight.’ Simula noon ay lagi na niya itong sinusundan, gumawa pa siya ng ilang researches kung paano malalaman na siya na nga ang nakatadhana para sa kanya. Gusto niyang maka-sigurong hindi siya masasaktan at hindi siya matutulad sa kaibigan niyang si Caryn na nagpapakatanga sa walang kuwenta nitong ex-boyfriend. Dahil sa mga nakalap niyang impormasyon tungkol sa tadhana ay mas lalong naniwala siyang ito ang nakatadhana para sa kanya, kaya naman ay siya na ang unang gumawa ng paraan para mapalapit dito. Nagpunta siyang Sports Arena kung saan lagi itong tumatambay kapag oras na ng lunch. Sobrang kinapalan niya ang mukha para lang mapalapit dito at malaman nito ang existence niya sa mundo. Dumaan siya sa harap nito at pakunwaring natisod, napangiwi siya nang maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kanyang paa. Damn it, mukhang kinarma agad siya sa masamang plano niya. “Are you okay, Miss?” agad siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang malamig at suwabeng boses nito. Bigla ang paglakas ng t***k ng puso niya at kulang na lang ay lumabas ito mula sa katawan niya.   “I think, I’m not,” sagot niyang hinawakan ang paang nasaktan. “Let me check it, baka may naipit na ugat kaya masakit.” Nagpantay ang tingin nilang dalawa at parang kakapusin siya ng hangin nang dumapo ang malambot nitong palad sa paa niya.  Mariing kinagat niya ang kanyang labi para hindi mapa daing at mapigilan din ang impit na sigaw na gustong kumawala sa kanyang lalamunan. “Mukhang kailangan mong madala sa Clinic para mabigyan ng lunas ito bago lumala at mamaga,” anito na tumingin sa mukha niya. “Ah, oo, yeah I need to go to the clinic. Thanks by the way,” tumayo na siya at hahakbang nang sa pagtapak ng kanyang paa ay mawalan siya ng balanse at humanda sa paglagpak sa lupa. Ngunit, imbes na sa lupa siya bumagsak ay isang dalawang kamay ang pumulupot sa balingkinitan niyang baywang. “You should be careful, ihahatid na kita sa Clinic.” Walang pasubali siya nitong binuhat at walang pakialam sa paligid na dinala siya nito sa Clinic. Nakatadhanang mangyari iyon! Iyon ang tumatak sa utak niya, kaya naman hindi niya sinayang ang pagkakataong iyon at nakipaglapit na ng husto sa binata. Naging magkaibigan sila at kapag wala siyang ibang ginagawa ay inaanyayahan niya itong saluhan siya sa lunch break o ‘di kaya ay samahan siya kapag walang masyadong gagawin sa departmento niya. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na iyon kaya naman lagi siyang nagpapahaging sa binata, sinusunod niya rin ang mga senyales na nababasa niya, ngunit hindi lahat ay tumutugma sa nangyayari sa kanila ni Warren. Ginawa niya lahat pero parang kulang pa rin, hindi pa rin siya napapansin ng binata. Hanggang kaibigan pa rin ang tingin nito sa kanya. Sinunod niya ang payo ng kaibigan niya, she do the iniative at nagbunga naman iyon pero hanggang doon na lang ba talaga?  Ngunit. Sa Masquerrade Ball, nangyari ang bangungot sa buhay niya. Iniwan niya ang bestfriend niya na ikinapahamak nito at nahuli niya si Warren na may kahalikang babae. Parang sumabog ang puso niya at hindi niya kayang makita ang parehong sitwasyon. Muntikan ng ma-rape si Caryn at nahuli niyang gumagawa ng kamunduhan si Warren! Dobleng sakit, pagkabigo at pagkawasak ng puso ang naramdaman niya. Dalawang importanteng tao sa buhay niya ang nagbigay sa kanya ng matinding pagdurusa. Sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari kaya naman, napagdesisyunan niyang magpunta ng America para gamutin ang nasugatan niyang puso. Umalis siyang hindi nagpaalam kahit kanino at tanging ang mga magulang niya lang ang may alam. Hindi siya ang nakatadhana para kay Warren, isa lang siyang passerby sa buhay nito at darating ang panahon na magiging parte lang sila ng kapwa nila memorya.  