CHAPTER 1

1658 Words
Katok sa pinto ang pumukaw sa kanya sa pangangarap niya ng gising. Bigla siyang napasimangot at sinamaan ng tingin ang bagong dating. "Anong kailangan mo?" nakasimangot niyang tanong sa nakangising kaibigan. "Pinapatawag ka ng Prince Charming mo," nakangising sagot nito at umupo sa harap ng office table niya. Agad na nagliwanag ang kanyang mukha nang banggitin nito ang Prince Charming niya, tumayo na siya at inayos muna ang sarili bago iniwan ang kaibigan sa kanyang opisina. Anim na buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang pinaka-masamang tagpo sa kanyang buhay, malaki ang naging epekto sa kanya ng mga pangyayaring iyon at talagang sinisisi niya ang kanyang sarili. Mabuti na lang at naisipan niyang magbakasyon at magpunta ng U.S para doon manatili hanggang sa tuluyan siyang maka-recover. Akala niya dati ay mapuputol na ang ugnayan nila ni Warren, pero hindi niya inaasahan ang pagsunod nito sa kanya at personal na humingi ng tawad. Muli ay naniwala na naman siyang ito ang taong nakatadhana sa kanya, kaya naman ay umasa siyang liligawan siya nito. Sabay silang nagbalik ng Pilipinas at inalok agad siya nitong magtrabaho sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito. Kaya nandito siya ngayon at nagtatrabaho bilang Personal Secretary nito. Kumatok siya ng tatlong beses bago narinig ang malamig nitong boses, kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang kilig na kumakalat sa buong katawan niya. "May kailangan ka ba?" nakatinging tanong niya pagkapasok sa opisina nito. Nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Hi, yes, kailangan ko kasing basahin ang report na ito. Puwede bang ayusin mo ang pagkasunod-sunod nito? I need it, at four in the afternoon, kaya mo ba?" Tumingin siya sa relo na nasa bisig niya, ala una na ng hapon. Tiningnan niya ang makapal na dokumentong itinuro nito. "Yes, I can!" nakangiting saad niya at lumapit para kunin ang mga iyon dito. "Thank you, by the way next week, isasama kita sa U.S for an important conference. Kailangan kita doon kaya kailangang sumama ka," nakangiting saad nito sa kanya. "No problem Sir, ngayon pa lang magpapaalam na ako sa parents ko," aniya na halos magtatalon sa tuwa. Imagine, magpupunta sila ulit sa U.S! And take note, silang dalawa lang, hindi niya naitago ang saya sa mukha niya hanggang sa bumalik siya sa maliit niyang opisina. Nadatnan niya roon ang kanyang kaibigan na pinapakialaman ang kanyang laptop. Parang may tinitingnan itong kaaya-aya at parang ayaw na nitong alisin ang paningin doon. Tumikhim siya para ipaalam ang pagdating niya, saka lang ito bumalik sa katinuan at tiningnan siya na parang may gustong itanong. "Hindi naman yata tama ang pangingialam mo sa gamit ng iba, Lettecia, hindi mo ba alam ang salitang privacy?" nakataas ang kilay na sabi niya at nilapitan ito. Isasara na sana niya ang laptop nang matigilan sa nakitang tinitingnan nito. Larawan niya iyon kasama ang guwapong lalaking nakasabay niya sa eroplano papunta ng U.S. Nakaattach sa larawang iyon ang maliit na mensaheng galing sa binata. Hi, I hope you remember me, I just want to know if you're fine. Pasensya ka na kung nagiging makulit na ako at lagi kang pinapadalhan ng email together with our photos. Remember the wedding of my brother and your best friend, Caryn? I was there but I never have the chance to talk to you in private kasi umalis ka kaagad pagkatapos ng wedding at simula noon ay hindi na kita nakita. I tried to find your contacts pero nag-atubili ako dahil baka masamain mo iyon so, I waited for you to show yourself at Caryn's new house but you never visited her which makes me sad. I know it's absurd but I think I like you, it may happen so fast but I can't stop thinking of you ever since we met on the airplane. Please be careful always and I really hope you'll never forget me. Habang binabasa niya ang email nito ay hindi niya napigilan na maguluhan at malito. Brother? Ibig sabihin kapatid niya si Harvey?! Tiningnan niya ang email address na ginagamit nito at mas lalong lumaki ang mga mata niya nang mapagtantong kapatid nga ito ni Harvey. "You know, you're very lucky, right?" tanong ng kaibigan niya na nakatingin sa kanya. "I -" wala siyang maapuhap na salita. Tiningnan niya lahat ng sinasabi nitong email at ngayon niya lang nalaman na ang dami na pala talagang mensahe nito at bawat mensaheng pinadala nito ay may kasamang mga stolen shots niya sa eroplano maging sa kasal ng kaibigan niya. Bakit ngayon lang niya nakita ang mga ito? Is there something wrong with my emails? "Sa reaksyon mo ngayon mukhang wala kang alam na nag-eemail na sa'yo ang isa sa mga tanyag na Bachelor sa bansa. Alam mo bang gusto kitang batukan ngayon? Hindi mo alam kung ano ang sinasayang mo!" panenermon nito sa kanya. Sinimangutan niya ito. "Sinayang ka riyan, nanghihinayang lang ako na hindi ko kaagad nakita ito, sana hindi na siya umabot sa ganitong kadaming email. Nakakahiya roon sa tao," aniya na isinara ang laptop at pinatayo ang kaibigan niyang tila nagulat sa sinabi niya. "Iyon lang ang sasabihin mo?! Mauricia, isang Mondragon ang