CHAPTER 4
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, we’re already done.” Malamig na wika niya at tinanggal ang mga kamay nitong nakahawak sa balikat niya.
“Iyon nga ang dapat nating pag-uusapan!” sigaw nito at nagsimulang humagulhol. “Wala akong kasalanan sa’yo kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo ako hiniwalayan! Hindi ko maintindihan kung bakit… Please, just tell me why did you break up with me.”
Nagtiim ang kanyang mga bagang at matalim ang mga matang tumingin sa umiiyak na dalaga. “Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo? Sigurado ka bang handa ka sa rebelasyong sasabihin ko sa’yo?” panghahamon niya kay Penelope.
Natigilan si Penelope sa sinabi niya, biglang umilap ang mga mata nito at parang hindi na makatingin sa kanya ng deretso. “Bakit hindi ka makapag-salita ngayon. Akala ko ba gusto mong malaman ang totoo?” Nakangising tanong niya rito.
Tunog ng telepono niya ang umagaw sa atensyon niya. “Umuwi ka na, huwag mo na akong guluhin pa kung ayaw mong mapahiya sa harap ko. Magtira ka ng kahihiyan para sa sarili mo.” Tinalikuran niya ito at hanggang sa maisara niya ang pinto ay hindi na ito umimik.
“Hello?” tanong niya.
“Hello, Sir. Mayro’n po kasing naghihintay sa’yo dito sa office. Ang sabi niya ay secretary siya ni Mr. Warren Mendez at narito raw siya para isama ka po sa Amerika para sa imbetasyon nila sa’yo bilang isa sa mga VIP,” anang kanyang sekretarya.
Nangunot ang noo niya. “I told you to reject his offer. Bakit nagpadala pa siya ng sekretarya niya? Naintindihan ba niya ang sinabi mo?” Kunot ang noong tanong niya.
“I did that Sir, pero—Miss, bawal iyang ginagawa mo!” Narinig niyang wika ng kanyang sekretarya. Mas lalong lumalim ang gitla sa kanyang noo sa naririnig na komosyon sa kabilang linya.
“Sabihin mo diyan sa kung sinuman na nariyan na may importante akong lakad ngayon at hindi ako sasama sa kanya. I have something more important to do than to waste my time in that meeting,” may halong iritasyon sa boses niya nang sabihin niya iyon.
“Mr. Mondragon, I’m sorry for being rude but I think we need to talk. My name is Maureen Santiago, the Personal Secretary of Mr. Warren Mendez. Kabilin-bilinan ni Warren na isasama kita sa VIP Conference in the States, and we will be heading at the airport sa oras na magpakita ka dito sa opisina mo. I will be waiting here at hindi ako aalis hangga’t hindi ka dumarating!” Mataray na wika ng babaeng nasa kabilang linya.
Natigilan siya sa narinig na pamilyar na boses.
‘Is that her?’ tanong niya sa kanyang isip. Hindi siya puwedeng magkamali sa narinig na boses sa kabilang linya.
“Sir, I’m really sorry, inagaw niya po ang telepono, paaalisin ko na po ba si Ms. Santiago? I already told her na hindi ka pupunta ng U.S, pero ayaw niya talagang makinig sa akin. Tatawag na po ba ako ng security?” hinging-paumanhin sa kanya ng kanyang sekretarya.
“No!” malakas na wika niya. “Tell her I’ll be there in twenty minutes!” sabi niya saka ibinaba ang kanyang telepono at nagmamadaling nag-empake.
Ayaw na ayaw ni Maureen na pinaghihintay ito ng matagal kaya wala na siyang panahon para mamili pa ng mga damit na dadalhin niya. Kunhg ano lang ang makuha niya ay iyon na ang nilalagay niya sa maleta. Kung hindi naman niya magustuhan ang mga nakuha ay okay lang dahil marami naman siyang damit sa kanilang ancestral house.
Habang nag-eempake ay hindi niya napigilang ngumiti ng matamis, hindi na pala niya kailangan pang magpakahirap na hanapin ang dalaga dahil mismong ang tadhana na ang naglapit sa kanila. Ang kailangan niya na lang gawin ay mapalapit siya dito at gagawin niya ang lahat para matutuhan lang siyang mahalin ni Maureen.
*****
Habang lulan ng sasakyan ni Dux ay wala siyang imik sa tabi nito, hindi niya pa rin matanggap ang sinabi nito sa sekretarya nito. Nilait at ininsulto nito ang imbitasyon ni Warren! Palibhasa ay isa ito sa mga Mondragon na tanyag sa pagiging matagumpay na businessmen. Tiningnan niya ang binata ng pailalim at pinag-aaralan ang mga katangian nito.
His nose was piercing, his eyelashes were fluttering and his eyebrows were thick. He has a perfect jaw that tightens when he hates someone. She stared at his red lips as if he was teasing her to kiss him.
Wait! Erase! Erase! Pasimple niyang ipinilig ang kanyang ulo at tumingin sa labas ng bintana.
‘Hindi ka dapat nagpapadala sa mga mapang-akit niyang katangian! Alalahanin mong masama ang ugali niyan at ininsulto ang lalaking minamahal mo!’saway niya sa kanyang malanding diwa.
Narinig niya ang pagtikhim nito ngunit hindi siya nag-abalang tumingin rito.
“Pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal. Kauuwi ko lang kasi galing sa bahay nila Caryn, I slept there,” anito.
“Kumusta na siya? Inaalagaan ba siyang mabuti ng kapatid mo?” Tanong niya rito na hindi na nag-abalang tumingin dito.
Hindi niya kasi napigilan ang pagsungaw ng lunglot sa kanyang mga mata sa pagkakabanggit sa kaibigan niya. Kailan ba ulit sila nag-usap ni Caryn? Hindi na niya maalala dahil hanggang ngayon ilag pa rin siya rito. Hindi niya maipagmalaki ang lalaking gusto niya dahil si Warren ang nagi9ng dahilan kung bakit muntik nang mahalay si Caryn ng dati nitong katipan.
“She’s doing great. Hindi naman siya pinapabayaan ng kapatid ko, siya pa nga yata ang nakukunsumi sa ugali ni Harvey. Napaka-immature pa kasi mag-isip ng mokong,” ani Dux.
“Mabait naman si Harvey, ah,” Hindi katulad mong mayabang! “Very down-to-earth, malambing, maalalahanin, mapagmahal at higit sa lahat mahal niya si Caryn. Hindi niya pinabayaan si Caryn kahit sa pinakamasakit nitong mga araw. Minsan, naiinggit ako kay Bestie dahil nakatagpo siya ng perpektong lalaking magmamahal at makakasama niya sa pagtanda. But I still believe na darating ang tamang oras na makikilala ko ang mga lalaking kagaya ni Harvey,” mahabang litanya niya.
“Do you like my brother?” tanong nito sa kanya.
“What? No! Of course not!” sabi niya na may kasama pang pag-iling. Inirapan niya ito at nakahalukipkip na ibinaling ang mukha sa labas ng bintana.
“Really? Pero kung puriin mo siya’y parang siya lang ang perpektong lalaki sa paningin mo,” saad nitong may kalakip na inis ang boses.
“Excuse me? Hindi porket pinuri ko iyong tao ay may gusto na ako, nasaksihan ko lang talaga ang ginawa niyang panliligaw at pag-aalaga sa kaibigan ko noong mga panahong broken-hearted si Caryn!” inis din niyang sagot dito.
“Pero iba ang sinasabi nang mga mata mo habang pinupuri mo si Harvey. Kaya ka ba umalis noon at umiiyak dahil hindi mo matanggap na mas pinili ng kapatid kong pakasalan ang kaibigan mo? Nagmamadali ka ring umalis sa kasal nila, is it all because of my brother?”
“Wow! I never imagine na ganyan ka pala. You’re judging the people through their looks! Ang galing mong gumawa ng kuwento at bilib din ako sa talas ng dila mo! Sana lang gamitin mo sa mas makabuluhang bagay iyang isip mo at hindi sa panghuhusga sa mga taong nakakaharap mo,” puno ng sarkasmong saad niya.
“If not, what are the reasons for your actions? Nang unang pagkikita natin, umiiyak ka at damang-dama ko ang sakit na nararamdaman mo dati, ako ang nakasama mo, remember? I was the one who talked to you and advised you that everything will be okay,” pagpapaalala nito sa unang beses na magkita sila.
“Mr. Mondragon, whatever my reason is, I think it’s none of your shitty business. Wala kang pakialam kung anuman ang gagawin ko sa buhay ko,” mataray niyang saad. “Kung wala ka namang sasabihing maganda, tumahimik ka na lang,” seryosong wika niya.
Mabuti na lamang at nakinig ito sa kanya dahil kung hindi ay baka hindi na niya talaga mapigil ang bibig niya at makapagsabi siya ng mga salitang tiyak na hindi nito magugustuhan. Ang kapal naman ng mukha nitong sabihin sa kanya na may gusto siya kay Harvey. Ano na lang ang sasabihin ng mag-asawa sa kanya kapag nakarating ang sinabi ng damuhong na katabi niya sa mga ito?
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinayapa ang kanyang isipan na nag-uumpisa na namang maglakbay sa nakaraan niya.