KABADO MAN AY tumuloy pa rin siya sa plano niyang pagpo-propose sa nobya niya. Mahigit isang taon na silang mag- nobyo kaya naman napagdesisyunan niyang alukin na ito ng kasal. Simula nang makilala niya si Penelope ay hindi na siya nag-abalang maghanap pa o tumingin man lang sa iba. For him, she’s enough, kahit na may pagkamaarte ito ay hindi iyon naging sagabal sa kanya para mahalin ito ng todo. Natural na siguro iyon sa isang babae, iyon na lang ang iniisip niya.  Tsinek niya ang kulay pulang kahon na nasa bulsa ng kanyang trouser, simple lang ang naisip niyang proposal para dito. ‘Yung tipong silang dalawa lang ang magkasama at magkayakap habang pinag-uusapan ang mga plano nila para sa hinaharap. Napangiti siya sa kanyang ideya, sigurado siyang magugustuhan ng nobya ang simple niyang sorpresa. Pagkababa niya sa kotse ay dumiretso siya sa elevator at pinindot ang pang-apat na palapag kung saan ang condo ni Penelope, huminga siya ng malalim at binasa ang ibabang labi niya. Pagbukas ng pinto ay kabado niyang tinahak ang daan papunta sa condo ng dalaga. Dahil alam niya ang password ng pinto nito ay nakapasok siya ng wala man lang itong kaalam-alam. Agad na inilibot niya ang paningin at kumunot ang noo niya nang may makitang itim na sapatos ng isang lalaki. Nagdilim ang kanyang paningin at nagtagis ang kanyang bagang ngunit pinilit niyang maging kalmado, sa mga oras na ito kailangan niyang kumalma baka mali siya ng iniisip at kaibigan o kamag-anak lang nito ang nandito kasama nito. Maingat niyang nilibot ang buong paligid, at huminto sa tapat mismo ng pintuan ng kuwarto ng nobya. Nakarinig siya ng tawanan sa loob, naikuyom niya ang mga kamao at balak na sanang pasukin ang kuwarto nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.  “Bilib din talaga ako sa’yo, mahigit isang taon mo nang pinapaikot ang lalaking iyon. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kanya? Sa lahat ng naging lalaki mo sa kanya ka lang tumagal ng husto, nai-inlove ka na ba sa gagong iyon?” tinig iyon ng isang lalaki. Nakarinig siya ulit nang mahinang tawa, galing naman sa nobya niya. “Inlove? Alam mong hindi totoo iyon, I’m enjoying my life with him. Iyong tipong kaya kong ipagyabang sa mga kaibigan ko na boyfriend ko ang panganay ng mga Mondragon,” mayabang na sagot nito.  “Iyon lang ba talaga? Paano kung alukin kang pakasalan siya?” tanong ulit ng lalaki na mahihimigan na ang matinding selos sa pananalita nito. “Why not? Walang masama kung tanggapin ko ang kasal na aalukin niya, malaking pera ang makukuha natin kapag nagkataon. I’m sure, sa oras na mai-kasal kaming dalawa ay magkakaroon ako ng ilang porsyento ng shares ni Dux sa kompanya nito, kapag nangyari iyon mayaman na tayo. Makikipaghiwalay ako sa kanya at aalis tayo ng Pilipinas at mangingibang bansa,” litanya ng nobya niya.  Nagtagis ang bagang niya at halos madurog na ang mga buto niya sa kamay sa sobrang pagkuyom niya. Hindi niya akalaing ang babaing minamahal niya ng sobra-sobra ay walang pagmamahal talaga sa kanya at ginagamit lang siya dahil sa pera niya.  Napakasakit sa kanya ng nalaman, pakiramdam niya ay pinagpira-piraso ang puso niya.  