Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa dieretsahang pagtanggi ng dalaga sa pagtatapat niya. Masakit man ay nagawa niya pa ring intindihin ito, kasalanan naman niya kasi ura-urada ang ginawa niyang pagpapahayag ng damdamin kahit isang beses lang sila nagkita at nagkakilala.
Natagpuan niya ang sariling nagtitipa at nagpapadala ulit ng mensahe dito.
I'm sorry if I scared you, pero gusto ko lang talaga malaman kung okay ka na ba? Umiiyak ka pa ba? Nasasaktan ka pa? Gusto mo pa ba nang taong makikinig sayo? I'm really worried about you and please forget what I'd said a while ago, kaya ko namang kontrolin ang damdamin ko but don't tell me to stop talking to you and get to know you more. Kahit isang kaibigan lang okay na ako doon just accept me, please?
Pagka-click niya sa 'enter' ay wala sa sariling napapunas siya ng pawis sa noo, hindi niya akalaing magagawa niyang makiusap sa isang babae gayung pinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya makikipaglapit pa sa mga babae. Kung makikita lang siya ni Max at ng iba pa niyang kapatid na ginagawa ito ay tiyak na sandamakmak na pang-aasar ang aabutin niya sa mga iyon.
Dumaan ang ilang minuto ngunit wala na siyang natanggap na reply mula rito, mukhang wala na nga talagang pag-asang mapalapit pa siya rito. Nanatili siyang nakatutok lang sa screen ng laptop niya at parang tangang naghihintay sa reply ng dalaga.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal naghintay at nakatutok lang sa laptop, kung hindi pa kumatok ang kanyang sekretarya ay hindi niya pa malalamang oras na pala ng uwian. Hinilot niya ang kanyang sentido at isang sulyap pa ang ginawa sa laptop bago tumayo upang umalis na.
Pasakay na siya sa kanyang kotse nang tumunog ang telepono niya at nakitang tumatawag na naman ang kanyang dating nobya. Hindi niya pinansin iyon at hinayaan lang ito, ayaw talaga siyang tigilan ng babae kahit pa sinabi niya na ayaw na niya rito.
Dumeretso siya sa bahay ni Max at naabutan niya itong may kausap sa telepono at prenteng nakaupo sa sala.
"Look Brianna, I have a lot of stuff to do, wala akong oras para makipagbangayan sa'yo ngayon so, stop nagging at me, okay!" iritableng wika nito sa kausap.
Napataas ang kilay niya sa narinig na reklamo ng kapatid sa nobya nito. Napapansin niya na lately ay napapadalas na ang away ng mga ito at kapag ganito na ang nangyayari ay makikipaghiwalay na ang binata sa nobya nito.
"Okay, we're done, I'm breaking up with you and goodbye!" pagkasabi ni Max ng mga salitang iyon ay agad nitong pinatay ang tawag at itinapon sa katabing upuan ang telepono.
Napailing na lamang siya sa inasta ng kapatid, ano pa bang bago? Isa sa mga characteristics nilang magkakapatid ay kapag may ayaw sila ay walang kahit na sinong makakapagpabago pa sa desisyon nila. Kesyo malaking kawalan iyon sa kanila they don't give a damn care.
"What happened with you and your girlfriend?" kibit ang balikat na tanong niya sa kapatid.
Marahas itong nagbuga ng hangin at hinilot ang sariling sentido. "She's a pain in the ass! Halos araw-araw na magkausap kami, wala siyang ibang ginawa kun'di ang makipagtalo.
"Pang-ilan na ba iyan simula nang maikasal si Harvey?" tanong niya.
Naptingin sa kanya si Max at parang hindi makapaniwala sa tanong niya.
"What?" nakakunot ang noong tanong din nito sa kanya.
"Oh, come on, alam kong naiinggit ka sa loko-lokong kapatid nating iyon." Wika niyang kumuha ng magazine at binuklat iyon para aliwin ang sarili. Ayaw niyang ipakitang maging siya ay nakakaramdam ng kaunting inggit, kaunti lang naman.
Natawa ito at binato siya ng unan. "Stop acting like that, hindi bagay sa'yo bro."
Tumigil siya sa pagbabasa at tumingin dito. "He's very lucky to met someone like her," seryoso niyang saad sa kapatid.
"Yes he is, at ang nakakainis pa ay lagi niyang ipinapamukha sa atin iyon," anito na sinamahan pa ng mahinang halakhak.
"That's why desperado ka ng makahanap ng babaeng papakasalan mo, Max, kung ayaw mong masakatan sa huli tumigil ka na. You know how bad karma when it gets back to you, ayokong makita kang umiiyak sa huli," aniya.
"I'm not like you bro, and I am prepared for this. Kaya nga hinihiwalayan ko na kapag nararamdaman kong hindi na tama ang ginagawa ko," seryosong saad nito.