nag-confess sa'yo!" sigaw nito sa kanya. "Alam mong may iba akong gusto, kaya walang mangyayari sa feelings niya para sa akin. Kakausapin ko na lang siya at sasabihin ang totoo, ayokong magkasala kay Warren," aniya na hindi pinansin ang pagkalukot ng mukha ni Lette. "Magkasala? Bakit nililigawan ka ba ng Boss mo?" nakakibit ang balikat na tanong nito sa kanya. Natigilan siya sa tanong nito pero maya-maya lang ay nagpatuloy na sa ginagawa niya. "Hindi kami nagmamadali, mas ine-enjoy muna namin ang kung anong meron kami ngayon. Kaya ko siyang hintayin, isa pa mga bata pa kami para isiping pumasok sa isang relasyon. Di ba nga may kasabihan, mas gaganda ang pagsasama ng dalawa kapag nabuo ang pagmamahalan nila sa pagka-kaibigan?" Umiling lang ang kaibigan niya at halatang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya. "Ewan ko lang diyan sa sinasabi mo, sa tagal ko nang inoobserbahan kayong dalawa ay wala talaga akong makitang karoma-romantic sa Boss mo. He likes you I agree with that, pero hindi iyon dahil gusto ka niyang maging nobya," seryosong saad nito sa kanya. "It's early to conclude that, hindi pa kami gano'n katagal magkakilala. I know he's the one for me, that destiny gives him to me."  "Whatever, I'm out of here. Puso mo naman ang makakaramdam ng totoo, huwag mo lang sanang ipagpilitan ang isang bagay na alam mong walang kabuluhan. Sana hindi pa huli ang lahat bago mo ma-realize ang totoong nararamdaman mo." Pagkatapos nang huli nitong sinabi ay umalis na ito sa kanyang opisina. Naiwan siyang tila tinamaan sa sinabi nito, posible ba talaga ang mga sinabi ng kaibigan niya? Huminga siya ng malalim at isinantabi na lang muna ang bagay na iyon, kailangan niyang mag-focus sa pinapagawa sa kanya ni Warren, ayaw niyang mapahiya rito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bumangon ang inis niya sa kapatid ni Harvey, kung hindi dahil dito ay hindi siya malalagay sa sitwasyon ngayon. PAGKATAPOS niyang mai-send ang ginawang mensahe para kay Maureen ay hindi niya napigilan ang huminga ng malalim. Sa edad niyang bente-siyete, ay hindi niya akalain na magsusulat pa siya ng love letter para sa babaeng gusto niya. He likes her, the moment he laid his eyes on her ay alam niyang naging abnormal ulit ang puso niya just like the day that he first met his ex-girlfriend. Sa pagkakaalala sa dating nobya ay bigla na namang tumiim ang anyo niya, hindi pa rin siya tinitigilan nito at halos araw-araw ay kinukulit pa din siyang makipag balikan dito. Hindi niya sinabing may nalalaman na siya sa masamang balak nito, kahit papaano ay gusto niyang isipin nitong nakipaghiwalay siya dahil sa ayaw na niya dito. Isinara niya ang kanyang laptop at inikot ang kanyang upuan upang humarap sa malaking salaming bintana.  Nasaan na kaya siya ngayon? Gustuhin man niyang imbestigahan ang dalaga ay hindi niya kayang gawin iyon dahil naniniwala pa rin siya kung sadyang nakatadhana silang magkita kahit gaano pa man katagal iyon ay mangyayari pa rin naman iyon. Kaya ang gagawin niya na lang ay maghintay at paghandaan ang araw nang muli nilang pagkikita. Isang katok sa pinto ang pumukaw sa pagmumuni-muni niya, pumasok ang kanyang sekretarya at may iniwang papeles sa kanyang mesa. Hindi siya nag-abalang tanungin ito at tingnan man lang, he's not the kind of Boss na makikipag-usap sa mga empleyado niya lalo pa't wala namang importanteng sasabihin ang mga ito. "Uhm, Sir, Mr. Mendez of M&M Corp. is waiting for your response about his business proposal." Atubiling wika ng kanyang sekretarya. "Tell him, I'm busy," simpleng tugon niya sa kanyang sekretarya. "Pero ilang beses ko na pong sinabi iyan sa kanya, baka makahalata na po si Mr. Mendez," sabi nito. "Then so be it, I am not interested with his goddam business anyway." prangka niyang saad sa kanyang sekretarya. "Pero Sir-"  "Kung wala ka nang sasabihing importante, get out," wika niyang hindi na pinatapos sa sasabihin pa ng sekretarya niya. "Okay Sir," mahinang usal ng kanyang secretary. Maya-maya pa ay umalis na nga ito at saka lang siya umikot para tingnan ang dinala nitong dokumento. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mabasang isa iyong imbitasyon galing mismo sa kompanya ng M&M Corp, magkakaroon sila ng malaking Conference meeting na magaganap sa U.S at inaanyayahan siyang dumalo. Nilamukos niya iyon at itinapon sa trash bin na nasa gilid lang niya. "I won't waste my time with a bunch of trash," wika niya sa sarili at binuksan ulit ang email niya. Nagbabaka-sakaling magreply na sa kanya ang dalaga. Para namang dininig ng langit ang kanyang hiling dahil may nabasa agad siyang notification galing sa dalaga. Hi, I'm sorry, ngayon ko lang nabasa lahat ng mga emails mo. I'm a kinda busy person, nag-email lang ako para sabihing tigilan mo na ang kapapadala ng mga stolen photos ko. It's kinda creepy and I really didn't expect na sa'yo pa manggagaling iyon, but thank you for letting me know how you feel. It is such an honor for me, but then again I'm sorry, I didn't feel the same way. Sana ito na ang huli mong email sa akin, bye!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD