CHAPTER 3
MAAGANG PUMASOK sa opisina si Maureen, ngayon kasi ang napag-usapan nilang pag-alis papuntang U.S. para sa importanteng meeting ni Warren kasama ang ilang matataas na negosyante sa iba’t-ibang parte ng mundo. Excited siyang ma-solo ulit ang lalaking mahigit isang taon din niyang pinangarap na maging nobyo. Sana naman sa pagsasama nila ngayon ay magparamdam na ang lalaki sa kanya. Halos araw-araw na matutulog siya at gigising sa umaga ay iyon lamang ang ipinagdarasal niya sa Panginoon.
“Ang aga natin Mauricia, ah, hindi halatang excited ka,” pangungutya ng kaibigan niyang si Lette.
“Ano ka ba naman, kailan ba ako na-late sa trabaho ko?” aniya na ikinumpas pa ang kamay sa ere.
“Sows! Talagang hindi ka pa aamin na excited ka? O, sige nga bakit nandito ka ngayon, alam mo naman na aalis kayo mamayang hapon, ‘di ba? Huwag mong sabihing hindi ka sinabihan ng Prince Charming mo?” nakataas ang kilay na wika nito.
Nangunot ang noo niya at inalala kung may sinabi ba si Warren sa kanya noong huling nagkausap sila.
“Wala kang maalala? O, wala siyang sinabi sa’yo?” anito. May kinuha itong papel sa memo pad at iniabot sa kanya.
Kindly tell Maureen to open her email when she arrives at the office. Thank you.
-Sir Warren.
“Bakit ‘di niya na lang ako tinawagan o tinext man lang? Kailangan sa email pa talaga?” aniya sa mahinang boses at hindi niya naitago ang inis sa tono ng pananalita niya.
“Well, what do you expect from your Boss? Secretary ka niya at nagiging professional lang siya, ayaw niyang isipin mo na may gusto siya sa’yo, gano’n lang iyon, bessy.” Nakangising utas ni Lette at tinapik siya nito sa balikat bago ito umalis sa harap niya.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Salamat sa pagiging magaling kong best friend!” nang-uuyam na wika niya.
“You’re always welcome, my dear.” Nakangising sagot nito habang pabalik sa cubicle nito.
Nagpunta siya sa kanyang maliit na opisina at binuksan ang email na sinasabi ni Warren. Bakit kasi kailangan pang e-email gayong puwede naman siyang tawagan? Magkikita naman sila doon, ah! Minsan hindi niya rin talaga maintindihan ang ugaling meron si Warren. Nakakairita ang pagiging manhid nito at walang pakialam sa obvious niyang pagpaparamdam dito.
Pagkabukas niya ng kanyang email ay agad tumambad ang isang mensahe na nagmula kay Dux Mondragon, ang panganay na kapatid ni Harvey. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, siguro kung hindi lang talaga siya nagkakagusto sa ibang lalaki ay bibigyan niya ito ng tsansang mapalapit sa kanya at makilala ito. Isa itong Mondragon at hindi lahat masuwerteng tulad niya na nagugustuhan ng isa sa milyonaryong binata. Hindi niya pinagkaabalahang basahin ang message nito at binuksan ang email na galling kay Warren.
Pagkatapos niyang basahin ang laman ng email nito ay gusto niyang magpapadyak sa sobrang inis. Ang buong akala niya ay sabay silang aalis papuntang U.S. pero bakit nauna ito at iniwan siya?
Naiinis na kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Warren. Ilang ring muna ang narinig niya bago ito sumagot.
“Hello, Maureen, nabasa mo na ba iyong email na pinadala ko sayo?” tanong agad nito sa kanya.
“Oo, binabasa ko pa lang ngayon. Akala ko ba sabay tayong magpupunta, bakit kailangan kong magpaiwan at asikasuhin ang isang ito?” tanong niya na halata sa boses ang pagkadismaya.
“I’m sorry, Mau, kailangan kasi talagang makadalo ang taong iyan sa VIP Conference. Malaking bagay ang presensya niya doon dahil sa lawak ng impluwensya nila sa Business World, kaya kailangan mo siyang makumbinsi na sumama, ito lang ang paraang alam ko na hindi niya ako mahihindian.” pahayag nito sa kanya.
Marahas siyang nagbuga ng hangin at wala pa rin sa loob niya ang pumayag sa pakiusap nito. Hindi ganito ang ini-imagine niyang mangyayari sa kanilang dalawa ni Warren. Kainis!
“Mau, please, pagbigyan mo na ako. Sasamahan mo lang naman siya papunta dito at pagkatapos, pagdating niyo rito nasa tabi na ulit kita… as my secretary.” Pangungumbinsi pa nito sa kanya, pinalambot din nito ang pagsasalita para hindi siya makatanggi sa paki-usap nito.
“Dito? You mean, nasa States ka na?!” malakas ang boses na tanong niya rito.
“Yes, kahapon pagkagaling ko sa office, dumiretso na ako sa airport. I ride a private plane, I needed to be here first dahil sa mga aasikasuhin ko before the event,” sagot nito sa kanya.
“Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? I am your personal secretary kaya dapat na kasama mo ako, ‘di ba?” may himig ng pagtatampo sabi niya. Kaya pala hindi man lang siya nito tinawagan nang makauwi siya galing sa office.
“Maureen, don’t act so immature! Yes, you’re my personal secretary kaya nga hindi muna kita isinama dahil nga may pinapagawa ako sayo diyan.” Pormal na wika ni Warren.
Nasaktan siya sa sinabi nito parang gusto niya itong sigawan at sabihing napakamanhid nito at hindi man lang makaramdam sa ipinapahiwatig niya.
“Maureen, are you still there?” anito.
“Yeah,” walang buhay niyang sagot.
“Nagkakaintindihan na ba tayo? If yes, ngayon din pumunta ka sa office niya at sabihing secretary kita. Sabihin mo ng maayos na gusto mo siyang personal na samahan papunta rito. He’s our main goal para sa gaganaping VIP Conference, kung wala siya hindi magiging succesful ang meeting na ito and you know what I mean,” saad nito na parang sinasabi sa kanya na kahit anong mangyari ay kailangan niyang makumbinsi na sumama ito sa kanya..
“Do I have a choice?” pagsukong sabi niya.
Mabigat man sa loob niya ay kailangan niyang gawin para sa kasiyahan ni Warren. ‘Pasalamat ka, at mahal kita kasi kung hindi, never kong gaawin ito.’ sabi niya sa sarili niya.
“Okay, pupuntahan ko na. Sino at saan ko siya puwedeng puntahan?” tanong niya.
“Thank you, Mau, babawi ako sayo kapag nandito ka na.” Natutuwang wika nito sa kanya.
Namilog ang mga mata niya at agad nabuhayan ng dugo sa sinabi nito. ‘Alright!’ Napasuntok pa siya sa hangin sa sobrang saya niya.
“Dapat lang talagang bumawi ka,” Naka-ingos niyang sagot rito habang lumilipad na ang isipan sa mga posibleng mangyari kapag magkasama na silang dalawa sa U.S.
Tumawa ito. “Nai-email ko na sa’yo kung saan ang office ni Mr. Mondragon, good luck. Sana makumbinsi mo siya. I need to hang up the phone, see you soon. Bye!” wika nito at hindi na hinintay pang magsalita siya.
Napanganga siya sa binanggit nitong pangalan. Tama ba siya sa narinig? Mondragon? Para makasigurong tama ang kanyang narinig ay binuksan niya ang kanyang email at binasa ang contact information na ipinadala ni Warren.
“Oh my God!” Natutop niya ang kanyang kanyang bibig nang malaman kung sino ang tinutukoy nitong Mondragon.
Pagkagaling sa bahay nina Harvey at Caryn ay dumiretso na siya sa kanyang Penthouse upang mag-empake, kailangan niyang sundan si Maureen. Tama si Max kung hindi siya kikilos ay hindi mapapasaknya si Maureen. Kailangan niyang lapitan ang dalaga at magpakilala saka na niya iisipin kung nakatadhana ba talaga silang dalawang magkataluyan o hindi, ang importante ngayon ay mapagbigyan niya ang kanyang puso sa kagustuhan nitong mapalapit sa puso ng dalaga.
Pagkarating niya sa kanyang Penthouse ay agad siyang sinalubong ng kanyang lasing na ex-girlfriend, nagdilim ang kanyang mukha at wala sana siyang balak na pansinin ito ngunit agad itong humarang sa kanya.
“Dux, can we talk?” wika nitong umangkla agad sa balikat niya.