Walang siyang nagawa kun'di ang umiling na lang. Mahirap pangunahan ang isang taong hindi pa nakakaramdam paglaruan ng tadhana, sana lang ay handa talaga ang kapatid niya oras na biruin siya at pagtripan nito.
"By the way, why are you here? Hindi ba dapat umuwi ka sa condo mo?" pag-iiba nito sa usapan nila.
Siya naman ang napabuga ng marahas at parang pagod na pagod na sumandal sa mahabang sofa.
"Hindi pa rin ako tinitigilan ni Penelope, alam kong pupuntahan niya ako sa condo ko kapag umuwi ako roon, alam niya rin kung saan ang Penthouse ko at ayokong puntahan niya ako roon. I don't have any choice, dito hindi niya ako mapupuntahan dahil sa higpit ng security sa labas ng subdivision mo." Paliwanag niya dito at ipinikit ang mga mata.
"There's something bothering you, my dear brother?" tanong nito na hindi pinansin ang paliwanag niya.
"None," simpleng sagot niya na hindi nag-abalang buksan ang mga mata.
"Stop lying you're not good at that. May bumabagabag sa isip mo kaya ka nagpunta dito, hindi isang katulad ni Penelope ang makakapagbahag ng buntot mo at magtatago na parang takot na takot," anito.
Iminulat niya ang mga mata at nakita ang nakangisi nitong mukha. Lihim siyang napailing at natawa dahil wala talaga siyang maitatago dito.
"I met a woman six months ago, noong papunta akong States." pag-amin niya rito.
Nanlaki ang mga mata ni Max sa rebelasyong nalaman mula sa panganay na kapatid. Bakat sa guwapong mukha nito at sa kulay kahel nitong mga mata ang malaking pagkagulat.
"And then?"
Huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. "She don't like me, ayaw niyang makipagkita sa akin o magpakilala man lang ng maayos."
"Teka, ang sabi mo nakilala mo siya pero hindi kayo nagkakilala ng maayos? Dude, nasaktan ka lang humina na ang kamandag ng karisma mo? Walanjo naman, Kuya," hindi makapaniwala na saad nito.
"It's not like that, we've met pero isang beses lang iyon, I decided to talk to her and to know her, but he rejected my offer." Nagkakamot ng ulong wika niya.
Narinig niya ang nang-aasar nitong tawa. "Ang panganay sa magkakapatid na Mondragon ay nareject ng isang babae? That's a big news you know."
"Shut up, hindi ako susuko. Hahanapin ko kung saang kompanya siya nagtatrabaho o 'di kaya bibisitahin ko si Caryn, para magtanong," wika niya.
"Kilala ni Caryn ang babaeng tinutukoy mo? Iyan ba ang Maid of Honor ni Caryn?" nakakunot ang noo na tanong nito.
Tumango siya.
"Ang sabi mo nagkakilala na kayo before the wedding pero bakit hindi kayo nagpansinan sa kasal nina Harvey at Caryn?" tanong ulit nito.
"Hindi ko na siya inabutan, pagkatapos ng kasal ay bigla na lang itong umalis at hindi ko na siya nakita pa simula noon," sagot niya.
"Hindi mo siya hinanap?" tanong na naman nito.
Umiling siya.
"Bakit?" he asked again.
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong nito. "Do I need to find her? If destiny decides, magkikita at magtatagpo rin kami, maaaring hindi pa ngayon pero darating din ang araw na iyon. When that time comes, hindi ko na talaga siya papakawalan pa."
"You're creepy bro, may destiny ka pang nalalaman. Hindi naman iyon totoo, saan mo ba pinagpupulot ang mga kalokohang iyan?" natatawang utas ng kanyang kapatid.
"Hindi ako nagbibiro, Max, kaya ikaw tumigil ka na sa ginagawa mong paglalaro sa mga babae. Hindi mo alam kung kailan ka sisingilin ng tadhana sa mga kalokohan mo," pangangaral niya dito.
"Dude, tayo ang gumagawa ng tadhana na iyan. No one can manipulate our feelings except us, hindi kayang kontrolin ng tadhanang iyan ang buhay natin dahil tayo ang may hawak niyon," wika naman nito at tumayo na't nagpaalam na sa kanya.
"Alis na muna ako, huwag kang magkakalat sa bahay ko kung gusto mo pang makalabas-pasok dito. Iyang sinasabi mong tadhana mo, kung hindi ka kikilos baka maunahan ka na naman ng mga kapatid natin sa pag-aasawa," dagdag pa nito sabay alis nang bahay.
Naiwan siyang malalim na nag-iisip sa huling sinabi ni Max, kailangan niya na bang kumilos at pangunahan ang tadhana? Paano pala kapag hindi siya ang nakatadhana na makasama niya habang buhay? Magsasayang na naman ba siya ng effort at panahon na magmahal?