Tinitigan niya ang nakasarang pinto at nag-iisip kung kokomprontahin niya ba ang nobya o aalis na lang at hindi na mag-aaksaya ng panahon pa. Pinili niya ang una, bumalik siya sa sala, doon niya hihintayin ang dalawang taksil. Nagsalin siya ng alak sa isang baso at binuksan ang TV, pinalakasan niya ang volume upang malaman ng mga ito na may ibang tao maliban sa mga ito. Hindi nga nagtagal ay lumabas si Penelope na nakaroba lang, nakangiti itong lumapit sa kanya at hahalikan sana siya sa labi ngunit umiwas siya. Halatang nagulat ang kanyang nobya sa ginawa niya ngunit hindi niya iyon pinansin. “I want to talk to you, puwede ba?” saad niyang nginitian ito ng matamis, hindi siya nagpahalatang may alam na siya sa totoong motibo nito. “May problema ka ba, Honey?” malambing na tanong nito na umupo sa kandungan niya.  Gusto niyang itulak ang nobya palayo sa kanya, kung maari lang ay ayaw na niyang lumapit pa ito sa kanya pero kailangang magtiis pa siya ng ilang sandali. Gusto niyang makita ang pagkabigo at pagkadismaya sa mukha nito sa panloloko nito sa kanya.  Hindi niya ito sinagot, kinuha niya ang maliit na kahon na nasa bulsa niya at inilapag iyon sa mesa. Narinig niya ang pagsinghap ng nobya at nang tingnan niya ay umiiyak pa ito. Sa loob-loob niya ay mapakla siyang tumawa, sobrang kapal na siguro ng mukha nito at magaling nga talagang magpanggap. “Dux, what's the meaning of this?!” gulat na wika nito na para bang tuwang-tuwa sa pinakita niya. “It’s an engagement ring,” nakangising sagot niya. “Are you proposing to me?” tanong pa nito.  Matagal bago siya nakasagot. “Yeah.” “Oh my God, Dux! I love you so much, honey, of course I will marry you!” Nagpahid pa ito ng luha sa mga mga mata at umiiyak na yayakap sana sa kanya ngunit agad niya itong itinulak palayo. Naguluhan ito sa inasal niya at halatang nagulat, hindi siguro nito akalaing magagawa niyang itulak ito pagkatapos ng pag-amin niyang papakasalan niya ito. “That’s what I’m planning to do but I’ve change my mind,” madilim ang mukhang saad niya. Natigilan si Penelope sa sinabi niya, ang kaninang lumuluhang mga mata ay naging mailap. “What do you mean?” Natawa siya ng pagak. “What? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, kung bakit nagbago ang isip ko?” sarkastiko niyang tanong dito. “I don’t know what you’re talking about, ano ba ang nangyayari sa’yo?” anito. “I’m breaking up with you, from now on, don’t ever think of calling me again. Ever.” Madiin niyang bigkas, hindi pinansin ang sinabi nito.  Kinuha niya ang maliit na box sa mesa at tumayo na, nagawa na niyang makipag-hiwalay dito kaya tapos na ang pananatili niya sa basurahang kuwartong iyon. “Dux, anong ginawa ko? Bakit ka ba naging ganyan sa akin? Mahal mo ako, ‘di ba? Don’t do this, you know that I love you so much,” umiiyak na wika nito na humawak pa sa braso niya Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at pinagpag iyon na para bang nandidiring magkadikit ang mga balat nila.  “Hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko at ang sinasabi mong pagmamahal mo sa akin, I will not believe you anymore. Stop acting like you don’t know anything,” kalmado niyang wika. Kailangan niyang kontrolin ang sarili niya kung ayaw niyang may mapatay siya ngayong gabi. “Dux please—,” hindi nito naituloy pa ang sasabihin sa kanya dahil pagkabukas niya ng pinto ay pabalag niyang isinara iyon.  Nagmamadali siyang umalis sa gusaling na iyon at isang direksyon ang tinahak at pupuntahan. Wala siyang ibang naiisip puntahan kun’di ang bahay ng kanyang nakababatang kapatid.  Paghinto ng kanyang sasakyan ay agad siyang pumasok sa loob, may sarili siyang susi kaya naman ay malaya siyang nakakapasok dito. Dumiretso siya sa Bar island at kumuha ng alak at walang anu-ano’y tinungga iyon. Ngayon niya ilalabas ang lahat ng galit na kanina pa niya kinikimkim, gusto niyang magwala ngunit alam niyang hindi puwede dahil tiyak na papatayin siya ng kapatid niya kapag may nabasag o nasira sa bahay nito kaya naman nagkasya na lang siya sa pag-inom ng alak. Lulunurin niya ang kanyang sarili sa alak ngayon, baka sakaling mabawasan ang sakit na ginawa ng babaeng minahal at iningatan niya. Hindi niya talaga akalaing sa loob ng mahabang panahong relasyon nila ay walang kahit na konting pagmamahal si Penelope sa kanya. Ang tanging mahal lang nito ay ang pera at karangyaan niya. Halos mangalahati na ang boteng iniinom niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa paglagok na para bang tubig lang ang iniinom niya. “What the f**k! You scared me to death, bakit hindi mo man lang binuksan ang ilaw?” gulat na wika ng kanyang kapatid at siya nang nagbukas ng ilaw. Isang malutong na mura na naman ang pinakawalan nito nang makita ang kanyang itsura. Base sa reaksyon nito mukhang nakakaawa nga siguro ang kalagayan niya ngayon. “What happened bro? Nag-aalala na tanong nito sa kanya. “Max, she fooled me,” hindi na niya napigilan pa ang sarili at humagulhol siya sa harap ng kapatid niya. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang katawa-tawa sa harap nito, hindi na niya talaga kaya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Sa loob ng mahigit isang taon ay ginawa niya ang lahat para mas lalo pa siyang mahalin ng dalaga, ni hindi niya ginawang makipaglapit sa ibang babae dahil sa natatakot siyang baka kung ano ang isipin nito.  “Hey, ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Max na tinapik siya sa balikat.  Ikinuwento niya rito ang mga naganap bago siya napunta sa bahay nito, kilala ni Max ang kanyang nobya at ilang beses na rin niyang isinama ang dalaga sa mga family gathering nila. Nang matapos magkuwento ay hindi napigilan ni Max ang sariling hampasin ng malakas ang mesang nasa harap nila. Tiningnan niya lang ang galit na galit nitong mukha, inubos niya ang laman ng isang bote at balak niya pa sanang kumuha ng isa pa nang pigilan siya nito at pagsabihan.    “Stop torturing yourself like this, tumahan ka na. Be a man, dude, let her be your bitter past, move on.” Seryosong wika nito. Hindi siya umimik sa sinabi nito kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita. “You know what? Bakit hindi ka muna magpuntang U.S? May ipinapaasikaso sa akin si Daddy doon, bakit hindi na lang ikaw ang pumunta?”   “Okay,” tugon niya at tahimik na nilisan ang Bar. Siguro nga kailangan niyang lumayo para makalimot, kailangan niyang lumayo para gamutin ang puso niyang nasugatan. Hindi madali pero kailangan niyang gawin kaya naman kinabukasan ay inasikaso na niya ang lahat para sa pag-alis. Aalis siya para buuin muli ang wasak niyang puso at sinisigurado niyang sa pagbabalik niya ay mas matatag na ito at protektado. Kung maari lang, ayaw na niyang umibig ulit, ayaw na niyang pagdaanan ang sakit at pagtataksil.  Ngunit magagawa niya pa kaya iyon sa oras na sumakay siya ng eroplano at masilayan ang magandang mukha ng babaeng maka-katabi niya? Maprotektahan nga kaya niya ang puso niya sa nakaabang na bagong pag-ibig? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD